Mula noong Abril 1, 2016 ay inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at “Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa kaniyang mga paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING KAHIHIYAN.
AE, REMEMBER
THIS
Paulit-ulit na sinasabi noon ni Antonio Ebangelista sa kaniyang blog na hindi raw siya nagsasalita ng laban sa Pamamahala ng Iglesia at wala raw silang layunin na pabagsakin ang Tagapamahalang Pangkalahatan. Subalit, sa artikulong ito ni PRISTINE TRUTH ay malinaw na ipinakita na noon pa ay nanlilinlang lamang si AE sa pagsasabing wala siyang sinasabing masama laban sa Pamamahala ng Iglesia. Kapansin-pansin na ang petsa ng artikulong ito ni PT ay July 9, 2015 ngunit ipinagpauna na niya sa atin na ang layunin ni Antonio Ebangelista at mga kasamahan ay siraan ang Pamamahala, palabasing masama, galitin at kilusin ang mga kapatid laban sa Pamamahala, at magsagawa ng pagkilos laban sa Pamamahala. Ngayon, ang lahat ay makapagpapatunay na totoo ang sinabing ito ni PRISTINE TRUTH ukol sa masamang layunin nina Antonio Ebangelista at mga kasama laban sa Pamamahala ng Iglesia.
First posted last 09 July 2015
Ang paulit-ulit niyang sinasabi na wala
siyang anumang sinasabing paglaban o anumang negatibo laban sa kasalukuyang
Tagapamahalang Pangkalahatan o kay Kapatid na Eduardo V. Manalo ay isa sa
kaniyang
MALAKING PANLILINLANG
SA mga nagsusuri, malinaw na kitang-kita ang tunay na nilalayon ng grupo ni Antonio Ebangelista. Ito ang kanilang “master plan”:
(1) palabasin na
may katiwalian na nagaganap ngayon sa Iglesia na pangunahin na sa mga kaanib sa
Sanggunian na mga pangunahing katuwang ng kasalukuyang Namamahala sa
pangangasiwa sa Iglesia. Galitin at kilusin ang mga kapatid laban sa
Sanggunian.
(2) Palabasin na
ang Kapatid na Eduardo V. Manalo ay hindi kumikilos, hindi umaaksiyon, walang
ginagawa, walang alam, madaling malinlang ng kaniyang mga kasama kaya walang
gulugod, walang kakayahan na dalhin ang Iglesia sa malinis at walang
kapintasang kalagayan tungo sa araw ng kaligtasan.
(3) Gumawa ng isang pagkilos upang mapa-alis sa
posisyon hindi lamang ang mga kaanib sa Sangunian, kundi maging kasalukuyang
Namamahala sa Iglesia, at mailagay ang nais nila na mamahala sa Iglesia na
diumano’y siyang may kakayahang ibalik ang Iglesia sa kalagayang malinis at
banal na gaya ng panahon ng Ka Erdy.
Kitang-kita na ang kanilang
pagkilos ay tungo sa ikatutupad ng kanilang “master plan” na ito. Maliwanag ang
mga ebidensiya sa mismong mga pananalita at ipinakakalat ni Antonio Ebangelista
at ng kaniyang mga kasama. SUBALIT, alam nilang ang isang “pagkilos” na laban
sa Tagapamahalang Pangkalahatan, lalo na ang isang “pagkilos” na naglalayong
alisin at palitan ang Tagapamahalang Pangkahatan” ay MAHIGPIT NA TUTULAN NG
BUONG KAPATIRAN sapagkat maliwanag na sa LAHAT o sa BUONG IGLESIA na ang
Kapatid na Eduardo V. Manalo ang inihalal ng Diyos upang mamahala sa buong
Iglesia sa pagpanaw ng Kapatid na Erano G. Manalo.
Dahil dito, hindi nila
maaaring tuwirang sabihin na ang pinakalayunin nila ay “laban” sa Pamamahala at
ang maiposisyon ang kanilang gusto upang mamahala sa Iglesia. Kailangan nilang
gumawa ng isang MALAKING PANLILINLANG sa lahat ng mga kapatid upang maitago ang
kanilang tunay na nilalayon. At ang isa sa MALAKING PANLILINLANG na kanilang
ginagawa ay ang gaya ng paulit-ulit na inaangkin ni Antonio Ebangelista na:
“…with all due
respect to our beloved Executive Minister, for it is very known to all of you, THAT I HAVE NEVER TALKED NEGATIVELY ABOUT
OUR EXECUTIVE MINISTER. Eventhough how much they wrongfully construed my
writings to make it appear that I am against the Executive Minister, but all of
you also know that, that is not true.. MY ONLY FOCUS IS AND HAS ALWAYS BEEN,
THE CORRUPTION OF THE SANGGUNIAN AND THEIR COHORTS...” [Antonio Ebangelista, “VIDEO
CONFERENCE BY BRO. EDUARDO V. MANALO -June 9, 2015” June 9, 2015]
Inaangkin ni Antonio
Ebangelista na hindi raw siya nagsalita ng anumang “negatibo” laban sa Tagapamahalang
Pangkalahatan. SUBALIT SA KANIYA MISMONG MGA PANANALITA AY MAPATUTUNAYAN NA ITO
PO AY ISANG MALAKING PANLILINLANG.
Binanggit niya ito (na hindi daw
siya kailanman nagsalita ng negatibo laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan) sa
kaniyang artikulo na tumatalakay sa ginawang Pangkalahatang Pulong na
pinangasiwaan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo noong June 9, 2015. Ang pag-aangkin
niyang ito ay hindi lamang niya dito ginawa kundi may ilang beses din na
sinasabi niya sa iba pa niyang mga artikulo na wala siyang sinabing anumang
laban o negatibo laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Binanggit din niya na
ang tanging “pokos” niya ay ang katiwalian ng Sanggunian at wala nang iba. ITO
PO AY KAPUWA PANLILINANG.
TOTOO BA NA WALA SYANG SINABING ANUMANG “NEGATIBO” O ANUMANG LABAN SA
TAHAPAMAHALANG PANGKAHALATAN AT ANG “FOCUS” DAW NIYA AY IYON LAMANG CORRUPTION
NG SANGGUNIAN?
Hayaan nating ang sumagot ng
ating mga katanungang ito ay si Antonio Ebangelista rin. Tunghayan natin kung
totoo nga na wala siyang sinabing anumang negatibo laban sa Tagapamahalang
Pangkalahatan, laban kay Kapatid na Eduardo V. Manalo?
(1) Sinabi ni AE na “naitatago
kay Ka Eduardo” hindi lamang ang katiwaliang nagaganap daw ngayon sa Iglesia
kundi pati na ang pagiging “ubos na ng pondo ng Iglesia”:
“…Mga asong pipi
at bulag na hindi makatahol sa harap ng panganib na nalalapastangan na ang
kalinisan ng Pamamahala sa Iglesia. Ilan
lang ito sa mga iregularidad na sa Iglesia ngayon na nangyayari na sa mahabang
panahon subalit walang sumisita at NAITATAGO SA KA EDUARDO. At kaya
nananahimik ang mga taga-Sanggunian ay dahil sa sila man ay may kani-kaniyang
ginagawang kababalaghan sa Iglesia kaya hinahayaan na lang nila si Ka Jun dahil
magkakasabwat sila. ITO ANG PINAKADAHILAN KUNG BAKIT UBOS NA ANG PONDO NG
IGLESIA. Kaya mayat maya ay inuutusan tayong magtanging handugan, kung bakit
ang mga ari-arian ng Iglesia na ipinundar sa panahon ng Ka Erdy ay isa-isa ng
pinagbebenta sa murang halaga.” [Antonio Ebangelista, “Ang Simula” April 21,
2015]
Maliwanag dito ang pahayag ni
Antonio Ebangelista na “naitatago kay Ka Eduardo” ang mga iregularidad o mga
katiwalian daw na nangyayari ngayon sa Iglesia at naitatago din sa kaniya na “ubos
na ang pondo ng Iglesia” at pati na ang pagbebenta ng mga properties ng
Iglesia.
Kung ang pinatutungkulan niya
ng mga salitang ito ay isang karaniwang kapatid o isang karaniwang ministro ay
mapagpapaumanhinan pa natin sapagkat maaari ngang “maitago” sa isang karaniwang
kapatid o karaniwang ministro kung ubos na ang pondo ng Iglesia at ang mga
pagbebenta ng mga properties, SUBALIT SAPAGKAT ITO’Y IPINATUTUNGKOL SA
TAGAPAMAHALNG PANGKALAHATAN KAYA ITO’Y ISANG TUWIRANG NEGATIBONG PAGPUNA LABAN
SA PAMAMAHALA NG IGLESIA AT TUWIRANG PAG-INSULTO SA KANIYA.
Isang pag-insulto at paglaban
na sabihin na ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ang pagsasabing
NAITATAGO AT HINDI NIYA ALAM na “ubos na pala ang pondo ng Iglesia” at “naibebenta
na ang mga properties ng Iglesia” sapagkat bilang Tagapamahalang Pangkalahatan
ay siya ang “administrator” ng mga properties at finances ng Iglesia:
“Section 164. Such corporations shall have
the right to purchase, hold, mortgage, or sell real estate for its church...”
(The Corporation Law of the Philippines, Section 164.)
Kung ang Tagapamahalang
Pangkalahatan ang may tuwirang pananagutan bilang “administrator” ng mga properties
at finances ng Iglesia, kaya ang pagsasabi ni Antonio Ebanghelista na “naitatago
sa kaniya ang mga iregularidad at katiwalian,” “naitatago sa kaniya na ubos na ang pondo ng Iglesia,” at “wala
siyang alam na naibebenta na ang mga properties” ng Iglesia ay NEGATIBONG
PAGPUNA sa Pamamahala at katumbas na rin ng pagsasabing “inutil” siya at hindi
niya nagagampanan ang pananagutan na dapat niyang gampanan.
Sinong may matinong pag-iisip
ang magsasabing HINDI NEGATIBONG PANANALITA LABAN SA PAMAMAHALA ang mga sinabi
ni Antoino Ebanghelista patungkol sa ating mahal na Tagapamahalang
Pangkalahatan na “naitatago sa kaniya ang mga iregularidad at katiwalian,” “naitatago
sa kaniya na ubos na ang pondo ng
Iglesia,” at “wala siyang alam na naibebenta na ang mga properties” ng Iglesia?
Ang mga pananalitang ito ay isang
insulto sa may pananagutang mangasiwa sa mga mehoras o properties ng Iglesia na
naibebenta na pala ang mga ari-arian na hindi pa niya alam, at malaking
pag-insulto rin sa may pananagutang
pangasiwaan at sinupin ang pananalapi ng Iglesia na hindi niya alam na “ubos”
na pala ang pondo ng Iglesia. HINDI BA’T KATUMBAS LANG ITO NG PAGSASABING SIYA’Y
“WALANG KABULUHAN” AT “INCOMPETENT” NA TAGAPAMAHALA NG PROPERTIES AT FINANCES
NG IGLESIA?
Bakit pinalalabas ni Antoio
Ebanghelista na ang Tagapamahalang Pangkalahatan ay “napagtataguan” ng tunay na
kalagayan ng Iglesia, tunay na kalagayan ng “pondo” at mga properties ng
Iglesia? Para unti-unting papaniwalain ang mga kapatid na “incompetent” at
“walang kakayahan” ang kasalukuyang Namamahala sa Iglesia. HINDI BA’T IYAN NGA
ANG KASUNOD NILANG NILALAYON PAGKATAPOS NA PALABASIN NA MAY KATIWALIAN SA
IGELESIA?
Bakit hindi niya tuwirang
sinasabing ganito kundi dinadaan ni Antonio Ebangelista sa pagsasabing
“napagtataguan” ang Tagapamahalang Pangkalahatan” ukol sa tunay na kalagayan ng
pondo at properties ng Iglesia? Dahil alam niyang kung tuwiran niyang sasabihin
na “incompetent” at “walang kakayahan” ang kasalukuyang Tagapamahalang
Pangkalahatan ay MAGAGALIT sa kaniya ang buong kapatiran, KAYA ANG PAMAMARAAN
NILA SA PANLILINLANG sa mga kapatid ay UNTI-UNTING MAGTATANIM NG MALING
KAISIPAN LABAN SA PAMAMAHALA. Kaya pala
ang kanilang motto ay “they try to bury us but we are seed.” Nagtatanim ng
“binhi” ng maling kaisipan laban sa Pamamahala upang pagdating ng panahon ay
matanggap ng mga kapatid na walang kakahayan ang kasalukuyang Namamahala sa
Iglesia.
(2) Patuloy na pinagdidiinan ni
Antonio Ebangelista na ang Tagapamahalang Pangkalahatan ay “walang kakayahan”
at “madaling nalilinlang”:
“We entered with
high hopes of finally hearing our beloved Executive Minister clarifying the
issues and allegations concerning corruption, unexplained wealth, rampant
selling of INC Properties, abuse of power by the Sanggunian, family issues, INC
Commercial ventures, Fort Victoria high end condominiums, Ka Jun Santos’
monopolopy of corrupted power and the other 55 issues clouding the current
situation of the church. The lecture was delivered. Church Executive
Minister’s divine calling defended. Iglesia Ni Cristo’s divine election
reiterated. CORRUPTION ISSUES…
DISREGARDED. CHURCH ANOMALIES… NEGLECTED. Only 3 things were briefly
mentioned: 1) Church Administration Opposition 2) Offended by church offerings
3) FYM Coffee Table Book. It was mentioned, but not clarified. Majority of the
Ministers, with the exeption of the Sanggunian and their cohorts, left the
Video Conference disheartened. Very disheartened. Before, we weren’t so sure if the Executive Minister was ONLY
UNINFORMED. After hearing today’s lecture, THE MINISTERS ARE ALL IN
AGREEMENT THAT OUR BELOVED EXECUTIVE
MINISTER, IS INDEED, MISINFORMED. That
is why the Sanggunian made KA EDUARDO TACKLE ISSUES WITH TWISTED INFORMATION.
Thus the phrase “barking at the wrong tree”. [Antonio Ebangelista, “VIDEO
CONFERENCE BY BRO. EDUARDO V. MANALO -June 9, 2015” June 9, 2015]
Ito ang komento ni Antonio
Ebangelista pagkatapos ng naganap na Pangkalatang Pulong ng mga ministro at
Manggagawa na pinangasiwaan mismo ng Tagapamahalang Pangkalahatan noong June 9,
2015. Pansinin ninyo na ang mga salitang ito ni Antonio Ebangelista ay
ipinatutungkol niya kay Kapatid na Eduardo V. Manalo: “Corruption
issues…disregarded”; “Church anomalies…neglected”; “Before, we weren’t so sure
if the Executive Minister was ONLY MISINFORMED. After hearing today’s
kecture…OUR BELOVED EXECUTIVE MINISTER IS INDEED, MISINFORMED…”; “Ka Eduardo
tackle issues with TWISTED INFORMATION” at ang Pamamahala ay “barking at the
wrong tree.” Isa lamang hindi matino ang
pag-iisip ang magsasabing ang mga salitang ito na ipinatungkol ni Antonio
Ebanghelista sa ating mahal na Tahapamahalang Pangkalahatan ay hindi negatibong
pagpuna laban sa Pamamahala.
Kung ang pinatutungkulan niya
ng mga salitang ito ay isang karaniwang kapatid lamang o isang “ordenaryong
tao” ay mapagpapaumanhinan pa natin sapagkat ang isang “karaniwang kapatid” o
“ordenaryong tao” ay hindi kataka-takang mahulog sa pagiging “uninformed,”
“misinformed” at nagtaglay ng “twisted information” KAYA nga narito ang
Pamamahala ng Iglesia upang magtuwird sa kanila. Subalit kung sa Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia ipinatutungkol ni Antoino Ebanghellista ang mga
salitang ito ay TIYAK NA ITO’Y MGA SALITANG PAGLABAN AT PAG-IINSULTO sapagkat
ang Namamahala sa Iglesia ang may pananagutang magturo ng buong katotohanan, na
magtuturo sa bawat tao sa “buong karunungan”:
Colosas 1:25 at 28-29
“Na ako'y
ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin
para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios.
“Na siya naming
inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at TINUTURUAN ANG BAWAT TAO, SA
BUONG KARUNUNGAN, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao; Na
dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa,
na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.”
Kapag ang Namamahala sa
Iglesia ay tumayo sa gitna ng kapulungan ng Iglesia at nagturo, sa kaniyang itinuturo
ay nagtitiwala ang buong Iglesia na kaniyang siniyasat at pinag-aralang mabuti.
Hindi lang “doktrina” ang pananagutan ng Pamamahala na itinuro ng “buong
karunungan” kundi maging ang pagtalakay sa iba’t ibang mga isyu. Nang ang
Pamamahala ay magturo ukol sa isyu ng “reproductive health” ay natitiyak nating
tumayo siya at nagturo na hindi siya “uninformed” o “misinformed” o
“nagtataglay ng twisted information.” KAYA ISANG MALAKING PAG-INSULTO, TUWIRANG
PAGHAMAK, AT HINDI MAIKAKAILANG PAGLABAN SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG
IGLESIA ANG PAGPAPARATANG NA SIYA’Y “MISINFORMED” AT NAGTATAGLAY NG “TWISTED
INFORMATION” AT SABIHANG “BARKING AT THE WRONG TREE.”
Hindi yata batid ni Antonio
Ebangelista ng kaniyang mga kasama ang kahulugan ng salitang “paglaban” o
“against”! Pagsinabing “paglaban” ang isang kahulugan nito ay “pagsalungat.” At
ang “pagsalungat” ay hindi lamang sa pagsasalita ng iba o laban sa sinabi ng
iba, kundi ang paratangan mo ang isang tao na “iba” sa kaniyang marapat na
gawin ay maituturing din na pagsalungat o paglaban.
Halimbawa, isang doktor na
espesialista sa mata ay nagturo sa isang pasyente nang “dapat niyang gawin”
pero sinabi ni Antonia na “misinformed” kang doktor ka at “twisted information”
ang sinasabi mo sa pasyenteng ito. Kung isang karaniwang tao lang ang nagpayo
sa isang tao ng ukol sa kaniyang sakit, maaaring mapagpaumanhinan pa ang sinabi
ni Antonia sa siya’y “misinformed” at “twisted ang kaniyang information” dahil
baka nga tama si Antonia dahil isang karaniwang tao lang iyan at hindi doktor.
Subalit kung isang “espesialista” na nagpakadalubha sa maraming taon ang
sasabihan niya, hindi ba niya INIINSULTO ang doktor na ito? Di ba niya
NILABANAN ang sinasabi ng doktor? At sa pagsasabi niya na ang doktor ay
“misinformed” at nagsasabi ng “twisted information” hindi ba ito “NEGATIBONG PAGPUNA
LABAN sa nasabing doktor?
Hindi naman sinabi ni Antonio
Ebanghellista na mali ang Tagapamahalang Pangkalahatan? Di ba’t inakusahan niya
ang Tagapamahalang Pangkalahatan na nagtataglay ng “twisted information” kaya
siya daw ay “barking at the WRONG tree”? HINDI MATINO ANG KAISIPAN NG
MAGSASABING HINDI SINASABIHAN ANG ISANG TAO NA SIYA AY MALI SA PAGSASABING SIYA
AY NAGTATAGLAY NG “TWISTED INFORMATION” AT “BARKING AT THE WRONG TREE.”
Samakatuwid, ang mga pananalitang ito ni Antonio Ebangelista ay mga
pananalitang nagsasabing “MALI ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.” Kung ang
Pamamahala ayon kay Antonio Ebanghelista ay “misinformed” “twisted” ang alam na
impormasyon at “barking at the wrong tree,” ayon mismo kay Antonio
Ebanghelista, sino raw ang tama? Ganito ang kaniyang sinabi:
“…Before, we
weren’t so sure if the Executive Minister was ONLY UNINFORMED. After hearing
today’s lecture…OUR BELOVED EXECUTIVE MINISTER, IS INDEED, MISINFORMED. That is
why the Sanggunian made Ka Eduardo tackle issues with twisted information. Thus
the phrase “barking at the wrong tree”. With a heavy heart, I WILL BE
TRANSCRIBING THE AUDIO RECORDING AND WILL POST IT HERE AND ANSWER IT ONE BY ONE…”[Antonio
Ebangelista, “VIDEO CONFERENCE BY BRO. EDUARDO V. MANALO -June 9, 2015” June 9,
2015]
PANSININ na ang Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ay sinasampalatayanan natin na pinili at
inihalal ng Diyos, at siyang pangunahing ministro sa buong Iglesia at kapag “itinuro”
niya ay kinikilala nating “opisyal” ang siyang sinasabihan ni Antonio
Ebanghelista na “misinformed” at “twisted ang information” taglay, “barking at
the wrong tree.” Batay sa mga pahayag na ito ni Antonio Ebanghelista laban sa
Pamamahala, isang tao na hindi matino ang pag-iisip ang maniniwala sa kaniya sa
kaniyang pagsasabing “I have never
talked negatively about our Executive Minister.”
(3) Wala nga ba talagang layunin
si Antonio Ebangelista na palabasin na ang Kapatid na Eduardo V. Manalo ay
“walang kakayahan” na dalhin ang Iglesia sa malinis at banal na kalagayan?
Sa isang artikulo ni Antonio
Ebangelista ay ganito ang kaniyang sinabi:
“Sa kahit anong
institusyon, organisasyon at gobyerno ng tao sa mundo, iisang kagawaran ang
siyang laging ugat ng karumihan at katiwalian, at iyan ang Kagawaran ng
Pananalapi o Finance Department. Diyan nasisira ang lahat ng tao, sa pera, iyan
ang dahilan kaya maraming mga organisasyon ang siyang nabibigo na mapanatili
ang integridad at kalinisan ng Pananalapi, ito rin ang dahilan kaya marami ang
HUMAHANGA at NAMAMANGHA sa KALINISAN AT KAWASTUAN NG PANANALAPI NG
IGLESIA….NOON…
“Mula ng pumanaw
ang Kapatid na Eraño G. Manalo at nakabalik na sa pwesto ang Kapatid na
Glicerio B. Santos Jr. bilang Pangkalahatang Awditor ng buong Iglesia, dito na
nagsimulang ang pagdungis sa napakalinis na pangalan ng pananalapi sa Iglesia.
Papaano nga ba nagawang matukso ng Ka Jun Santos na pangahasang kalikutin ang
handugan sa Iglesia….?” [Antonio Ebangelista, “PART 1: ANG KATANGIAN NG
PANANALAPI NG IGLESIA….. NOON”]
Dito ay ikinukumpara niya ang
panahon ng pamamahala ni Kapatid na Erano G. Manalo at ng pamamahala ni Kapatid
na Eduardo V. Manalo. Noon daw sa panahon ni Ka Erdy ay hinahangaan at
namamangha ang marami sa kalinisan at kawastuhan ng pananalapi sa Iglesia. Ang
sabi niya “NOON…” Pagkatapos ay sinabi nia na “Mula ng pumanaw ang Kapatid na
Erano G. Manalo” (na ito ay panahon na ng pamamahala ni Kapatid na Edurado V.
Manalo) ay “dito na nagsimula ang pagdungis sa napakalinis na pangalan ng
pananalapi ng Iglesia.”
Sino ba ang Tagapamahalang
Pangkalahatan ngayon? Di ba’t si Kapatid na Eduardo V. Manalo? Kaya sa
pagsasabing “Mula ng pumanaw ang Kapatid na Eraño G. Manalo… dito na nagsimula
ang pagdungis sa napakalinis na pangalan ng pananalapi sa Iglesia” ay ano lang ang
katumbas? Mula sa panahon ng Pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo ay
nagsimula ang pagdungis sa napakalinis na pangalan ng pananalapi ng Iglesia.”
Ano ba ang papanagutan ng Tagapamahalang Pangkalahatan? Hindi ba’t ang
panatilihin ang kalinisan ng pananalapi at huwag papayag na bumangon ang
anumang katiwalian? Kaya, itanggi man ni Antonio Ebangelista, subalit isang
katotohanan na ang PINALALABAS niya ay “walang kakayahan” ang kapatid na
Eduardo na pigilan ang Ka Jun Santos at ang iba pa sa paggawa ng katiwalian,
“walang kakayahan” na pigilan ang pagdungis sa malinis na pananalapi ng
Iglesia.
Sa kaniyang pinakabagong blog
na may petsang July 9, 2015 ay ganito ang kaniyang sinabi:
“Hindi
maipagkakaila na ang isang dahilan kung bakit ang Iglesia ay lumaganap,
umasenso, umunlad at sumulong sa bawat aspeto ng pag-iral nito, tangi sa
pagtulong ng kapangyarihan ng Panginoong Diyos, ay ang masinop at maingat na
pangangalaga sa Pananalapi ng Iglesia….NOON…
“Nakalulungkot
isipin na ngayon ay hindi na ganyan ang kalagayan ng Iglesia…
“KUNG NASISINOP
LAMANG SANANG MABUTI ANG PANANALAPI SA IGLESIA NGAYON.
Hindi maaring itanggi ni
Antonio Ebangelista na ang mga pananalita niyang ito ay hindi negatibong
pagpuna sa Tagapamahalang Pangkalahatan, hindi mga pahayag na laban sa
Pamamahala, at hindi pag-insulto kay Kapatid na Eduardo V. Manalo sapagkat ang
sinasabi niyang “kalagayan ng Iglesia na hindi na nasisinop na mabuti ang
pananalapi ng Iglesia” ay si Kapatid na Eduardo V. Manalo. Isa lamang may hindi matinong pag-iisip ang magsasabing ang mga
pananalitang ito ni Antonio Ebanghelista ay hindi tuwirang pagpuna sa
kasalukuyang Namamahala sa Iglesia.
Ang mga pahayag na ito ni
Antonio Ebangelista ay lalong malaking pag-insulto kay Kapatid na Eduardo V.
Manalo. Tunghayan ninyo:
“ABSOLUTONG
PANGUNGUNA NG PANGKALAHATANG AWDITOR NG IGLESIA NA SI KAPATID NA GLICERIO B.
SANTOS JR. katulong ang kaniyang mga sunud-sunurang mga kasamahang Ministro sa
Sanggunian, at mga nakikinabang na mga tiwaling Tagapangasiwa sa iba’t-ibang
Distrito, mga takot na bulag,pipi at binging mga Ministro na walang magawa
kundi ang sumunod kay Kapatid na Glicerio B. Santos Jr., ay pare-parehong
lumapastangan sa kabanalan at kasagraduhan ng HANDOG ng Iglesia para sa
Panginoong Diyos.
“Dahil sa
sinaklaw na ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. ang lahat ng Departamento at
Seksyon ng Tanggapang Pangkalahatan ng Iglesia, niyurakan na niya ang CHECK AND
BALANCE na ipinatupad pa ng Sugo, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, na siyang
buong katapatang ipinatupad hanggang sa panahon ng Kapatid na Eraño G. Manalo,
subalit buong kahambugang binasura sa panahon ng pananaklaw ng Kapatid na
Glicerio B. Santos Jr.”
Mga taong hindi matino ang
pag-iisip ang hindi makikitang ang mga pahayag na ito ni Antonio Ebangelista
ay PAG-INSULTO sa kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan. Ang mga pahayag na
si Ka Jun Santos ay may “absulutong pangunguna sa Iglesia” at sinaklaw na niya
ang buong Tanggapang Pangkalahatan” at sinira niya ang “check and balance” na
ipinatupad sa panahon ng Ka Felix at Ka Erdy ay KATUMBAS na rin na sinabi
niyang “inutil” at “walang kakayahan” ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalatan
dahil nasaklaw ng iba ang kaniyang kapangyarihan at yurakan ang Iglesia sa
panahon na siya ang namamahala.
Kaya kung lalawakan lamang ang
pag-iisip at susuriing mabuti ang lahat ng sinasabi I Antonio Ebanghelista, ang
mga ito’y pawang negatibo at laban sa kasalukuyang Namamahala sa Iglesia.
(4) Bakit daw kasi hindi sagutin
isa-isa ng Pamamahala ang mga isyu?
Ang isa pang paraan nila para
siraan sa mga kapatid ang Pamamahala ay ang palabasin na “walang pakialam” o
“walang concern” ang Ka Eduardo dahil ayaw niyang sagutin isa-isa ang lahat ng
mga isyu. Ang sabi nga ni Antonio Ebangelista na isang malaking kalokohan ay
harapin daw isa-isa ng Pamamahala ang lahat ng kapatid at isa-isang sagutin ang
lahat ng katanungan bawat kapatid. Isang hindi matino ang pag-iisip na
sasang-ayon na tama ang isina-suggest na ito ni Antonio Ebangelista sapagkat
isang malaking kalokohan ito.
Nang ang babasahing “Bombshell”
at “Sentinel” ay naglabas ng mga masasamang paratang laban kay Kapatid na Felix
Y. Manalo, sinagot ito sa pamamagitan ng ating babasahing PASUGO at ang sumagot
ay hindi siya mismo kundi sa pamamagitan ng mga katuwang na ministro tulad nina
Ka Benjamin Santiago Sr at Ka Teofilo Ramos Sr.
Noong ang ADD ay nanira ng
nanira laban sa INC at sa Pamamahala sa pamamagitan ng TV, sinagot natin sa
pamamagitan ng TV at sa pamamagitan ng mga ministro sa Ang Tamang Daan.
Ngayong si Antonio Ebangelista
at ang kaniyang grupo ay nagsisigaw sa Social Media, sa Social Media din sila
SINAGOT.
Gaya ng atin nang nabanggit,
hindi kami nasa ilalim ng Sanggunian, at lalong hindi kami sa panig ng mga
kumakalaban, kundi KAMI AY SA PANIG NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Kami mismo
ang nagpapatotoo na alam ng Pamamahala ang lahat ng nangyayari, alam niya ang
sinasabi ng bawat panig, alam niya ang lahat. Isang malaking kasinungalingan
ang sinasabing wala siyang alam o misinformed siya. Subalit, alam din ng lahat
na ang Pamamahala ay makatuwiran at makatarungan, kaya hindi siya
nagpapadalos-dalos sa pagpapasiya at sa paggawa ng hakbang. Kailangang maging
makatarungan at nakatuwiran ang lahat.
KONKLUSYON
Maliwanag na napakaraming
negatibong pahayag ni Antonio Ebangelista laban sa ating Tagapamahalang
Pangkalahatan. Walang taong may matinong pag-iisip na magsasabing ang mga
salitang ito na ipinatutungkol ni Antonio Ebangelista kay Ka Eduardo ay hindi
mga salitang “negatibo” o laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan tulad ng
“misinformed,” nagtataglay ng “twisted information,” “barking at the wrong
tree,” walang kamalay-malay na naibebenta na ang mga properties ng Iglesia,
naitatago sa kaniya na “ubos na ang pondo” ng Iglesia, madaling napapaniwala na
wala raw katiwalian ngayon sa Iglesia, na sa panahon niya ay naging madungis o
marumi ang pananalapi ng Iglesia, na sa panahon niya ay nabago raw ang tuntunin
at doktrina.
Hindi tuwirang sinasabi ni
Antonio Ebangelista na laban siya o lumalaban siya sa Pamamahala ng Iglesia, at
inaangkin pa niya na mahal daw niya at ipinagtatanggol niya at wala raw siyang
sinasabing palitan ang Pamamahala. SA NGAYON! Sa ngayon ay hindi niya tuwirang
sinasabi ito sapagkat alam niyang kapag ginawa niya ito ay walang kapatid na
makikinig sa kaniya at maniniwala, bagkus ay alam niyang magagalit at
makakaaway niya ang buong kapatiran.
Ang kanilang “maruming
taktika” ay gaya ang kanilang motto “they try to bury us but we are seeds” –
nagtatanim sila ng binhi ng pag-aalinlangan na unti-unting pinapapaniwala ang
mga kapatid na “walang kakayahan” ang kasalukuyang Pamamahala na madala ang
Iglesia sa uring malinis at walang kapintasan bagkus ay sa panahon pa raw ng
kaniyang pamamahala ay naging madungis at marumi. NAKIKITA NATIN NA ITO NGAYON
ANG KANILANG PINALALABAS. Kapag napapaniwala na nila ang mga kapatid sa
kanilang PANLILINLANG ay ganito ang nais nilang mangyari:
Image 01
Ano raw ang kanilang
ipapahayag sa trimedia lalo na sa TV?
Image 02
Pansinin
ninyo na ang tinutukoy ni Antonio Ebangelista rito na "mayroon" daw
"itiatago" ay hindi ang Sanggunian kundi ang "Church Administration" o
ang Tagapamahalang Pangkalahatan na kanila raw ibubunyag lalo sa
telebisyon at media. Kung ano raw ang ibubunga
kapag naibulgar na nila ang sikretong ito patungkol sa Tagapamahalang
Pangkalahatan? Ganito ang sagot ng isa sa kniyang mga kasamahan:
Image 03
Ang
sabi ng isa nilang kasamahan ay "Let's see if gagalang kayo sa TP sa
takdang panahon." Tiyak naman na hindi si Ka Jun Santos ang tinutukoy
nilang "TP" kundi ang Tagapamahalang Pangkalahatan/ Sa liwanag ng mga
impormasyong ito, isa lamang hindi matino ang pag-iisip ang magsasabing
walang "masamang plano" laban sa Tagapamahalang Pangkahalatan ang grupo
nina Antonio Ebangellista.
Tunay na ang lahat ng sinasabi ni Antonio Ebangelista ay pawang
panlilinlang lamang. Mula sa sinasabi niyang “Ang Simula” at hanggang sa
sinasabi niyang hindi siya lumalaban sa Pamamahala, ang lahat ay pawang
naglalayong linlangin ang mga kapatid upang maakit sila laban sa Pamamahala ng
Iglesia.
SUBALIT, KAMING MGA TUNAY NA KAPATID SA
IGLESIA AY PATULOY NA SA PANIG NG KASALUKUYANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN,
KAY KAPATID NA EDUARDO V. MANALO.
KAMING MGA TUNAY NA KAPATID AY
HINDI KAILANMAN SASANG-AYON SA ANUMANG PAGLABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA,
BUMABANGON KAMI NGAYON NA MGA
TUNAY NA KAPATID LABAN SA INYONG PANLILINLANG AT SA INYONG MASAMANG PLANO LABAN SA AMING MAHAL NA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN!
KAMING MGA TUNAY NA KAPATID
AY LABAN SA INYONG PANLILINLANG
AT AMING LUBOS BA IPAGSASANGGALANG
ANG KATOTOHANAN
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.