Open
Challenge daw?
SINO BA
TALAGA ANG TUNAY NA HINDI SUMASAGOT O TUMUTUGON?
Napakarami na nating sinagot sa mga isyu at
akusasyon na ibinabato ni “Antonio Ebanghelista” laban sa Pamamahala, subalit
wala siyang naging pagtugon. Lumalabas na ayaw nilang panindiganan o hindi nila
mapanindiganan ang kanilang mga sinasabi.
ISANG karaniwang kasabihan sa
ating mga Pilipino ang “KUNG TOTOO ANG SINASABI MO AY PATUNAYAN AT PANINDIGANAN
MO!” Tinatanggap ng lahat na kapag hindi mapanindiganan o ayaw manindigan ng
isang tao sa kaniyang sinasabi, ang gayong tao ay isang tsismoso o
nang-iintriga lamang, at walang katotohanan sa kaniyang mga sinasabi. Pansinin
po natin:
Kung ang isang tao ay
naninindigan na katotohanan ang kaniyang sinasabi, di ba’t ito ay kaniyang
paninindiganan? Kung ang alegasyon ng isang tao ay sinagot, ang naninindigan na
totoo ang kaniyang alegasyon ay di ba’t pabubulaanan niya ang sagot sa kaniyang
alegasyon? HINDI GANITO ANG NAKIKITA NATIN SA MGA
KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA.
Sa kabilang dako, ang isang
taong gumagawa lamang ng tsismis o nang-iintriga lamang ay takot sa “konprontasyon”
sapagkat alam naman niyang hindi totoo ang kaniyang sinasabi at mapapahiya
lamang siya. Kaya, ang taong hindi naman totoo ang sinasabi, wala naman
talagang matibay na pinanghahawakan, at naninira lamang ay hindi nila
pinaninindiganan ang kanilang sinasabi, hindi nila mapanindiganan ang kanilang
sinasabi o wala silang “pakialam” sa pagsagot sa kanilang mga sinasabi sapagkat
hindi naman talaga ang pagsisiwalat ng katotohanan ang kanilang “concern” kundi
ang may mapapaniwala lamang sila sa kanilang paninira. Kaya alam naman ng lahat
na ang naninira lamang ay hindi kinikibo ang mga sagot sa kanilang alegasyon,
ika nga ng iba ay “deadma” lang, pero malimit nilang sabihin na wala pa raw
sagot sa kanila o hindi sila sinasagot para lamang may mapapaniwala pa sila sa
kanilang sinasabi (na karagdagan paring pagsisinungaling at paninira). GANITONG-GANITO
ANG NAKIKITA NATIN SA MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA.
Mapapansin natin sa ibaba ang
pagsagot natin sa mga isyu, akusasyon o paratang na ibinato ni “Antonio
Ebanghelista,” subalit WALA SIYANG NAGING PAGTUGON O SAGOT.
(1) Ang akusasyon ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol kay Ka Eduardo
at sa kaniyang mga kapatid at ina [Antonio Ebanghelista, “Ang Simula,” April
19, 2015] :
SINAGOT NATIN NOONG APRIL 27, 2015:
ISANG BUKAS NA LIHAM SA MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA
ISANG BUKAS NA LIHAM SA MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/04/isang-bukas-na-liham-sa-mga-nagsasalita.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(2) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa Coffee Table
Books [Antonio Ebanghelista, “The Story od the Coffee Table Book,” April 21,
2015]:
SINAGOT NOONG MAY 3, 2015:
THE STORY OF THE COFFEE TABLE BOOKS?
THE STORY OF THE COFFEE TABLE BOOKS?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/sagot-sa-mga-kumakalaban-sa-pamamahala.html
Sa sagot nating ito ay maliwanag na nakitang
sila’y nagsisinungaling lamang sa kanilang mga paratang sapagkat pinabubulaanan
ng lahat ng lokal na ang kanilang paratang na hindi raw itinala sa “recibo
opisyal” ang ginugol ng mga kapatid ukol dito, at ang kanila mismong inilabas
na “dokumento” ang nagamit natin sa pagpapasinungaling sa kanilang paratang na
pinipilit lamang ang lahat ng mga kapatid at mga ministro at manggagawa sa
pagbili nito.
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(3) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa may
kinakaharap daw na Tax Evasion Case ang INC sa Japan [Antonio Ebanghelista, “GRAVE
PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN,” April 24, 2015]
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/tax-evasio-case-sa-japan-sagot-sa-ga.html
Sa sagot nating ito ay napahiya sila dahil
lumabas ang kanilang kamangmangan at
sila’y “nag-iimbento lamang para pasamain ang Pamamahala dahil sa isang batas
sa Japan na tax exempted ang mga relihiyon.
1st Response ni Antonio Ebanghelista:
Antonio
Ebanghelista, “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”
May 8, 2015
SINAGOT NOONG MAY 22, 2015:
RESPONSE SA "PAGLILINAW SA TAX EVASION CASE NG INC SA JAPAN"
RESPONSE SA "PAGLILINAW SA TAX EVASION CASE NG INC SA JAPAN"
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/response-to-paglilinaw-sa-tax-evasion.html
Ang naging pagtugon ni Antonio Ebanghelista
ukol dito ay sa pamamagitan ng paglalathala ng ulat daw ng isang “ministro”
subalit napatunayan natin na “fabricated” o gawa-gawa lamang niya ang sulat na
ito at sa tugon niyang ito ay ipinakita natin na iba na ang kaniyang sinasabi
sa sinabi niya noong una – lumalabas na nagpapalusot na lamang siya. Maliwanag
din na nakita natin dito na kung papaanong sinalungat ni Antonio Ebanghelista
ang kaniyang sarili.
2nd Response ni Antonio Ebanghelista:
Antonio
Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO IN JAPAN IS NOW SILENT NO MORE” May 25, 2015
SINAGOT NOONG MAY 28, 2015:
SINO ANG NAGSISINUNGALING AT SINO ANG NAGSASABI NG TOTOO?
SINO ANG NAGSISINUNGALING AT SINO ANG NAGSASABI NG TOTOO?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/sino-ang-nagsisinungaling-at-sino-ang.html
Tumugon si Antonio Ebanghelista sa
pamamagitan naman ng paglalathala ng “sulat” ng isang kapatid daw sa Japan.
Tandaan na ang unang “Antonio Ebanghelista” ang kaniyang mga biyenan ay nasa
Japan, ang kaniyang biyenang lalake ay isang Hapon. Kaya hindi kataka-taka na
makapag-imbento siya ng isang sulat na may wikang Hapon pa. Subalit, sa sagot
natin ay nakita na salu-salungatan ang mga pahayag ni Antonio Evanghelista mula
sa kaniyang unang artikulo, ikalawa at sa ikatlong artikulo ukol sa Tax Evasion
sa Japan.
NEXT Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA NA
Dahil sa bawat paggawa niya ng “tugon” ay
nalugmok siya sa kahihiyan, kaya bagamat napakalaking kahihiyan ang inabot niya
sa sagot natin sa kaniyang ikatlong artikulo ukol dito, mas pinili na niyang
tumigil na lamang sa pagtugon at huwag na lang kumibo.Dito’y nakita natin na sa
bawat gawin niyang pagpapalusot ay lalo siyang nalulugmok sa kahihiyan.
(4) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa ibinebenta
raw ng INC ang kapilya sa Humble, Texas [Antonio Ebanghelista, “Locale of
Humble, Texas For Sale: The Anomaly after the Anomaly,” May 9, 2015]
SINAGOT NOONG MAY 10, 2015:
THE HUMBLE HOUSE OF WORSHIP ISSUE
THE HUMBLE HOUSE OF WORSHIP ISSUE
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/clearing-humbles-house-of-worship-issue.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(5) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa ang INC daw
ay gumawa ng krimen na “harboring a criminal” dahil sa pagkupkop kay Kapatid na
Ja Hoon Ku [Antonio Ebanghelista, “THE BURDEN OF PROOF IS THE PROOF OF BURDEN,”
April 30, 2015]:
SINAGOT NOONG MAY 20, 2015:
THE CASE OF JA HOON KU
THE CASE OF JA HOON KU
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/the-case-of-ja-hoon-ku.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(6) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa “maling
layunin” daw sa pagbili ng Scenic, South Dakota [Antonio Ebanghelista, “
SINAGOT NOONG JUNE 1, 2015:
THE TRUTH ABOUT SCENIC, SOUTH DAKOTA
THE TRUTH ABOUT SCENIC, SOUTH DAKOTA
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/the-truth-about-scenic-south-dakota.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(7) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa unexplained
wealth ng mga miembro Sanggunian (hindi lamang may apat na buong artikulo ang
inilaan nila dito kundi patungkol na binabanggit sa iba’t iba pang mga artikulo,
SUBALIT ANG PINAKA-ARTIKULO NILA NA SINASAGOT NATIN DITO AY ANG INILABAS NILA
NOONG May 5, 2015):
SINAGOT NOONG JUNE 5, 2015:
THE UNEXPLAINED WEALTH?
THE UNEXPLAINED WEALTH?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/the-unexplained-wealth-ng-mga-miembro.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA (Bagamat may inilabas si Antonio
Ebanghelista na isang madamdaming artikulo nong June 7, 2015, subalit hindi
isang tuwirang pagsagot sa artikulo nating ito)
(8) Naglathala sila ng isang madamdaming artikulo noong June 7, 2015 na
masasabing isang “indirect” na pagtugon sa ating artikulo noong June 5, 2015 na
may pamagat na “The Unexplained Wealth?”:
SINAGOT NOONG DIN MISMONG JUNE 7, 2015:
STILL NO CONCRETE EVIDENCES, NO BANK ACCOUNTS, NO DUMMY ACCOUNTS, NO MANSION, NO CONDO, NO ONLINE ACCOUNTS, NO MONEY TRAILS, NO PAPER TRAILS
STILL NO CONCRETE EVIDENCES, NO BANK ACCOUNTS, NO DUMMY ACCOUNTS, NO MANSION, NO CONDO, NO ONLINE ACCOUNTS, NO MONEY TRAILS, NO PAPER TRAILS
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/still-no-concrete-evidences-no-bank.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(9) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa anomalya raw
ang pagbebenta ng ilang properties ng Iglesia [“BRO. JUN SANTOS: ‘OH WE BOUGHT
THIS, WE BOUGHT THAT’ -- THIS IS WHAT HE IS NOT SAYING: ‘WE ARE SELLING THIS,
WE ARE SELLING THAT’”] inilathala noong June 8, 2015:
SINAGOT NOONG SING JUNE 8, 2015:
SOME PROPERTIES OF THE CHURCH WERE SOLD, SO WHAT?
SOME PROPERTIES OF THE CHURCH WERE SOLD, SO WHAT?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/is-property-being-sold-proof-of.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(10) Hindi kinibo ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ang ating artikulo
na sagot sa kanilang inilathala noong June 8, 2015, bagkus ay naglathala ng artikulo
na may pamagat na “INC PRIME PROPERTY: SOLD! – PART 1” (June 12, 2015):
SINAGOT NOON DING JUNE 12, 2015:
THANK YOU AE FOR CONFIRMING WHAT WE SAY IS TRUE
THANK YOU AE FOR CONFIRMING WHAT WE SAY IS TRUE
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/evidences-shown-by-those-opposing.html#more
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
Sa artikulong ito ni Antonio Ebanghelista ay
ipinakita lamang niya na ibinenta na ang property ng INC sa Tagaytay (isang
rest house sa Tagaytay). Subalit, ang inilabas niyang ito ay hindi ebidensiya
ng katiwalian kundi nakatulong pa sa amin bilang confirmation na totoo ang
sinasabi namin nang una pa man na ang ibinenta ay hindi na kailangan ng Iglesia
o wala nang paggagamitan, bagkus ay nakadaragdag pa sa gastusin ng Iglesia.
(11) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa “anomalya” o
“katiwalian” daw sa ordenasyon (ISANG ARTIKULO NA MALAKING KALAPASTANGNAN SA
BANAL NA ORDENASYON AT SA DIYOS):
SINAGOT NOON MAY 29, 2015:
ANG PAGLAPASTANGAN NILA SA BANAL NA ORDENASYON
ANG PAGLAPASTANGAN NILA SA BANAL NA ORDENASYON
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/ang-ordenasyon-ba-ay-gawa-ng-tao-o-sa.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(12) Ang paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ukol sa “anomalya” o
“katiwalian” daw sa Fort Victoria (dalawa ang artikulo na inilathala nila dito
liban pa sa maraming ulit nila itong binanggit) na para sa mga kumakalaban sa
Pamamahala ay “pinakamabigat” daw na ebidensiya nila:
SINAGOT NOON JUNE 10, 2015:
THE FORT VICTORIA ANOMALY?
THE FORT VICTORIA ANOMALY?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/fort-victoria-anomaly-answering-fort.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
(13) Ang paratang ng mga kumakalaban sa Pamamahala ukol sa “Subic-Bay
FYM Foundation” na inilathala nila noong June 17, 2015:
SINAGOT NOONG JUNE 18, 2015:
THE TRUTH ABOUT THE SUBIC-BAY FYM FOUNDATION
THE TRUTH ABOUT THE SUBIC-BAY FYM FOUNDATION
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/the-truth-about-subic-bay-felix-y.html
Response Ni Antonio Ebanghelista:
WALA
MALIBAN DITO AY HINDI RIN NILA SINAGOT ANG
ATING
MGA SUMUSUNOD NA ARTIKULO:
“Voice of the Brethren”: Fabricated lang
pala
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/ang-katunayang-fabricated-lamang-ang.html
Ano ba talaga ang tunay na layunin ni
Antonio Ebanghelista
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/ano-ba-ang-tunay-na-layunin-ni-antonio.html
Dapat bang ikatuwa ang tahasang pagsuway sa
tagubilin ng Pamamahala?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/tahasang-paglaban-sa-bilin-ng.html
Naninindigan ba tayo sa panig ng
Pamamahala?
Hingit bang paniniwalaan ang hindi kilala
at ang ayaw magpakilala kaysa sa Pamamahala na nang una’t una pa ay
nagmalasakit at nagsakit na sa atin?
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/naninindigan-ba-tayo-sa-panig-ng.html
Sa liwanag ng katotohanang
ito, hindi maling isipin na pati ang artikulong ito ay hindi nila kikibuin o
papansinin, at patuloy lang silang maglalathala ng mga “gawa-gawa” lang nila,
paninira at kasinungalingan, at ang mga magiging “sagot” natin ay patuloy
nilang di kikibuin, pero asahan natin na patuloy nilang ipangangalandakan na “hindi
raw sila sinasagot.”
Kaya ang sinasabi nilang hindi raw sinasagot ang kanilang mga alegasyon
ay isa pa ring kasinungalingan.
AT
Kung patuloy nilang igigiit na “totoo” raw ang kanilang mga alegasyon,
itanong natin sa kanila, “Bakit hindi ninyo kayang panindiganan?”
Sa mga nagsususri,
Sa liwanag ng katotohanang ito,
Nagsasabi ba sila ng totoo o naninira lamang?
Nkatitiyak ako na sasagutin din nya yan,hindi para linawin kundi para lalong labuin.
ReplyDeleteTatak INC., ano man ang mangyari.!
ReplyDeletesumagot man sya o hindi, mananatili pa rin ang maraming mga kapatid na sumusunod aa Pamamahalang ang Diyos ang naglagay. ang matitisod, matisod at sumuko ay mga hindi tunay na mananampalataya.
ReplyDeleteMga bitter lang mga bumabatikos sa Pamamahala. Lalo lang umalab ang pagmamahal ng mga kapatid sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Sa panahon nga niya nagkaroon ng maraming nakakagulat na proyekto sa Iglesia kaya paanong me korapsyon. At kung meron man nga bahala ang Ama ang humatol sa kanila. Basta tayo ay sa Pamamahala sapagkat siya ang inilagay ng Diyos dito sa lupa. Eh ano kung maraming abuluyan, ang tunay na mananapalatya di natitisod sa ganyang bagay sapagkat sabi naman Ama ay walang pagsidlan ang ibibiya sa atin. Kaya di mauubos ang kaban ng Iglesia. Kitang-kita naman natin kung saan napupunta mga handog natin.
ReplyDeleteLet the Father punish who lies ..God knows everything we can't hide it,.we shouldnt believe anything from social media unless there is basis and proof..FB and YouTube can't help to clear the issue ...let's unite to give glory to our God...we should love each other....let's pray for our brethren who have less faith ...respect our beloved Executive minister love him as the God will care for us..Intensive Obedience and Submission
ReplyDelete