02 July 2016

SAGOT SA TANONG: Nilabag nga ba ni Ka Eduardo ang diumano'y "bilin" ni Ka Erdy?



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
PART 12




TANONG:

“Bakit hindi sinunod ni Kapatid na Eduardo V. Manalo ang tagubilin ni Kapatid na Eraño G. Manalo na magkaroon ng eleksiyon sa hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan pagkamatay niya?”


SAGOT:
                         
Ito ang ipinangangalandakan ng mga tiwalag na kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia upang ipakita na hindi raw si Kapatid na EDUARDO V. MANALO ang lehitimong TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN na may bilin daw ang Kapatid na ERAÑO G. MANALO na magkaroon ng eleksiyon para sa hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan PAGKAMATAY niya, at hindi raw sinunod ni KA EDUARDO ang tagubiling ito.

MAY “BILIN” NGA BANG GANITO ANG KA ERDY?

Ang IGLESIA NI CRISTO sa kabuuan ang saksi (mula sa lahat ng mga ministro, mga manggagawa, mga maytungkulin at mga kapatid) kung papaanong ang tagubilin na may kinalaman sa kapakanan ng buong Iglesia ay ipinararating ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sa lahat ng mga kaanib ng Iglesia mula pa sa panahon ni KAPATID NA FELIX Y. MANALO, sa panahon ni KAPATID NA ERANO G. MANALO, at hanggang sa kasalukuyang PAMAMAHALA NG IGLESIA.

Ang karaniwan ay may dalawang kaparaanan kung papaanong ang tagubilin ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO ay ipinararating sa buong Iglesia:

UNA: sa pamamagitan ng pinagtitiwalaan ng PAMAMAHALA (karaniwan ay ang Pangkalahatang Kalihim o ang isa sa kabilang sa SANGGUNIAN) ang nagpaparating sa mga Tagapangsiwa ng Distrito, na sila naman ang nagpaparating sa mga Distinadong Ministro sa bawat lokal. Ang Distinadong Ministro naman ang magpapaabot sa mga maytungkulin at mga kapatid sa lokal na kanilang kinadidistinuhan.

IKALAWA: sa pamamagitan ng sirkulat (circular letter) ng TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN na binabasa sa mga pagsamba o sa mga pagpupulong ng mga maytungkulin sa lokal.

Kapuwa sa pamamagitan ng dalawang kaparaanang ito ay walang nakarating sa Iglesia na diumano’y “bilin” ng KAPATID NA ERANO G. MANALO na magsagawa ng eleksiyon para sa hahalili sa kaniya bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sa pagpanaw niya. Walang ganitong “bilin” na ipinarating sa pamamagitan ng mga Tagapangasiwa, mga Distinado at mga Maytungkulin. Wala ring sirkular mula kay KA ERDY na may ganitong “bilin” na magsagawa ng eleksiyon pagkamatay niya. KAYA, SAKSI ANG BUONG IGLESIA NA WALANG GANITONG “BILIN” ANG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO.

Ang lubhang kataka-taka sa sinmasabing ito na diumano’y “bilin” ni KAPATID NA ERANO G. MANALO ay lumabas ito nitong taong 2015 lamang, anim na taon pagkamatay ni KA ERDU. At ang lalo pang nakapagbibigay ng pag-aalinlangan ay ang “biling” daw na ito ni KA ERDY ay galing sa mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa PAMAMAHALA NG IGLESIA.

Ang higit pang kapansin-pansin ay ang katotohanan na wala sa mga tiwalag na dating ministro tulad nina Angel, Marc, Jun Samson at Louie Cayabyab, ang nagsabi o sumulat ukol sa diumano’y “bilin” na ito ni KA ERDY na magsagawa raw ng eleksiyon pagkamatay niya. Hindi ba’t gustong-gusto nila ang atensiyon mula sa mass media at ang magpost sa social media, ngunit BAKIT WALA SILANG SINABI UKOL DITO? Tanging ang mga tiwalag na mga nagtatago sa “dummy accounts” sa social media ang nagsasabi nito.

SAMAKATUWID, WALA TALAGANG GANITONG “BILIN” ANG KA ERDY NA MAGSAGAWA RAW NG ELEKSIYON SA HAHALILING TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN PAGKAMATAY NIYA. ANG “BILIN” ITO AY GAWA-GAWA LAMANG NG MGA TIWALAG NA KUMAKALABAN NGAYON SA PAMAMAHALA NG IGLESIA.




Tunay na ang
KAPATID NA EDUARDO V. MANALO
ang tunay, legal, lehitimo
at nag-iisang
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
ng IGLESIA NI CRISTO


THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com
Sagot sa Tanong, Pagtuligsa at Paninira sa Iglesia Ni Cristo
PART 012


No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)