06 July 2016

SAGOT SA TANONG: May isinasaad ba sa 2007 Amendments na bilin daw ng Ka Erdy na mag-eleksiyon pagkamatay niya sa paghalal ng bagong Tagapamahala?



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
PART 13
 

TANONG:

“Ang 2007 at 2008 Amendments sa By-Laws ng IGLESIA NI CRISTO na ito ay sa panahon pa ng KAPATID NA ERAÑO G. MANALO ay nagsasaad ba na magkaroon ng eleksiyon sa hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan pagkamatay niya? Ito ba ang pagbibilin ng KA ERDY ukol dito?”


SAGOT:
                         
Kung ang pag-uusapan ay ang kabatiran ng buong Iglesia, saksi ang lahat ng mga Tagapangasiwa, ministro at manggagawa, maytungkulin at mga kapatid na WALANG GANITONG “BILIN” ang Kapatid na Eraño G. Manalo. Ang lubhang nakapagtataka at nakapagbibigay alinlangan sa diumano’y “bilin” daw na ito ni KAPATID NA ERAÑO G. MANALO ay ngayon lamang 2015 lumabas, anim na taon pagkamatay ng KA ERDY, at mula sa mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa kasalukuyang PAMAMAHALA NG IGLESIA. Tunay na gawa-gawa lamang ng mga tiwalag ang diumano’y “bilin” na ito ni KAPATID NA ERANO G. MANALO.

KUNG PAPAANO PINALALABAS NG MGA TIWALAG
NA MAY GANONG “BILIN” DAW ANG KA ERDY

Ang itinuturo ng mga tiwalag ay ang 2007 Amendments at 2008 Amendments ng by-laws ng IGLESIA NI CRISTO na ito raw ang diumano’y “bilin” ng KA ERDY na magsagawa ng eleksiyon pagkamatay niya na hindi raw sinunod ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.

Ang mga tiwalag na rin ang naglathala ng isinasaad ng 2007 Amendments ng by-laws ng Iglesia Ni Cristo na inaangkin nilang “bilin” daw ng Ka Erdy na magkaroon ng eleksiyon pagkamatay niya. Ganito ang isinasaad sa Seksiyon 4 ng 2007 Amendments ayon na rin sa inilathala mismo ng mga tiwalag sa kanilang blog:

“Section 4. Vacancy. In case of vacancy in the office of the Executive Minister or Presiding Elder, The Church Council shall convene and determine by election who shall be the successor. However, the incumbent Executive Minister or Presiding Elder may convene the Church Council for the purpose of electing or choosing who shall be his successor.”

Tama ba ang pakahulugan ng mga tiwalag sa isinasaad ng Section 4 ng 2007 Amendments na nagbibilin ang KA ERDY na magsagawa raw ng eleksiyon pagkamatay niya sa hahaliling Tagapamahalang pangkalahatan?


LUMABAS ANG KAMANGMANGAN
O KAHANGALAN NG MGA TIWALAG

Sa paggamit sa 2007 at 2008 Amendments para palabasin na may “bilin” si KA ERDY sa pagsasagawa ng eleksiyon ukol sa hahaliling Tagapamahalang pangkalahatan pagkamatay daw niya ay NAGHAHAYAG LAMANG NG KAMANGMANGAN NG MGA TIWALAG.


(1) Ang Section 4 ng 2007 Amendments at Section 8 ng 2008 Amendments ay hindi isang bagong bagay kundi siya ring Section 2 ng DATING By-laws ng IGLESIA NI CRISTO.

Ang unang-unang dapat mapansin ay ang Section 4 ng 2007 Amendments at Section 8 ng 2008 Amendments ay HINDI ISANG BAGONG BAGAY kundi siya ring Section 2 ng DATING By-laws ng IGLESIA NI CRISTO kaya hindi ito maaangkin na “bilin ni KA ERDY bago siya mamatay.”

Kung ang Section 4 ng 2007 Amendments at Section 8 ng 2008 Amendments ay HINDI ISANG BAGONG BAGAY kundi siya ring Section 2 ng DATING BY-LAWS, samakatuwid ay hindi ito maaangkin na “bilin ni KA ERDY bago siya mamatay.”

(2) Mayroong PASUBALI ang sinasabi ng Section 4 ng 2007 Amendments (Section 8 ng 2008 amendments na siya ring Section 2 ng dating By-laws ng IGLESIA NI CRISTO).

Ang ikalawang dapat mapansin ay mayroong PASUBALI ang sinasabi ng Section 4 ng 2007 Amendments at Section 8 ng 2008 amendments (na siya ring Section 2 ng dating By-laws ng IGLESIA NI CRISTO).

Totoong may banggit ang Section 4 ng 2007 Amendments na, “In case of vacancy in the office of the Executive Minister or Presiding Elder, The Church Council shall convene and determine by election who shall be the successor.” SUBALIT ITO AY KALAHATI LAMANG NG PROVISION NA ISINASAAD NG SECTION 4. Mayroon pang KALAHATI na hindi binigyang-pansin o baka talagang hindi naunawaan ng mga tiwalag. Sipiin natin muli ang isinasaad sa Section 4 ng 2007 Amendments: 

“Section 4. Vacancy. In case of vacancy in the office of the Executive Minister or Presiding Elder, The Church Council shall convene and determine by election who shall be the successor. HOWEVER, the incumbent Executive Minister or Presiding Elder may convene the Church Council for the purpose of electing or choosing who shall be his successor.” (Emphasis mine)

Ang IKALAWANG BAHAGI ng Section 4 ay “However, the incumbent Executive Minister or Presiding Elder may convene the Church Council for the purpose of electing or choosing who shall be his successor.” Ito ay maliwanag na PASUBALI sa UNANG BAHAGI. Higit na mabuti ay isalin natin sa Tagalog para sa ikauunawa ng lahat:

“Seksiyon 4. Pagkabakante. Sa sitwasyon nagkaroon ng pagkabakante sa tungkuling Tagapamahalang Pangkalahatan o Presiding Elder, ang Konsilyo ng Iglesia ay magtitipon at titiyakin sa pamamagitan ng eleksiyon kung sino ang magiging kahalili. SUBALIT, ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan o Presiding Elder ay maaaring magpatawag ng Konsilyo ng Iglesia para sa layuning maghalal o pumili kung sino ang magiging kahalili.” (Emphasis mine)

Napansin ba ninyo ang salitang “SUBALIT” (“However”)? Ang salitang ito ay isang “pasubali” na maaaring mangahulugang “even so” at “on the other hand”:

“However means ‘even so’ or, ‘on the other hand,’ and you use it to introduce a complication or contradiction. You might tell your friend, ‘I love your cooking. However, I already have plans for dinner tonight.’
“The adverb however has a few different meanings. It often shows contrast. You might be training to become a lawyer, however your secret dream is to dance. However also means ‘in whatever way.’ You might say to your father, ‘However you have to do it, convince Mom to buy me that car!’ It also means ‘to whatever degree.’ However certain you are in your gut that Mr. Plum is the murderer, you need to wait for evidence before accusing him.” [https://www.vocabulary.com/dictionary/however]

Kaya maaari ring isalin ang terminong ito na “maliban kung”. Halimbawa ng paggamit ng salitang ito ay “Kung mabakante ang tungkuling presidente ay magtitipon ang kongreso upang magsagawa ng eleksiyon upang tiyakin kung sino ang magiging kahalili. SUBALIT (MALIBAN KUNG), ang kasalukuyang presidente ay magpatawag ng pulong ng kongreso upang magsagawa ng paghahalal sa magiging kahalili.”

Samakatuwid, ang tunay na isinasaad ng Section 4 ng 2007 Amendments (na Section 8 ng 2008 Amendments at Section 2 ng dating By-Laws ng IGLESIA) ay sa sitwasyon nagkaroon ng pagkabakante sa tungkuling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ay magsasagawa ng eleksiyon kung sino ang magiging kahalili MALIBAN KUNG ang kasalukuyang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ay nagpatawag ng konsilyo ng Iglesia at nakapaghalal ng hahalili.

Anupa’t ang UNANG BAHAGI ay “in case” na hindi nagawa ang IKALAWANG BAHAGI, subalit kung nagawa ang IKALAWANG BAHAGI ay hindi na kailangan ang UNANG BAHAGI.


HINDI NA NANGANGAILANGANG ISAGAWA
ANG “UNANG BAHAGI” SAPAGKAT NAGAWA
NAMAN ANG “IKALAWANG BAHAGI”

Kahit ang mga tiwalag ay nagpapatunay na NAISAGAWA ANG IKALAWANG BAHAGI na nagsasaad na “However, the incumbent Executive Minister or Presiding Elder may convene the Church Council for the purpose of electing or choosing who shall be his successor.” Sa blog ng mga tiwalag ay ganito ang kanilang sinasabi:
 


KONKLUSYON

Tunay na noong 1994 ay nakapaggsagawa ng eleksiyon para sa hahaliling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO sa pagpanaw ni KAPATID NA ERANO G. MANALO, at ang NAHALAL ay si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.

Dahil sa natupad naman ang IKALAWANG BAHAGI ng probisyon ng Section 4 ng 2007 Amendments (Section 8 ng 2008 Amendments, at Section 2 ng dating By-laws ng IGLESIA NI CRISTO), kaya ang UNANG BAHAGI ay HINDI NA KAILANGAN. Samakatuwid, naaayon sa By-laws ng IGLESIA NI CRISTO na hindi na magsagawa ng halalan sa hahaliling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sa pagkamatay ni KAPATID NA ERANO G. MANALO, sapagkat noon pang 1994 ay nakapagsagawa na ng halalan sa hahalili kay KA ERDY bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, ang KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.

Samakatuwid, ang pahayag na ito ng Biblia ay tupad na tupad sa mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa PAMAMAHALA NG IGLESIA na sila’y nagmamarunong lamang SUBALIT LUMITAW NA MGA HANGAL:

Roma 1:22 MB
“Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na hangal.”



Tunay na ang 
KAPATID NA EDUARDO V. MANALO 
ang tunay, legal, lehitimo
at nag-iisang
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN 
ng IGLESIA NI CRISTO
    


THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)