10 November 2015

Iniwan na Talaga ng mga Fallen Angels ang Tama at Katuwiran



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 47

INIWAN NA TALAGA NG MGA FALLEN ANGELS ANG TAMA AT KATUWIRAN




PINUPUNA ni Kelly Ong (a.k.a. Eliodoro “Joy” Yuson Jr. na may mga Ministro at Mangagawa na binawasan ang tinatanggap na tulong at may mga Tagapangasiwa ng Distrito na walang tinanggap na “Biglang Tulong.” Narito ang kaniyang post:

Image 01

Sa  ikauunawa ng lahat lalo na ng mga hindi pa kapatid sa INC, ang ministro at manggagawa sa loob ng Iglesia ni Cristo ay walang suweldo sapagkat ang pagiging ministro ay hindi isang hanapbuhay. Subalit, sapagkat ang pagiging ministro ay fulltime (24 oras) at hinihingi na ibuhos ang buong panahon sa tungkuling ito (walang “ibang hanapbuhay” o sideline), kaya binibigyan ng Pamamahala ng Iglesia ng sapat para sa ikabubuhay niya at ng kaniyang pamilya. Ang patakarang ito ay nakabatay sa mga katotohanang nakasulat sa Biblia:

Mateo 10:9-10
“Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga supot: Kahit supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod: sapagka't ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang pagkain.”

Ang katumbas ng “Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga supot: Kahit supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod” ay ang huwag magkaroon ng bukod na hanapbuhay o kaya’y sideline. Subalit, ang sabi pa rin ng Panginoong Jesus ay “ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang pagkain.” Dahil dito, ano ang patakaran na itinuro ng Biblia tungkol sa ikabubuhay ng mga manggagawa sa loob ng Iglesia? Ganito ang pahayag ng Banal Na Kasulatan:

I Timoteo 5:18
“Sapagka't sinasabi ng kasulatan, huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.”

Noon, kapag ang baka ay gumigiik sa giikan, hindi ito binubusal sa bibig sapagkat habang siya’y gumigiik siya’y pinakakain. Isang paglalarawan lamang ag ginawa ni Apostol Pablo na ang kaniyang itinuturo lamang ay “ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.” Katumbas at ipinakikita lang nito ay huwag ipagkait sa manggagawa ang kaniyang ikabubuhay o ang ikatutugon sa pangangailangan upang mabuhay.

Ito ang itinuturo ng Biblia kung bakit nagbibigay ang Pamamahala ng tulong sa mga ministro at manggagawa.Ang totoo, kahit ang mga fulltime na buluntaryong naglilingkod sa Iglesia gaya ng mga bantay-kapilya, guardiya, kalihim ay pawang binibigyan din ng “tulong” sapagkat fulltime nga sila sa lokal, ito ay tulong para sa kanilang ikabubuhay.

Naglabas ng ganitong post ang mga Fallen Angels na kuwnwari ay “nagmamalasakit.” Sapagkat, istratehiya din ng diablo ang kunwa’y nagmamalasakit tulad ng ginawa niya sa pagtukso kay

Genesis 3:4-5 MB
“Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay, wika ng ahas. Gayon ang sabi ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon, magkakaroon kayo ng pagkaunawa.  Kayo'y magiging parang Diyos; malalaman ninyo ang mabuti at masama.”

Ang totoo ay nang-i-intriga lang ang Fallen Angel na ito na gusto niyang magtanim sa isipan ng mga hindi nakakaalam na “para bang hindi nagmamalasakit ang Pamamahala ng Iglesia sa mga ministro, manggagawa at tagapangasowa. Subalit, walang ministro, manggagawa, tagapangasiwa at maging ang mga kapatid na maniniwala sa mga Fallen Angels na ang pagbabawas ng tulong at hindi pagbibigay ng BT ay “kawalang pagmamalasakit ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia,” bagkus ay nagpapakita lamang ito na tulad ng mga nakaraang namahala sa Iglesia, ang kasalukuyang Pamamahala ay patuloy na mapagmalasakit, subalit makatarungan din.

Ano ba ang batayan ng Pamamahala sa pagbibigay ng “tulong”? Ang itinuturo rin ng Biblia:

II Corinto 9:6 MB
“Tandaan ninyo ito: ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aani ng marami.”

Tunay ang pagmamalasakit ng kasalukuyang Pamamahala – patuloy ang pagbibigay ng sapat na tulong sa mga buluntaryong naglilingkod sa Iglesia. Subalit, makatarungan din ang Pamamahala at sinusunod ang patakaran ng Biblia “ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aani ng marami.” Ito ang dahian kaya may binawasan ng tulong at hindi binigyan ng BT – ito ay DISIPLINA na nakabatay sa pagtuturo ng Banal Na Kasulatan.

Ang totoo at alam na alam ito ng mga Fallen Angels sapagkat sila’y mga dating ministro at manggagawa, subalit sa ginagawa nilang “pagpuna” ngayon na noon naman ang paninindigan nila ay tama at makatuwiran, ay NAGPAPAKITA LANG NA TUNAY NA TINALIKURAN NA NILA ANG TAMA AT MAKATUWIRAN.

Bakit tinalikuran na ni Kelly Ong ang tama at makatuwiran? Ang kaniya ring kasamahang Fallen Angel na si Bowet Menorca ang sumagot  nito:




1 comment:

  1. Inagaw na ng diablo ang mga aral ng dios sa puso nila at inalis na rin ang ilawan nila.Kaya wala na silang ginagawang tama kungdi puro paninira na lang.Sana naman mga fallen angel habang pinapahiram pa ng dios sa inyo ang inyong buhay at lakas ay magbulay bulay na kayo at magbalikloob sa dios alang alang sa kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.Hindi ang tagapamahala ang kinakalaban ninyo kungdi ang Dios.Sapagkat lahat ng mga puna ninyo ay gawain lahat na mula sa mga utos ng Dios.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)