03 November 2015

Nagsampa ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II ang SCAN International



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 44

SINO SI
LOWELL (BOYET) MENORCA?
Ika-anim na Bahagi


 Patong-patong na kasong libelo ang isinampa ng mga kaanib at iba’t ibang chapters ng SCAN International laban kay Lowell Menora II


DAHIL sa masasamang pahayag ni Lowell “Boyet” Menorca laban sa SCAN International ay patong-patong ngayon ang kasong libelo na isinampa ng mga kaanib sa iba't ibang chapters ng SCAN International laban sa kaniya. Ang Society of Communicators and Networkers International o SCAN International ay ang civic group ng Iglesia Ni Cristo. Sila ang nangunguna sa mga socio-civic activities ng Iglesia Ni Cristo tulad ng Lingap sa Mamayan (medical missions), relief and rescue missions sa panahon ng mga kalamidad, clean-up drive, blodletting, at nangangasiwa rin ng kaayusan at seguridad sa iba’t ibang aktibidad ng Iglesia. Sa maraming beses ay napatunayan ang “kabayanihan” ng mga kaanib sa SCAN International sa pagsagip sa buhay ng marami nating kababayan.

Sa interview sa kaniya ng ABS CBN noong Oktubre 28, 2015, ang tiwalag na manggagawa na si Lowell Menoraca II ay inakusahan ang mga miembro ng SCAN na “hitmen” o “death squad” ng INC, mga armadong grupo na nagmumukha raw “private army” na gumagawa ng extra-judicial activities.  Isang libelous statement o nakapaninirang-puri sa isang grupo na ang pinakalayunin ng pagkakatatag ay para sa mga sibikong gawain. Dahil dito, maraming mga kaanib ng SCAN sa iba’t ibang dako ng Pilipinas ay nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca.

Sa Region 2 o Cagayan Valley, dumagsa ang mga miembro ng SCAN sa opisina ng prosecutor’s office sa Santiago City para pormal na maghain ng kasong libelo laban kay Menorca. Ganon din, naghain din ng reklamo laban kay Menorca ang SCAN sa iba’t ibang panig ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, Ifugao at Batanes.

Sa Region 5 o Bicol region ay nagsampa ang   SCAN Sorsogon district ng kasong libel laban kay Menorca. Matatandaan na si Menorca ay nagmula sa Sorsogon bago magtungo sa Dasmarinas at Maynila. Sa pangunguna ng Sorsogon Chapter,  SCAN President Gerardo Espadero humarap siya kay Fiscal Eric Reginaldo sa City Prosecution Office ng Sorsogon City upang sumpaan ang nakasulat na pahayag ukol sa mga reklamong isinampa niya laban kay Menorca.

Sa Nueva Ecija naman ay naghain din ng kasong libelo laban kay Menorca ang mga miembro ng SCAN sa Nueva Ecija chapter. Isa sa nagsampa ng kasong libelo laban kay Ginoong Lowell Menorca II si Noel Reyes isang kaanib sa SCAN. Ito ay matapos nilang mapanood sa isang TV station ang pahayag ni Menorca noong ika-28 ng Oktubre, 2015. Ayon kay Ginoong Reyes ang mga paratang ni Menorca ay nagdulot ng kasiraang-puri, kawalang–tiwala at pagkamuhi ng mga tao sa SCAN. Aniya pa, pagkatapos ng nasabing panayam kay Menorca, nilait siya ng mga tao bilang miyembro ng SCAN maging ang kanyang asawa at mga anak ay nasaktan din sa paninirang-puri

Patuloy pang dadagsa ang mga kasong libelo laban kay Menorca mula sa mga kaanib at chapters ng SCAN International sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.



6 comments:

  1. Maayos na ang buhay mo/nyo.Sumuwag ka kasi sa amo mo.Ayan...hindi ka ba naturuan?You shall not speak of falsehood.The hard road ahed of you hopefully will teach you well.

    ReplyDelete
  2. Ang tanong ngayon ay kung kaya Ng lawyer Ni Mwnorca asikasuhin Yung mga libel complaints along with the other persons in her charge (I.e. fallen angels and the ex-Marines)

    ReplyDelete
  3. Iyan ang bunga ng iyong kasinungalingan Menorca.Ginambala mo ang nananahimik na organization ng scan eh di ngayon para kang iikotan ng mga putakte.Nakalimutan mo yata na ang SCAN ay hindi lang sa Sorsogon or buong pilipinas ito ay nasa buong mundo.Inihayag lang ng Dios na ang pagsisinungaling ay walang ibubungang mabuti.Nagkamali ka ng pagpili ng landas mo.Nasa panig ka na ng matuwid subalit tumalon ka pa sa panig ng hindi matuwid napahamak ka tuloy.Tanong ko lang sa yo Menorca? Nakatulong ba sa yo ang paglaban mo sa pamamahala? Maging ang paghihimagsik at pagsisinungaling mo? Wag na wag mong kalimutan na ang Dios at paninoong Jesus ang may ari ng Iglesia at sya ang tagapagtanggol nito maging kay ka Eduardo .Salamat sa panginoong Dios at panginoong Jesus hindi nila pinababayaan ang mahal na ka EVM ganon din ang buong Iglesia.

    ReplyDelete
  4. Wala akong nabasa sa history ng Biblia na napabuti ang kapalaran ng mga taong lumaban sa lider ng bayan ng Dios.Ang Dios lamang ang pwedeng humusga sa mga lider na itinalaga Niya. Ako ay nakaramdam na ang paghuhukom ay nakaumang at nasa mga pintuan na dahil ang mga taong hindi maliligtas ay inalis na ng Dios nasa loob man ng ministerio o hindi ay inihayag na.Ang nangyari sa INC ngayon ay hindi ito karaniwan,ito ay nagbabadya ng katapusan na ng kasaysayan ng tao o ang kawakasan ng sanlibutan.Ako ay nananawagan sa mga nasa loob na ng kawan ni Cristo,magtumibay kayo at huwag lalaban sa PINAKAMAHALAGANG TAO na nabubuhay sa panahon natin ngayon.

    ReplyDelete
  5. paano yan menorca, minsan kc mag isip muna bago magsalita, wag masyado magtiwala kay yuzon, samsom at angel na boss mo na isa ring sinungaling, may bata daw na nagbibiro,,,sinong niloko nyo, kau?

    ReplyDelete
  6. Nagkatotoo na lahat mga palatandaang nakasaad sa biblia na malapit na ang wakas ng mundo ang pagdating ng panginoon kaya magtumibay na tayong lahat sa ating pananampalataya magpakatumibay na po tayong lahat.sa Diyos ang lahat ng kapurihan hindi nya pinababayaan ang tagapamahala ng Iglesia " Im One with EVM "...mahal na mahal po namin kayo...

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)