ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
part 52
THE TAGAYTAY
PROPERTY ISSUE
Salamat sa
inyo mga End-Time Antichrists na sa patuloy ninyong paglalabas ng mga isyu ukol
sa mga ibinentang properties ng Iglesia ang napatutunayan ay ang katalinuhan at
pagiging masinop sa pangangasiwa ng pananalapi ng Iglesia ng kasalukuyang
Pamamahala
SA paglabas ng Ugong Property
Issue ay napatunayang totoo ang aming sinasabi na sa pagbebenta ng mga nasabing
property ng Iglesia ay walang anumang kurapsiyon na naganap kundi nagpapakita
lamang ng katalinuhan at pagiging masinop sa pangangasiwa ng pananalapi ng
Iglesia ng kasalukuyang Pamamahala.
Ang mga sumusunod ang punto
natin ukol sa pagbebenta ng mga properties na hanggang ngayon ay hindi masagot
ng mga End-Time Antichrists:
(1) Walang corruption sapagkat
may legal na karapatan o may validong kapangyarihan ang Pamamahala ng Iglesia
sa pagbebenta ng mga properties ng Iglesia:
“Section 164.
Such corporations shall have the right to purchase, hold, mortgage, or sell
real estate for its church...” (The Corporation Law of the Philippines, Section
164.)
(2) Walang anomalya sapagkat
legal ang proseso at may makatuwirang dahilan ang pagbebenta ng nasabing mga
ari-arian.
Alin sa mga binabanggit nilang
“prime properties” na ibinenta ang ginagamit pa ng isang lokal, isang distrito
o ng isang kagawaran ng Iglesia? WALA. Samakatuwid, ang mga “prime properties”
na ito ay nasa kategoryang nakatiwangwang lamang, hindi pinakikinabangan, hindi
ginagamit at hindi kailangan ng Iglesia. Matalino bang pangangasiwa sa
pananalapi ang hindi i-dispose ang mga hindi naman pinakikinabangan, hindi
ginagamit at hindi kailangan? Ang isa pang makatuwirang dahilan ay hindi na
pinakikinabangan ang property ay gumugugol pa ang Iglesia ng malaki dahil sa
maintenance o upkeep, seguridad at taxes na binabayaran taon-taon.
Samakatuwid, tunay na ang
pagbebenta ng mga properties na ito ay nagpapakita lamang ng katalinuhan at
pagiging masinop sa pananalapi ng Iglesia ng kasalukuyang Pamamahala.
Bawat inilalabas nilang “prime properties” ng Iglesia na ibinenta ay
nagpapatunay (confirming) na tama ang ipinupunto natin sa itaas at
nagpapakitang nagpaparatang lamang ang mga End-Time Antichrists sa pagsasabing
nagpapatunay daw ito ng kurapsiyon at katiwalian.
Tulad ng Ugong property:
Napatunayan natin na wala na siya sa orihinal na purpose (binili siya noong
1965 upang maging lokasyon ng Radio Transmitter Tower ng Iglesia subalit noong
1995 ay inilipat na ang Radio Transmitter Tower sa Ubando, Bulacan). Ang Lokal
ng Ugong ay may sarili nang compound at kapilya, hindi siya ginagamit ng
distrito o anumang tanggapan ng Iglesia. At ayon na rin sa pinatutunayan ng mga
End-Time Antichrists ay isa siyang prime properties na nasa gitna ng high-valued
locations sa Metro ay tiyak na hindi maliit na halaga ang babayaran sa buwis sa
property na ito taon-taon. Kaya kahayagan lamang na masinop ang Pamamahala sa
pananalapi ng Iglesia, ibinenta ang Ugong property.
Sa makatuwid, ang pagbebenta
ng Ugong property ay hindi nagpapatunay sa sinasabi ng mga End-Time Antichrists
na may kurapsiyon, kundi nagpapatunay na totoong masinop ang kasalukuyang
Pamamahala sa pananalapi ng Iglesia. SCORE 0 for End-Time Antichrists, Score 1
for US.
ANG TAGAYTAY PROPERTY ISSUE
Ang isa pa sa madalas nilang
ipagsigawan na nagpapatunay daw na may kurapsiyon o katiwalian sa Iglesia ngayon
ay ang pagkakabenta ng Tagaytay property. Subalit, ang katotohanan sa Tagaytay
property na ito ay:
(1) Hindi ito kinatatayuan ng
kapilya o kaya ay opisina. Hindi ito ginagamit ng isang lokal, distrito o
tanggapan ng Iglesia. Walang lokal, distrito o tanggapan ng Iglesia na
gumagamit dito.
(2) Isa itong “rest house” na
ginagamit noon ng nakaraang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Erano
G. Manalo.
(3) Pag-aari ito ng Iglesia at
hindi ng isang indibiduwal o isang pamilya.
(4) Bago pa man ito ibenta, hindi
na ito ginagamit ni pinupuntahan ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan,
ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
(5) Gumagastos ang Iglesia sa
maintenance ng rest house at iba pang mehoras na narito, sa seguridad, sa
upkeep, at nagbabayad din ang Igleisa ng buwis sa property na ito taon-taon.
Samakatuwid, kung ang Tagaytay
“Rest House” ay walang lokal, distrito o Tanggapang gumagamit; nakalaan sa
paggamit ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia, subalit ang kasalukuyang
Tagapamahalang Pangkalahatan ay hindi na ito ginagamit; at kung gumagastos ang
Iglesia ng malaking halaga sa maintenance, upkeep, security at taxed sa
property na ito – kahayagan lang ng matalino at masinop na pangangasiwa sa
pananalapi ng Iglesia ang pagbebenta sa property na ito.
Bakit ba tutol na tutol ang
kampo nina Angel at Lottie sa pagbebenta sa Tagaytay property? Ito ang tunay na
dahilan na inilathala ni “Antonio Ebangelista” sa kaniyang blog:
“This is why
they risked everything just to be able to deliver this heart-breaking pictures
to show the whole INC world a glimpse of the Sanggunian’s unrelenting
determination of annihilation towards anything and everything related to the
memory of Bro. EraƱo G. Manalo.”
Nagtatago sila sa dahilang
nais lamang daw na “alisin ang anumang may kinalaman sa ala-ala kay Kapatid na
Erano G. Manalo.” Samakatuwid, “sentimental value” ang dahilan ng kampo ng mga
End-Time Antichrists na tutol na tutol sila sa pagbebenta ng Tagaytay property.
Teka muna! Ito bang Tagaytay
property ay naging “open to the public”? HINDI. Ito bang Tagaytay property na
ito ay nagsilbing tanggapan ni Kapatid na Erano G. Manalo noong nabubuhay siya
kung saan nakaharap at nakadaupang-palad niya ang Iglesia? HINDI. Pinagdausan
ba ito ng Tanging pagtitipon na pinangasiwan ni Kapatid na Erano G. Manalo na
dinaluhan ng libo-ibong mga kapatid? HINDI.
Samakatuwid, ano ang “memory ng
Iglesia” o “sentimental value” ng Iglesia sa kabuuan dito sa Tagaytay property?
WALA. Kanino may “sentimental value” ang Tagaytay property kung gayon? Kay
Angel at Lottie.
Kung pag-uusapan naman ay
“Sinisikap ba ngayon ng Pamamahala na burahin ang alaala ni Kapatid na Erano G.
Manalo”? Ang sagot ay HINDI. Kung may gayong layunin ay bakit pa naglathala
tayo ng EGM Coffee Table Book? Bakit sa tuwing may special episodes sa INC TV,
INC Radio at sa INCMedia ay pawang naroon pa rin ang pag-feature kay Kapatid na
Erano G. Manalo? Bakit sa mga opisina sa lokal ay patuloy na nakasabit ang
portrait ni Ka Erdy katabi ng kay Ka Felix? Bakit bahagi pa rin ng curriculum
ng Church History ng BEM ang pagtuturo ukol sa buhay ni Ka Erdy? Bakit may
isinusulat ngayon na biography ng Ka Erdy? SAMAKATUWID, isang malaking
kasinungalingan ang pagsasabing sinisikap raw na burahin ang ala-ala ni Kapatid
na Erano G. Manalo.
Balikan natin sina Angel at
Lottie. Tutol na tutol kayo sa pagbebenta ng Tagaytay property at nagpaparatang
pa kayo na ito’y pinabayaan. Dito makikita na ang habol lamang nina Angel at
Lotie ay ang pansariling kapakanan at hindi ang kapakanan ng Iglesia. Basta may
kinalaman sa kanilang “Sentimiento” ay kahit gumugol ng malaki ang Iglesia?
Akala namin nagmamalasakit kayo sa Iglesia? Sa mga kapatid? Isipin na masunod
lang ang kapritso nila ay balewala sa kanila na gumugol mula sa abuloy ng
Iglesia ng malaking halaga?
Ang “rest house” na ito sa
Tagaytay ay para sa Tagapamahalang pangkalahatan, hindi para sa kanilang
“pamilya.” Hindi ito pag-aari ng indibiduwal o isang pamilya, kundi ng Iglesia.
Napakalaki ng gugol sa pananatili nito, ngunit para sa inyo Angel at Lotie ay
kahit na gumugol ng malaki basta masunod ang kapritso ninyo? San ba kukunin ang
malaking gugol sa pagpapanatili nito? Di ba sa abuloy ng Iglesia. Sa abuloy ng
mga kapatid na mayroon halos maglakad ng malayo para lamang may maihandog.
Kaya ang sinasabi ninyong
pagmamalasakit ninyo sa “abuloy” ng Iglesia ay kuwestiyonableng kuwestiyonable!
Tutol kayo na gastusan mula sa abuloy ng Iglesia ang pagtatayo ng Philippine
Arena na pinakinabangang lubos ng buong Iglesia, subalit payag kayo na manatili
ang isang property na gumugol din ng malaki ang Iglesia sa pananatili para lang
masunod ang kapritso ninyo.
KONKLUSYON
Samakatuwid, kung ang Tagaytay
“Rest House” ay walang lokal, distrito o Tanggapang gumagamit; nakalaan sa
paggamit ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia, subalit ang kasalukuyang
Tagapamahalang Pangkalahatan ay hindi na ito ginagamit; at kung gumagastos ang
Iglesia ng malaking halaga sa maintenance, upkeep, security at taxed sa
property na ito – kahayagan lang ng matalino at masinop na pangangasiwa sa
pananalapi ng Iglesia ang pagbebenta sa property na ito. Hindi ito nagpapatunay
ni katiting man na may kurapsiyon o katiwalian sa Iglesia.
KAYA, with the Ugong Property
Issue, SCORE TWO FOR US AND ZERO FOR THE END-TIME ANTICHRISTS.
Sa bawat paglabas pala ng mga
End-Time Atichrists (Falen Angels) ng mga ibinentang properties ng Iglesia ay
hindi nila maipakitang may kurapsiyon o katiwalaian dito, bagkus ang
napatutunayan ay ang katalinuhan at pagiging masinop nsa pangangasiwa sa
pananalapi ng Iglesia ng kasalukuyang Pamamahala.
Ganun talaga ang anti-christ,laging kontra sa magagandang panukala ng Pamamahala.Kung sasabihin ng Pamamahala na ito ang tama,sa kanila ay mali.Ang mali sa Pamamahala,tama sa kanila.Laging baliktad ang isip ng mga anti cristo.
ReplyDeleteNawala ang gabay sa puso't pag-iisip ng Fallen Angels. Ang layunin daw nila ay pagmamalasakit sa iglesia, pero hindi nila nakita na ang kabuuan ng kawan ang sinaktan nila sa pangyayari... Malinaw na pagsasariling kalooban at panghahawak sa sariling karunungan ang kalagayan nila sa kasalaukuyan. Inaakala na nilang mas may magagawa o mas makapagsasaayos ang pakikipag-ugnayan nila sa sanlibutan kaysa sa kapangyarihan ng Diyos... Nawa'y makapagsisi pa sila bago maging huli ang lahat...
ReplyDeleteMatalinong pamamahala. Npkadaling maunawa at makita sana KUNG di NAKAPIKIT o ipinikit ang mga mata ng mga mkabagong JUDAS eh. NAKAKALULA ang parada ng tagumpay ng Iglesia sa LAHAT ng larangan! SALAMAT po Ama damang dama ng mga tunay mong hinirang ang iyong gabay sa panamahala po ng Ka Eduardo sa Iglesia! MAGTATAPAT PO KAMING lalo sa iyo oh Diyos at sa panamahalang iyong inilagay.
ReplyDeletePatunay lang po kong alin at sino ang merong gabay ng Dios.Si ka Eduardo ay puspusang gumagawa ng ikababanal ng mga kaanib at ikalulugod ng Panginoong Dios,subalit sa panig naman ng mga fallen angel puro labag sa utos at kalooban ng Dios ang pinaggagawa.Salamat po o dios at pinagtibay mo ang aming pananampalataya. Kahit kailan hindi kami tatalikod sa iyong banal na Iglesia at sa aming mahal na tagapamahalang pangkalahatan na si ka Eduardo V. Manalo.
ReplyDeleteMga fallen angels mag isip isip na kayo! dahil wala pa kayong puntos! Baka kasi mag hanap kayo ng lubid, sana huag naman! Peru malapit ng araw ng paghuhukom baka kayo mapaso sa apoy at asupre.
ReplyDeleteSinayang ng fallen angels ang pagkakataon na binigay ng Dios sa kanila. Kung baga sa pagakyat sa isang hagdan,isang baitang na lang nasa tuktok sila,pero ang ginawa bumaba pa..hahaha baka may nakalimutan sa ibaba.Patawa po kayo mga fallen angel
ReplyDelete