NANININDIGAN BA TAYO SA PANIG NG
PAMAMAHALA?
“Higit ba ninyong paniniwalaan ang hindi
ninyo kilala at ni ayaw magpakilala sa pagsasabing may katiwalian daw sa
Iglesia KAYSA sa minamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na
Edurado V. Manalo na nagsasabing “walang katiwalian sa Iglesia”?”
KILALA natin ang Kapatid na
Eduardo V. Manalo. Ang kaniyang buhay ay isang bukas na aklat sa ating lahat.
Nakita natin kung papaanong ibinuhos niya ang kaniyang buhay para sa Iglesia.
Labinlimang (15) taon siyang sinanay at inihanda ni Kapatid na Eraño G. Manalo
upang siyang patuloy na manguna sa Iglesia sa kaniyang pagpanaw. Hayag na hayag
kung papaano niya ibinuhos ang kaniyang buong buhay at lakas sa pagmamalasakit
sa ating kapakanan. Halos hindi na nagpapahinga dahil sa laki ng gawain na
naka-atang sa kaniya, ang pangasiwaan ang Iglesia Ni Cristo na nakalaganap na
sa buong mundo. Hinarap niya ang pagod, hirap at panganib sa paglalakbay upang
personal na makita ang kalagayan ng mga kapatid sa iba’t ibang panig ng mundo at
mahatdan ng salita ng Diyos.
Sinasampalatayanan din natin
ang kaniyang kahalalan bilang Tagapamahalang Pangkahatan ng Iglesia Ni Cristo.
Nakasulat sa Biblia na ang pamamahala ay galing sa Diyos at siyang binigyan ng
Diyos ng karapatan at pananagutan na ipahayag sa atin ang Kaniyang kalooban.
Hayag na hayag sa atin kung papaanong tinupad ng Diyos ang Kaniyang pangako sa
Kaniyang Sugo sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, na tumagos
hanggang kay Kapatid na Eraño G. Manalo at sa kasalukuyang Namamahala ngayon sa
Iglesia, kay Kapatid na Eduardo V. Manalo. Ito ang pangako ng Diyos sa Kaniyang
Sugo na tagos hanggang sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia:
Isaias 41:9-10 Abriol
“Ikaw ang aking
lingkod, hinirang kita at hindi kita itinakwil. Huwag kang matakot at ako’y
sumasaiyo; huwag kang manlupaypay sapagkat ako ang iyong Diyos. Pinalalakas
kita, tinutulungan kita, at inaalalayan sa aking kamay na mapagtagumpay.”
Maliwanag ang pangako ng Diyos
sa Kaniyang Sugo at sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw. Ang sabi ng Diyos,
“Ikaw ang aking lingkod, hinirang kita at hindi kita itinakuwil.” Ito ang “hinirang”
– ang may kahalalan na sinabihan ng Diyos na “hindi kita itinakuwil.” Ang
katumbas ng sinabing “hindi itinakuwil” ay HINDI NA MATATALIKOD PA ANG IGLESIA.
Ang kasunod ng gawaing ito ng Sugo sa mga huling araw ay ang araw na ng
kawakasan:
Apocalipsis 14:12-16 MB
“Kaya't
kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng
Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus. At narinig ko ang isang tinig mula
sa langit na nagsasabi, ‘Isulat mo ito: Mula ngayon, mapapalad ang naglilingkod
sa Panginoon hanggang kamatayan!’ ‘Tunay nga,’ sabi ng Espiritu. ‘Magpapahinga na sila sa kanilang pagpapagal;
sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa.’ Tumingin ako, at nakita ko ang
isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang nilikhang animo'y tao, may
koronang ginto at may hawak na isang matalas na karit. Isa pang anghel ang
lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap,
"Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog
na ang anihin sa lupa!" Ikinampay ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at
nagapas ang anihin sa lupa.”
Dapat tayong manalig na
matibay sa kahalalan ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw at sa Pamamahala na
inilagay ng Diyos sa Iglesia. Dapat tayong sumampalatayang lubos na ang Iglesia
Ni Cristo ang bayan ng Diyos sa mga huling araw at siyang tiyak at tanging may
kaligtasan. Hindi natin daat ipagtaka ang pagbangon ng mga kaaway o kumakalaban
sa Sugo, sa Iglesia at sa Namamahala ngayon sa Iglesia sapagkat ipinagpauna rin
ito ng Panginoong Diyos. Subalit, maliwanag din ang Kaniyang pangako kung may
bumangon mang mga kumakalaban:
Isaias 41:9-10 at 11-13 Abriol
“Ikaw ang aking
lingkod, hinirang kita at hindi kita itinakwil. Huwag kang matakot at ako’y
sumasaiyo; huwag kang manlupaypay sapagkat ako ang iyong Diyos. Pinalalakas
kita, tinutulungan kita, at inaalalayan sa aking kamay na mapagtagumpay.
“Mabibigo at
mapapahiya ang lahat ng mga umusig sa iyo. Mauuwi sa wala at lilipulin ang magsisilaban sa iyo. Hahanapin
mo ang magsisipaglaban sa iyo ngunit di mo sila matatagpuan; mauuwi sa wala at
magiging walang kakabu-kabuluhan ang nagsisipaghamak sa iyo. Sapagkat akong
Panginoong iyong Diyos ang siyang humahawak sa iyong kanang kamay; at sinasabi
ko sa iyo: Huwag kang matakot, tutulungan kita.”
Mula pa sa panahon ng Sugo
hanggang sa kasalukuyang Pamamahala ay patuloy na may kumakalaban. Ngayon ay
kabi-kabila ang mga kumakalaban. Hindi lamang ang mga kaibayo sa
pananampalataya ang kumakalaban ngayon sa Iglesia, kundi maging ang mga
nagkukunwaring nagmamalasakit subalit ang totoo’y kumakalaban din sa
kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalatan ng Iglesia. Sa kanila ay hayag ang
galit ng Diyos. Ang sabi Niya, “Mabibigo at mapapahiya ang lahat ng mga umusig
sa iyo. Mauuwi sa wala at lilipulin ang
magsisilaban sa iyo.” MALIWANAG NA MAY PASIYA NA ANG DIYOS SA KANILA NOON PANG
UNA – “LILIPULIN ANG MAGSISILABAN SA IYO.”
Napatunayan na tinupad ng
Diyos ang Kaniyang mga pahayag na ito laban sa mga kumakalaban mula pa sa
panahon ng Sugo at maging sa panahon ni Kapatid na Eraño G. Manalo. Kung
papaanong hayag na natupad ang sinalita ng Diyos sa mga kumalaban sa panahon ng
Sugo at sa panahon ni Ka Erdy, kaya walang dahilan upang mag-alinlangan na
matutupad din ito sa kumakalaban ngayon sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia.
Ngayon ay may bumangon na
ginamit ang Social Media upang dito siraan ang kasalukuyang Pamamahala ng
Iglesia. Hindi sila nagpapakilala at buong pagsisikap na itinatago ang kanilang
“identity.” Hindi sila kilala ng mga kapatid sa Iglesia.
Ang mga Kumakalabang ito sa
Pamamahala ng Iglesia na hindi kilala at ayaw magpakilala ay nagpaparatang
laban sa Pamamahala na “hindi na raw naaalagaan ang mga kapatid ngayon,” “nagbago
na raw ang Iglesia” at “may katiwalian ngayon sa Iglesia.”
Mga kapatid, ang malaking
kataungan para sa lahat ay:
Higit pa ba ninyo paniniwalaan ang isang
taong hindi ninyo kilala at ni ayaw magpakilala sa pagsasabing may katiwalian
daw sa Iglesia ngayon KAYSA sa minamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan,
ang Kapatid na Edurado V. Manalo na nagsasabing “walang katiwalian sa Iglesia”?
Higit pa ba ninyong
apaniniwalaan ang sa pasimula pa ay may psiya na ang Diyos na “Mabibigo at
mapapahiya ang lahat ng mga umusig sa iyo. Mauuwi sa wala at lilipulin ang magsisilaban sa iyo. Hahanapin
mo ang magsisipaglaban sa iyo ngunit di mo sila matatagpuan; mauuwi sa wala at
magiging walang kakabu-kabuluhan ang nagsisipaghamak sa iyo.”
Tandaan natin na ang
Pamamahala ng Iglesia ang mula pa nang pasimula’y nagmalasakit sa atin at
patuloy na nagsisikap na madala tayo sa kaligtasan. Ang Pamamahala ng Iglesia
ang pinangkuan ng Diyos na “Sapagkat akong Panginoong iyong Diyos ang siyang
humahawak sa iyong kanang kamay; at sinasabi ko sa iyo: Huwag kang matakot,
tutulungan kita.”
Samakatuwid, manatili at
manindigan tayo sa panig ng Diyos sa pamamagitan ng pananatili at paninindigan
sa panig ng Pamamahala. Tularan natin ang paninindigan ng isang lalaking bulag
na pinagaling ng Panginoong Jesucristo. Ganito ang sinasabi sa atin ng
kasaysayan:
Juan 9:1 at 6-38
“At sa pagdaraan
niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan…siya'y
lumura sa lupa, at pinapagputik ang lura, at pinahiran ang mga mata niya ng
putik, At sinabi sa kaniya, Humayo ka, maghugas ka sa tangke ng Siloe (na kung
liliwanagin ay Sinugo). Siya nga'y
humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita. Ang mga kapitbahay nga, at ang
nangakakita sa kaniya nang una, na siya'y pulubi, ay nangagsabi, Hindi baga ito
ang nauupo at nagpapalimos? Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba,
Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi
niya, Ako nga. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Paano nga ang pagkadilat ng
iyong mga mata? Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng
putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin, Humayo ka sa Siloe,
at maghugas ka: kaya't ako'y humayo at naghugas, at ako'y tumanggap ng
paningin. At sinabi nila sa kaniya, Saan naroroon siya? Sinabi niya, Hindi ko nalalaman. Dinala nila
sa Fariseo siya na nang una'y bulag. Araw nga ng sabbath nang gumawa ng putik
si Jesus, at padilatin ang kaniyang mga mata. Muli ngang tinanong naman siya ng
mga Fariseo kung paanong tumanggap siya ng kaniyang paningin. At sinabi niya sa kanila, Nilagyan niya ang
putik ang ibabaw ng aking mga mata, at naghugas ako, at ako'y nakakakita. Ang
ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios,
sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano
bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon
ng pagkakabahabahagi sa gitna nila. Muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang
sabi mo tungkol sa kaniya, na siyang nagpadilat ng iyong mga mata? At kaniyang sinabi, Siya'y isang propeta. Hindi
nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya, na siya'y naging bulag, at
tumanggap ng kaniyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang
niyaong tumanggap ng kaniyang paningin, 19At nangagtanong sa kanila, na
sinasabi, Ito baga ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag?
paano ngang nakakakita siya ngayon? 20Nagsisagot ang kaniyang mga magulang, at
nangagsabi, Nalalaman naming ito'y aming anak, at siya'y ipinanganak na bulag: Datapuwa't
kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino
ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya;
siya'y may gulang na; siya'y magsasalita para sa sarili niya. Ang mga bagay na
ito'y sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagka't nangatatakot sa mga
Judio: sapagka't pinagkaisahan na ng mga
Judio, na kung ang sinomang tao'y ipahayag siya na siya ang Cristo, ay
palayasin siya sa sinagoga. Kaya't sinabi ng kaniyang mga magulang, Siya'y may
gulang na; tanungin siya. 24Dahil dito'y tinawag nilang bilang ikalawa ang
taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman
naming makasalanan ang taong ito. Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay
hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging
bulag, ngayo'y nakakakita ako. Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang ginawa niya
sa iyo? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata? Sinagot niya sila,
Kasasabi ko lamang sa inyo, at hindi ninyo pinakinggan; bakit ibig ninyong
marinig uli? ibig baga naman ninyong kayo'y maging mga alagad niya? At siya'y
kanilang inalipusta, at sinabi, Ikaw ang alagad niya; datapuwa't kami'y mga
alagad ni Moises. Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises: datapuwa't
tungkol sa taong ito, ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya. Sumagot ang
tao at sa kaila'y sinabi, Narito ang kagilagilalas, na hindi ninyo nalalaman
kung siya'y taga saan, at gayon ma'y pinadilat niya ang aking mga mata. Nalalaman
naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang
sinomang taong maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y
pinakikinggan niya. Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan
man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag. Kung
ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman. Sila'y
nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at
ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At
siya'y pinalayas nila. Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at
pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng
Dios? Sumagot siya at sinabi. At sino
baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya? Sinabi sa kaniya ni
Jesus, Siya'y nakita mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo. At sinabi
niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At
siya'y sinamba niya.
Bagamat nilait at hinamak at
pinaratangan pa ng masama ng mga Judio ang Panginoong Jesus, ang lalaking
dating bulag ay nanindigan sa panig ni Jesus sapagkat Siya ang nagpagaling o
nagpadilat ng kaniyang mga mata. Ang sabi ng lalaking dating bulag, “Sumagot
nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang
nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako.”
Ang Pamamahala ang sa simula
pa lamang ay nagmalasakit sa atin, nagturo sa atin ng mga salita ng Diyos, at
patuloy na nagsisikap upang dalhin tayo sa kaligtasan, ngayong may bumangong
Kumakalaban sa Pamamahala at nagsasalita ng sari-saring paratang laban sa
Pamamahala, agad na ba nating tataikuran ang Pamamahala at maniniwala sa mga
naninira at nagpaparatang? Manindigan tayo sa panig ng Pamamahala, sa
pinangkuan at sinabihan ng Diyos na “Sapagkat akong Panginoong iyong Diyos ang
siyang humahawak sa iyong kanang kamay; at sinasabi ko sa iyo: Huwag kang
matakot, tutulungan kita.” KAYA ANG PANININDIGAN SA PANIG NG PAMAMAHALA AY
PANININDIGAN SA PANIG NG MAY DIYOS AT HAWAK NG PANGINOONG DIYOS.
ako at ang aking sambahayan ay maninidigan sa panig ng pamamahala hanggang sa araw ng paghuhukom...
ReplyDeleteUnfortunately, when I tried to post my comments on the other blogsite (yung kumakalaban sa Pamamahala), he chose not to publish it because it I believe he was disheartened by the heartfelt, truthful comments I wrote and it will also affect his supporters somehow. I can't recall the exact word for word comments I wrote but here's a gist.
ReplyDelete" We knew it will all come down to this, that you will eventually go directly against the Exec. Minister of the Church. You've been hiding behind your words all along,that you are never against bro EVM but we believe that that is not true. We, together with some of my close friends in the church have been following your blogs since April but it doesn't mean we believe everything you write. Marami akong nakakausap na mga kapatid at may tungkulin sa aming lokal and we are all in agreement, we are all wishing that you'll be gone because you are the one causing divisions in the Church. I hope that you'll suffer the same fate as 'ingkong'...gone...exiled...bye bye..."
I noticed that he's publishing comments that favor him and his supporters whether the comments are negative (harsh, direct attack on him that unfortunately favors him) or positive (of course!). It's his right anyway because he owns the blogsite.
Kami po ng aking buong sambahayan at mga kaibigan kong maytungkulin at mga kapatid ay patuloy na susuportahan at ipapanalangin ang Tagapamahalang Pangkalahatan hindi lamang araw araw kungdi "at all opportune times".Hindi namin kailanman sasabihin na "misinformed" or "uninformed" and lider sa bayan ng Dios sapagkat ito ay direktang pagusal, pagsalaula, paglaban o kawalan ng panananampalataya na Dios ang naglagay sa ng lider sa kanyang bayan.
ano ang sagot ng mga kumakalaban sa pamamahala kapag may mga tanong na hindi nila masagot...
ReplyDelete"basahin nyo po ang simula ng blog ni AE para maliwanagan po kayo"
hahaha ang husay ng kanilang batayan! yan ay patunay lamang na wala ang pagkasi ang espiritu santo sa kanila..mga nakakaawang nilalang!
sino si AE?
SYA ANG SUGO NI SATANAS NA MAGHAHATID SA INYO SA KAPAHAMAKAN PAGDATING NG ARAW NG PAGHUHUKOM
Yan ang eksangtong sagot nya sa comment ko sa blog tungkol sa marapat na pagsinop sa kabang yaman ng iglesia. Sabi nya basahin ko raw muna mula sa simula para daw hindi paulit ulit ang mga tanong...ganun ba yun...kung talagang totoo sya, hindi sya mag sasawang sumagot sa tanong kahit paulit ulit pa yan..
ReplyDelete