19 June 2015

#05 Pagbilang sa Pandaraya, Kasinungalingan, Salungatan at Kamalian ng mga Kumakalaban sa Pamamahala







PATULOY NA NAGSINUNGALING
SI ANTONIO EBANGHELISTA SA
“COFFEE TABLE BOOKS”


Pagbilang sa Pandaraya,
Kasinungalingan, Salungatan at Kamalian
ng mga Kumakalaban sa Pamamahala
#05


 SA pagbilang sa mga Pandaraya, Kasinungalingan, Salungatan at Kamalian ng mga Kumakalaban sa Pamamahala bilang 02 ay naipakita natin ang isang alking pagsisinungaling ni Antonio Ebanghelista ukol sa Coffee Table Books. Inaangkin ni G. Antonio Ebanghelista na diumano’y may “panlilinlang sa paraan ng pagbabayad” sa Coffee Table Books dahil AYON SA KANIYA ay ang naging gugol ng mga kapatid (“bayad”) sa coffee table books ay HINDI ISASAMA O ITINALA SA OPISYAL NA RESIBO kundi nakabukod na sobre at ipadadala sa tanggapan ni Ka Jun Santos (Antonio Ebanghelista, “The Story of Coffee Table Books” Abril 21, 2015). Subalit, ang lahat ng mga maytungkulin sa Pananalapi sa lokal ang NAGPABULAAN sa kasinungalingang sinasabing ito ng kumakalaban sa Pamamahala. Tinanong namin ang mga maytungkulin sa Pananalapi sa lokal kung ano ang katotohanan ukol dito at ganito ang kanilang patotoo:

“Bakit po hindi itinala sa Rcibo Opisyal bagkus ay ipinadala ng direkta sa tanggapan ni Ka Jun Santos?” Ito ang sagot ng mga taga-Pananalapi: “Sinungaling siya!” Sabi ng Ingat-yaman. “Tayo ang may pinakamalinis at pinaka-tansparent pag ang pinag-uusapan ay pananalapi.” Dagdag pa ng ingat-yaman na napag-alaman ko na isa palang nagtatrabaho sa bangko. Ipinakita niya ang Resibo Opisyal at ang sabi niya, “Iyan po maliwanag na nakatala sa Resibo Opisyal sa bahaging “refund” na naka-indicate pa na ‘coffee table books.’ At hindi lang po iyan, nakatala pa iyan dito sa Refund slip, na nakasulat ang halaga, petsa ipinasok sa Resibo Opisyal at ang serial number ng resibo opisyal.”

Hindi natatapos dito ang pagsisinungaling ni Antonio Ebanghelista ukol sa Coffee Table Books. Narito pa ang isa niyang pagsisinungaling ukol sa bagay na ito:

ISANG PAGSISINUNGALING ANG SINABI NI G. ANTONIO EBANGHELISTA NA IPINIPILIT DAW SA MGA KAPATID ANG PAGBILI SA COFFEE TABLE BOOKS

Sa artikulo pa rin ni Antonio Ebanghelista na inilathala sa kaniyang blog noong Abril 21, 2015 na may pamagat na “The Story of Coffee Table Books” ay iginigiit niya na pinipilit daw ang lahat ng mga kapatid sa pagbili nito. Ganito ang kaniyang akusasyon:

“Nararamdaman na ito ng Tagapangasiwa, Ministro at Manggagawang, maytungkulin at mga Kapatid na nananatiling tapat sa Diyos. Ramdam natin kung gaano kapangahas na ang Ka Jun Santos para haluan ng pagnenegosyo ang banal na Pagsamba at Handugan. Kung paanong ginagamit pa nya ang banal na kasaysayan ng Sugo at Ka Erdy para pagkakitaan ang libro ukol sa kanila at IPIPILIT ITONG IBENTA SA MGA KAPATID.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Sapilitan nga ba o ipinipilit sa mga kapatid ang pagbenta ng coffee table book? Tunghayan ninyo ang mismong sinasabi niya:

“…HINDI NAMAN DAW MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID AY MAGKAROON NITO…”

Sila mismo ang nag-highlight nito. Ang mga salitang ito na “HINDI NAMAN MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID AY MAGKAROON NITO” ay nangangahulugan bang sapilitan o pinipilit ang lahat na bumili? Alam nating HINDI.

Kapansin-pansin na para PALABASIN na “sapilitan” ang pagbili ng coffee table book ay may isinama silang “kopya” ng talaan ng mga kinuhang sipi sa bawat lokal sa Japan. Subalit, kung mag-iisip lamang na mabuti, ito mismo ang katunayan na hindi ITO SAPILITAN! Pansinin ninyo:

“MINISTRO                  22…
“AYABE KYOTO           2…
“CHIBA                                    15…
“FUKUI-KEN                 3…
“FUKUOKA-SHI            3…
“GIFO                          10…

Hindi na natin itinuloy dahil sa hahaba tayo, ngunit mapapansin natin na kung “sapilitan o ipinipilit sa LAHAT” ay lalabas na dalawa (2) lang ang mga kapatid sa Lokal ng Ayabe Kyoto? Tatlo lang ba ang mga kapatid sa Fukui-Ken at Kukuoka-Shi? At kahit labin-lima ang nakatala sa Chiba, subalit iyon nga lang ba ang bilang ng mga kapatid dito? Sampu lang ba ang mga kapatid sa Gifo? Bagamat sa Tokyo ay 50 copies, subalit maniniwala ba kayo na gayon lang ang bilang ng mga kapatid dito o kalahati ito ng bilang ng mga kapatid doon? Ang totoo ay nakararami sa mga lokal ay mababa sa pito (7) ang kinuhang sipi, at anim na lokal ang isa lang ang kinuhang sipi! Hindi ba’t pinatutunayan lamang nito na KUSA at hindi sapilitan ang pagkuha ng sipi ng coffee table book? Dahil dito ay nagppasalamat ako sa inyo (Antonio Ebanghelista at mga kasama) sapagkat kayo pa ang nag-provide sa amin ng ebidencia na hindi nga ito sapilitan!


Pristine Truth
 
Read the full article in:



YOU MIGHT ALSO LIKE:
 
 




No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)