ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 48
MAY MGA
ANTICRISTO NA BABANGON BAGO ANG WAKAS
(THE END-TIME ANTICHRISTS)
Simulan
nating tawagin sila kung papaano sila ipinakilala ng Biblia – Mga Anticristo
bago ang Wakas (the End-Time Antichrists)
ANG tunay na Cristiano ay “alagad”
ng Panginoong Jesuscristo: “…at ang mga
alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia” (Gawa 11:26). Para
sa mga tunay na Cristiano, si Cristo ang kanilang Panginoon, Tagapagligtas, Tagapamagitan,
at Guro. Batid natin na may ibinabala ang Biblia na pagbangon ng “Anticristo.”
Para sa mga tunay na Cristiano ang “Anticristo” naman ay hindi dapat pakinggan,
ni magkaroon man anumang kaugnayan sa kaniya kundi dapat ituring na kaaway
sapagkat ang kahulugan ng “Anticristo” ay “Kaaway ni Cristo.”
MAY IBINABALANG “ANTICRISTO” NA ANG
IKAKIKILANLAN AY MAY BILANG NA 666
Ang ukol sa bagay na ito ay
batid na batid ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sapagkat ito’y naituro ng
maraming beses ni Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo.
Ukol sa “Anticristo” ay ganito ang
sinasabi ng Banal Na Kasulatan:
Apocalipsis 13:11 at 18
“At nakita ko
ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa
isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.
“Dito'y may
karunungan. Ang may pagkaunawa ay
bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang
kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.”
Ang isa sa ikakikilala sa “Anticristo”
na ito ay may bilang na “anim na raan at anim na pu’t anim” (666). Bagamat
tinawag ng Biblia na “hayop” subalit ito’y paglalarawan lamang sapagkat ang
sabi ng Biblia ay “Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t
siyang bilang ng isang tao.”
Hindi lamang ang bilang na 666
ang ikakikilala sa “Anticristo” na ito. Ang sabi pa sa binabanggit ng talata ay
“may dalawang sungay”; “katulad ng kordero”; at “nagsasalitang gaya ng dragon.”
Maraming beses nang naituro sa mga pagsamba ang ukol sa paksang ito, kaya batid
na batid na ng mga kapatid sa Iglesia ang katuparan ng hulang ito ng Biblia.
ANG IBA PANG MGA “ANTICRISTO” NA IBINABALA
Ang nagsulat ng hula ukol sa “Anticristo”
na ang isa sa ikakikilanlan ay ang bilang na 666, si Apostol Juan, ay siya ring
nagbababala na marami pang anticristo na lilitaw sa mundo. Ang isa sa mga
Anticristo na lilitaw sa mundo ay ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo:
I Juan 2:22
“Sino ang
sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang
tumatanggi sa Ama at sa Anak.”
Mula pa sa panahon mismo ni
Apostol Juan ay bumangon na ang mga tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo (sa
isang salita’y “Iba si Jesus kay Cristo” at “si Jesus ay hindi si Cristo”).
Mula nuon hanggang ngayon ay mayroong mga taong ganito. Subalit, sa panahon
natin ay nagpapakilala pa naman silang mga diumano’y “Cristiano” subalit ang
kanilang turo ay “turong Anticristo.” May mga grupo ngayon na nagsasabing “iba
raw si Jesus kay Cristo” – sapagkat si “Jesus daw ang tao, at si Cristo daw ang
Diyos.” Hindi ba’t ayon kay Apostol Juan ay “Anticristo” ang ganitong
paniniwala?
Ano ang dapat nating mapansin
dito? UNA, may mga taong naniniwala na sila’y Cristiano subalit ang totoo ay sila’y
“Anticristo” sapagkat ang aral at turo ay kalaban ng turo ni Cristo. IKALAWA,
hindi maitutulad ang Iglesia Ni Cristo ngayon sa mga taong binabanggit ni
Apostol Juan sa I Juan 2:22 sapagkat maliwanag ang paninindigan ng Iglesia Ni
Cristo na si Jesus ang Cristo.
May isa pang ipinakilala si
Apostol Juan na “Anticristo” rin na lumitaw mula rin noon. Ganito ang kaniyang
pahayag sa kaniyang Ikalawang Sulat:
II Juan 1:7
“Sapagkat
maraming magdaraya na nangagsisilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga
hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman. Ito ang
magdaraya at ang anticristo.”
Ang isa pang ipinakilala ni
Apostol Juan na “Anticristo” ay ang “hindi nagpapahayag na si Jesucristo ay
naparitong nasa laman.” Ano ang ibig sabihin na “Si Jesuscristo ay naparitong
nasa laman” na ang hindi nagpapahayag nito ay kabilang sa mandaraya at
anticristo? Hayaan natin Biblia ang magpaliwanag:
II John 1:7
“There are a lot
of smooth-talking charlatans loose in the world who refuse to believe that
Jesus Christ was truly human, a flesh-and-blood human being. Give them their true
title: Deceiver! Antichrist!”
Bakit Anticristo ang sinumang
hindi magtuturo na si Cristo ay tao? Sapagkat salungat ito sa pagtuturo mismo
ni Cristo na nakasulat sa Juan 8:40:
Juan 8:40
“Datapuwa't
ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng
katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.”
MAY IBINABALANG ANTICRISTO
NA LILITAW BAGO ANG WAKAS
Maliban sa mga nabanggit sa unahan, may
binabangit pa si Apostol Juan na “mga Anticristo” rin subalit ang pagbangon ay bago
ang wakas o sa panahon natin. Ukol dito ay ganito ang sinabi ni Apostol Juan:
I Juan 2:18-19 MB
“Mga anak,
malapit na ang wakas! Tulad ng narinig
ninyo, darating ang anti-Cristo. Ngayon
nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang
wakas. Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang
mga taong iyon. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama
natin. Ngunit umalis sila, kaya't
maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.”
Ang sabi ni Apostol Juan ay “Ngayon nga’y marami nang lumitaw na mga
Anti-Cristo kaya’t alam nating malapit na ang wakas.” Katumbas lang na sa
panahong malapit na ang wakas o bago ang wakas ay lilitaw ang maraming Anticristo.
Subalit, ibinigay din ni Apostol Juan ang pagkakakilanlan sa maraming mga “Anticristo”
na lilitaw bago ang wakas. Ang sabi niya, “Bagama’t
sila’y dating kasamahan natin.” Kung nasaan si Apostol Juan na isang apostol
ay ganito ang pahayag ng Biblia:
I Corinto 12:28
“At ang Dios ay
naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga aposto, ikalawa'y mga propeta,
ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga
pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.
Kung saang Iglesia inilagay
ang mga apostol, ganito rin ang pahayag ng I Corinto:
I Corinthians 12:12 NTME
“For just as the
human body is one and yet has many parts, and all its parts, many as they are,
constitute but one body, so it is with the Church of Christ.”
Samakatuwid, ang sinasabing
mga Anticristo na lilitaw bago ang wakas ay mga DATING KASAMAHAN NATIN SA
IGLESIA NI CRISTO. Bakit mga “dating kasamahan sa Iglesia Ni Cristo”? Ang sabi
ni Apostol Juan, “hindi natin tunay na
kaisa ang mga taong iyon. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, NANATILI SANA
SILANG KASAMA NATIN. Ngunit UMALIS SILA,
kaya't maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.”
Kaya “dating kasamahan sa
Iglesia Ni Cristo” sapagkat mga dati silang kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ngunit
hindi nanatili, umalis, naalis, tumiwalag, natiwalag. KAYA, ANG TINUTUKOY NI
APOSTOL JUAN NA “MGA ANTICRISTO” NA LILITAW BAGO DUMATING ANG WAKAS AY MGA
TIWALAG SA IGLESIA NI CRISTO.
Alam natin na ang katuparan ng
I Juan 2:18-19 ay ang tinatawag natin ngayon na mga “Fallen Angels.” Subalit,
mula ngayon ay tawagin natin sila sa kung ano ang tawag sa kanila ng Biblia:
ANG MGA ANTICRISTO BAGO ANG WAKAS
(THE END-TIME ANTICHRISTS)
[Nota: Ang “Answering Fallen
Angels” ay mananatili sa kaniyang pangalan, subalit mula ngayon ang pag-address
natin sa mga tiwalag na kumakalaban sa Pamamahala ay gaya ng kung papaano sila
ipinakilala ng Biblia – Mga Anticristo bago ang wakas (end-time Antichrists).]
Maraming salamat po.Hayag na hayag na sila ang naging katuparan na mga ipinahayag ng banal na kasulatan na sila nga ay mga anticristo bago ang wakas.Sinayang nila ang mga ginugol nilang panahon hindi sila naging tapat at hindi nanindigan hanggang sa wakas.
ReplyDeleteTama ka dyan Rorox. Hindi maghahari ang kasamaan. Kilala naman nila ang sarili nila kung sino ang sinungaling at alam din ng mga individual na tao kung sino ang nagbubulagbulagan at ayawa haraping ang katotohanan.
ReplyDelete