ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 45
MAY
IBINABALA
ANG KAPATID
NA
ERAÑO G.
MANALO NA
BAGO ANG
WAKAS O
SA ATING
PANAHON AY
MAY LILITAW
NA
“ANTI-CRISTO”
NOONG nabubuhay pa ang
Kapatid na Eraño G. Manalo (“Ka Erdy”), sa kaniyang pagtuturo sa pagsambang
isinagawa sa Lokal ng Las Piñas ay ibinabala niya sa pamamagitan ng pagtuturo
ng mga katotohanan na nakasulat sa Biblia na may lilitaw na anti-cristo sa
panahon natin ngayon o sa panahong malapit na ang wakas. Ang sabi niya:
Sino ho ang isa? Ano ang isang palatandaan ng anti-cristo? Basahin mo
18 hanggang 19: “Mga anak, malapit na ang
wakas tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-cristo. Ngayon nga’y marami na
ang lumitaw na mga anti-cristo. Kaya’t alam nating malapit na ang wakas.”
Sa panahon pa natin.
Iba ito sa nauna nang
ipinahayag ng Biblia na “anti-cristo” na ang isa sa pagkakakilanlan ay may
bilang na 666. Subalit, sa ibinabalang ito ni Apostol Juan ay sinasabi niya na
lilitaw ang “maraming anti-cristo” sa panahong malapit na ang wakas. Sino ang
mga anti-cristo na lilitaw sa panahong malapit na ang wakas? Ganito pa ang
pagtuturo ni Kapatid na Eraño G. Manalo:
Sino ang ilan diyan? “Bagamat sila’y dating kasamahan natin, HINDI
NATIN TUNAY NA KAISA ANG MGA TAONG IYON. Sapagkat kung sila’y tunay na atin.
Nananatili sana silang kasama natin. Ngunit, UMALIS SILA kaya maliwanag na
silang lahat ay hindi tunay na atin.” IYAN ANG ISA PANG ANTI CRISTO.
Ang ibinabala na anti-cristo
na lilitaw sa panahong malapit na ang wakas ay (1) “mga dating kasamahan
natin”; (2) subalit, “hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon”; (3) “Kung
sila’y tunay na atin ay nanatili sana silang kasama natin”; at (4) “umalis sila
kaya maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na atin.”
Ang “anti-cristo” na lilitaw
sa panahong ito na malapit na ang wakas ay “mga dating kasamahan natin.” Bakit
sinabing “mga dating kasamahan natin”? Ganito pa ang pagpapaliwanag sa atin:
“Iyan pa ang isang anti-cristo. Ang sabi ni Apostol Juan, dating
kasamahan natin. Ano po ba si Apostol Juan? Apostol. Saan ba naroon ang mga
apostol? Sa I Corinto 12:18 para malaman natin kung sino ang tinutukoy na
kasamahan natin...Saan naroon ang mga apostol? Nasa tunay na Iglesia, nasa
Iglesia Ni Cristo. Ang sabi ni Apostol Juan, iyang mga anti-cristong iyan
dating kasamahan natin sa Iglesia Ni Cristo.
Kaya sinabing ang mga
anti-cristo na lilitaw sa panahong bago ang wakas ay “dating kasamahan natin”
sapagkat ayon kay Ka Erdy, “iyang mga anti-cristong iyan dating kasamahan natin sa Iglesia Ni
Cristo.” Samakatuwid, ibinabala sa atin ng Kapatid na Eraño G. Manalo noong
nabubuhay pa siya, na maraming lilitaw ngayon na anti-cristo na “mga dating
kasamahan natin sa Iglesia Ni Cristo.” Bakit
sinabing ang mga anti-cristo na lilitaw bago ang wakas ay “mga dating kasamahan
natin sa Iglesia Ni Cristo”? Bakit “dating kasamahan natin sa Iglesia Ni
Cristo”?
Ito ngayon ang Iglesia Ni Cristo. Pagkatapos ngayon, ang sabi ni Apostol
Juan, sapagkat iyon ay hindi tunay na atin, hindi nanatiling kasama natin,
umalis sila kaya sila ay maliwanag na hindi sila tunay na atin kundi kabilang
sa mga anti-Cristo. Hindi lang pala ang anti-cristo ay iyong may bilang na 666,
ang isa pa sa pagkakakilanlan lahat ng aalis sa Iglesia ay anti-cristo rin.
Ito ngayon ang Iglesia Ni
Cristo (ang ating kinaaaniban) – kaya ang lilitaw na mga anti-cristo sa
panahong ito o bago ang wakas ay mga dati nating kasamahan sa Iglesia Ni Cristo
na ito – sila ay mga hindi natin tunay na kaisa, hindi sila nanatili, bagkus
sila’y umalis o inalis sa Iglesia. Kaya, ang konklusyon ni Kapatid na Eraño G.
Manalo ay “Hindi lang pala ang anti-cristo ay iyong may bilang na 666, ang isa
pa sa pagkakakilanlan lahat ng aalis sa Iglesia ay anti-cristo rin.” Bakit sila
tinawag na mga anti-cristo rin? Ganito pa ang pahayag sa atin ng Kapatid na
Eraño G. Manalo:
Ano po ang dahilan?...Sino ba ang may sabi na pumasok tayo sa Iglesia?
Sagot nga kayo. Sino ang may sabi na ako ang pintuan pumasok ka sa akin ay
maliligtas? Sino ang may sabi? “Si Cristo.” Ayun! Kapag umalis ka, sa halip na
pumasok ay lumabas ay anti-cristo ka. Kalaban ka ng sinabi ni Cristo. Ito pa
ang isa. Sino ang may sabi na ang manatili hanggang wakas ay maliligtas? Sino
rin? “Si Cristo.” Nanatili ba? Tumiwalag, umalis o natiwalag - kalaban na naman
ng sinabi ni Cristo. Sabi ni Cristo pumasok, lumabas. Sabi ni Cristo manatili,
hindi nanatili, umalis. Kalaban ni Cristo iyon. KAYA MAG-IINGAT KAYO MGA
KAPATID PARA HUWAG KAYONG MADAYA.”
“Anti-cristo” sapagkat
kinalaban ang salita ng Panginoong Jesucristo. Si Cristo ang nag-utos na dapat
pumasok ang sinumang ibig maligtas, sa halip na sila’y pumasok ay lumabas. Si
Cristo ang nag-utos na ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas,
subalit sila’y nahiwalay o humiwalay, tumiwalag o natiwalag, anupat hindi
nanatili. “Anti-cristo” sapagkat kinalaban o sinalungat ang pagtuturo ng
Panginoong Jesus.
TUPAD NA TUPAD ANG
IPINAGPAUNANG ITO O IBINABALA SA ATING ITO NG BANAL NA KASULATAN. Sa panahon
natin ngayon ay may lumitaw na mga “dating kasamahan” natin sa Iglesia Ni
Cristo” na hindi lamang nag-uudyok o humihikayat sa mga kapatid na lumaban sa
Pamamahala ng Iglesia, kundi nagtuturo pa sila na “huwag matakot sa
pagtitiwalag” na katumbas ng “hayaang matiwalag,” “kahit itiwalag” o
“magpatiwalag.” SILA ANG TINATAWAG NATIN NGAYON NA MGA “FALLEN ANGELS”:
Image 01
Napansin ba ninyo ang panawagan ng mga Fallen AngelsL “Lubhang
mahalaga po ang mga ito ngayon pa lamang ay maihanda na para sa ating nalalapit
na sabay-sabay na pagkilos. Hindi na po natin dapat katakutam ang ukol sa
kanilang pagtitiwalag.”
Image 02
Ang PAGLABAN SA PAMAMAHALA at PAGHAHASIK NG
PAGKAKABAHA-BAHAGI ay kahayagan pa rin ng pagiging ANTI-CRISTO. Ukol dito ay
ganito ang sinasabi ng Biblia:
Roma 16:17-18 MB
17Ipinamamanhik
ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at
nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila.
18Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi
sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at
matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain.
Tupad na tupad sa mga Fallen Angels ang sinasabing ito ng
Biblia na ang mga anti-cristo na lilitaw bago ang wakas ay dati nating
kasamahan, hindi natin tunay na kaisa, na sila’y mga hindi nananatili, umalis o
naalis, natiwalag o tumiwalag sa loob ng Iglesia Ni Cristo:
I Juan 2:18-19 MB
18Mga anak,
malapit na ang wakas! Tulad ng narinig
ninyo, darating ang anti-Cristo. Ngayon
nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang
wakas. 19Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang
mga taong iyon. Sapagkat kung sila'y
tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na
silang lahat ay di tunay na atin.
Huwag tayong padaya. Ang pahayag na “kumilos laban sa
Pamamahala ng Iglesia” at “huwag matakot sa pagtitiwalag” o ang paghikayat na
“umalis” o “humiwalay” sa Iglesia, ang “kahit matiwalag” o kaya ay
“magpatiwalag” – ANG PANAWAGAN NG MGA ANTI-CRISTO NA LILITAW BAGO ANG WAKAS.
Upang huwag tayong madaya ng mga anti-cristo na lumitaw
sa panahon natin o bago ang wakas, gawin natin ang ipinayo ni Kapatid na Eraño
G. Manalo:
“KAYA MAG-IINGAT KAYO MGA KAPATID
PARA HUWAG KAYONG MADAYA.”
Magpakatatag tayo at magpakatibay sa ating pagka-Iglesia
Ni Cristo. Anuman ang mangyari ay manatili tayong Iglesia Ni Cristo at huwag
papayag na mahiwalay. Maging paninindigan natin ang gaya ng paninindigan ng mga
unang lingkod ng Diyos:
Roma 8:35,37-39 MB
35Sino ang makapaghihiwalay sa atin
sa pagmamahal ni Cristo? Ang paghihirap
ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o
ang tabak?
37Hindi! Ang
lahat ng ito'y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na
nagmamahal sa atin. 38Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga
anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na
darating, ang mga kapangyarihan, 39ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang
nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos - pag-ibig na
ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
MAPAPAKINGGAN NINYO SA VIDEO NA ITO ANG
ACTUAL NA PAHAYAG NG KAPATID NA ERANO G. MANALO UKOL SA IBINABALA NIYA NA MGA
ANTI-CRISTO NA LILITAW BAGO ANG WAKAS
part 45
Ang mga “Fallen Angels” ay tinawag
ni Kapatid na Erano G. Manalo na “anti-cristo
– “Last Days Anti-Christ”
Abangan ang ating full English series
na may pamagat na
“Exposing the Last Days Anti-Christ”
Ito na ang panahon ng pagbulay-bulay.natupad na lahat ang sinasabi ng kasulatan
ReplyDeleteBe prepared judgement day is coming so near. Magpakatalino para huwag madaya ng mga anti-christ. Laging manalangin at huwag pababayaan ang tungkulin. Laging dumalo sa mga araw ng ating pagsamba.
ReplyDeleteOpo.kailangan mas lalo tayong magpakatatag sa ating pananampalataya.Nasa panahon na tayo ng wakas.Hindi na mababali ang mga nakasulat sa banal na aklat ,tupad na tupad na ang lahat na nakasulat simula pa ng sugo na sa mga huling araw lahat ng ito ay magaganap at tayo ang mga saksi sa mga nangyayari ngayon .Kailangan manindingan tayo at huwag padaya.
ReplyDelete