18 July 2016

Mahigit 1000 ministro ang aatangan ng diplomang "Bachelor of Evangelical Ministry" kasama ng 600 na magtatapos ng BEM Program


Iglesia Ni Cristo News Update:
MAHIGIT 1000 MINISTRO ANG AATANGAN NG DIPLOMANG "BACHELOR OF EVANGELICAL MINISTRY" KASAMA NG MAHIGIT 600 NA MAGTATAPOS NG 
BEM PROGRAM


  Martes, 19 Hulyo 2016. Ngayon ay “graduation” ng “Iglesia Ni Cristo School for Ministers” (ang dating “College of vangelical Ministry”) na gaganapin sa Philippine Arena. May mahigit sa anim na raang bagong magtatagpos ng “Bachelor of Evangelical Ministry” (BEM) na dumaan sa limang taong college program.

Ang “Bachelor of Evagelical Ministry” ay isang “bachelor’s degree program” na kinikilala ng ating gobyerno sa pamamagitang ng Commission on Higher Education (CHED). Ayon sa isinasaad ng batas, kailangang maka-comply sa “academic requirements” na hinihingi ng CHED upang mapatawan ng diplomang “Bachelor of Evangelical Ministry.”

Subalit, ang napakagandang balita ay maging ang may mahigit sa isang libo na mga ministro na nagtapos noon ng EVCO program ay aatangan din ng “bachelor’s degree” sa pagkakataong ito.

Ang EVCO program ay ang naunang “programa” na ini-offer ng Paaralan ng mga Nagmiministro ng Iglesia Ni Cristo na isang “non-degree program”.

Ang mahigit isang libong nakatapos ng EVCO program ay pawang mga ministro na o ordenado na nasa iba’t ibang distino (assignment) sa iba’t ibang parte ng mundo. Subalit, dahil sa kanilang “experience” at tagal na sa tungkuling ministro ay kinilala at pinagtibay ng CHED na sila man ay patawan ng diplomang “Bachelor of Evangelical Ministry.” Kaya, ngayon, ang mahigit sa isang libong ministro na mula sa iba’t ibang distrito sa buongmundo ay kinikilala nang mga “bachelor’s degree holder.”

Ang nasabing okasyon ay isasagawa sa isang Tanging Pagsamba na pangangasiwaan ng Tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

ISA NA NAMANG PAGTATAGUMPAY NG IGLESIA NI CRISTO NA IGINAWAD NG PANGINOONG DIYOS SA KANIYANG BAYAN SA MGA HULING ARAW.

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)