26 November 2015

The Ugong Property Issue: Kurapsiyon ba ang Pagbebenta ng Ugong Property?



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 51

THE UGONG PROPERTY ISSUE

Ang Ugong Property Issue ay hindi katibayan na may kurapsiyon sa panig ng Pamamahala ng Iglesia ngayon, kundi nagpapaala-ala pa nga ito sa anomalya na kinasangkutan nina Angel, Marc at Yuson



 ANG totoo ang isyu tungkol sa pagbebenta sa Ugong property ay ang unang naglabas ay si “Antonio Ebangelista at ito ay NASAGOT NA noon pa. Narito ang link ng sagot natin sa paggamit ni “Antonio Ebangelista sa isyu ng pagbebenta ng Ugong property na diumano’y katibayan daw na may kurapsiyon ngayon sa Iglesia:

“Answering the Ugong Property Issue”
Posted: 22 June 2015
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/answering-ugong-property-issue.html

Pagkatapos ng pagkakalathala ng sagot nating ito ay nanahimik sila at di na inimikan o nagtangkang tugunin ang sagot natin sa isyung ito. Subalit ngayon ay muling pinalilitaw ng mga “Anticristo bago ang wakas” (End-Time Antichrists) ang isyung ito. Muli nilang binabanggit na ang pagbebenta raw ng Ugong property ay katibayan daw ng kurapsiyon sa loob ng Iglesia. Ngayon lamang November 26, 2015 ay inilathala sa kaniyang page ng isa sa mga End-Time Antichrists na si Joy Yuson ang sumusunod:

Kelly Ong Defender
ANG ILAN SA MGA KATUNAYANG WALANG KURAPSIYON SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO: (Part 1)
• Ang mga lupa at ari-arian ng iglesia ay unti-unti inilipat sa mga pangalan ng mag-anak ni Jun Santos at ni Babylyn Ventura.
• Ang mga prime properties ng Iglesia ay unti-unti nang ibinebenta. Halos nasa isang daang pag-aari na ang naipagbili tulad ng lupa sa Ugong na dating housing ng mga kapatid, bahay-tuluyan ng KA ERDY sa Tagaytay, lupa sa Global City na sana'y pagtatayuan ng kapilya, dating USMO Office na sana'y maaaring gawing sambahan ng mga kapatid sapagkat nangungupahan lamang sila roon, atbp.

May bukod tayong pagtalakay sa una at iba pa niyang binanggit sa itaas. Sa artikulong ito ay itutuon natin ang ating pansin sa sinasabi niyang katunayan daw ng kurapsiyon ngayon sa loob ng Iglesia ang pagbebenta sa “Ugong na dating housing ng mga kapatid.” Bakit? Sapagkat ang Ugong Property Issue ay hindi katibayan na may kurapsiyon sa panig ng Pamamahala ng Iglesia ngayon, kundi nagpapaala-ala pa nga ito sa anomalya na kinasangkutan nina Angel, Marc at Yuson.


ANG DAPAT NILANG MAIPAKITA UPANG MAPATUNAYANG MAY
KURAPSIYON SA PAGBEBENTA NG ARI-ARIAN NG IGLESIA

Ang pagbebenta ng property perse ay hindi isang katiwalian at hindi sapagkat may ibinentang ari-arian ay may kurapsiyon na. Tanging hindi matino ang pag-iisip ang hindi sasang-ayon sa katotohanang ito. Samakatuwid, para mapatunayang may katiwalian o kurapsiyon sa pagbebenta ng isang property ay dapat muna niyang mapatunayan na:

(1) Walang karapatan o awtorisasyon ang nagbenta; (2) ginagamit pa ng Iglesia ang nasabing property na ibinenta; at (3) walang suliranin sa pag-maintain ng nasabing property (tulad ng hindi naman pinakikinabangan subalit malaki ang nagiging gastos ng Iglesia sa maintenance, security at maging sa taxes na binabayaran).

Kapag hindi naipakita ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala ng Iglesia ang binanggit sa itaas ay nagppatunay lamang na nagpaparatang lamang sila ng walang basehan o sa madaling salita ay NAGSISINUNGALINGAN lamang sila.
 

Sa detalyadong pagtalakay dito ay basahin ang artikulong:

KATIBAYAN BA NG KURAPSIYON SA IGLESIA ANG PAGBEBENTA
NG MGA "PRIME PROPERTIES"?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/08/katibayan-ba-ng-kurapsiyon-sa-iglesia.html
  


ANG DAHILANG KUNG BAKIT
BINILI ANG UGONG PROPERTY

Ang Ugong property na ito ay binili ng Iglesia noon pang 1965, hindi sa layuning gawing dako ng pabahay ng Iglesia kundi upang maging lokasyon ng Radio Transmitter Tower ng Iglesia. Noong nagtayo tayo ng ating Radio Station (ang DZEM at DZEC) ay nagtayo rin tayo ng Radio Transmitter Tower sa property ng Iglesia sa Ugong. ITO ANG TUNAY NA PURPOSE NG PROPERTY NA ITO.

Noong 1995, ang Radio Transmitter Tower ng Iglesia sa Ugong ay inilipat sa Ubando, Bulacan. Ang paglilipat na ito ay dahil sa higit na mabisa (efficient) ang Radio Transmitter kung napapalibutan ng tubig. Kaya, bumili ng property ang Iglesia sa Ubando na dako ng mga palaisdaan. Dito inilipat ang Radio Transmitter Tower ng DZEM at DZEC mula sa Ugong. Sa lugar ding ito matatagpuan ang Radio Transmitter Tower ng iba pang mga Radio Stations tulad ng DZRH, DZBB at DZMM.

Samakatuwid, nawala na sa tunay na “purpose” ng pagbili ng Iglesia sa Ugong property na maging lokasyon ng Radio Transmitter Tower ng Iglesia nang ilipat ito sa Ubando , Bulacan noong 1995.


WALANG IBANG PAGGAGAMITAN
ANG UGONG PROPERTY NA ITO

May pagkakataon na kung nawala sa original purpose ang isang property ay pinapanatili pa natin kung magagamit naman sa ibang dahilan o mapapakinabangan pa rin sa ibang paraan. Subalit, ang lokal ng Iglesia na nasa Ugong ay may sarili nang Gusaling Sambahan na nasa lote na bukod sa property na ito.

Nagkaroon din noon ng panukala na ilipat rito ang CEM extension at ang opisina ng Distrito (ng Distrito ng Rizal). Subalit, nagkaroon ng re-organization sa Metro Manila. Ang Marikina at Pasig ay nawala sa sakop ng Distrito ng Rizal (kabilang ang Lokal ng Ugong) dahil ito ang bumuo sa Distrito ng Metro Manila East. Ang opisina ng distrito ng Rizal ay nabalik sa Taytay pati na ang CEM extension ng Rizal. Ang mga manggagawa naman ng Metro Manila East ay sa CEM main campus dumadalo ng klase, at ang opisina ng distrito na una’y sa Pasig, at ngayon ay nasa Bagong Ilog.

Samakatuwid, ang Ugong property ay hindi lamang wala na sa kaniyang orihinal na purpose kaya binili, kundi wala namang paggagamitan ang lokal at ang distrito.


HOUSING NG IGLESIA?

Inaangkin ng mga End-Time Antichrists na may “housing unit” ang Iglesia sa Ugong property. Ito ay isang pandaraya at pagsisinungaling. Hindi kailanman nagkaroon ng “housing” ang Iglesia sa Ugong property (“housing” tulad sa Central, Montalban, at Dasmarinas).

Noong 1995 nang maalis ang Radio Transmitter Tower sa Ugong at nalipat sa Ubando ay may ilang kapatid na humiling na pansamantalang makapagtayo ng kanilang bahay sa property. Pinayagan sila sa kasunduan na aalis sila kapag “kinailangan” na. Sumang-ayon ang mga kapatid, Kaya, malayo sa sinasabing “housing ng Iglesia” ang nasa Ugong property. Hindi ito “housing” kundi isang simpleng pinayagan ang ilang kapatid na pansamantalang makapagtayo roon ng tirahan. Hindi maaaring magkaroon ng “housing” ang Iglesia sa Ugong dahil hindi practical. Ang “housing” ay para sa mga kawani o naglilingkod sa Iglesia. Napakalayo nito para sa mga naglilingkod sa Central o kaya ay sa fabrication sa Montalban. Kung naglilingkod din naman sila sa Central ay higit na mabuting doon na sila sa mga housing doon tumuloy.

Nang “kailanganin” na, ang mga kapatid ay kusang umalis na roon at ang iba sa kanila ay tinulungan pa ng Iglesia na magkaroon ng “bahay” sa Montalban (Rodriguez), Rizal. 


BAKIT KAILANGANG IPAGBILI?

Wala na sa kaniyang original purpose, hindi ginagamit ng lokal dahil may sarili silang kapilya at compound. Hindi rin ginagamit ng distrito at maging ng alinmang tanggapan ng Iglesia. Maaaring sabihin ng iba na bakit hindi na lamang panatilihin (i-maintain) at kailangan pang ibenta? Ang totoo ang grupo na rin ng End-Time Antichrists ang sumagot sa katanungang iyan sa kanilang artikulo noon sa blog ni “Antonio Ebangelista” ay ganito ang kanilang sinasabi:

“Wait a minute… this can’t possibly be right… Why would the Sanggunian approve the sale of a COMPLETELY USABLE, PRIME LOT, STRATEGICALLY LOCATED IN ONE OF THE HIGH-VALUED LOCATIONS IN THE METRO?”

Kung ang Ugong property ay isang “completely usable, PRIME LOT, strategically located in one of the high-valued locations in Metro”, palagay ninyo ay “sampung piso” lang ang babayarang tax ng Iglesia sa property na ito taon-taon? Alam nating napakalaking halaga.

Samakatuwid, kung ang isang ari-arian ay hindi na ginagamit, wala nang paggagamitan, at nagdudulot pa ng malaking gastusin, ano ang matalinong hakbang na dapat gawin? Tama, ang ibenta na lamang ang ganong ari-arian.


ANG PAGBEBENTA NG UGONG PROPERTY AY NAGPAPAKITA
NG KATALINUHAN AT PAGIGING MASINOP SA PANGANGASIWA
NG PANANALAPI NG IGLESIA

Walang katiwalian (anomalya) sapagkat may karapatan o awtorisasyon ang Pamamahala sa pagbebenta at pangangasiwa sa nga property ng Iglesia (The Corporation Law, article 164). Hindi “kurapsiyon” kundi pagiging masinop sa Pananalapi ng Iglesia ang pagbebenta ng Ugong property sapagkat hindi na ginagamit, walang paggagamitan, walang lokal, distrito o tanggapan na gagamit pa, at nagdudulot pa ng malaking gastusin sa taxes taon-taon, kaya tama lang na ibenta na ang gayong property.

Iba na lang talaga ang nakikita at layunin ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala kaya minamasama nila ang hakbang at pasiya ng Pamamahala na sa katotohanan naman ay tama at pagiging masinop lamang.


BAKIT NATIN SINABING ANG “UGONG PROPERTY” AY NAGPAPAALA-ALA SA ANOMALYANG KINASANGKUTAN NINA ANGEL, MARC AT YUSON?

Dito nagkamali si Yuson (sabagay palagi naman niyang inilalaglag ang sarili at ang mga “amo” niya) sa pagbanggit sa Ugong property. Dahil kapag binanggit ang Ugong property ay hindi maiiwasang banggitin din ang paggawa ng Radio Transmitter Tower sa Ubando, Bulacan. Mula 1965 hanggang 1995 ay nasa Ugong ang Radio Transmitter Tower ng mga Radyo ng Iglesia. Mula Ugong ay inilipat sa Ubando kung saan nangyari ang anomalya ng grupo nina Angel, Marc at Yuson – ang Ubando Radio Transmitter Tower Anomaly. Para sa detalye ay basahin ang artikulong

THE UBANDO RADIO TRANSMITTER TOWER ANOMALY
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/08/the-ubando-radio-transmitter-tower.html

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)