iSANG PANAWAGAN SA LAHAT
NG MGA KAPATID:
HUWAG TAYONG
MAGPADALOS-DALOS AT MANINIWALA AGAD SA MGA BALI-BALITA
SA kasalukuyang mga posts ng
mga Kumakalaban sa Pamamahala ay makikita natin na natutupad o nangyayari
lamang ang ipinagpauna na natin na kanilang masamang plano o balak laban sa
Pamamahala at sa Iglesia:
WITH THE
INFORMATION, EVIDENCES, AND PROOFS PRESENTED IN THIS BLOG (THE IGLESIA NI
CRISTO), THE ULTERIOR MOTIVE OF AE’S GROUP IS CRYSTAL CLEAR:
(1) To rally the brethren against the so-called corruptions of Sanggunian members then,
(2) Accused the Executive Minister of not doing any disciplinary actions to the “thieves and corrupt” within his very circle making him appear SPINELESS, POWERLESS, CAN BE EASILY FOOLED and thus INCAPABLE to lead the church to a holy, without spot or blemish, and worthy of salvation come Judgment Day, and ultimately,
(3) Replace the present Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo, by SOMEONE who has the capacity to restore the church to its clean and glorious posture like the time of Bro. EraƱo G. Manalo’s unblemished leadership.
THIS IS THE MASTER PLAN OF THE DEVIL AGAINST THE TRUE CHURCH OF CHRIST IN THESE LAST DAYS USING AE’s GROUP!
Kitang-kita rin natin na
natutupad ang ipinagpauna na sa atin ng Pamamahala sa kaniyang mensahe sa atin
sa kaarawan ng ating Pasalamat nitong Hulyo, 2015:
“Ano pa ang
ibinabala ng ating Panginoong Jesucristo na mangyayari kaya napakahalaga na
manatili tayong tapat sa turo na ating tinanggap? Ganito ang ibinabala ng ating
Panginoong Jesucristo na mababasa natin sa Mateo 24:8-12:
“Ang mga bagay
na ito ang pasimula ng mga kapighatian at sakit. At kayo’y ipauubaya na nila sa kapinsalaan. Papatayin nila kayo.
Kapopootan kayo ng buong daigdig dahil sa Aking pangalan. Maraming tao ang
susuko at tatalikod na sa panahong iyon. Ipagkakanulo ng mga tao ang isa’t isa.
Mapopoot sila sa isa’t isa. Darating ang maraming huwad na tagapagturo ng
relihiyon. Lolokohin nila ang maraming tao at dadalhin nila sa likong landas.
Dahil sa mga taong lumalabag sa mga batas at dahil ang kasalanan ay nasa lahat
ng dako, ang pag-ibig sa puso ng mga tao
ay manlalamig. (Salin sa Filipino mula sa New Life Version)
“Dito’y malinaw
na ibinabala ang matinding pagsubok na daraanan ng mga hinirang ng ating
Panginoong Jesucristo sa mga huling araw. Hindi lamang ang mga kapighatian at
mga sakit ang daranasin nila. May mga
ipauubaya sa kapinsalaan, papatayin, at kapopootan ng buong daigdig dahil sa
pangalan ni Cristo o dahil sa kanilang pagka-Iglesia Ni Cristo. May mga
tatalikod. Ipagkakanulo ng mga tao ang isa’t isa at mapopoot sila sa isa’t isa.
Darating ang maraming huwad na tagapaturo ng relihiyon. Gagamit sila ng mga
pandaraya at mga kasinungalingan para lokohin ang maraming tao at dalhin sa
likong landas. Hindi lamang magbubunga ito ng pagtalikod sa pananampalataya,
kundi maging ng panlalamig ng pag-ibig ng mga tao.”
Kaya, tunay na ang mga
Kumakalaban sa Pamamahala ay kumikilos at gumagawa ng mga kwento upang galitin
at kilusin ang mga kapatid laban sa Pamamahala. Subalit, huwag tayong
padalos-dalos. Maging matalino tayong lahat sa pagpapasiya. Mag-isip at
magsiyasat na mabuti?
Nakatitiyak ba tayo na totoo
ang kanilang ipinakakalat? Gaano ito ka-authentic? Gaano ito katotoo? O ang
lahat ay sa layunin lamang na galitin ang mga kapatid laban sa ating
Tagapamahalang Pangkalahatan?
Ang ginagawa nga ba ng mga
Kumakalaban sa Pamamahala ang kalooban ng Diyos o ang kagustuhan ng Diyos
samantalang malinaw ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia na:
Hebreo 13:17 MB
“Pasakop kayo sa
mga nangangasiwa sa inyo. Sila'y may
pananagutang magbantay sa inyo, at magbibigay-sulit sila sa Diyos ukol
dito. Kung sila'y susundin ninyo,
magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung hindi, sila'y mahahapis, at hindi ito makabubuti
sa inyo.”
Ang layunin nga ba nila ay sa
ikabubuti ng Iglesia o pansarili lamang? Ang paghahangad o pagkilos na
magdudulot ng pagkakabaha-bahagi ng Iglesia ay nagpapatunay na hindi sa
Panginoong naglilingkoid kundi sa sariling tiyan lamang sapagkat ganito ng
maliwanag na sinasabi sa atin ng Biblia:
Roma 16:17-18 MB
“Ipinamamanhik
ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at
nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila.
Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi
sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at
matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain.”
Talaga bang ang kapakanan ng
Iglesia ang kanilang hinahangad o nais lamang nilang “gamitin” ang pagmamahal
natin sa dating Namahala sa Iglesia at sa kaniyang pamilya? May malinis nga ba
silang layunin o NANGGAGAMIT lamang?
Ang dapat nating panghawakan ay
hindi ang sinasabi ng sinuman kundi ang sinasabi ng Banal Na Kasulatan. Ganito
ang itnuturo sa atin ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia:
II Samuel 1:1-17 NPV
“Pagkamatay ni
Saul, nagbalik si David buhat sa matagumpay niyang pakikipagbaka sa mga
Amalecita. Tumigil siya nang dalawang araw sa Siclag. Nang ikatlong araw,
dumating sa kanya ang isang lalaki mula sa kampo ni Saul. Sira-sira ang kasuotan nito at puno ng
alikabok ang ulo. Nang dumating kay
David, nagpatirapa siya sa harapan nito bilang pagbibigay-galang. "Saan ka
nagbuhat?" tanong ni David. Sumagot
siya, "Tumakas po ako sa kampo ng mga Israelita." "Ano'ng
nangyari?" tanong ni David.
"Sabihin mo sa akin."
"Tumakas po sa labanan ang mga lalaki," wika nito. "Marami po ang napatay. Si Saul at ang anak niyang si Jonatan ay
napatay din." Sinabi ni David sa kabataang nagbalita sa kanya, "Bakit
mo nalaman na si Saul at ang anak niyang si Jonatan ay napatay?" "Nagkataon
pong ako'y nasa Bundok ng Gilboa," wika ng binata. "Nakita ko si Saul na nakasandal sa
kanyang sibat. Malapit na po siyang
abutan ng humahabol na mga kabayuhan at mga nakasakay sa mga karwahe. Nang
lumingon siya at makita ako, tinawag po ako.
Sinabi ko po, 'Ano ang magagawa ko?' "Tinanong po niya kung sino
ako." "'Isa pong Amalecita,'
tugon ko naman. "Pagkatapos, sinabi po sa akin, 'Lumapit ka't patayin mo
na ako! Malubha na ang kalagayan ko,
ngunit buhay pa ako.' " 10"Lumapit nga po ako at pinatay ko siya,
pagkat alam kong pag nabuwal siya, hindi na mabubuhay. Kinuha ko po ang kanyang korona sa ulo, pati
ang bigkis sa kanyang braso at dinala ko sa inyo, aking panginoon." Hinapak
ni David at ng lahat ng mga kasamahan niya ang kanilang mga kasuotan, at
pinunit. Nagluksa sila, tumangis at nagayuno hanggang gabi dahil sa pagkamatay
nina Saul at ng anak nitong si Jonatan, at sa sinapit ng hukbo ng PANGINOON. Tinanong
ni David ang lalaking nagdala ng ulat, "Tagasaan ka?" "Anak po ako ng isang dayuhan, ng isang
Amalecita," tugon niya. Tinanong uli siya ni David, "Hindi ka ba
natakot sa pagpatay sa pinahiran ng langis ng PANGINOON?" Pagkatapos,
tinawag ni David ang isa sa mga tauhan niya, "Patayin mo ang taong
ito!" At pinatay nga ang nasabing tao. Sapagkat sinabi sa kanya ni
David. "Ang dugo mo'y mapasa iyong
ulo. Ikaw na rin ang nagpatotoo laban sa
iyo nang sabihin mong, 'Pinatay ko ang pinahiran ng langis ng PANGINOON."'
Itinangis ni David ang pagkamatay nina Saul at Jonatan.”
Pinatay at pinarushan ang
nag-angat ng sandata laban sa pinahiran ng Panginoon. Pansinin, na ang pumatay
o nanakit laban kay Saul ay pinatay rin o pinarusahan. Ang sabi sa kaniya ni
David ay "Hindi ka ba natakot sa pagpatay sa pinahiran ng langis ng
PANGINOON?... Ang dugo mo'y mapasa iyong ulo.
Ikaw na rin ang nagpatotoo laban sa iyo nang sabihin mong, 'Pinatay ko
ang pinahiran ng langis ng PANGINOON.” Hindi pala maaaring ikatuwiran ng isang
tao na “nagkamali” o “iniwan na ng Panginoon” ang hari upang siya’y saktan o
labanan. Alam natin ang ginawang pagtugis ni Saul kay David at ang pagtatangka
niyang pagpatay kay David. Subalit, wala anumang sapat o makatuwirang dahilan
para laban o saktan ang “Pinahiran ng Panginoon.” Ano lang ang itinuturo sa
atin ng Biblia ng pangyayaring ito? Wala tayong karapatan na siyasatin, at lalo
na ang labanan ang Pinahiran o inihalal ng Diyos. Ang lumaban sa Pinahiran ng
Panginoon ay hindi sasang-ayunan ng Diyos at tiyak pang parurusahan gaya ng Amalecita
na nanakit at pumatay kay Haring Saul ng Israel. Hanggang sa panahong Cristiano
ay mahigpit na nagbabala ang Diyos sa pamamagitan ng mga apostol na tiyak na
parurusahan ang lumaban sa Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia. Ganito
ang sinasabi sa atin ng Banal Na Kasulatan:
Judas 1:10-13
“Datapuwa't ang
mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga
bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal
na walang bait. Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at
nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at
nangapahamak sa pagsalangsang ni Core. Ang mga ito'y pawang mga batong natatago
sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor
na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; mga alapaap na walang
tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang
bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat; Mga mabangis na alon sa
dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na
siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.”
II Pedro 2:10 at 12
“Datapuwa't
lalong - lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng
karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop.
Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na
magsialipusta sa mga pangulo…
“Datapuwa't ang
mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga
hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila
nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.”
Magpakalino tayo mga kapatid
at huwag padalos-dalos. Magpasiya tayo at kumilos hindi ayon sa sinasabi ng
sinuman kundi ayon sa sinasabi ng Banal Na Kasulatan. Huwag tayong papayag na “pagamit”
para sa buktot na layunin ng sinuman. MANATILI PO TAYONG LAHAT SA PANIG NG PAMAMAHALA.
Sa lahat ng mga kapatid, panatilihin nating maging mahinahun , matalino at huwag padalos-dalos sa pagpapasya.Mas maiging manalangin tayo para sa ikabubuti ng lahat.
ReplyDeleteKahit ako man ang pinaka aba na kaanib sa IGLESIA NI CRISTO...Mabuhay man o sa Mamatay ako ay nasa panig ng Dios at ng Iglesia at ng Pamamahala,anu man ang mangyari, pahahalagahan ko ang pinuhunanan ng Panginoon Jesu-Cristo at ng kanyang Sugo sa huling araw,maging sa mga naunang kapatid na namuhunan ng pagod at buhay alang alang sa pagsunod sa aral ng Dios,ipagtatangol ko ang Iglesia,at ang Aral na sinasampalatayanan ko at ang Pamamahalang inilagay ng Dios laban sa lahat ng gustong puminsala at sumira dito!!!!
DeleteLets all pray to our LORD GOD to continue his guidance to his CHURCH and to his children
ReplyDeleteLets all pray to our LORD GOD to continue his guidance to his CHURCH and to his children
ReplyDeleteLets all pray to our LORD GOD to continue his guidance to his CHURCH to pass all the trials.
ReplyDeleteMalalampasan din na IGLESIA itong pagsubok na to. Manalig lang tayo sa pinangako ng ating panginoong Diyos. Panghawakan lang natin ang aral niya.
ReplyDeleteKa isa ako. EVM ang diyos ang papatnubay at diyos din ang hahatol sa kumakalaban
ReplyDelete#IamOneWithEVM
ReplyDelete#IamOneWithEVM
ReplyDeletebasta sa pamamahala parin ako anuman ang mangyare o sabihin nila
ReplyDeleteHuwag po tayong bumitaw mga kapatid. Nawa ay lalo nating pagtibayin ang ating pananampalataya. Hindi po nagpapabaya ang Ama. #IamOneWithEVM
ReplyDeleteWala po sanang bibitiw mga kapatid. Nawa ay lalong magtumibay ang ating pananampalataya.
ReplyDeleteLagi po tayong manalangin.
#proudtobeINC #IamOneWithEVM
ReplyDelete#proudtobeINC #IamOneWithEVM
ReplyDelete#proudtobeINC #IamOneWithEVM
ReplyDelete#MANATILI PO TAYONG LAHAT SA PANIG NG PAMAMAHALA.
ReplyDelete#EVM
mgpakatatag po tau mga kpatid,.
Deleteproud to be INC forever INC,.with EVM
Deleteang IGLESIA NI CRISTO AT ANG PAMAMAHALA AY SA DIYOS.. kaya wala tayong dapat ipangamba...
DeleteProud to be Iglesia Ni Cristo.
Deleteang pagpapasakop sa Pamamahala ay pagpapasakop sa Panginoong Diyos. magpakatalino po tayo at manalangin po tayo sa Ama.
ReplyDelete#IamOnWithEVM
#IamOneWithEVM
ReplyDeleteWag po tayong maniwala at magpaapekto agad sa ating naririnig o nababasa tungkol sa pamamahala, patuloy lamang po tayong mag lingkod at sumamba sa dyos. Huwag po nating hayaang masira ang ating pananampalatay.
ReplyDelete#IglesiaNiCristo
#HanggangWakas
#proudtobeINC #IamOneWithEVM
ReplyDeleteang IGLESIA NI CRISTO AT ANG PAMAMAHALA AY SA DIOS.... kaya wala tayong dapat ipangamba....manatali tayong nghahwak sa mga aral ng DIOS na itinuro sa atin ng Pamamahala.
ReplyDelete#proudtobeINC #IamOneWithEVM
ReplyDeleteSalamat po sa sumulat at nagtatag ng blog na ito.. Nakakapag alis po ng mga kaguluhan sa isip at puso po. At napapalitan ng mabuting espiritu at napapagaling ang mga nasasaktan ng mga taong kumakalaban sa Pamamahala. Salamat po sa pagmamalasakit nyo sa mga kapatid na muling tumatag, magpakatibay at lalong mag alab sa pagsunod sa mga utos. Now we know more than ever ang ibig sabihin po ng bilin sa atin na "manindigan sa aral at sa pagsunod". Kagaya ng ginagawa ng Pamamahala.. Naninindigan sa aral. Dapat natin silang tularan.. Sa kanila tayo mag pa impluwensya dahil kitang kita po na ang layunin nila ay ang ikabubuti natin po, ng Iglesia.
ReplyDelete#IamOneWithEVM
ReplyDeleteManatili tayong buo at nagpapasakop sa pamamahala!
ReplyDeleteManatili tayong buo at nagpapasakop sa pamamahala!
ReplyDelete#proudtobeINC #IamOneWithEVM
ReplyDelete#proudtobeINC #IamOneWithEVM
ReplyDelete#IamOneWithEVM
ReplyDeleteMaging matatag po tayong lahat mga Kapatid. Mas lalo po sanang tumaas ang ating pananampalataya. Isa lamang itong pagsubok sa ating mga Iglesia Ni Cristo. Hinding hindi tayo papabayaan ng AMA.
ReplyDelete#IglesiaNiCristo
#HanggangWakas
Ako at ang aking buong sambahayan ay patuloy na mag lilingkod sa Diyos at pasasakop sa pamamahalang inilagay niya sa Iglesia..Simula pa sa panahon ng Sugo ang Iglesia ay dumaan sa matitinding mga pag subok maraming kapatid ang nag buwis ng kanilang buhay sa panahon ng digmaan makapag patuloy lamang sa mga pag samba mapalad tayo at hindi tayo nabuhay sa panahong iyon..ngayon ang ating bahagi sa pababata ng hirap sa pag harap sa mga pag subok na dinaraanan ngayon ng Iglesia buong pag kakaisa nating harapin ang pag subok na ito sa ating pananampalataya at manatili tayo sa panig ng pamamahala..
ReplyDeleteTulungan nawa ng ating Diyos ang ating tagapamahalang pangkalahatan na malampasan nya ang malaking pagsubok na Ito, kaisa po ako ng pamamahala dahil po yun ang tama at nararapat bilang Tunay na iglesia ni cristo, tutulungan po Tayo ng ating dakilang Ama manalangin po Tayo lagi.
ReplyDeleteNaway gabayan tayo ng Ama hanggang malampasan natin ang pagsubok na eto... magpakatatag at magpakatalino tayo mga kapatid... malapit na ang pagliligtas... ang paghuhukom....
ReplyDeleteMagpatuloy po tayo sa ating ginagawang mga paglilingkod sa ating Panginoon DIYOS upang dito'y maragdagan ang ating tibay at lakas sa mga pagsubok na tulad nito.
ReplyDeleteLAGI po natin ipagpasalamat sa DIYOS, sa inilagay niyang PAMAMAHALA dito lupa.
Kahit ako man ang pinaka aba na kaanib sa IGLESIA NI CRISTO...Mabuhay man o sa Mamatay ako ay nasa panig ng Dios at ng Iglesia at ng Pamamahala,anu man ang mangyari, pahahalagahan ko ang pinuhunanan ng Panginoon Jesu-Cristo at ng kanyang Sugo sa huling araw,maging sa mga naunang kapatid na namuhunan ng pagod at buhay alang alang sa pagsunod sa aral ng Dios,ipagtatangol ko ang Iglesia,at ang Aral na sinasampalatayanan ko at ang Pamamahalang inilagay ng Dios laban sa lahat ng gustong puminsala at sumira dito!!!!
ReplyDeleteAng mga pagsubok na gaya nito ay lalo lamang nagpatibay sa ating kaugnayan sa Diyos, damahin ninyo ang mga Pagsamba natin ngayon, hindi po ba lalong naging mabiyaya...lalong damang-dama ang pagsama ng Banal na Espiritu...kasi nga sa panahong nahahapis ang mga hinirang niya ay isinusugo ng Ama ang Mangaaliw, ang Espiritu Santo upang aliwin ang ating mga bagbag na puso.
ReplyDeleteKapag humupa na ang usok..at napawi ito, isa lang ang makikitang matatag na nakatayo...ang IGLESIA NI CRISTO na tatag ng Panginoong Jesus sa kapagyarihan ng Tunay na Diyos at ang kaniyang BANAL NA PAMAMAHALA...
Mangyari nawa ang kalooban ng Diyos. Hanggang matapos ang paglilinis sa loob ng Iglesia ni Cristo. Gabayan ng Diyos ang Kanyang tagapamahala sa pagsubok na ito sa Iglesia ni Cristo.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng Pamamahala ay hindi nagsasawa na magpaalala, magpayo sa mga kaanib sa loob ng Iglesia na magpakatatag sa pananampalataya upang makarating sa pangakong kaligtasan, gaya ng ginawa ng mga apostol noon sa unang Iglesia:
ReplyDeleteGawa 14:22 Magandang Balita Biblia
PINATATAG NILA ANG KALOOBAN NG MGA ALAGAD AT PINAGPAYUHAN NA MANATILING TAPAT SA PANANAMPALATAYA. "MAGDARANAS MUNA TAYO NG MARAMING KAPIGHATIAN BAGO MAKAPASOK SA KAHARIAN NG DIYOS," turo nila sa kanila.