ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
part 53
SINO ANG
TUNAY NA
MAY-ARI NG
#36 TANDANG
SORA?
Sino ang
tunay na
nang-agaw?
Ang
kasaysayan ng #36 Tandang Sora ang magpapaunawa kung sino talaga ang tunay na
may-ari ng loteng ito
NGAYON ay hayagang inaangkin
ng mga End-Time Antichrists (fallen angels) na ang #36 Tandang Sora ay pag-aari
at nakapangalan daw kay Lottie at Ka Ed Himedez. Naglabas pa sa page ni Kelly Ong
(Joy Yuson) at Benito Affleck (Bless Grace Hernandez) ng mga “dokumento” na
nagpapatunay na ito raw ay pag-aari nina Lottie at Ka Ed Himedez. Subalit, ang
kasaysayan ng loteng ito na tinatawag natin ngayon na #36 Tandang Sora ang
MAGPAPAKILALA kung sino talaga ang may-ari at sino ang nag-aangkin lamang.
ANG KASAYSAYAN NG #36 TANDANG SORA
Ang #36 Tandang Sora ay hindi
noon bahagi ng EGM compound noong ihandog ang Central Office complex noong
1971. Hindi siya kabilang sa original na 26 hectares na binili noon ng Iglesia
na siyang pinagtayuan ng Tanggapang Pangkalahatan. Iba ang may-ari nito noon.
Ganito ang pagkakadiskripsiyon nito ng isang tumira sa dakong ito mismo:
“Diyan kami
nakatira noong bata pa ako, mga 1975 hanggang 1977 sa mismong tinatawag ngayon
na #36 Tandang Sora. Ang bahay noon ni Ka Erdy ay nakabukod at maliit pa noon
ang EGM compound. Kaya ang loteng iyan ay napapalibutan na ng compound ng
Iglesia na ang tanging right of way na lamang ay ang tapat ng Tandang Sora.
Natira kami diyan kasi noong mabili iyan noong 1970s ay pinatayuan iyan ng mga
barracks (bahay) ng mga guwardiya at mga naglilingkod sa ating konstruksiyon.
Ang bahay noon ni Ka Erdy ay may malaking gate na nakatapat sa amin, hindi sa
Tandang Sora. Minsan ay lumalabas si Ka Erdy sa compound nila para kumustahin
ang mga kapatid, at may ilang beses na ipinatawag kami noon ni Ka Erdy at
binigyan kaming mga bata ng piso at t-shirt. Noong mga 1977 ay inilipat kaming
mga nakatira diyan sa tinatawag noon na “Taxi” (ngayon ay ang kinatatayuan ng
main building ng New Era University). Doon pa lamang binakuran iyang loteng
iyan ng husto pati ang bahaging nakatapat sa Tandang Sora at naging bahagi ng
EGM compound ang tinatawag nila ngayong #36 Tandang Sora. Noong mag-asawa si
Lottie at Ka Ed noong 1980s ay nagpatayo sila ng bahay nila diyan sa compound
na iyan.”
Ang #36 Tandang Sora ay hindi
original na bahagi ng 26 hectare lot na nabili ng Iglesia noong katapusan ng 1960s.
Nabili lang ito noong 1970s.
Samakatuwid, ito ang FACTS sa #36 Tandang Sora o EGM compound: (1) ang
#36 Tandang Sora ay hindi original na bahagi ng 26 hectare lot na pinagtayuan
ng Central Office compound noong 1971, kundi bukod na nabili noong 1970s; (2) tinayuan
pa ito ng baracks at tinirhan ng mga naglilingkod sa Iglesia at pamilya nila
noong 1975-1977; (3) noon lamang 1977 nang ganap na sakupin at gawing bahagi ng
EGM compound ang #36 Tandang Sora; (4) nag-asawa lamang si Lottie at naging
bahagi ng pamilya ni Ka Erdy si Ka Ed Himedez noong 1980s; at (5) at noong
makasal sila nang magpatayo ng bahay dito si Lottie at Ka Ed Himedez.
ITO NGAYON ANG TANONG NATIN KANILA LOTTIE HIMEDEZ, BLESS GRACE HERNANDEZ,
JOY YUSON AT IBA PA NILANG MGA KASAMAHAN:
(1) Kung nabili at tinayuan ng barracks noong 1970s, at pagkatapos ay
naging bahagi na ng EGM compund itong pinag-uusapang #36 Tandang Sora noong
1977, tama bang sabihin na si Ka Ed Himedez na ang may-ari nito at tama bang ito
ay nakapangalan sa kaniya?
Si Ka Ed Himedez ay nakasal
lamang kay Lottie at naging bahagi ng pamilya ni Ka Erdy noon lamang 1980s,
samantalang ang #36 Tandang Sora ay nasa posesyon na ng Iglesia (tinayuan na
nga ng mga barracks at pagkatapos ay binakuran na) noon pang 1970s. Kaya noong nabili
ang #36 Tandang Sora noong 1970s ay TIYAK NA HINDI ITO NAKAPANGALAN KAY KA ED
HIMEDEZ.
(2) Noon bang nabili ang #36 Tandang Sora noong 1970s ay si Lottie ang
bumili? Siya na ang may-ari? Sa kaniya na nakapangalan?
Papaanong siya ang bumili o magiging
may-ari ng #36 Tandang Sora noong 1970s gayong high school lang siya noon at
college? Bata pa si Lottie noon papaanong siya ang bumili niyan? Baka naman sa
kaniya lamang ipinangalan? ABA ANOMALYA IYAN. Iglesia ang magbabayad pagkatapos
sa isang high school/college pa lamang ipapangalan ang loteng iyan? Subalit,
alam nating walang ganong pangyayari. Samakatuwid, noong mabili ang #36 Tandang
Sora noong 1970s ay TIYAK NA HINDI SI LOTTIE ANG BUMILI, HINDI SA KANIYA
NAKAPANGALAN, HINDI SIYA ANG MAY-ARI.
(3) Maitatanggi ba o maikakaila na ang Iglesia ang bumili sa #36 Tandang
Sora noong 1970s kaya ang Iglesia ang may-ari, sa Iglesia ito nakapangalan?
Tandaan na binakuran ito ng
Iglesia noong 1970s, tinayuan ng mga baracks na tinirhan ng mga naglilingkod sa
Iglesia at ng kanilang pamilya, pagkatapos noong 1977 ay isinama na o ginawang
bahagi ng EGM compound.
Papaanong babakuran ito?
Papaanong makapagtatayo ng barracks dito? Papaanong bandang huli’y sasakupin ng
EGM compound ang loteng ito kung hindi pa ito nabibili ng Iglesia noong 1970s? ANG
MALIWANAG NA KATOTOHANAN NA NASA POSESYON NA ITO NG IGLESIA NOONG 1970S AY
NAGPAPATUNAY NA ANG IGLESIA ANG MAY-ARI NITO.
(4) Kung ang loteng #36 Tandang Sora ay nasa posesyon na ng Iglesia at
noong 1980s lamang naging mag-asawa sina Lottie at Ka Ed Himedez, papaano
magiging nasa pangalan nila ang loteng ito? Papaanong ang mag-asawang ito ang
magiging may-ari ng loteng ito?
Matatayuan ba ito ng barracks
ng Iglesia at mababakuran noong 1970s kung hindi na niya pag-aari ang loteng
ito? Papaanong noong 1970s nang mapasa-posesyon ng Iglesia ang loteng ito ay
nakapangalan na kanila Lottie at Ka Ed Himedez samantalang baka hindi pa nga
sila magkakilala noon? ANG KATOTOHANANG 1970S PA AY NASA POSESYON NA NG IGLESIA
ANG LOTENG ITO AY NAGPAPAKITANG IMPOSIBLE NA HINDI ANG IGLESIA ANG MAY ARI NITO
AT SINA LOTTIE AT KA ED NA NAGING MAG-ASAWA LAMANG NOONG 1980S.
Dahil sa 1970s pa ay nasa posesyon na ng
Iglesia ang #36 Tandang Sora, kaya
kung may dokumento na maipakikita ang mga
End-Time Antichrists
na ang loteng ito ay nasa pangalan nina Lottie
at Ka Ed Himedez
SINO NGAYON ANG NANG-AGAW NG LUPA?
SINO NGAYON ANG NANDAYA NG DOKUMENTO?
SINO NGAYON ANG IPINANGALAN NILA SA
KANILA ANG PAG-AARI NG IGLESIA?
Kung 1970s pa ay nasa posesyon na ng Iglesia ang #36 Tandang Sora, at 1980s lamang naging mag-asawa sina Lottie at Ka Ed Himedez,
HINDI BA’T ISANG MALAKING ANOMALYA
ang makapagpakita sila ng dokumento na ang loteng ito ay nakapangalan
sa mag-asawa?
Samakatuwid, ang ibinibintang nila na ang mga lupa at ari-arian daw ng
Iglesia ay unti-unting inililipat sa pamilya nina Ka Jun Santos at Ka Babylyn
Manalo
AY SINA LOTTIE PALA ANG TUNAY NA GUMAWA
Ang kakatwa pa ay sila rin mismo ang nagbigay ng katibayan na sila
Lottie at Angel ang gumawa ng ibinibintang nila. Kaya, kahit libo-libo pa ang dokumento na ipinakita nila ay iyon din ang libo-libong katibayan na sila ang nang-aagaw ng lupa at ipinangalan sa kanilang sarili ang ari-arian ng Iglesia.
Gawain talaga ng mga kampo ng kadiliman... mandaya, mangamkam at magsinungaling! mga END-TIME ANTICHRISTS!
ReplyDeleteKatawatawa gawain nila nilalantad din nila.Isa lang ang ibig sabihin nyan.Hinahayag na sila ng Dios at sarili nila mismo ang ginagamit ng Dios para ipaalam sa mga tao ang ginagawa nila.
ReplyDeleteHahaha..Buking na naman ang anti christ. Ang lottie mo este lote pala ay nasa paso lang..wag kang mangaangkin ng hindi sau Ginang lote este Lottie pala. Kung hindi ibinulgar ng Dios ang mga kalokohan ng mga ito,malamang ang INC ngaun at mga properties nito ay pinaghati-hatian na ng mga anti christ.Sarap sana ng buhay ng mga ito,panay punta sa Tagaytay,Boracay at sa abroad. Tulad ng ginawa ng mga tropa Angel,panay punta sa bakasyunan noon.hahaha.
ReplyDelete