ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 46
NAPAKALAKING
KASINUNGALINGAN: “SI MARC MANALO RAW ANG TUNAY NA NANUMPA BILANG TAGAPAMAHALA”
SA kanilang desperadong pagtatangka
na maipuwesto sa liderato ng Iglesia ang magkapatid na Marc at Angel Manalo,
gumagawa sila ng kung anu-anong kuwento subalit tanging mga hindi lamang
nagsisiyasat at hindi nag-iisip na mabuti ang kanilang mapapapaniwala. Ito ang
ipinangangalandakan ngayon ng mga Fallen Angels:
“NAPAKALAKING
PAGBUBUNYAG: Si KA MARC ang TUNAY na nanumpa bilang Tagapamahala!!”
Batid natin na ito ay
gawa-gawa at isang malaking kasinungalingan dahil sa:
(1) PABAGO-BAGO SILA NG KUWENTO.
Ang una nilang kuwento ay ang gusto RAW ng Ka Erdy ay si Mrac daw ang
pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan at si Angel Manalo ang Pangkalahatang
Auditor; pagkatapos noong nangyari ang “Fallen Angels rebellion” noong July,
2015 ay nabago ang kanilang kuwento – si Angel naman daw ang gusto RAW ni Ka
Erdy na Tagapamahalang Pangkalahatan; at sapagkat mula noong July at hanggang
sa kasalukuyan ay “nasira” ang repustasyon ni Angel unang-una na sa kaniyang
hayagang pagsisinungaling na “hostage “ daw sila pagkatapos ilang oras lang ay
sinabi niyang may bata lamang daw na nagbibiro, at batid nilang hinding-hindi
pinansin ng mga kapatid sa Iglesia si Angel, kaya ngayon naman ay NAGBAGO na
naman sila ng kuwento, kesyo si Marc na ang NANUMPA (hindi na ibinilin lang o
gusto lang, kundi NANUMPA na) bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Ang mga pabago-bagong
kuwento nila ay kahayagan lang na nag-iimbento o gumagawa lang sila ng mga
kuwento.
(2) SALUNGAT ITO SA TUNAY NA
PANGYAYARI. Mukhang hindi talaga nag-iisip na mabuti ang mga Fallen Angels
sapagkat gumagawa sila ng kuwento na para bang walang alam ang buong Iglesia.
Hindi ba alam ng buong Iglesia na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal
hindi lamang bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan kundi ang hahali
bilang Tagapamahalang Pangkalahatan? Alam ng buong Iglesia na nagkaroon ng halalan noong 1994 at si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal na hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan. Hindi ba saksi rin ang buong Iglesia sa
ginawang panunumpa ni Ka Eduardo noong Mayo, 1994 bilang Pangalawang
Tagapamahalang Pangkalahatan? Mula pa lang sa elementarya ay itinuturo na sa atin ang prinsipyo na ang "pangalawa" (gaya ng vice-president) ang hahalili (sa president). Kahit sa gobyerno ay ganito rin ang prinsipyo na kapag namatay ang president ay ang vice-president ang hahalili.
(3) SALUNGAT SA PATAKARAN NG
IGLESIA. Ang kuwento nila na bago raw mamatay ang Ka Erdy ay pinanumpa si
Ka Marc bilang Tagapamahala ay labag sa “by-laws” ng Iglesia at labag sa “patakaran”
na itinatag ng Sugo noong 1953. Isang “patakaran” na ng Iglesia na siyang legal
at sinasang-ayunan ng batas, at higit sa lahat ay ng Biblia, na ihahalal ng
kapulungan ng mga nangangasiwa sa Iglesia ang hahalili at MAGKAROON SIYA NG
SAPAT NA PANAHON NG PAGSASANAY. Kaya nga ang basehan na ginamit ng Sugo nang
isagawa ang halalan noong 1953 ay ang ukol sa paghalal kay Josue at pagsasanay
sa kaniya para humalili kay Moises. Batay dito, tunay na isang “gawa-gawa”
lamang at hindi kapani-paniwala ang kuwento nila tungkol sa panunumpa ni Marc
nago mamatay ang Ka Erdy.
(4) GINAGAWA NILANG HINDI
NAG-IISIP AT MAHINANG LIDER ANG KA ERDY. Kinikilala nating lahat na si Ka
Erdy ay isang makapangyarihang lider sa bayan ng Diyos. Nakita natin ang
kaniyang “sound judgment” sa maraming pagkakataon. Inaangkin ng mga Fallen
Angels na noon pang 2003 (na mali na naman sila dahil nang unang sinasabi nila
ay 2004) nang “magkasala” RAW ang Ka Eduardo na dahil DAW dito ay inalis siya
bilang hahaliling Tagapamahala. Ngunit pansinin ninyo na 2003-2007 ay
nangangasiwa pa ng pagsamba ang Ka Erdy at 2004 ay nangasiwa siya ng
Pangkalahatang klase, KUNG TOTOO ANG INAANGKIN NG MGA FALLEN ANGELS, BAKIT
HINDI NAIPAHAYAG NI KA ERDY SA MGA PAGKAKATAONG ITO NA MAGKAKAROON NG PAGBABAGO
SA KUNG SINO ANG HAHALILI BILANG TAGAPAMAHALA? Sa palagay ba ninyo ay nasa
katauhan ni Ka Erdy ang hindi ipahayag sa Iglesia ang isang napakahalagang “pagbabago”
sa hahalili bilang Tagapamahalang Pangkalahatan? WALANG KAHIT ANONG MALAKING
EBIDENSIYA SA KASAYSAYAN NA MAGPAPATUNAY NG KANILANG PAG-AANGKIN NA NAGBAGO
KUNG SINO ANG HAHALILI BILANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
(5) SILA-SILA ANG NAGSABI NA SI
MARC AY NANUMPA BILANG TAGAPAMAHALA. Tandaan na ang set ng Sanggunian ng
panahon ni Ka Erdy ay iba sa set ng Sanggunian sa panahon ng Ka Eduardo.
Kabilang pa noon sa Sanggunian sa panahon ng Ka Erdy ang kakampi nila ngayon na
si Isaias Samson Jr. Ang Administrative Secretary noon ay si Ka Lowell Menorca
na ama ng isa sa mga Fallen Angels na si Boyet Menorca. Si Ka Arnel Tumanan
noon ang General Secretary, at ang katuwang sa pangangasiwa sa Finance
Department noon ay si Ka Armando Manalo. Kaya, di ba’t masasabing malaking
kalokohan ang sinasabi nila na ang Sanggunian (na ang tinutukoy nila ay ang
Sanggunian ngayon sa panahon ni Ka Eduardo) ay nagsisikap raw na siraan si Marc
upang huwag humalili na Tagapamahalang Pangkalahatan? Mayroon daw “witness” sa
panunumpang ito (sumasampalataya kami na itinulot sila sa pagkakamaling ito
para mahayag ang kanilang pagsisinungaling)ngunit wala kahit isa sa Sanggunian
noon, kundi ang itinuturo nilang “saksi” ay ang ministrong kasa-kasama raw ni
Angel – na ang tinutukoy nila ay si Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong.” Teka, di ba
si Boyet Menorca mismo ang may sabi na “baliw” si Yuson? Kaya lumalabas na ang
saksi nila sa diumanong panunumpang ito ni Marc ay ISANG BALIW.
Tiyak na hindi ito natatapos
dito. Gagawa at gagawa uli sila ng kuwento at kasinungalingan. PATULOY NA GAGAWA
NG KUWENTO AT KASINUNGALINGAN ANG MGA FALLEN ANGELS UPANG MAILUKLOK NILA SA
PAMAMAHALA SA IGLESIA AY ANG KANILANG “NAIS.” Subalit ano ang pinatutunayan ng
kanilang pagsisinungaling na ito?
Juan 8:44
Kayo'y sa inyong
amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una,
at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa
kaniya. Pagka nagsasalita siya ng
kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y
isang sinungaling, at ama nito.
ReplyDeleteNakakapanghinyang, tinalo sila ng ambisyon nila na mamuno sa INC. Sino ang nagpanumpa kay Marc? Hindi kaya c Pinoy?
lalong nagpatatag ng pananampalataya ng mga kapatid ang nangyaring ito. patunay lang na kawawa ang lalaban sa pamamahala na inilagay mismo ng Ama.
ReplyDelete