02 November 2015

A Letter from Sister Cristina Jurado Almenanza [A cousin of Angel's father-in-law]



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 43

A LETTER FROM SISTER
CRISTINA JURADO ALMENANZA
Dated 31 October 2015

https://www.facebook.com/cristy.almenanza/posts/10206580142640383?pnref=story



[This is a letter published in the timeline of her FB account. 
Sister Cristina was a cousin of Angel Manalo's father-in-law]
With Tagalog Translation below


 This post has been drafted more than a month ago, but as Lolanidora always says: “Sa Tamang Panahon (In the Right Time)”, and I truly devoted prayers to finish this so that I will not cause any harm, or sin to anyone. But if I will cause such, I am already expressing my deepest apologies.

So I believed today is the “Tamang Panahon” to share this important insight, especially that today is the birthday of one of the most important persons in my life, our beloved INC Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo (Ka EVM).

It is written in the book of James 3:13-18 New Living Translation Bible:

True Wisdom Comes From God
13If you are wise and understand God’s ways, prove it by living an honorable life, doing good works with the humility that comes from wisdom. 14But if you are bitterly jealous and there is selfish ambition in your heart, don’t cover up the truth with boasting and lying. 15For jealousy and selfishness are not God’s kind of wisdom. Such things are earthly, unspiritual, and demonic. 16For wherever there is jealousy and selfish ambition, there you will find disorder and evil of every kind.
17But the wisdom from above is first of all pure. It is also peace loving, gentle at all times, and willing to yield to others. It is full of mercy and the fruit of good deeds. It shows no favoritism and is always sincere. 18And those who are peacemakers will plant seeds of peace and reap a harvest of righteousness.

In my own opinion, Bro. Eduardo V. Manalo is the true manifestation of a person who has wisdom that comes from God, as what Verse 17 stated.

Personally, I do not intend to throw stones to those who are criticizing the Executive Board of INC. I am doing this through my own heartfelt desire and no one forced me or bribed me for this disclosure. I only wanted to share such important accounts that occurred during the already weakening days in the life of our late Executive Minister, Bro. Eraño G. Manalo (Ka Erdy), which I am praying and hoping would somehow enlighten the fallen angels, Kelly Ong, especially those INC brethren who were blinded.

In one of the very few instances that Ka EVM opened up to a minister assigned at INC Central, whose wife is a close cousin of mine, Ka EVM shared that even when he was still the Deputy Executive Minister, he believed that some of his siblings were already not in favor of him being assigned as such. He had many projects and suggestions which were somehow being intercepted by his two brothers, because during that time, they were acting as secretaries of Ka Erdy.

Ka EVM also mentioned that the STF which he formed and was honored by Ka Erdy is not the group who are against the leadership of Ka Erdy, but it was the group called NewGen. (http://www.network54.com/Forum/70213/search…).

Unfortunately, Ka Erdy was misled by some of his family members to believe that STF is already recognizing Ka EVM as the current Executive Minister, which is not true and baseless.
There was an instance in one of the Friday Dinners of the family of Ka Erdy when Ka Tenny, the wife of Ka Erdy asked him to give Ka Mark Manalo the opportunity to be the Deputy Executive Minister in placed of Ka EVM, and she also asked Ka Erdy to place Ka Angel Manalo as head of the Finance. But Ka Erdy was firm in his answer that time that Ka Angel and Ka Mark were not trained and molded to handle such important positions.

The issue about the marriage of Ka Gemma, one of the daughters of Ka EVM, with Ka Jojo de Guzman was blessed by Ka Erdy because from the start, Ka Erdy’s advice to Ka Gemma was to conduct devotion (panata) about their marital union and Ka Erdy said that he will also make his own devotion for that. In one of the gatherings of their family, Ka Erdy even suggested to conduct a survey between them to identify who were in favor of the marriage of Ka Gemma and Ka Jojo, and Ka Erdy was the first one to raise his hand, which surprised those who were against such union, so they just followed by also raising their hands.

In one of the most important occasions where the presence of Ka EVM was necessary, that is, when Ka Erdy was terribly ill and very weak, Ka EVM was not given the chance by Ka Tenny to visit, see or even spoke to Ka Erdy. Whenever Ka EVM requested Ka Tenny for a visit with Ka Erdy, she will say that Ka Erdy doesn’t want to see him, which I personally believed that Ka Erdy will never do. That is why, when I was watching the Felix Manalo movie, on the scene in the hospital when Ka Felix spoke to Ka Erdy, I truly cried a lot because such rare chance was not experienced by Ka EVM himself during the passing away of his father. It is a very sad truth that Ka EVM was the last person in their family to know that Ka Erdy already passed away. I believed that if it is true that there was misunderstanding (tampuhan) between Ka Erdy and Ka EVM, Ka Tenny as a wife, as a mother, and more importantly as the light of their household, could have been instrumental to reconcile the two. I cannot imagine what kind of spirit would have yielded the heart of a mother to deprive his son of that last chance to bid farewell to his dying father, one whom he had grown up with, and whom he idolized for his religious greatness.

In one of the issues raised by Kelly Ong about the order of Ka EVM to close the Tabernacle where Ka Erdy’s body was laid, this was ordered because the place is being used by Ka Tenny to gather some brethren to express her disappointments and grief which Ka EVM believed would somehow weaken the spirit of those who will hear such lamentations. Ka EVM felt that time that his mother should already move on because Ka Erdy is already at peace. When the husband of Ka Lotie passed away, the Tabernacle was offered by Ka EVM for the burial wake, but Ka Lotie refused claiming that the Tabernacle will be used for the BEM graduation and opted to use Arlington memorial Home instead. My cousin and her family had a chance to visit such wake, and when they hand-blessed with Ka Tenny, Ka Tenny mentioned: “Dapat tayo ay nagkakaisa bilang pamilya.” Such statements did not bring good vibe and really caused scare to them which led them to leave the place in an instant.

To us who are ordinary members of the INC, it is truly a sad thing to hear and know that Ka Tenny, Ka Lottie, Ka Angel and Ka Mark were separated to our Church, but this was even more hurtful to Ka EVM because this is his beloved mother, sister and brothers. But I know that the Executive Minister’s only will is that his mother, sister and brothers turn back to God’s path, to stop the acts of Joy Yuson, who continuously wanted to cause division to INC. Like their issue on the wall of Jezebel, this will not be ordered without a valid reason. There was a security report that someone was telescoping through a high-powered firearm and looking to the house of Ka EVM.

I do not know if my cousin would approve this revelation which she entrusted to me to be kept, but I am so hurt and troubled already of what is happening to INC. I am well-raised by my Inang, Lola Abe, a well-known provider and caregiver of BEM students when she was alive, and my father & mother under the teachings of God and INC, and because of this, I matured with deep INC faith and with holy fear of God. My family’s richness is defined by good character, pure heart and by saying the words of Truth. I know that with this, I will be attacked and exposed through the social media, like what the Executive Board and their families are experiencing, but I will not be in fear for I am being protected by the Almighty God, the Creator of Heaven and Earth.

I have attached here pictures I have treasured – when my brother died (Ka Lotie’s schoolmate at UP Diliman) at a very young age due to brain tumor and a picture from Ka Tenny commemorating the 1st death anniversary of Ka Erdy, Thank you note from Ka Tenny (which I misplaced when we transferred residence) because I truly adore and love the family of Ka Erdy and I will not intently cause harm to them.

As it was my belief that Ka EVM manifests the person described in the early part of my insight which is stated in James 3:17 – full of mercy and fruit of good deeds; shows no favoritism and is always sincere, Ka EVM has shown this when my cousin, Kuya Mario Wong (father-in-law of Ka Angel) and his family, is continuously living, and being taken care of at the compound of INC even though they are not employees or serving any office of INC Central.
I am sending my heartfelt and sincere message to Ka Tenny, Ka Lotie, Ka Angel and Ka Mark to influence and advise the group of Joy Yuson and Roel Rosal to stop and turn back to the Light and to God. I know, and you all know that Ka EVM is not a bad son and brother. Family should always stand as family. Ka Tenny should not forget the fact that Ka EVM is also her son and Ka Erdy’s, and Ka EVM is our current Executive Minister, whom I could say that almost 99% of the INC members truly love and support.

I know, Ka Tenny, that in the deepest part of your heart, you are aware of the true goodness of Ka EVM and how he really love the INC Church to continue the legacy left by his Lolo, Ka Felix, and his father, Ka Erdy.

I am saddened by the fact that I was barred to give comments on the social media page of Kelly Ong, but my only intention is to share the truth and cause no harm especially to the family of Ka Erdy. I believe this is also the feeling of majority of the INC brethren who want reconciliations to happen, so that the INC Church who have been handheld and helped by God to stand to more than 101 years will not suffer the same fate of that of the first Church who turned back to God.

Let us all renew our old ways (magbalik-loob), ignite again the flame of serving God, because we all know that there exist no more salvation but only inside the Iglesia Ni Cristo sa Huling Araw.

To our beloved Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo, I am expressing my true gratitude for standing firm in leading our Church despite the enormous odds. I truly love INC, I truly love the Executive Minister, and I promise to always be the best INC member that I can be till my last breath. HAPPY BIRTHDAY PO!



TAGALOG TRANSLATION

Ang pahayag na ito ay sinimulan kong isulat mahigit na isang buwan na ang nakararaan, pero sabi nga palagi ni Lolanidora: “Sa Tamang Panahon", at talagang nagsagawa ako ng mga pagpanata upang matapos ko ito upang hindi ako makapagdulot ng anumang paninira o kasalanan sa kaninoman. Subali't kung makapagdulot man ako ng gayon, ngayon pa lamang ay ipinapahayag ko na ang pinaka-taimtim kong paumanhin.

Kaya sa aking palagay ay ngayong araw na ito na ang "Tamang Panahon" upang ibahagi ang mahalagang kabatirang ito, lalong-lalo na at ngayon ay ang kaarawan ng isa sa pinaka-mahalagang mga tao sa aking buhay, ang pinakamamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo (Ka EVM).

Nasusulat sa aklat ng Santiago 3:13-18 Magandang Balita Biblia:

Ang Karunungang Mula sa Diyos
13 Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan. 14 Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. 16 Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.
17 Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.

Sa aking sariling palagay, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo ang siyang tunay na kahayagan ng isang tao na mayroong karunungan na nagmumula sa Diyos, gaya ng kung ano ang isinasaad ng Talatang 17.

Sa ganang aking sarili, wala akong layunin na mamukol ng mga bato doon sa mga naninira sa Sanggunian ng INC. Akin itong ginagawa ayon sa aking sariling taos-pusong pagnanais at walang sinumang pumilit sa akin o nanuhol sa akin sa pagsisiwalat na ito. Nais ko lamang ibahagi ang gayong napaka-mahalagang mga pangyayari na naganap noong mga naunang panahon na nanghihina na ang kalusugan sa buhay ng ating namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eraño G. Manalo (Ka Erdy), na aking ipinapanalangin at inaasahang sa kahit anumang paraan ay makapagbigay-liwanag sa mga naipatapong mga anghel (fallen angels), at kay Kelly Ong, at lalong-lalo na yaong mga kapatid sa INC na nadimlan ng isip.

Sa isa sa mga napaka-kaunting mga pagkakataon na ang Ka EVM ay nagbukas ng hinaing sa isang ministro na naka-destino sa Opisina Central ng INC, na ang maybahay ay isang malapit kong pinsan, ibinahagi ng Ka EVM na kahit na noong siya ay Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan pa lamang, naniniwala siya na ang ilan sa kaniyang mga kapatid ay hindi na sumasang-ayon sa kaniya sa pagkakatalaga niya bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan. Napakarami niyang mga proyekto at mga mungkahi na sa anumang paraan ay pinipigilan ng kaniyang dalawang kapatid na mga lalake, sapagkat ng mga pagkakataong iyon, sila ang tumatayo bilang mga kalihim ng Ka Erdy.

Binanggit din ng Ka EVM na ang STF (Special Task Force) na kaniyang binuo at ibinunyi ng Ka Erdy ay hindi ang siyang grupo na lumaban sa pamamahala ng Ka Erdy, kundi ang lumaban ay ang grupo na tinatawag na NewGen (BagongHenerasyon).

Sa kasamaang palad, nalinlang ang Ka Erdy ng ilan sa kaniyang mga kasambahay para papaniwalain na ang STF ay kinikilala na na ang Ka EVM na ang siyang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, na hindi totoo at walang-batayan.

Mayroon pang isang pagkakataon minsan sa isang Hapunan ng Biyernes ng gabi sa pamilya ng Ka Erdy kung saan ang Ka Tenny, ang maybahay ng Ka Erdy, ay hiniling sa kaniya na ipagkaloob na lamang kay Ka Mark Manalo ang oportunidad na maging Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan sa halip na sa Ka EVM, at hiniling din niya ang Ka Erdy na ilagay si Ka Angel Manalo bilang pangulo ng Pananalapi. Subalit mahigpit ang Ka Erdy sa kaniyang sagot noong pagkakataong iyon na sina Ka Angel at Ka Mark ay hindi sinanay at hinulma upang humawak ng gayong mahahalagang mga tungkulin.

Ang isyu tungkol sa pagpapakasal ni Ka Gemma, isa sa mga anak na babae ng Ka EVM, kay Ka Jojo de Guzman ay binasbasan ng Ka Erdy sapagkat sa simula pa lamang, ang payo ng Ka Erdy kay Ka Gemma ay magsagawa ng mga pagpapanata tungkol sa kanilang pag-iisang-dibdib at sinabi rin ng Ka Erdy na magsasagawa rin siya ng kaniyang sariling pagpapanta para doon. Sa isa sa mga pagsa-salo-salo ng pamilya, iminungkahi pa ng Ka Erdy na magsagawa ng isang survey ng pagsisiyasat sa pagitan nila upang mapagkilanlan kung sino ang mga sumasang-ayon sa pagpapakasal nina Ka Gemma at Ka Jojo, at ang Ka Erdy ang siyang unang nagtaas ng kaniyang kamay, na ikinagulat noong mga di-sang-ayon sa pagpapakasal na iyon, kaya't basta sumunod na lamang sila sa pamamagitan ng pagtataas din ng kanilang mga kamay.

Sa isa sa mga pinaka-mahalagang mga okasyon kung saan ang pagdalo ng Ka EVM ay kinakailangan, 'yun na nga ay noong ang Ka Erdy ay malubha na ang karamdaman at napakahina na ng pangangatawan, hindi binigyan ng pagkakataon ni Ka Tenny ang Ka EVM na makadalaw, upang makita o makausap man lang ang Ka Erdy. Sa tuwing hihilingin ng Ka EVM ang Ka Tenny para makadalaw sa Ka Erdy, sinasabi ni Ka Tenny na ayaw siyang harapin ng Ka Erdy, na sa palagay ko ay hinding-hindi gagawin ng Ka Erdy. Iyon ang dahilan kung bakit, nang pinapanood ko ang pelikulang Felix Manalo, noong tagpo sa ospital nang kausapin ng Ka Felix ang Ka Erdy, napaiyak talaga ako nang labis sapagka't ang mga gayong napakadalang na mga pagkakataon ay hindi na naranasan mismo ng Ka EVM sa pagyao ng kaniyang tatay. Iyon ay isang napaka-lungkot na katotohanan na ang Ka EVM ang pinaka-huling tao sa kanilang pamilya ang nakaalam na ang Ka Erdy ay pumanaw na. Naniniwala ako na kung totoo na mayroong tampuhan sa pagitan ng Ka Erdy at ng Ka EVM, si Ka Tenny bilang maybahay, bilang isang ina, at higit sa lahat bilang siyang Ilaw ng kanilang tahanan, ay naging kasangkapan sana sa pagkakasundo ng dalawa. Hindi ko lubos na maisip kung anong klaseng espirito ang nanaig sa puso ng isang ina upang alisan ang kaniyang anak ng huling pagkakataon na iyon na makapag-paalam sa kaniyang naghihingalong tatay, na siyang naging kasa-kasama niyang lumaki, at kaniyang inidolo dahil sa kaniyang kadakilaan sa relihiyon.

Sa isa sa mga isyu na sinasabi ni Kelly Ong tungkol sa utos ng Ka EVM upang isara ang Tabernakulo kung saan ang bangkay ng Ka Erdy ay nakaratay, ito ay iniutos sapagkat ang dako ay ginagamit ni Ka Tenny upang mangalap ng mga kapatid upang ipahayag ang kaniyang mga pagtatampo at saloobin na pinaniniwalaan ng Ka EVM na sa anumang paraan ay magpapahina sa pananampalataya niyaong mga makakarinig ng gayong mga panaghoy. Naniniwala ang Ka EVM ng panahong iyon na ang kaniyang ina ay dapat nang makapagpatuloy na sapagkat namayapa na ang Ka Erdy. Noong mamayapa ang asawa ni Ka Lottie, inialok ng Ka EVM ang Tabernakulo upang maging dako ng paglalamayan, subalit tumanggi si Ka Lottie at sa halip ay minabuting gamitin ang serbisyo ng Arlington Memorial Home. Ang pinsan ko at ang kaniyang pamilya ay nagkaroon ng isang pagkakataon na makadalaw sa gayong lamay, at nang sila ay nagmano sa Ka Tenny, binanggit ni Ka Tenny na: “Dapat tayo ay nagkakaisa bilang pamilya.” Ang mga gayong pahayag ay hindi nagdulot ng magandang pakiramdam at sa katunayan ay nagbigay-takot pa sa kanila kung kaya't nagpasya silang umalis na kaagad-agad sa lugar na iyon.
Sa atin na mga karaniwang kaanib ng Iglesia Ni Cristo, talaga namang isang napaka-lungkot na mabalitaan na sina Ka Tenny, Ka Lottie, Ka Angel at Ka Mark ay nahiwalay sa ating Iglesia, pero ito ay mas lalo pang napakasakit sa Ka EVM sapagkat ang mga ito ay ang kaniyang sariling ina at mga kapatid. Subalit batid ko na ang tanging layunin ng Tagapamahalang Pangkalahatan ay ang makapag-balik-loob ang kaniyang ina at mga kapatid sa kalooban ng Diyos, na patigilin ang mga gawa ni Joy Yuson, na patuloy na nagnanais na gumawa ng pagkaka-baha-bahagi sa INC. Gaya ng kanilang isyu sa pahina ni Jezebel, ito ay hindi maiuutos nang walang matibay na dahilan. Mayroon nang isang pag-uulat ng security na mayroong isang gumagamit ng teleskopyo sa pamamagitan ng isang mataas ang kalibreng baril na nakatutok sa bahay ng Ka EVM.

Hindi ko alam kung papayagan ng pinsan ko ang ganitong mga pagsisiwalat na ipinagkatiwala niya na ingatan ko, subalit labis akong nasasaktan at nangangamba sa kung ano na ang nangyayari sa INC. Ako ay pinalaking maayos ng aking Inang, na si Lola Abe, isang kilalang tagatustos at tagapag-alaga ng mga estudyanteng BEM noong siya ay nabubuhay pa, at ang aking ama & ina sa ilalilm ng mga aral ng Diyos at ng Iglesia Ni Cristo, at dahil dito, ako ay nagka-gulang na taglay ang malalim na pananampalatayang Iglesia Ni cristo at may banal na takot sa Diyos. Ang pagka-mariwasa ng aming pamilya ay inilalarawan sa pamamagitan ng mabuting pagkatao, dalisay na puso at sa pagsasabi ng mga salita ng Katotohanan. Batid ko na dahil dito, ako ay tutuligsain at pararatangan sa pamamagitan ng social media, gaya ng dinaranas ng Sanggunian at ng kanilang mga pamilya, subalit hindi ako natatakot dahil ako ay iniingatan ng Makapangyarihang Diyos, ang Lumalang ng Langit at Lupa.

Isinama ko rito ang mga larawan na aking pinaka-iingat-ingatan – noong mamayapa ang aking kapatid na lalake (ang ka-eskwela ni Ka Lottie sa UP Diliman) sa maagang panahon dahil sa tumor sa utak, isang larawan mula kay Ka Tenny sa pag-aalaala sa unang taon ng anibersaryo ng kamatayan ng Ka Erdy at isang tala ng Pasasalamat mula sa Ka Tenny (na aking naiwaglit noong lumipat kami ng tirahan) sapagkat tunay kong iniibig at minamahal ang pamilya ng Ka Erdy at hindi ko sasadyain na siraan sila.

Dahil sa aking pananalig na ang Ka EVM ang siyang kinatutuparan ng pagkatao na inilalarawan doon sa unahang bahagi ng kabatirang ito na nakasaad sa Santiago 3:17 – na puspos ng kahabagan at bunga ng mabubuting mga gawa; hindi nagtatangi at palagi nang nasa katapatan, naipakita ito ng Ka EVM nang ang aking pinsan, si Kuya Mario Wong (biyenan ni Ka Angel) at ang kaniyang pamilya, ay patuloy na namumuhay,a t inaalagaan sa bakuran ng INC bagaman sila ay hindi mga empleyado o naglilingkod a alinmang tanggapan sa Opisina Central ng INC.

Aking ipanaaabot ang aking taos-puso at tapat na mensahe kina Ka Tenny, Ka Lottie, Ka Angel at Ka Mark na himukin at payuhan ang grupo ni Joy Yuson at Roel Rosal na tumigil na at magbalik-loob sa Ilaw at sa Diyos. Batid ko, at batid ninyong lahat na ang Ka EVM ay hindi isang masamang anak at kapatid. Ang pamilya ay dapat na naninindigang magkakasama bilang isang pamilya. Hindi dapat na malimutan ni Ka Tenny ang katotohanan na ang Ka EVM ay kanila ring anak ng Ka Erdy, at ang Ka EVM ang ating kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, na masasabi kong halos 99% ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay tunay na minamahal at sinusuportahan.

Alam ko, Ka Tenny, na sa pinaka-kaibuturang bahagi ng inyong puso, may kamalayan kayo sa kabutihan ng Ka EVM at kung papaano niya tunay na minamahal ang Iglesia Ni Cristo upang ipagpatuloy ang pamanang iniwan ng kaniyang Lolo, ang Ka Felix, at ng kaniyang tatay, ang Ka Erdy.

Nalulungkot ako sa katotohanan na ako ay hinadlangan na makapagbigay ng mga pananaw sa pahina ng social media ni Kelly Ong, subalit ang tangi ko lamang layunin ay ang ibahagi ang katotohanan at hindi ang magdulot ng anumang paninira lalong-lalo na sa pamilya ng Ka Erdy. Naniniwala ako na ito rin ang damdamin ng karamihan sa mga kapatid sa INC na nagnanais na maganap na ang isang pagkakasunduan, nang upang ang Iglesia Ni cristo na hinawakan at tinulungan ng Diyos na makapanindigan sa loob ng higit sa 101 mga taon ay hindi magdanas ng gayunding kapalaran sa unang Iglesia na tumalikod sa Diyos.

Tayo nang magbalik-loob, papagningasing muli ang alab ng paglilingkod sa Diyos, sapagkat nababatid natin na wala nang iba pang kaligtasan na umiiral kundi sa loob lamang ng Iglesia Ni Cristo sa Huling Araw.

Sa ating pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, ipinaaabot ko po ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong matibay na paninindigan sa pangunguna sa ating Iglesia sa kabila ng napakaraming mga kahadlangan. Tunay kong iniibig ang Iglesia Ni Cristo, tunay kong iniibig ang Tagapamahalang Pangkalahatan, at nangangako ako na maging pinakamabuting kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa abot ng aking makakaya hanggang sa huling sandali ng aking hininga. MALIGAYANG KAARAWAN PO!



12 comments:

  1. Lalo akong humanga sa aming tagapamahalang pangkalahatan dahil dito...salamat po at ibinahagi niyo ito...Naiyak po ako at nalungkot dahil sa ginagawa nila sa ating mahal na tagapamahala... nakakalungkot isipin na ang sarili niyang pamilya ang mgdudulot nang kaguluhan at pagkabaha bahagi nang iglesia... Kung ako naiyak at nalungkot sa mga nangyayari sa Iglesia at sa ginagawa nila sa mahal naming tgapamahala mas lalo ang lungkot na nadarama nang mahal na kapatid na Evm. Subalit dahil sa pagmamahal niya sa Iglesia kahit pamilya niya kahit masakit sa knya ginawa niya silang itiwalag...Ka Eduardo V Manalo Kaisa mo po kami..Maglilingkod po kami at di hihiwalay sa Iglesia at naniniwala po ako sa puso ko na kau po ang binabasbasan nang Diyos at itinalagang magaalaga at mamahala sa Iglesia sa mga huling araw.Salamat po nang marami sa lubos niyong pagmamahal sa buong Iglesia...Ang dalangin ko po patuloy kaung bigyan nang Ama nang lakas at kapangyarihan para patuloy po ninyong magabayan at mapamunuan ang iglesia..Bigyan po sana kaung patuloy nang Ama nang Lakas at mabuting kalusugan.. Salamat po at mahal po namin kau...magpapatuloy po kami at di patitinag sa aming tungkulin na maglingkod sa diyos at mgpasakop sa inyong pamamahala.

    ReplyDelete
  2. salamat po sa pagmamahal mo sa pamamahala at sa iglesia...kapuso ka kanin kapatid.....

    ReplyDelete
  3. Maraming salamat po .Salamat sa Dios at hindi nya pinabayaan ang Ka EVM.Nakakalungkot dahil ang sariling family pa nya ang mismong nagbigay ng pasakit sa kanya gayon din ang nahila ng kadiliman palabas ng Kawan.Kaya naman si Ka EVM ang pinili at hinirang ng Dios para manguna sa Iglesia dahil nakita ng Dios na sya ang karapatdapat dahil sya ay merong ginintuang puso at katapatan sa pagsunod sa mga utos ng Dios.Simula pa sa sugo at ganon din kay ka Erdy inudyok na sa kanila ng Dios na si ka EVM ang patungan ng kamay at panalanginan at sinanay sa mga responsibilidad upang manguna sa banal na Iglesia ni Cristo.Dalangin ko po sa tuwina'y patnubayan at alalayan po kayo ng banal na ispiritu santo.Palagi po kayong ilayo sa anumang sakuna't kapahamakan,manatili pong masigla at malusog ang inyong pangangatawan at lagi po kayong ipagsanggalang sa mga masasamang pagiisip ng mga taong gustong kumalaban at puminsala sa inyo.Sa mga fallen angel harinaway gumising na kayo wag kayong manatiling nakapikit dahil mahirap yan puro dilim ang nasaunahan ninyo kailangan idilat ninyo ang mga mata ninyo para makakita na kayo ng liwanag.Magbulay bulay na kayo at magbalikloob sa Dios habang may panahon pang nalalabi sa buhay ninyo. Mahal na ka Eduardo maraming maraming salamat po sa pagmamahal at pagtataguyod mo po sa banal na Iglesia sa buong mundo.Purihin ang Dios.

    ReplyDelete
  4. OPo, kaisa kmi ng tagalamahala sa anomang desisyon na mula sa kanila
    PURIHIN ANG AMA , THY WILL BE DONE

    ReplyDelete
  5. Maraming salamat po .Ang Dios ang pumipili ng kanyang lingkod at si Ka EVM ang kanyang pinili upang manguna sa kanyang kawan dahil sya ang karapatdapat.

    ReplyDelete
  6. pinapangako po namin ka EVM,ano man ang mangyari,sa panig nyo po kami,kung sinabi nyo po na mamatay muna kayo para sa amin(IGLESIA),ganon din po kami mamamatay muna kami bago nila kayo mapinsala.

    ReplyDelete
  7. Tunay na ang Pamamahala ay sa Dios.

    ReplyDelete
  8. By August 8 this year, I shall be celebrating my 46th year as a convert. It pains me so much that there are those who have the guts to malign the Church that I believe is the true Church and the one to be saved by our Lord Jesus Christ. It saddens me that people close to Brother Eduardo V. Manalo, our beloved Executive Minister, should be the ones to malign and discredit him. I was a witness when Brother Eduardo was elected by the ministers who were gathered at the Session Hall of the Central Temple to succeed his father, Ka Erdy, in the event that he is no longer able to fulfill his duties, and the two younger siblings (Angel and Mark) were also there. I was also there at the tribuna (I was then the Kalihim ng Paglilingkod Panlipunan -Social Services Secretary) when Ka Eduardo was sworn in during the worship service by Ka Erdy, to be his successor, and again, the two younger siblings were there. If my memory serves me right, it was also their (the younger siblings') ordination.
    The Iglesia Ni Cristo is God's handiwork. God will uphold it, as He promised His messenger in these last days, with His righteousness. God will not allow evil men to triumph.
    When I became a member of the Church Of Christ in 1970, I firmly believe that it is the duty of every faithful member to submit himself/herself to the Church Administration. And now, as a minister, this is still my firm belief. I will always be one with the Church Administration. I and my family are one with Brother Eduardo V. Manalo, our beloved Executive Minister, who took on the mantle of leadership when his father was laid to rest.
    May every faithful member of the Church Of Christ continue to hold on to their spiritual fervor as our beloved Executive Minister has sounded the call.
    Long live the Iglesia Ni Cristo! Under God's protection and guidance, it shall continue to prosper beyond its 102nd anniversary. Yes, faithful members shall die remaining faithful to their calling, and the rest shall live on to be able to meet our Lord Jesus Christ at His second coming.

    ReplyDelete
  9. napakaraming pagsubok at may mga nagtaksil pa sa kahalalan,isang patunay lamang na itong gawaing ito ay sa Diyos ang lahat ay nagaganap ayon sa ninanais at sa panukala ng ating Panginoong Diyos

    ReplyDelete
  10. Noong una hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Isipin mo sariling ina at mga kapatid ang itiniwalag mismo ng ka Eduardo. Pero nung maunawaan ko ang talagang mga nangyayari, napagtanto ko na ang ka Eduardo ang pinaka huwaran sa pagsunod sa utos ng Diyos. Hindi niya hinayaang madaig ng pansariling kapakanan ang kapakanan ng Iglesia. Lalo niyang pinatunayan na siya ang tunay na Tagapamahalang Pangkalahatan na inilagay ng Diyos.

    ReplyDelete
  11. Glory be to our almighty God.
    I vow to offer myself to him until my last breath.
    Salamat po ka. EVM, sa kabila ng hirap at sakit kami pa rin po ang inyong iniisip; ang kapakanan ng buong Iglesia ang lagi nyong ipinagpapauna.
    Hindi nyo man po kami nakikita o nakakapiling, sa lahat ng lakbayin ng Iglesia kami ay inyong kasama. Ipinapangako po namin na aming ipaglalaban ang aming kahalalan hanggang sa huli.
    Muli ay maraming salamat po at mahal na mahal po namin kayo.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)