“Ang aming
damdamin”
ISANG BUKAS
NA LIHAM
PARA KAY KAPATID
NA
EDUARDO V.
MANALO
HABANG sinusulat ko po ang
liham na ito ay hindi ko mapigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata dahil
sa kalungkutan at hapis na alam po namin na inyo ngayong pinagdaraanan. Kung kami nga po ay lubhang nasasaktan at
nahapis sa mga di inaasahang pangyayari ngayon, batid po namin na lalo na po
kayong nasaktan at nahapis. Gaya nga po ng inyong isinaad sa sirkular na binasa
sa mga pagsamba ngayon na masakit man po sa inyong kalooban ay kailangan
ninyong ipagpauna ang pananagutan na ipagmalasakit ang kapakanan ng Iglesia sa
kabuuan.
Tunay na naipakita po ninyo
hindi lamang sa aming lahat kundi lalong-lalo na po sa Panginoong Diyos at sa
Panginoong Jesucristo kung paanong buong giting ninyong tinupad ang inyong
tungkuling sinumpaan sa harap ng Kapatid na EraƱo G. Manalo na inyong pakamamahalin, ipagmamalasakit, at ipagtatanggol ang banal na Iglesia, at buong
katarungang ipatutupad ang kalooban ng Diyos na nakasaad sa Banal Na Kasulatan.
Hindi po sumagi man lang sa
aming isip na darating ang araw na ang inyong papatawan ng disiplina ay ang
inyong mismong mga mahal sa buhay, mga taong malalapit sa inyong puso. Kaya,
habang binabasa po ang inyong palibot-liham sa pagsamba, pumapatak po ang aming
luha dahil naiisip po namin kung gaano kahirap ang inyong binata sa ginawa po
ninyong pagpapasiya ukol sa bagay na ito. Hindi maiwasang maglaro sa aming isip
kung papaanong kayo’y lumuluha habang nilalagdaan po ninyo ang sirkular ng
pagtitiwalag sa inyong mga mahal sa buhay. Subalit, damang-dama po namin na
mahal na mahal po ninyo kami. Damang-dama po namin kung papaanong ipagpapauna
ninyo ang aming kapakanan. Damang-dama po namin kung papaanong nakahanda kayong
magtanggi ng sarili at magsakripisyo alang-alang po sa pagmamahal ninyo sa
amin.
Kaya, kung sa panahon po ng
inyong mga kagalakan at kaligayahan ay kasama kaming nakikigalak at
nakikipagtuwa, ngayon naman po, sa panahon ng inyong kalungkutan ay lalo po
ninyo kaming makakasama, at anuman ang mangyari, kami ay mananatiling tapat at
nasa panig ng Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Kaniyang Iglesia.
Hindi po kami titigil sa
pagdalangin sa Diyos na patuloy po kayong gabayan at ingatan, puspusin ng Kaniyang
Espiritu at karunungan, upang patuloy kaming maihanda sa pagsalubong sa
Kaniyang bugtong na anak. Puspusan po kaming susunod at pasasakop. Patuloy po
kaming magpapakasigla sa paglilingkod sa Diyos at makikiisa sa lahat po ng
kilusan at gawain na inilulunsad ng Pamamahala.
KAPATID NA
EDUARDO V. MANALO
MAHAL NA
MAHAL PO NAMIN KAYO
kami po ay lalong humanga sa inyong katatagan sa paninindigan... wala pong sinuman ang maaaring sumira sa Iglesiang ito sa mga huling araw. SALAMAT PO NANG MARAMI SA INYONG PAGMAMAHAL SA AMIN.
ReplyDeleteMahal po namin kayo kapatid at kami po ay lubos na pasasakop at susunod sa lahat ng tagubilin at inyong pasya. Patnubayan po tayo ng Dios.
ReplyDeleteMahal na mahal po namin kayo kapatid na Eduardo V Manalo ako at ang aking buong samabahayan ay mananatiling nasa inyong panig at sa pag sunod sa ating Ama
ReplyDeleteSamahan po kayo palagi ng Panginoong Diyos. Mahal na mahal po namin kayo Ka Eduardo.
ReplyDeleteAnoman po ang mangyari, saan man makarating ang Iglesia Ni Cristo kami ay patuloy na maglilingkod at magtatapat, laging susunod at nakaugnay sa Tagapamahalang itinalaga ng Diyos.
ReplyDeleteAng hapis po ninyo ay kalakasan ng aming pananampalataya, lalo kaming nagtumibay sa paglilingkod, at ang ipinakita ninyong halimbawa na itinanggi ninyo ang inyong sarili ipang makasunod sa utos ng Diyos. Kami po ay nagpapasalamat ng lubos sa ating Ama na kayo ang ibinigay sa aming Iglesia na maging Tagapamahalang Pangkalahatan.
Salamat po ng marami. MAHAL PO NAMIN KAYO KA EDUARDO V MANALO.
Ako po si Kristine Ancanan,bata palang ako handog na ko sa Iglesia ni Cristo ,
ReplyDeleteAkoy itiniwalag sa Iglesia,dahil sa kasalanang mortal,at alam kong kasalanan ko kung bkt ako itiniwalag.pero kahit ganon nasa puso ko ang Iglesia at alam kong nakabuti ng mga taong nakapaligid sakin dto,Dahil sa katigasan ng ulo ko at hnd pagsunod sa magulang mas pinili at natukso ako sa makamundong bagay dto sa lupa.Pero alam ko isang araw makakabalik ako dito.
Wala ako galit na naramdaman sa Iglesia,kundi ang naramdaman ko ay kalungkutan ng akoy itiniwalag.
Napakabuti ng Relihiyong ito,bata palang ako nakita ko na lahat ng pamamalakad dito..kaya huwag ninyo husgahan ang INC dahil wala kayong alam,bakit hindi ninyo subukan pumasok sa Relihiyong ito para malaman ninyo ang lahat.
KAPATID pagsubok lang po lahat ng ito..
MAHAL kayo ng Panginoon..'
At Mahal po kayo ng Lahat ng Iglesia ni Cristo.
Kaya nga ang sinasabi ko sa mga nagtatanong at nanguusig ay may unity ang tunay na iglesia at yan ginagawa ng tagapamahala ngayon and because of that i admire him more, i will always be one with the administration as long as i live.
ReplyDeleteKa EDUARDO V MANALO
ReplyDeleteAKO PO AT ANG BUONG SAMBAHAYAN KO PO KASAMA NA ANG AMING ANGKAN AY NAGPAPAHAYAG SA INYO NG AMING BUONG PUSONG KATAPATAN SA INYO AT SA PAMAMAHALA NG IGLESIA.
Sana po kahit sa maliit na bagay na ito ay makatulong po kami na maibsan ang napakabigat na sakit na inyong nararandaman sa ngayon. Minsan pa pong Pinatunayan ng ating Panginoong Diyos na karapatdapat ang mga inilalagay Niyang mangunguna at mamahala sa Kaniyang bayan. Ka Eduardo, mahal na mahal po namin kayo. Matagal man po akong wala na sa banal na ministeryo ngunit ang puso at isip ko ay laging handang ipagsanggalang at ipagmalasakit ang mga kapatid at ang iglesia laban sa mga lkaaway nito.
Minsan pa po ka EDUARDO MANALO MAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO AT PALAGI PO NAMIN IDADALANGIN SA AMA NA PUSPUSIN PA PO KAYO NG BANAL NA ESPIRITU AT LAGI KAYONG PATNUBAYAN SA LAHAT NG INYONG DESISYON NA MAY MATIBAY NA KALOOBAN.
PAGPALAIN PA NG LUBOS ANG IGLESIA SA INYONG PANGUNGUNA.
Salamat po kapatid na Eduardo V. Manalo kasama po ninyo kami hanggang sa wakas, salamat po sa pagmamahal at pagmamalasakit, lage po naming idadalangin sa Ama na patuloy kayong kagabayan at ingatan. Mahal na mahal po namen kayo
ReplyDeleteAko po at ang aking buong Sambahayan ay nakikiisa sa puspusang pagsunod at pagpapasakop sa Pamamahala upang maligtas.
ReplyDeleteMAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO KAPATID NA EDUARDO V. MANALO!
Anumang pagsubok mananatili kami ng aking sambahayan sa aming tungkulin.Patuloy kaming susunod at pasasakop sa Pamamahala.
ReplyDeleteMahal na mahal ka namin Kapatid na Eduardo V. Manalo !
Maraming salamat po sa Inyong pagmamahal sa amin. Kami po ng aming sambahayan ay mananatiling tapat sa aming paglilingkod sa Panginoong Diyos. Kami po ay puspusang susunod at pasasakop sa Inyo bilang Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo. Mahal na mahal po namin Kayo!
ReplyDeleteKami sambahay ni Ka Azer Tanawan mula sa LOKAL NG BOMBONGAN DISTRITO NG RIZAL ay taos puso pong nagpapasalamat sa TGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ang KAPATID NA EDRUADO V. MANALO at nangangako po kami napasasakop sa inyo hanggang sa huling sandali ng aming buhay,mahal na mhal po namin kayo.
ReplyDeleteMahal na mahal po namin kayo, kapatid na Eduardo V. Manalo, patuloy po kaming susnod at pasasakop sa Pamamahalang inilagay ng Diyos sa Iglesia. Mamahalin at Ipagsasanggalang po namin ang banal na Iglesia. Lagi po naming panalangin sa Am a na patuloy na gabayan kayo sa Pamamahala s buong Iglesia upang kaming lahat madalang sakdal sa ating kaligtasan na napakalapit na nating tamuhin.
ReplyDeleteMy family and I will remain forever faithful as INC members no matter what!
ReplyDeleteKami po ng aking buong sambahayan ay buong pusong nangangako na patuloy na susunod at magpapasakop sa pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo sapagkat matibay po ang aming pananampalataya na ang Diyos ang naglagay sa kaniya upang pamahalaan ang buong Iglesia at dalhin ito sa kaligtasan. Lagi po sana ninyong ingatan ang inyong kalusugan sapagkat mahal na mahal po namin kayo.
ReplyDeleteMahal na mahal po namin kayo Ka Eduardo.V. Manalo. Our entire clan (not just family) is in union with your administration. Nalulungkot man kami sa.pinagdaraan ng Iglesia pero alam naming matinding pagsubok ito na kaya nating harapin. Lilitaw din ang Iglesia na dalisay na ginto. Hinding hindi kami bibitaw anoman ang mangyari. Mahal na mahal namin kayo. Mahal na.mahal namin ang Iglesia hanggang kamatayan.
ReplyDelete