ANO BA
TALAGA ANG LAYUNIN NI ANTONIO EBANGHELISTA?
ANG madalas nating marinig
kay Antonio Enaghelista ay ipinanganganladakan niya na hindi naman daw siya
lumalaban sa Pamamahala kundi sa katiwalian ng Sanggunian. Ang haNgad daw niya
ay ang maibalik ang Iglesia sa kalinisan at kabanalan. SUBALIT ITO NGA BA ANG
TUNAY NA LAYUNIN NI ANTONIO EBANGHELISTA?
ANG TANONG KAY ANTONIO EBANGHELISTA NG
ISANG SIMPLENG KAPATID
NA HINDI NIYA MASAGOT
May mga kaPatid na hindi
makatiis dahil sa nakikita nilang pamiminsala na ginagawa ng mga Kumakalaban sa
Pamamahala kaya sa mismong FB account NI Antonio Ebanghelista AY nagpo-post
sila ng kanilang “objection” sa ginagawa ng grupong ito. Ang nasa ibaba ay ang
pagpost ng isang simpleng kapatid sa FB account ni Antonio Ebanghelista at ang kanilang
naging conversation (kasama ang iba pang mga kagrupo ni AE:
“Ano ang magiging kahihinatnan ng
ipinaglalaban nyo G. Antonio
Ebangelista? Ito bang ginagawa ninyo ay para sa kabutihan ng Iglesia
o para ba kahihiyan at ikatitisod ng maraming kapatid lalo na sa mga di
kapananampalataya? Kayo po ba ay nakakatulog pa sa ginagawa ninyo? Nalalaman ba
ninyo na kalat na sa social media ang pagsisiwalat mo na diumanoy katiwalian na
wala namang konkretong ebedensya? Nagtatanong lang.. kc apektado ang mga
kapatid sa mga ginagawa mong ito. lalo't kaisahan ng iglesia ang nasisira mo.”
NOTE: Ang nag-post na ito ay
isang simpleng kapatid lamang at wala po siyang kaugnayan sa amin ni hindi po
namin siya kilalang personal. Nakita lamang po namin ang kaniyang account nang
mag-post sa account ng mga Kumakalaban sa Pamamahala. Ang siumusunod po ay ang
conversation na naganap sa pagitan ng kapatid na ito at ng grupo ni Antonio
Ebanghelista. Dito ay makikita ninyo kung ano ang talagang tunay nilang “kulay”
(kung papaano sila makipag-usap sa mga kapatid sa Iglesia at kung ano talaga
ang kanilang “nilalayon.” Ang unang nag-comment sa post ng kapatid na ito ay
ang kilalang kasamahan nila (hindi maaaring itanggi ni G. Antonio na ito’y
kasamahan nila) na may account name na “Claire Fuentes Dela Cruz”:
M. Palamos, mag abuloy ka nalang para mas
maraming manakaw ang mga communistang sanggunian.
Wala po kaming ini-edit sa
kanilang conversation. Iyan po mismo ang kanilang sinabi at naging usapan. Ito
ang tugon ng kapatid sa kanila:
nag aabuloy ako hindi para sa tao kundi
para sa Dios. At ang Dios na ang bahala sa handog ko. Ngayon kung meron kayong
ipakikita na konkretong ebedensya nang katiwalian.. lumatad kayo at iharap nyo
ang ipinaglalaban nyo
Ganito naman siya sinagot ng
isa sa kumakalaban sa Pamamahala:
payag ka pala na ang abuloy mo sa Dios e
ninanakaw lang ni Jun Santos...hehe! un naman pala e, gawin mo kung ano gusto
mo. mag tanung tanong at magbasa ka kasi, para mabuksan yang isip mo.
Ganito ang naging sagot ng
tunay na sumasampalataya:
para saan? para panigan yang walang
kabuluhang mga paratang at magdulot ng pagkakabaha bahagi? Ano ba ang
ikinasasakit ng kalooban nyo? Kung totong anak kyo ng Dios bakit kayo
nababahala sa inihahandog nyo? may tiwala pa ba kayo sa Dios o tagilid na kayo?
Ito ang sagot sa kaniya ng isa
sa mga Kumakalaban sa Pamamahala:
hindi yan paratang, di mo ba nakikita inday
marietta na may mga evidence na. kaya nga may ganitong nangyayari kasi
kailangang maalis ang mga tampalasan sa INC, para bumalik ang dating dalisay at
malinis na INC.
Ito ang tugon sa kaniya ng
tunay na kapatid:
nasaan? bakit di nyo mailantad? asan? yung
madramang pagsusulat ba sa blog? at yung maduming istilo ng pangungutya sa tao?
ganon ba ebedensya nyO?
Wala namang isinagot ang
Kumakalaban sa Pamamahala kundi lalo lamang niyang pinatunayan ang sinasabi ng
kapatid na “puro lang sila pangungutya.” Ito ang sunod-sunod niyang pinost
(talagang sunod-sunod po ito at hindi po ito edited):
hala, hahaha! wow!
asawa ka ata ni Jun Santos...hehehe!
mahirap talaga paliwanagan ang sarado ang
isip at ung mga taong nakikinabang sa gawaing masama ni Jun Santos...hehehe!
Ganto siya sinagot ng kapatid:
Bka gusto mo ang posisyon ni Ka Jun? ha
claire? ikaw din ba si Anton?
Ganito lang ang naging tugon
ng isa sa mga Kumakalaban sa Pamamahala (inuulit po namin, hindi po ito edited):
hahaha! wow!
Gumawa ka nalang ng sarili ninyong page ni
JS, at doon kayo mag sama sama...hahaha! asawa ka nya cguro o kabit...
kaya pinagtatangol mo kasi mawawalan ka ng
sustento..hehehe!
Ang sumusunod ay mappansin
ninyo na “nag-iba” ang time ng posting. Dahil kinokopya na namin agad dahil
alam po namin na idi-delete nila agad ang pag-uusap na ito. Ganito pa
nagpatuloy ang kanilang usapan:
sa pananalita
mong yan.. amoy kambing ka.
hahaha!
iligo nyo na lang yan.. dami mong Dummy
Acount ha.. multiple personality teh? hehe.
hahahaha!
Pagkatapos nito’y sumabat na
si Antonio Ebanghelista (ang kaniyang account):
Ka Marietta Palamos hindi po ako nagpost dito para makipagtalo o
makipagaway. Kung talagang gusto ninyong malaman ang sagot ko sa tanong nyo,
narito po, pakibasa na lang po (pinost niya ang link ng kaniyang blog).
Pagkatapos na pagkatapos ng
comment ni Antonio Ebanghelista ay ganito ang sabat ng kaniyang kasama:
meeee....meeee,...
Ganito siya tinugon ng
kapatid:
Puro kadramahan mo lang naman ang nakalagay
sa blog mo G. Antonio Ebangelista.. Ginagawa mo ito para sa kasiraan at
hindi para sa ikatitibay sa hanay ng mga kapatid at sa mga dapat pang maakay sa
loob ng Iglesia. Nakakalungkot isipin kung bakit mo ito ginagawa. Kumakalat na
itong blog na ito sa hanay ng mga kaibayo. at ang nakataya dito ay ang kabuuan
ng iglesia at hindi sa iisang tao lang. Buhay ang Dios ng INC. Yan lang ang
masasabi ko G. Antonio Ebangelista.
Sumabat naman ang isa pa sa
kanilang kilalang kasamahan (sina “Claire” at “Eddie” ay kasamahan ni Antonio
Ebangelista, kung another account niya ay hindi ko po alam?):
Get out Palamos...
Tumugon tuloy ang kapatid nang
ganito:
Another Dummy Account Eddie Sy Santos?
iisang tao lang iba ibang personalidad
Si Antonio Ebanghelista po
muli ang sumagot (o iyong account niya na nakapangalan sa kaniya):
At kung marunong lang po sana kayong
magbasa ay mababasa ninyo ang paliwanag kung bakit dito sa social media
inilabas ito at kung paanong no-bearing kahit pa gamitin ito ng nga kaibayo sa
pananampalataya. Nagtanong kayo, sumagot ako. Ayaw nyong basahin at unawain ang
sagit ko, wala na po akong magagawa kung sakaling nagsasalita na lang kayo ng
bagay na wala kayong pagkaunawa. Salamat po.
Pagkatapos nito ay sumabat
muli ang isang pang kasamahan nila (o isa pang account):
Get lost palamos...
Hindi na pinansin ng kapatid
iyong isang nambabastos sa kaniya. Ito ang naging tugon niya sa sinabi ni
Antonio Ebanghelista:
Iminamatuwid nyo po ba na tama ang ginagawa
nyo G. Antonio Ebangelista? na tamang mabasa ito ng kaibayo at
pagpiyestahan sa ibat ibang forum? sa ganoong paraan po ba kayo natutuwa? ito
ba ay para sa ikalulugod ng Dios ginoong Antonio Ebangelista?
PAGKA-POST NG KAPATID SA
COMMENT NIYANG ITO, MAYA-MAYA AY BINURA NA NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG THREAD
NA ITO. Binura na lamang niya sapagkat hindi niya nasagot ang simpleng tanong
ng isang simpleng kapatid na:
“Iminamatuwid nyo po ba na tama ang ginagawa nyo G. Antonio Ebangelista? na tamang mabasa ito ng kaibayo at
pagpiyestahan sa ibat ibang forum? sa ganoong paraan po ba kayo natutuwa? ito
ba ay para sa ikalulugod ng Dios ginoong Antonio Ebangelista?”
Bakit hindi masagot ni Antonio
Ebanghelista ang simpleng tanong na ito ng isang simpleng kapatid? Saagkat
tunay na wala naman siyang pakialam kung “maiskandalo” ang Iglesia, para kaniya
at sa kaniyang mga kasama kahit ma-iskandalo ang Iglesia basta mangyari ang “gusto”
nila, ang maalis ang mga miembro ng Sanggunian sa kanilang posisyon. Ganito ang
pahayg mismo ni Antonio Ebanghelista:
“Ang pagsisiwalat na ito ay masasabi kong “NECESSARY
EVIL”, kinakailangang gawin KAHIT PA MANGAHULUGAN na maaari itong maglabas ng
maseselang bagay ukol sa Iglesia na maaaring gamitin laban sa atin.“
Napansin ba ninyo ang pahayag
mismo ni Antonio Ebanghelista? Ang ginagawa niyang ito ay “necessary evil” ayon
mismo sa kaniya. Kaya pala hindi Niya masagot ang tanong ng kapatid sapagkat
kahit siya ay amindo na “evil” o masama ang kaniyang ginagawang ito. ALAM NAMAN
NG LAHAT NG HINDI NALULUGOD ANG DIYOS SA ANUMANG GAWANG MASAMA! Mga kapatid, sasang-ayunan ba ng Diyos ang “necessary
evil”?
Ang sabi pa niya “kahit pa mangahulugan.”
Hindi ba’t ang katumbas ng mga salitang ito ay “wala aking pakialam kung
lumabas mang ang mga maseselang bagay ukol sa Iglesia,” at “eh ano kung malagay
sa kahihiyan ang Iglesia.”
ANG MARAMI PANG SIMPLENG KATANUNGAN NG
MGA SIMPLENG KAPATID NA HINDI MASAGOT
NI ANTONIO EBANGHELISTA
Ito ay “pinost” sa bilang
comment sa timeline ng kanilang page na “Iglesia NI Cristo Silent No More by
Antonio Ebangelista”:
Pero aminin po natin at sa hindi na sa
bandang huli ANG KATAWAN ANG NASUSUGATAN KARANIWANGKAANIB LANG PO AKO.PERO ANG
TANUNG KO LANG PO KUNG SAKALI NA NALINIS NYO NA ANG BUONG SANGUNIAN SA
PANGUNGUNA NG KA EVM. MAIBABALIK PA PO BA ANG DAMAGE NA GINAWA.? MA BUBURA PA
PO BA SA NET ANG LAHAT? PARANG KAGAYA NG MGA KASO NA LAGING IBINABATO SA INC
BAGAMAT NILINAW NA.AY PILIT PARING GINAGAMIT SA PAG ATAKE NG KUMAKAAWAY SA
INC.DEBATE ATIBP. KASO SA R.TRILIANES , T.ORA ,KA EGM BILYONARYO ,MGA KAPATID NA
SANGKOT SA PAGPATAY SA COMPOUND NG KAPILYA. ATIBP.TAPOS NGAYUNG ISSUE NA
ITO.SIGURADO NA ME MGA KOPYA NA SILA NITO. TANUNG KO LANG PO PAANO PO TAYO
MAKAPAG AAKAY NG MAAYOS NITO.? CIGURADO IBABALIK ITO LAHAT SA ATIN. ANG KABUOAN
NG KATAWAN ANG NAPINSALA NG HUSTO.BAGAMAT IILANG TAO LANG ANG PINARARATANGAN.
PARA SA AKIN Akoy patuloy na mag lilinkod akoy patuloy na susunod sa Dios at sa
pamamahala na sya ang naglagay. WALA TAYONG KARAPATANG HUMATOL DAHIL ANG AMA
LANG ANG HAHATOL SA SARILI NATING MGA GAWA ............ GOD BLESS IGLESIA NI
CRISTO dito tayo sinanay dito hinasa sanay na tayo sa hirap at pag uusig.ANG
HINDI LANG TAYO SANAY AY KUNG WALA SYA............
3 hrs ago
Hindi nila ito kinibo at tiyak na hindi na talaga nila
kikibuin. Samakatuwid, hindi rin masagit ni Antonio Ebanghelista ang tanong na:
“Kung natupad na ang inyong ipinaglalaban at naalis na ang lahat ng mga
sinasabi ninyong tiwaling sanggunian, papaano ninyo lilinisin ang kalat na iniwan
ninyo?”
Bakit hindi masagot ni Antonio
Ebanghelista ang tanong na “Papaano nila lilinisin ang KALAT na kanilang
ginawa?” HINDI NIYA MASAGOT ANG TANONG NA ITO SAPAGKAT MAY PLANO NGA BA SI
ANTONIO EBANGHELISTA NA LINISIN ANG “KALAT” NA KANIYANG GINAWA AT IKINALAT SA
SOCIAL MEDIA? Ganito ang sagot ni Antonio Ebanghelista mismo sa tanong na ito:
“Kapag dumating ang pagkakataon na naganap
na ang paglilinis sa Iglesia, LALO NA SA HANAY NG MGA NASA SANGGUNIAN, NASIYASAT
NA AT NAPATAWAN NA NG DISIPLINA O PARUSA ANG MGA NAGKASALA, hindi na po ninyo
ako kailangang kumbinsihin na tumigil na sa pagsisiwalat ng mga katiwaliang
ito, KUSA NA LAMANG MAWAWALA SI ANTONIO EBANGELISTA DAHIL NA NAGANAP NA ANG
KANIYANG BAHAGI...Tapos na ang gamapanin ni Antonio Ebangelista.”
Ito ay mga salita mismo ni
Antonio Ebanghelista. Ayon sa kaniya kapag naparusahan na ang mga miembro ng
Sanggunian ay “KUSA NA LAMANG MAWAWALA
SI ANTONIO EBANGELISTA.” Bakit kapag naparusahan na ang Sanggunian ay “kusa”
na raw mawawala si Antonio Ebanghelista? Dahil “NAGANAP NA ANG KANIYANG BAHAGI...Tapos na ang gamapanin ni Antonio
Ebangelista.”
Para pala sa kay Antonio
Ebanghelista ay “isiwalat lang ang diumano’y katiwalian ng Sanggunian ang kaniyang bahagi,
isambulat sa Social Media ang “kasiraan,” “kahihiyan,” at “eskandalo” ang kaniyang gampani (o ang
gampanin niya ay magkalat lang sa social media), at pagka-naabot na niya ang kaniyang puntirya,
ang maalis sa posisyon ang Sanggunian, MAGLALAHO NA SIYA. Paano Antonio
Ebanghelista ang ginawa mong "kalat"? Basta, tapos na ang aniyang gampanin na
maalis sa posisyon ang Sanggunian ay MAGLALAHO na siya! Papaano ang mga “kasiraang”
ito na isinambulat mo sa social media? “Basta, nawala na ang mga miembro ng
Sanggunian sa puwesto, MAGLALAHO na siya. Ngayon, mga kapatid, ayon mismo sa
mga salita ni Antonio Ebanghelista, may layunin ba siyang maglinis pagnakuha na
niya ang nais niya na ito ang maparusahan o maalis sa uwesto ang Sanggunian? Ang sabi
mismo ni Antonio Ebanghelista, KUSA NA
LAMANG MAWAWALA SI ANTONIO EBANGELISTA DAHIL NA NAGANAP NA ANG KANIYANG BAHAGI...Tapos
na ang gamapanin ni Antonio Ebangelista.”
LUMALABAS NA ANG TUNAY NA
KULAY NI ANTONIO EBANGHELISTA!
Sa artikulo nating
pinamagatang “THANK YOU AE FOR CONFIRMING WHAT WE SAY IS TRUE” na inilathala
natin sa blog na ito noong June 12, 2015, ay nakita natin na tinututulan niya
ang pagbebenta ng mga “prime properties” ng Iglesia sa kabila na ito’y hindi na
ginagamit o kailangan ng Iglesia at sa pag-maintain ang mga ito ay gumagastos
ng malaki ang Iglesia na kinukuha sa abuloy ng mga kapatid KAYA ISANG KAHAYAGAN
NA ANG IPINAGLALABAN NIYA AY HINDI ANG KAPAKANAN NG IGLESIA KUNDI ANG KAPAKANAN
NG MGA NASA LIKOD NIYA.
Sa artikulo namang ito ay NAHAYAG NA ANG ISA PANG "HIDDEN AGENDA" NI ANTONIO EBANGHELISTA NA ITO'Y ANG MAALIS SA PUWESTO ANG MGA MIEMBRO NG SANGGUNIAN at pagkatapos nito ay “kusa” na raw siyang MAGLALAHO na iiwan na lamang niya nang gayon ang “KALAT” na ginawa niya at bahala na ang maiiwan. KAYA, HINDI ISANG KAMALIAN NA SABIHIN NA PANSARILING LAYUNIN LAMANG AT KAPAKANAN NG MGA TAONG NASA LIKOD NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG IPINAGLALABAN NIYA AT WALA SIYANG PAKI-ALAM SA KAPAKANAN NG IGLESIA.
Sa artikulo namang ito ay NAHAYAG NA ANG ISA PANG "HIDDEN AGENDA" NI ANTONIO EBANGHELISTA NA ITO'Y ANG MAALIS SA PUWESTO ANG MGA MIEMBRO NG SANGGUNIAN at pagkatapos nito ay “kusa” na raw siyang MAGLALAHO na iiwan na lamang niya nang gayon ang “KALAT” na ginawa niya at bahala na ang maiiwan. KAYA, HINDI ISANG KAMALIAN NA SABIHIN NA PANSARILING LAYUNIN LAMANG AT KAPAKANAN NG MGA TAONG NASA LIKOD NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG IPINAGLALABAN NIYA AT WALA SIYANG PAKI-ALAM SA KAPAKANAN NG IGLESIA.
“KAYO MGA KAPATID, PAPAYAG BA KAYO NA
SABIHING KAYO AY ISANG ‘ANTONIO EBANGELISTA’ RIN?
Isang Antonio Ebangelista na umaming ‘necessary
evil’ ang inagawa niya? Isang AE na nahayag sa kaniyang mga pananalita na wala
siyang pakundangan o pakialam kung malagay man sa kahihiyan ang iglesia? Isang
AE na aminadong walang layunin na linisin ang kaniyang kalat na ginawa
pagkatapos na makuha ang kaniyang gusto o nilalayon? Isang Antonio Ebanghelista
na ang tunay na ipinakikipaglaban ay ang pansariling layunin at ang kapakanan
ng mga nasa likod niya at hindi ang kapakanan ng iglesia?
Kaya kayo o ba ay mga Antonio Ebanghelista
rin?
PRISTINE TRUTH
YOU MIGHT ALSO LIKE:
kundi po ako nagkakamali sa aking pagkakaunaaa ay may post sya sa kanyang blog na kapag natupad na lahat ng gusto nya ay doon na lalantad kung sino si AE.. pero ngayon iba na ang sinasabi nya "MAGLALAHO NA SIYA" ...
ReplyDeleteang tanong ko para kay AE ,bakit paiba iba ka ng paninindigan?
isa lang ang totoo.. DUWAG KA o DUWAG KAYO ANTONIO EBANGELISTA!
i just saw this comment on their fb page:
ReplyDeleteSis Donna! Tama po iyan! Totoo man o Hindi, manatili tayo sa paglilingkod dahil ang Iglesiang ito ang Totoo at nagkakaisa tayo doon. At hindi natin ikatitisod ang anumang mababasa natin dito dahil ang pananampalataya natin ay sa Diyos at hindi sa Tao. Anuman ang kaganapan ngayon at ipasa Diyos natin, but be open minded na merong gagawin kasangkapan ang ating Ama upang linisin niya ang dumudungis sa kanyang Iglesia!
SO TALAGA PALANG NANINIWALA KAYO NA MAY IBANG KASANGKAPAN ANG DIOS..
HINDI BA ANG TANGING KASANGKAPAN LAMANG NG DIOS SA MGA HULING ARAW AY ANG KANYANG SINUGO..PINAGPAHINGA NYA ANG SUGO MAYRON NAMAN HUMALILI PARA MANGALAGA AT ITO AY ANG PAMAMAHALA AT SILA LAMANG ANG BINIGYAN NG KARAPATAN NG DIOS UPANG MANGARAL AT MANGUNA SA HARAP NG IGLESIA AT HINDI SA SOCIAL MEDIA
Ang tungkulin po pala ni AE ay manira ta magkalat:)
ReplyDeleteNecesarry evil?...
Someone might argue, "If my falsehood enhances God's truthfulness and so increases his glory, why am I still condemned as a sinner?"
tisod at inggit lang yan si AE kay ka jun santos, hindi talaga siya nakatuon sa paglilingod sa Dios, nakatuon sya sa mga material na bagay na nakikita nya sa mga taong nakapaligid sa kanya. ang hindi nya nalalaman ay kinain na pala ng inggit ang buong kaluluwa nya. ang nananahan na sa puso nya ay ang ispirotu ng pagkainggit. tuluyan nang pinagdilim ng diablo ang puso nya kaya patuloy sya sa paggawa ng mga paninira sa iglesia at para makahikayat ng iba. na gaya gagawin ni satanas pag ibubuhos na ang imperno dito sa mundo.
ReplyDelete