Ito ang isa sa pinaka-importanteng pagbubunyag namin kay Antonio
Ebanghelista at sa kaniyang mga kasama
BASAHIN PO AT IPALAGANAP PO NATIN ITO
ANG DIABLO
MAN AY SUMISITAS DIN
SUBALIT
UPANG MANLINLANG
Anong espiritu na ang naghahari kay Antonio Ebanghelista – sa Diyos ba
o sa diablo?
NAALA-ALA ba ninyo ang
kasaysayan ng tuksuhin ng diablo ang Panginoong Jesus sa ilang? Maganda pong
repasuhin muna natin ang kasaysayang ito. Ganito ang ating mababasa sa Mateo
4:1-4:
Mateo 4:1-4
“Nang
magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin
ng diablo. At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung
gabi, sa wakas ay nagutom siya. At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa
kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay
maging mga tinapay. Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa
tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig
ng Dios.”
Ang unang tukso ng diablo sa
Panginoong Jesus ay ang papag-alinlanganin Siya kung Siya ang Anak ng Diyos.
Nang magutom ang Panginoong Jesus ay sinamantala ito ng diablo at sinabi sa
kaniya na “KUNG ikaw ang Anak ng Diyos
(mapapansin na talagang ang nilalayon ng diablo ay mag-alinlangan ang mga lingkod
ng Diyos) “ipag-utos mo na ang mga batong
ito ay maging tinapay.” Tandaan po natin mga kapatid na ang alinmang
pinapag-aalinlangan tayo sa ating pananampalataya ay “lalang” ng diablo.
Ano ang isinagot ng Panginoong
Jesus sa diablo? Ang salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Ang sabi Niya, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay
ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Dahil dito,
ano ang ginawa ng diablo?
Mateo 4:5-8
“Nang
magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok
ng templo, At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog
ka: SAPAGKA'T NASUSULAT, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa
iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa
isang bato. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong
tutuksuhin ang Panginoon mong Dios. Muling dinala siya ng diablo sa isang
bundok na lubhang mataas, at pinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa
sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila.”
Muling tinukso ng diablo ang
Panginoong Jesus. Dinala niya ang Panginoon sa taluktok ng templo at sinabihan
Siya na “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, ay
magpatihulog ka: sapagka’t NASUSULAT…” Mapapansin na ang diablo ay
sumisitas din ng talata ng Biblia. GINAMIT NG DIABLO ANG TALATA NG BIBLIA
SUBALIT UPANG MANLINLANG. Ang sagot sa Kaniya ng Panginoong Jesus ay “Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin
ang Panginoon mong Dios.” PAGTUKSO sa Diyos ang ginawa ng diablo sapagkat
ginamit niya ang talata ng Biblia na may katusuhan, panlilinlang o pandaraya.
Pansinin ninyo ang sinabi sa talatang sinitas, “Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan
ka ng kanilang mga kamay, BAKA matisod ka ng iyong paa sa isang bato.” Ang
isinasaad sa sitas ng Biblia ay “BAKA matisod ka” samantalang ang sabi ng
diablo ay “Kung ikaw ang Anak ng Diyos,
ay MAGPATIHULOG ka.”
Samakatuwid, ang isang paraan
ng panlilinlang ng diablo ay sa pamamagitan ng pagsitas ng talata ng Biblia,
subalit TALIWAS o WALA sa talata ng Biblia ang kaniyang paliwanag o konklusyon kaya
panlilinlang o pandaraya lamang ang ginagawa ng diablo.
Tunghayan natin ngayon ang mga pahayag ni Antonio Ebanghelista.
Pansinin na sumisitas din siya ng mga talata ng Biblia. Tulad ba siya ng diablo
na pandaraya o panlilinlang ang paggamit o pagsitas ng mga talata ng Biblia?
Suriin natin:
“Paano ba ang
paghahandog sa Panginoong Diyos noon?Bilang 29:2 “At kayo’y maghahandog ng
isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, ng isang
guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon na
walang kapintasan;”
“Samakatuwid
sa panahon noon ng mga unang lingkod ng Panginoong Diyos, ang paraan ng
paghahandog na iniutos sa kanila ay mga handog na susunugin.
Paano naman
ang paghahandog sa panahong Cristiano na saklaw ang panahon natin ngayon? II
Corinto 9:5 Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang
pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una,
upang ito’y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.
“Subalit anong
uring abuloy ang inihahandog sa ating Panginoong Diyos? I Corinto 16:2NPV
Tuwing unang araw ng sanlinggo, bawat isa sa inyo’y magbukod ng isang halaga
ayon sa kanyang kinikita para pagpariyan ko ay hindi na kailangang lumikom pa. Ang
handog sa panahon natin ngayon ay mga halaga o salapi na ating isinisimpan
upang ihandog sa ating Panginoong Diyos.
“Basta na
lamang ba tayo maghahandog? Ano ang uri ng paghahandog ang hinahanap ng
Panginoong Diyos sa kaniyang mga anak? II Corinto 9:7 Magbigay ang bawa’t isa ayon
sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan:
sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.” [Antonio Ebangelista, “ANG
MARAPAT NA PAGSINOP SA KABANG YAMAN NG BAYAN NG DIYOS” July 9, 2015]
Pansinin na dito ay sumitas si
Antonio Ebangelista ng mga talata ng Biblia. Nasaan ang kaniyang panlilinlang?
Gaya sa diablo, ang “panlilinlang” ay naroon sa “interpretasyon,” “pakahulugan” o “konklusyon” sa talata ng
Biblia. Ang sinasabi ng talata ay “baka matisod” samantalang ang sabi ng diablo
ay “magpatihulog ka.” Narito naman ang PANLILINLANG NI ANTONIO EBANGELISTA:
“Samakatuwid,
upang ang ating mga inihandang handog ay maging karapat-dapat sa ating
Panginoong Diyos ay kinakailangang matugunan nito ang “uri” ng paghahandog na
iniuutos ng Panginoong Diyos at hindi iyong basta na lamang makapaghandog. Ano
ba ang uri ng paghahandog na kinakailangan? Ang sabi ng Biblia, AYON SA
IPINASYA NG KANIYANG PUSO, HUWAG MABIGAT SA LOOB O DAHIL SA KAILANGAN. Kaya
kung ano ang pasya ng ating puso, iyon ang lumalarawan sa halaga ng ating
ihahandog sa Panginoong Diyos. Ayaw ng Panginoong Diyos na tayo ay maghahandog
ng “napipilitan” o “dahil sa kailangan” para sa isang aktibidad o paggugugulan
ng Iglesia.” [Antonio Ebangelista, “ANG MARAPAT NA PAGSINOP SA KABANG YAMAN NG
BAYAN NG DIYOS” July 9, 2015]
Ito ang kaniyang paliwanag
pagkatapos ng kaniyang pagsitas sa mga talata ng Biblia. Ano ang sabi ni
Antonio Ebangelista? Muli niyang inulit ang sinasabi sa talata (I Corinto 9:7)
na ginawa pa niyang all caps (big letters), “AYON SA IPINASYA NG KANIYANG PUSO, HUWAG MABIGAT SA LOOB O DAHIL SA
KAILANGAN.” Hindi tayo tutol diyan, sabi ng Biblia iyan. Ngunit paki-pansin
pong mabuti ang KONKLUSYON ni Antonio Ebanhelista mula sa talata, “Kaya kung ano ang pasya ng ating puso, iyon
ang lumalarawan sa halaga ng ating ihahandog sa Panginoong Diyos. Ayaw ng
Panginoong Diyos na tayo ay maghahandog ng ‘napipilitan’ o ‘dahil sa kailangan’
para sa isang aktibidad o paggugugulan ng Iglesia.”
Napansin ba ninyo ang kaniyang
PANLILINLANG mga kapatid? Teka po, ulitin natin ang kaniyang konklusyon at
pansinin ninyong mabuti, “Kaya kung ano
ang pasya ng ating puso, iyon ang lumalarawan sa halaga ng ating ihahandog sa
Panginoong Diyos. Ayaw ng Panginoong Diyos na tayo ay maghahandog ng ‘napipilitan’
o ‘dahil sa kailangan’ PARA SA ISANG AKTIBIDAD O PAGGUGUGULAN NG IGLESIA.”
Napansin na ninyo ano po? Tama! Pagkatapos po ng “dahil sa kailangan” ay may
idinagdag siya! Ano po ang idinagdag niya doon sa “dahil sa kailangan”? Ang
sabi niya, “Ayaw ng Panginoong Diyos na
tayo ay maghahandog ng ‘napipilitan’ o ‘dahil sa kailangan’ PARA SA ISANG
AKTIBIDAD O PAGGUGUGULAN NG IGLESIA.”
Nasa talata po ba iyong banggit
ni Antonio Ebanghelista na “dahil sa
kailangan’ PARA SA ISANG AKTIBIDAD O PAGGUGUGULAN NG IGLESIA”? Muli po
nating sipiin ang talata:
II Corinto 9:7
“Magbigay ang
bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: HUWAG MABIGAT SA LOOB, O DAHIL
SA KAILANGAN: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.”
Maliwanag na wala po sa talata
ang banggit na “PARA SA ISANG AKTIBIDAD O
PAGGUGUGULAN NG IGLESIA.”
PAREHONG-PAREHO PO NG STYLE ANG
DIABLO AT SI ANTONIO EBANGHELISTA, ANO PO MGA KAPATID? Ang diablo: wala sa
talata ang “magpatihulog” pero iyon ang ipinilit ng diablo sa kaniyang pagsitas
ng talata ng Biblia. Si Antonio Ebanghelista: wala sa talata ang “para sa isang
aktibidad o paggugugulan ng Iglesia” pero iyon ang ipinilit na konklusyon ni
Antonio EbangHELLista, este “Ebanghelista” sa talata ng Biblia.
Bakit niya ginawa ang
PANLILINLANG na ito? Sapagkat nais niyang papaniwalain ang kaniyang mga
mambabasa na labag sa Biblia na magsagawa ng handugan para sa isang aktibidad
ng Iglesia gaya po ng Tanging Handugan para sa closing centennial celebration,
tanging handugan para sa pinakamalaking pamamahayag sa kasaysayan ng Iglesia.
Pansinin ninyo ang sumunod niyang sinabi:
“NAKALULUNGKOT
isipin na ngayon ay hindi na ganyan ang kalagayan ng Iglesia. Halimbawa ay ANG
MGA SUNOD-SUNOD NA PAGTATANGING HANDUGAN NA IPINANANAWAGAN SA MGA DISTRITO PARA
SA GAGAMITIN SA MGA IBA’T-IBANG AKTIBIDAD SA IGLESIA, gaya ng Pamamahayag sa
Philippine Arena, Family Fun Day sa Philippine Arena, pati ang para sa Biggest
Evangelical Mission sa Philippine Arena at sa iba pang mga piling dako at
marami pang iba. Samakatuwid, bagamat ang may utos ng Paghahandog ay ang
Panginoong Diyos, subalit kapag ito ay HINDI AYON SA PARAAN O URI NA HINAHANAP
NG PANGINOONG DIYOS SA NAGHAHANDOG at inihahandog, HINDI ITO NAKALULUGOD SA
PANGINOONG DIYOS, MANAPA AY LABAG PA NGA ITO SA KANIYANG KALOOBAN.” [Antonio
Ebangelista, “ANG MARAPAT NA PAGSINOP SA KABANG YAMAN NG BAYAN NG DIYOS” July
9, 2015]
Maliwanag na pinalalabas ni
Antonio Ebanghelista na ang “Handugan para sa iba’t ibang pangangailangan at aktibidad
ng Iglesia” ay diumano’y “hindi ayon sa paraan o uri na hinahanap ng Panginoong
Diyos” o “labag sa kalooban ng Diyos.” Ano nga kaniyang batayan? Ang sabi niya sa
unahan ay “Ayaw ng Panginoong Diyos na
tayo ay maghahandog ng ‘napipilitan’ o ‘dahil sa kailangan’ PARA SA ISANG
AKTIBIDAD O PAGGUGUGULAN NG IGLESIA.”
Tama ba si Antonio Ebanghelista sa pagsasabing labag sa kalooban ng Diyos
ang paghahandugan para sa pangangailangan at aktibidad ng Iglesia tulad ng
tanging handugan para sa closing centennial celebration at pinakamalaking
pamamahayag sa kasaysayan ng Iglesia?
UNA po ay maliwanag na ating
nakita na WALA naman sa talatang sinipi ang idinugtong niya sa “dahil sa kailangan”
na “PARA SA ISANG AKTIBIDAD O
PAGGUGUGULAN NG IGLESIA.”
IKALAWA po ay ang sinabi
niyang “dahil sa kailangan’ PARA SA ISANG
AKTIBIDAD O PAGGUGUGULAN NG IGLESIA” ang sumasalungat sa kalooban ng Diyos
na nakasulat sa Biblia. Ang katunayan? Ganito po ang pahayag sa atin sa II Corinto, kapitulo 9, ulitin po natin ang talatang 7 at basahin po nating kasunod ang mga
talatang 12-13:
II Corinto 9:7,12-13
7Magbigay ang
bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa
kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
12Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay
hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw
sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios; 13Palibhasa'y sa pagsubok sa
inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa
evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong AMBAG sa kanila at
sa lahat;
Pansinin natin ang sinabi ni
Apostol Pablo, “ang pangangasiwa sa
paglilingkod ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal.”
Alin ang “tumatakip sa pangangailangan ng mga banal”? Ang sabi ni Pablo, “dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa
evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong AMBAG sa kanila at
sa lahat.” Ano pa ang natutugunan ng “ambag” na ito ng mga kapatid? Ang
sabi pa sa talata, “kundi umaapaw sa
pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Diyos.”
Dahil sa “ambag” ng mga
kapatid sa Iglesia ay napapangasiwaan ang paglilingkod ng mga banal (ang
Iglesia), natatakpan ang pangangailangan ng mga banal” at “marami ang
nagpapasalamat sa Diyos.” Ang tinutukoy na “ambagan” ay ang binabanggit sa
talatang 7 na “pagbibigay.” Alin nga iyon? Hayaan nating ang Biblia ang
magpaliwanag:
II Corinto 9:5
“Iniisip ko
ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at
ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na
gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.”
Ang Biblia ang nagpapatotoo na
ang “ambagan” na binabanggit sa talatang 13 at ang “pagbibigay” na binabanggit
sa talang 7 ay ang “pag-aabuloy” o paghahandog.” Kaya dahil sa paghahandog o “handugang”
ito ay napapangasiwaan ang paglilingkod sa Diyos, natatakpan ang
pangangailangan ng mga banal at dumarami ang nagpapasalamat sa Diyos. Saksi ang
lahat ng mga ministro, manggagawa at mga maytungkulin na sa PANDOKTRINA ang
tinutukoy sa II Corinto 9:12-13 ay ang pangangasiwa sa pagsamba at paglilingkod
(mga aktibidad ng Iglesia), pangangailangan ng mga lokal at distrito, at ang
pagpapalaganap (kabilang ang mga pamamahayag, paglilimbag ng PASUGO, at mga
programa sa radyo at telebisyon). Samakatuwid, ang maghahandugan para sa
aktibidad at pangangailangan ng Iglesia ay HINDI LABAG sa kalooban ng Diyos,
BAGKUS ITO ANG NAKASAAD SA BANAL NA KASULATAN, ITO ANG KALOOBAN NG DIYOS.
Baliktad pala ang sinasabi ni
Antonio Ebanghelista sa sinasabi ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Naalala ba
ninyo mga kapatid ang isa pang “style” ng diablo sa pandaraya? Ang baligtarin
ang salita, utos o kalooban ng Diyos. Pansinin ninyo ang mababasa sa Genesis
3:1-4:
Genesis 3:1-4
“Ang ahas nga
ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong
Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay
bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa
halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa
halamanan ay makakakain kami: Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna
ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong
hihipuin, baka kayo'y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo
mamamatay:
Ang sabi ng Diyos ay “kapag kayo ay kumain ay walang pagsalang
kayo’y mamamatay.” Ang sabi naman ng diablo, “Tunay na hindi kayo mamamatay.” Binabaligtad ng diablo ang utos o
salita ng Diyos. Ang sabi sa Biblia “dahil sa inyong ambag” (na ang tinutukoy
ay ang pag-aabuloy o handugan) ay napapangasiwaan ang paglilingkod ng Iglesia,
natatakpan ang pangangailangan ng mga banal at dumarami ang nagpapasalamat sa
Diyos (pagpapalaganap) kaya kalooban ng Diyos ang maghandugan para sa
pangangailangan ng Iglesia, para sa mga aktibidad ng Iglesia, para sa
pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos, NGUNIT kay Antonio Ebanghellista, este “Ebaghelista”
ay labag sa kalooban ng Diyos ang paghahandugan para sa mga aktibida ng
Iglesia.
MALING-MALI PO SI ANTONIO
EBAGHELISTA! Ang puno’t dulo ng kaniyang pagkakamali ay ang banggit sa II
Corinto 9:7 na ““Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: HUWAG
MABIGAT SA LOOB, O DAHIL SA KAILANGAN.” Iyong banggit na “dahil sa kailangan”
ay binigyan niya ng interpretasyon (ng kaniyang sariling haka-haka lamang) na “dahil sa kailangan’ PARA SA ISANG AKTIBIDAD
O PAGGUGUGULAN NG IGLESIA.” MALING-MALING-MALI PO SIYA RITO MGA KAPATID.
Basahin natin ang II Corinto 9:7 sa iba’t ibang salin ng Biblia:
II Corinto 9:7
7Magbigay ang
bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: HUWAG MABIGAT SA LOOB, O DAHIL
SA KAILANGAN: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
II Corinto 9:7
MB
7Ang bawat
isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, MALUWAG SA LOOB AT DI NAPIPILITAN
LAMANG, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob.
II Corinto 9:7
NPV
7Bawat isa'y
magbigay ayon sa ipinasya ng kanyang puso, MALUWAG SA LOOB AT HINDI NAPIPILITAN
LAMANG pagkat mahal ng Dios ang nagbibigay nang masaya.
Ang banggit ng Dating Salin na
“dahil sa kailangan” ay isinalin kapuwa ng Magandang Balita at New Pilipino
Version na “hindi napipilitan lamang.” Samakatuwid, ang banggit na “dahil sa
kailangan” ay MALING IPAKAHULUGAN GAYA NG PAKAHULUGAN NI ANTONIO EBANGHELISTA
na “dahil sa kailangan’ PARA SA ISANG
AKTIBIDAD O PAGGUGUGULAN NG IGLESIA.” Ang tamang katumbas ng “dahil sa
kailangan” na binabanggit sa Dating Salin ay “hindi napipilitan lamang.”
Simula pa lamang ito ng pagbubunyag natin ng panlilinlang ni Antonio
Ebanghelista at ng kaniyang mga kasama at ng kanilang pagbubulid sa mga tao sa
maling doktrina. Marami pa tayong ibubunyag sa mga darating na araw.
KONKLUSYON
Sa liwanag ng katotohanang ito
ay pinatutunayan lamang nito na:
Hindi maling sabihin na IBINUBULID
NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG KANIYANG MGA MAMBABASSA SA MALING DOKTRINA. Isaang
wala sa katinuan ang pag-iisip ang magsasabing ang “pagbubulid sa maling
doktrina” ay “hindi pagtalikod.”
Parehong-pareho ng istilo ang
diablo at ni Antonio Ebanghelista sa panlilinlang sa mga tao: ang diablo - wala
sa talata ang “magpatihulog” pero iyon ang ipinilit ng diablo sa kaniyang
pagsitas ng talata ng Biblia; si Antonio Ebanghelista - wala sa talata ang “para
sa isang aktibidad o paggugugulan ng Iglesia” pero iyon ang ipinilit na
konklusyon ni Antonio Ebanghelista sa talata ng Biblia.
Parehong-pareho ang diablo at
si Antonio Ebanghelista sa panlilinlang sa mga tao na pagsalungat o pagbaligtad
sa kalooban o salita ng Diyos: sinabi na nga ng Diyos na “walang pagsalang
mamamatay,” subalit ang sinabi pa rin ng diablo ay “Tunay na hindi kayo
mamamatay”; sinasabi na nga ng Biblia na kalooban ng Diyos ang paghahandugan
para mapangasiwaan ang paglilikod ng Iglesia, matakpan ang pangangailangan ng
mga banal, at marami ang magpasalamat sa Diyos (pagpapalaganap), subalit kay
Antonio Ebanghelista ay “ang handugan para sa pangangailangan at mga aktibidad
ng Iglesia ang labag sa kalooban ng
Diyos.”
SAMAKATUWID, HINDI MALING
SABIHIN NA HINDI ANG ESPIRITU NG DIYOS ANG LUMULUKOB KAY ANTONIO EBANGHELISTA,
KUNDI ANG ESPIRITU NG DIABLO.
Sana’y mangilabot ang mga taong napapaniwala na ni Antonio
Ebanghelista. Hindi sa ikalilinis o sa ikababanal dadalhin ni Antonio
Ebanghelista at ng kaniyang mga kasama ang Iglesia. Kundi sa pagtalikod sa
Diyos. Sa liwanag ng katotohanang ito na nililinlang nila ang mga tao at
ibinubulid sa kamalian o maling doktrina, hindi maling sabihin na ibinubulid
nila ang mga tao sa pagtalikod sa Diyos at sa kapahamakan. May panahon pa para
bumalikwas.
Ang Pamamahala lamang na mula
sa Diyos ang ginagamit ng Diyos na kasangkapan sa paghahayag ng Kaniyang salita
o kalooban (cf. Col. 1:25 at 28-29). Kaya dapat lamang na manatili ang
pakikisama natin sa Pamamahala upang manatili ang pakikisama natin sa Diyos at
sa Panginoong Jesucristo (I Juan 1:3).
KAYA, KAMING MGA TUNAY NA
KAPATID SA IGLESIA AY PATULOY NA SA PANIG NG KASALUKUYANG TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN, KAY KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.
KAMING MGA TUNAY NA KAPATID AY
HINDI KAILANMAN SASANG-AYON SA ANUMANG PAGLABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA, ANUPA’T
LABAN KAMI SA MGA PANLILINLANG, LABAN KAMI SA MGA MALING DOKTRINA, LABAN KAMI SA
ANUMANG PAGTALIKOD SA DIYOS.
BUMABANGON KAMI NGAYON NA MGA
TUNAY NA KAPATID LABAN SA PANLILINLANG NINA ANTONIO EBANGHELISTA AT NG KANIYANG
MGA KASAMA!
KAMING MGA TUNAY NA KAPATID
AY LABAN SA INYONG PANLILINLANG
AT AMING LUBOS BA IPAGSASANGGALANG
ANG KATOTOHANAN
Salamat po sa mga paliwanag. Sana po lahat ng mga kaanib na magkakaroon ng pagdududa dahil sa nababasa nilang posts ni AE at ng mga kasamahan nito'y makabasa rin nitong mga paliwanag ninyo at maliwanagan sila sa tamang aral.
ReplyDelete