01 July 2016

AE Remember This: The Unexplained Wealth of the Members of the Sanggunian? Another AE's Black Propaganda


AE…REMEMBER ME?
(HOW PRISTINE TRUTH PUT YOU IN BIG SHAME)
PART 19

Mula noong Abril 1, 2016 ay inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at “Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa kaniyang mga paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING KAHIHIYAN.

AE, REMEMBER THIS

Pinilit noon (maging hanggang ngayon) na pasamain ang mga miembro ng Sanggunian, pinalalabas nila Antonio Ebangelista na "tiwali" ang mga miembro ng Sanggunian.Ipinagyabang pa nila na kahit itago pang pilit ng Sanggunian ay ibubunyag daw nila ang mga bank account,mansion, condo, at iba pang katibayan daw ng pagiging "tiwali" ng mga miembro ng Sanggunin. SUBALIT ISANG TAON NA ANG LUMIPAS AY WALA PA RING SILANG NAILABAS NA KONKRETONG EBIDENSIYA NA SINASABI NILANG KATIBAYAN NG PAGIGING "TIWALI" DAW NG SANGGUNIAN. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang mailabas. Sa artikulong ito ay naipkita ang "kawalang katubayan at pundasyon" ng alegasyon ni Antonio Ebangelista sa pagiging "tiwali" raw ng mga miembro ng Sanggunian. Anupat isang "black propaganda" lamang nila AE ang pagsasabing "tiwali" at "cottupt" ang mga miembro ng anggunian sapagkat pawang pagbibintang lamang.




THE UNEXPLAINED WEALTH?

Bakit pagkalipas ng isang panahon ay wala pa rin silang nailabas na konkretong ebidensiya?

First posted last 05 June 2015


EKSATONG isang buwan mula nang ilathala ni Antonio Ebangelista sa kaniyang blog ang kaniyang artikulo na may pamagat na “HOW TO EXPLAIN AN UNEXPLAINED WEALTH – PART 1” noong Mayo 5, 2015. Sa kaniyang artikulong ito ay ginawa niya ang isang PAGHAMON. Ganito ang kaniyang sinabi:

“By the way, Ka Jun…. simula pa lang ito.
“Other members of the illustrious Sanggunian (notorious is the more appropriate term)… sunud-sunod na po kayo. Kaya magmadali na pong mag-close ng mga bank accounts, maglipat sa mga dummy bank accounts, magtago ng mga luxury cars at mga mansion na bahay at mga condo, tawagan na lahat ng inyong mga “BAG MAN” at bilinan ng mahigpit na walang pipiyok, burahin na lahat ng mga online accounts, ire-trace lahat ng mga money trails at paper trails at pagtatanggalin lahat, tiayakin na nakaready na ang mga deed of sale ng mga di-umanoy mga bahay na binili ninyo sa murang halaga lamang o kaya ay mga mamahaling high-end na sasakyan sa murang halaga lamang o kaya ay hindi naman sa inyo kung sa kapatid/kamag-anak/kaibigan lamang ninyo at pinahiram lang namang sa inyo, katunayan nga ay eto ang mga OR/CR na wala sa pangalan ninyo, bilinan lahat ng mga kasambahay, kaibigan at kamag-anak na kapag may nagtanong kung sino ang may ari ng ganito at ganyan ay alam na nila ang sasabihin nila, tiyaking malinis lahat ng inyong ginawa at walang anumang ebidensyang makukuha laban sa inyo… In other words, simulan nyo na pong linisin ang dungis na ibinigay ninyo sa malinis at marangal na pangalan ng Pamamahala at ng banal na Iglesia. Dahil sa ang mga kapatid na mismo ang mga nagpapadala ng ebidensya ng katiwalian laban sa inyo, hindi na po ninyo ito mapipigil kahit pa magmalinis kayo.”

Suriin natin kung napatunayan nga ba ni Antonio Ebangelista ang hamon niyang ito. May nailabas nga ba siyang katunayan ng “unexplained wealth” ng Sanggunian?


WALA SIYANG NAILABAS NA BANK ACCOUNT, DUMMY ACCOUNT,
ONLINE ACCOUNTS, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS

Ang hamon ni Antonio Ebangelista ay: “Kaya magmadali na pong mag-close ng mga bank accounts, maglipat sa mga dummy bank accounts, magtago ng mga luxury cars at mga mansion na bahay at mga condo, tawagan na lahat ng inyong mga “BAG MAN” at bilinan ng mahigpit na walang pipiyok, burahin na lahat ng mga online accounts, ire-trace lahat ng mga money trails at paper trails at pagtatanggalin lahat…”

Hindi ba’t ang katumbas ng hamon niyang ito ay kahit na magmadali sa pag-close ng bank accounts, maglipat sa mga dummy accounts, magtago ng mga luxury cars, mansion, condo, burahin na ang lahat ng online accounts, money trails at paper trails ay ILALABAS pa rin niya ang lahat ng mga ito.

Sasagutin na po sana namin agad ito noon, subalit may nagsuhestiyon na palampasin na muna ang kahit isang buwan na anupa’t bigyan si Antonio Ebangelista ng sapat na panahon para magawa niya o matupad niya ang hamon na siya rin ang nagbigay na ILALABAS NIYA ang bank accounts, dummy accounts, luxary cars, mansion, condo, online accounts, money trails at paper trails na nagpapatunay na may “unexplained wealth” ang mga miembro ng Sanggunian. Kaya pinalipas po namin ang eksaktong isang buwan. SUBALIT WALA PO SIYANG NAILABAS NA ANUMAN kundi tanging "mga larawan" ng “mamahaling kotse.”

WALA SIYANG NAILABAS SA KABILA NG BANTA NIYA na: “In other words, simulan nyo na pong linisin ang dungis na ibinigay ninyo sa malinis at marangal na pangalan ng Pamamahala at ng banal na Iglesia. Dahil sa ang mga kapatid na mismo ang mga nagpapadala ng ebidensya ng katiwalian laban sa inyo, hindi na po ninyo ito mapipigil kahit pa magmalinis kayo.”

Pansinin ninyo na noon pa lang ginawa niya ang hamon niyang ito na kahit itago ay ILALABAS NIYA ANG MGA ITO (bank accounts, dummy accounts, mansion, condo, online accounts, money trails at paper trails) AY WALA PA PALA SIYANG HAWAK NA EBIDENSIYA NG EXISTENCIA NG MGA ITO (bank accounts, dummy accounts, mansion, condo, online accounts, money trails at paper trails) na siyang patunay ni Antonio Ebangelista na may “unexplained wealth” ang mga miembro ng Sanggunian.

WALA SIYANG HAWAK NA EBIDENSIYA NANG SABIHIN NIYA ANG HAMONG ITO, KAYA LAMANG SIYA MATAPANG SA PAGHAHAMONG ITO AY DAHIL NANINIWALA SIYANG MAY MAGPAPADALA SA KANIYA NG MGA EBIDENSIYA UKOL DITO. Ang sabi nga niya ay, “Dahil sa ang mga kapatid na mismo ang mga NAGPAPADALA ng ebidensya ng katiwalian laban sa inyo, HINDI NA PO NINYO ITO MAPIPIGIL kahit pa magmalinis kayo.”

Pansinin ninyo ang mga salita mismo ni Antonio Ebangelista na “ang mga kapatid na mismo ang mga NAGPAPADALA ng ebidensiya” at “Hindi na po ninyo ito MAPIPIGIL” ay nagpapatunay na wala pa siyang hawak noong bigkasin niya ang hamong ito kundi NANINIWALA lamang siyang may mga kapatid na magpapadala ng ebidensiya. SAMAKATUWID, HINDI MALING SABIHIN NA ANG PAGSASABING MAY UNEXPLAINED WEALTH ANG MGA MIEMBRO NG SANGGUNIAN AY ISANG PAG-AAKUSA LAMANG AT “SPECULATION” LAMANG, NA WALA NAMANG HAWAK ANG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA NA WBIDENSIYA KUNDI NANINIWALA LANG SILA NA MAY MGA KAPATID NA PAGPAPADALA SA KANILA NG EBIDENSIYA.

Nag-akusa muna, tinawag na magnanakaw ang inakusahan, at saka lamang magkakalap ng ebidensiya laban sa inaakusahan? Gawa po ba ito ng isang mabuting Cristiano?

LUMIPAS PO ANG ISANG BUWAN, ANG TANGING NAILABAS LAMANG NILA AY LARAWAN NG MGA MAMAHALING SASAKYAN, WALANG BANK ACCOUNTS, WALANG DUMMY ACCOUNTS,  WALANG CONDO, WALANG ONLINE ACCOUNTS, WALANG MONEY TRAILS, WALANG PAPER TRAILS – SAMAKATUWID, WALANG UNEXPLAINED WEALTH.


WALANG NAIBIGAY NA “ALTERNATIVE EXPLANATION”

Ang isa pang mapapansin na hamon ni Antonio Ebanghelista ay KAYA NIYANG MAGBIGAY NG ALTERNATIVE EXPLANATION sa maaaring “sagot” sa diumano’y unexplained wealth ng mga miembro ng Sanggunian. Ganito ang sinabi niya:

“…tiayakin na nakaready na ang mga deed of sale ng mga di-umanoy mga bahay na binili ninyo sa murang halaga lamang o kaya ay mga mamahaling high-end na sasakyan sa murang halaga lamang…”

Pansinin na ang katumbas lamang ng hamon dito ni Antonio Ebanghelista ay kahit makapaglabas ng “deed of sale” na nabili ang bahay at ang mga “high-end” na sasakyan sa murang halaga ay patutunayan niyang hindi ito “nabili sa murang halaga lamang.” SAMAKATUWID, ALAM NI ANTONIO EBANGELISTA NA MAY HAWAK ANG MGA MIEMBRO NG SANGGUNIAN NA DEED OF SALE AT “ANG MGA ITO AY NABILI SA MURANG HALAGA LAMANG.”

Ntupad ba ni Antonio Ebanghelista ang hamon niyang ito na kung makapaglabas man ng “deed of sale” na nabili sa murang halaga lamang ay patutunayan niyang hindi ganon? LUMIPAS ANG ISANG BUWAN AY WALANG NAIPAKITANG “ALTERNATIVE EXPLANATION” SI ANTONIO EBANGHELISTA SA HAWAK NA “DEED OF SALE.”


SAGOT SA TANGING “EBIDENSIYA” NA KANIYANG NAILABAS

Mapapansin na walang nailabas na ebidensiya ukol sa sinasabi ni Antonio Ebangelista na bank account, dummy account, online account, money trails at paper trails. Ang taning nailabas niya na “ebidensiya” laban sa mga nasa Sanggunian ay ang pagmamay-ari ng “mamahaling sasakyan.” Ang totoo ay alam ni Antonio Ebangelista ang sagot dito kung bakit mayroon sila ng gayong “mga sasakyan.” SIYA MISMO ANG SUMAGOT DITO. Pansinin ninyong muli ang kaniyang sinabi:

“…tiyakin na nakaready na ang mga deed of sale ng mga di-umanoy mga bahay na binili ninyo sa murang halaga lamang o kaya ay mga mamahaling high-end na sasakyan sa murang halaga lamang…”

Pansinin ninyo na ALAM NI ANTONIO EBANGELISTA na may “deed of sale” at nabili sa murang halaga lamang ang mga sinasabi niyang hig-end na sasakyan. Bakit niya ipinagpauna ito? Ang tawag diyan ay “mind conditioning” na isang maruming paraan ng “black propaganda” o pandaraya. Alam kasi ni Antonio Ebangelista na talagang may "deed of sale" na kung saan naka-indicate na nabili sa murang halaga lamang, kaya ikinondisyon niya ang mga mambabasa niya na kapag inilabas ang "deed of sale" na nagpapatunay na nabili sa murang halaga AY HUWAG PANIWALAAN NG KANIYANG MGA MAMBABASA.

Unexplained wealth ba? KAHIT SI ANTONIO EBANGELISTA AY AMINADO NA MAY DEED OF SALE AT NABILI SA MURAG HALAGA LAMANG. ANG TOTOO AY ALAM DIN NIYA KUNG BAKIT NABILI SA MURANG HALAGA LAMANG, PILIT LANG NIYANG ITINATAGO PARA MAKAPANDAYA AT MAHIKAYAT ANG KANIYANG MGA MAMBABASA NA MAPAPANIWALA NA “TIWALI” ANG MGA KAANIB SA SANGGUNIIN.

Alam ba ni Antonio Ebangelista na may “deed of sale”? Alam niya. Alam ba niya na nabili sa murang halaga lang? Alam niya. Alam ba niya kung bakit nabili sa murang halaga lang? Alam din niya, subalit bakit itinago niya ang dahilan kung bakit nabili sa murang halaga lang? Dahil kung hindi niya ito itatago, papaano niya mapapaniwala ang kaniyang mga mambabasa na ang mga miembro ng Sanggunian ay may katiwalian? Samakatuwid, dito’y kitang-kita natin ang kaniyang pandaraya sa kaniyang mga mambabasa.

Mga kapatid, kung sisiyasatin ninyo ang mga artikulo ni Antonio Ebangelista ukol dito ay makikita natin na pawang “akusasyon” lamang at “black propaganda” ang mga ito. Subalit, lumipas na ang panahon ay wala pa rin siyang naipakitang konkretong ebidensiya, sapagkat nang gawin niya ang hamong ito na patutunyan niya na diumano’y may unexplained wealth ang mga miembro ng Sanggunian ay WALA NAMAN TALAGA SIYANG HAWAK NA EBIDENSIYA KUNDI NANINIWALA LAMANG SILA NA MAY MGA KAPATID NA MAGPAPADALA NG EBIDENSIYA. SUBALIT, NABIGO SILA. KAYA MALI BANG SABIHIN NA ANG KANILANG MGA “AKUSASYONG” ITO AY PAwANG PANINIRA LAMANG TALAGA?

Maging matalino po tayo. Suriin nating mabuti ang mga akusasyon ng mga Kunakalaban sa Pamamahala. Ang mga sumusunod na artikulo ay makatutulong sa inyo sa pagsisiyasat sa mga “akusasyon” ng mga Kumakalaban sa Pamamahala:


PRISTINE TRUTH



No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)