16 July 2016

SAGOT SA TANONG: Inagaw lang daw ni Ka EVM ang pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan?



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
PART 15




TANONG:

“Totoo po ba ang sinasabi ng mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa PAMAMAHALA NG IGLESIA na ‘inagaw’ lamang daw ni KA EDUARDO V. MANALO ang pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN?”


SAGOT:
                         
Ang totoo, sa isang NAG-IISIP ay kita na niya agad na MALING SABIHIN na “inagaw” lamang ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sapagkat kapag sinabing “inagaw” ay mayroon nang UNANG humahawak ng “tungkulin,” subalit inalis at kinuha sa kaniya ng nang-agaw ang “tungkulin.” Ang nanghahawak ng tungkulin ang inaagawan, at ang hindi nakapuwesto na nagpipilit na makuha ang tungkulin sa nakaposisyon ang NANG-AAGAW.

Halimbawa, namatay ang dating presidente na si “Magsaysay” at si “Garcia” ang humaliling Presidente sapagkat siya ang bise-presidente (gaya nga ng isinasaad ng saligang batas ng bansa). Sa limang taon ay siya ang presidente ng bansa. Subalit, sa ika-anim na taon ay bumangon si “Avelino” at nagsasabing hindi si “Garcia” ang presidente kundi siya (gayong si “Avelino” ay isang “mayor” lang naman). Tama bang sabihin na si “Garcia” ang nang-aagaw sa pagka-presidente? Alam natng MALING-MALI na sabihing si “Garcia” ang nang-agaw o inagaw lang niya ang pagka-presidente. Si “Avelino” ang tunay na nang-aagaw.

Si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang PANGALAWANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN noong nabubuhay pa si KAPATID NA ERANO G. MANALO. Nang pumanaw si KA ERDY noong 2009 ay si KA EDUARDO ang “legal successor.”

Sangguniin ang SAGOT SA TANONG bilang 14

Nang humalili si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO noong 2009 kay KAPATID NA ERANO G. MANALO ay walang tumutol kundi tinanggap ng buong Iglesia. Sa loob ng anim na taon ay walang tumututol o kumukuwestiyon sa pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO kahit mula sa panig ng mga tiwalag ngayon na kumakalaban sa PAMAMAHALA NG IGLESIA. Anupa’t, bumangon lamang ang mga kumukuwestiyon at tumututol pagkalipas ng anim na taon (noong lamang 2015).

Ang hindi matino ang pag-iisip ang TUTUTOL na ang mga tiwalag ang tunay na NANG-AAGAW at si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang siyang pilit na inaagawan. Tandaan na si KA EDUARDO ang nakaposisyon bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN mula pa noong pagpanaw ni KAPATID NA ERANO G. MANALO (mula pa noong 2009). At ang mga tiwalag ang nagpipilit na alisin si KA EDUARDO sa pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN at maiposisyon ang kanilang “gusto.”

SAMAKATUWID, ang pagsasabi ng mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa PAMAMAHALA NG IGLESIA na “inagaw lamang daw ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO” ang pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ay isa na namang PAGMAMARUNONG ng mga tiwalag na subalit lumitaw na talagang sila’y HANGAL, kaya tupad na tupad lang sa kanila ang sinasabi ng Biblia:

Roma 1:22 MB
“Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na hangal.”


THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)