SUSUPORTAHAN
MO BA ANG MGA ANTICRISTO NA IBINABALA NG BIBLIA NA LILITAW BAGO ANG WAKAS SA
KANILANG PAGTATANGKA NA WASAKIN ANG IGLESIA?
IBINABALA ng Biblia na may
mga Anticristo na lilitaw bago ang wakas: “Mga
anak, malapit na ang wakas! Tulad ng
narinig ninyo, darating ang anti-Cristo.
Ngayon nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating
malapit na ang wakas. Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay
na kaisa ang mga taong iyon. Sapagkat
kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na
silang lahat ay di tunay na atin.” (I Juan 2:18-19 MB)
Hindi ito ang Anticristo na
may bilang na 666, kundi ito’y mga Anticristo na lilitaw bago ang wakas na ayon
kay Apostol Juan ay mga “dating kasamahan” natin subalit hindi nanatili o
umalis sila sa Iglesia Ni Cristo. Kaya, tiyak natin na ang katuparan nito ay
ang mga tiwalag ngayon sa Iglesia na kumakalaban sa Pamamahala.
Tinawag na “Anticristo” sapagkat
ang gawain nila ay kalaban ni Cristo o sinasalungat nila ang utos ni Cristo. Sinalungat
hindi lamang ang utos ni Cristo na “pumasok” at “manatili” sa Iglesia upang
maligtas (Juan 10:9 at Mateo 24:13), kundi marami pang mga turo at kautusan ni
Cristo. Ang isa sa kautusan ni Cristo sa Iglesia na pinipilit sirain ng mga
Anticristo ay, “At ngayon, ako'y papunta
na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan,
ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang
banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan,
pangalang ibinigay mo sa akin, UPANG
SILA'Y MAGING ISA, KUNG PAANONG TAYO'Y IISA.” (Juan 17:11 MB)
Ang mga Anticristo ay
naglalayon na sirain ang hangad ni Cristo para sa Iglesia ang MAGING ISA. Kaya
ang kanilang mga isinasagawang “vigil,” ang kanilang pagsasampa ng kaso laban
sa Pamamahala ng Iglesia, at marami pang iba ay pawang gawain ng Anticristo
sapagkat naglalayon ang lahat ng ito na maghasik ng pagkakabaha-bahagi o sirain
ang kaisahan ng Iglesia.
Papaano nila sinusuportahan
ang mga kilusang ito o ang mga gawain ng mga Anticristo na naglalayong sirain
ang kaisahan ng Iglesia na tungo sa pagsira mismo sa Iglesia? Sa pamamagitan ng
kanilang tinatawag na “Restore the Church fund.” Kaya hinihikayat nila ang mga
kapatid na magbigay sa tinatawag nilang “Restore the Church Fund.” Hinihikayat
nila ang mga kapatid na huwag nang mag-abuloy at maghandog, subalit hinihikayat
nilang magbigay sa kanilang Restore the Church Find na hindi isang abuloy o
handog.
Subalit, ang pondong ito ay
ginagamit para suportahan ang mga gawain ng mga Anticristo. Ginagamit ang pondong
ito sa kanilang mga pagsampa ng kaso laban sa Pamamahala ng Iglesia. Ginagamit
din ang pondong ito sa pagpapalaganap ng kasinungalingan laban sa Pamamahala at
sa Iglesia. Ito ang mga taong may hawak ng kanilang Restore the Church Fund:
Sino ang mga taong ito? Higit
mo bang pagtitiwalaan ang mga taong ito kaysa sa Pamamahala ng Iglesia? Sino
ang mga taong ito para pagtiwalaan ng gayong pondo? Sila ang sumisigaw na wala
raw “transparency” ngayon sa Iglesia, subalit ang totoo pala ay sila ang walang
“transparency” sa kanilang Restore the Church fund! Ukol dito ay ganito ang
sinasabi ng Biblia:
“Mga kapatid,
ipinamamanhik ko sa inyo na bantayan ninyo ang mga gumagawa ng pagkakahatihati
at naglalagay ng hadlang sa inyong landas, mga aral na labag sa mga aral na
tinanggap ninyo. Lumayo kayo sa kanila. Ang mga taong tulad nila ay hindi
talagang naglilingkod kay Cristong ating Panginoon, kundi sa sariling
kapakinabangan. Dinadaya nila ang mga
walang malay sa pamamagitan ng magandang pananalita at pambobola.” (Roma
16:17-18 NPV)
TANDAAN, ANG
PAGTULONG O PAKIKIISA SA “RESTORE THE CHURCH FUND” AY PAGSUPORTA SA GAWAIN NG
MGA ANTICRISTO NA ANG TALAGANG LAYUNIN AY SIRAIN ANG IGLESIA.
Kaninong
panig kayo?
Sa
Pamamahala ng Iglesia na ang Diyos ang naglagay o sa mga Anticristo na
naglalayon na sirain ang Iglesia?
napaka desperado ng mga fallen angel... Lalong nahayag na sila ang makabagong Anti-Cristo...
ReplyDeleteKahit anong gawin ng mga tao iyan walang mangyayari dahil ang Dios ay nasa panig ng INC. Ang kakapal ng pagmumukha nila. Nasa gantihin na ng Dios at ibigay na ang parusa para sa mga kumakaaway sa Pamamahala.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKahit isang kusing wala akong ibahagi sa kanila ,lalo na at alam ko na ang mga gawain nilang masasama.Alam ko na rin kong saan nila gagamitin ang mga malilikom nila.Ang lalakas ng loob na gumawa ng Restore the church fund akala nila habang buhay nila maitago ang mga kasamaan nila.Buking na kayo mga fallen angels.Lahat ng itinanim ninyo unti unti na ninyong inaani ngayon.Salamat sa Dios at hinayag nya ang mga kasamaan ninyo.Hindi talaga papayag ang Dios na manatili kayo sa loob ng kawan dahil kailanman hindi kayo naging karapatdapat.
ReplyDeleteMas mabuti nalang sana na hindi sya naging INC. Ang laki ng pananagutan nya. Narinig nya ang katotohanan na galing sa Biblia pero tinalikuran nya.
ReplyDeleteKilala ko si Bob Caleb. Kaibigan ito ni Louie Cayabyab. Palaging nauulat dahil sa PERA. Ang tawag sa kanya ay master of SCAM dahil sa dami ng naloko. Kawawa naman lahat ng nagbigay ng PERA.
ReplyDeleteSayang nasa kamay na ninyo ang daan ng katutohanan baket pinuspos ni satanas ang inyong puso at masamang kaisipan? Dahil ba sa selos dahil ba sa di kayo nabigyan ng pabor na gusto ninyo? O naman dahil sa interest pansarili. Ibig sabihin laban kayo sa katwiran ng Dios at ng pamamahala na ibinigay ng Dios sa Tagapamahalang Pangkalahatan para sa Iglesia.
ReplyDeleteHalos lahat sa kanila may "Alias".Talagang hayag na hayag na may itinatago.Yan ba ang dapat pagtiwalaan?Nasa panig na sila ng tunay na iglesia subalit mas pinili nilang hindi magpapasakop.Kaawa awa ang mga maililigaw nyo pero sa huli,hindi pa rin kayo magtatagumpay.
ReplyDelete