NAGLADLAD NA
NAMAN
NG KAHANGALANITONG
SI "MS. SWINDLER"
NG KAHANGALANITONG
SI "MS. SWINDLER"
Sa kaniyang post (na ang
layunin ay ang pasamain ang PAMAMAHALA NG IGLESIA) ay muling nagpakita ng
kahangalan si “MS. SWINDLER”. Sa “pagbatikos” sa okasyong isinasagawa ngayong
Hulyo 19, 2016 sa Philippine Arena ay ganito ang kaniyang sinabi:
“Nakakalungkot,
kasi ORDINASYON ng EVCO , sila yung matatandang mga regular na hindi
naordinahan dahil hinasa ng Ka Erdy sa mga destino, nakamatayan na hindi
napatungan ng Ka Erdy, ang sakit sa dibdib, kasi ngayon oordinahan sila ng
TAGAPAMAHALANG hindi alam ang naging hirap nila sa ministeryo, ang sakit at
pagpapagal. Mas inuna niyang ordinahan ang mga batas at bastos na lapastangang
STF na kulang sa hasa sa ministeryo, para nga naman maging
"FRONTLINER" ng administration ...”
Natatandaan ba ninyo iyong
sinabi niya na “misrepresented” at “perjury” raw ang “Affidavit of Succession”
ni KA EDUARDO kaya ilegal daw ang paghalili niya bilang TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO na ang basehan niya ay ang nagnotaryo daw ng
dokumentong ito ay patay na bago pa namatay ang KA ERDY (o patay na raw bago pa
ang taong 2009). NAGDULOT ITO SA KANIYA NG MALAKING KAHIHIYAN sapagkat lumabas
ang KATOTOHANAN na ang abogadong nagnotaryo ay namatay noon lamang 2011,
mahigit dalawang taon pagkatapos ng pagpanaw ni KA ERDY.
HINDI KASI ANG LAYUNIN NILA AY
ANG PAGHANAP NG KATOTOHANAN KUNDI ANG MANIRA LAMANG, KAYA NAHUHULOG SILA SA
MATINDING KAHIHIYAN.
Hindi na nadala si MS.
SWINDLER, ito na naman siya. “ORDENASYON” DAW ANG ISINASAGAWA NGAYONG HULYO 19,
2016, AT ANG OORDENAHAN DAW AY ANG MGA EVCO GRADUATES. Ang matindi pa niyan ay
nagdrama pa siya! Ang sabi niya “…nakamatayan na hindi napatungan ng Ka Erdy, ang sakit
sa dibdib, kasi ngayon oordinahan sila ng TAGAPAMAHALANG hindi alam ang naging
hirap nila sa ministeryo.”
ANG TOTOO AY HINDI PO “ORDENASYON”
ANG MAGAGANAP NGAYON SA PHILIPPINE ARENA, KUNDI “GRADUATION”! HINDI PO
OORDENAHAN ANG MGA “EVCO GRADUATES” KUNDI PAPATAWAN NG DIPLOMANG “BACHELOR OF
EVANGELICAL MINISTRY”! AT SILA PO AY PAWANG MGA MINISTRO NA O ORDENADO NA! Kasama po nila ang mahigit 600 na bagong nagtapos ngayon sa Paaralan.
Ang “EVCO program” ang unang “training
program” ng Paaralan ng Pagkaministro ng Iglesia Ni Cristo na nagsimula noong
1974. Ito ay isang “non-degree program.” Kaya mula noong 1974 ang mga
nagtatapos sa Paaralan ng Iglesia ay graduate ng EVCO non-degree program
hanggang sa pagtibayin ng gobyerno ang “bachelor’s degree program” na tinawag
na “Bachelor of Evangelical Ministry” (BEM) noong 1981-1982. Noong 1988 ay
na-phase out na ang EVCO program at ang ini-offer na lamang ng Paaralan ay ang “BEM”
program.
Nang nakaraan, para ang isang
EVCO graduate ay magkaroon ng “bachelor’s degree” at diploma ay kailangan muna
niyang dumaan sa “continuing BEM” o kailangan niyang pumasok muli sa paaralan
upang matugunan ang mga kailangang academic requirements na hinihingi ng
gobyerno para mapagkalooban ng “bachelor’s degree diploma” o diplomang “BEM.”
Sa pagpapatibay ng CHED, dahil
sa kanilang experience at tagal na sa tungkulin (kaya hindi na sila
nangangailangan na dumaan pa sa paaralan o sa pormal na pag-aaral/pagpasok sa
paaralan), ang mahigit 1000 ministro (uulitin ko po, “mga ministro”- mga
ordenado na po sila noon pa) na mula sa iba’t ibang distrito at tanggapan sa
buong mundo ay papatawan (hindi po oordenahan) ng diplomang “Bachelor of Evangelical
Ministry” kaya ngayon po ay mga “bachelor’s degree holder” na sila.
Ano ba iyan, MS. SWINDLER,
napahiya ka na naman! “Tahol ka kasi ng tahol” na hindi muna inaalam ang “facts”
(katotohanan). Kitang-kita tuloy na isa kang nagmamarunong lamang ngunit
nahayag na isang malaking hangal. Ang kakatuwa, mayroon humirit sa post ni MS. SWINDLER
na isa pang hangal:
“Edwin Mora Ang
akin lamang pong dalangin sa Diyos na sana po ay patawarin pa si Ka EVM ng
Diyos sa dami ng kanyang nagawang kasalanan maging panlaman at higit po sa
lahat sa kasalanang pang spiritual. Nakakaawa at kahabag-habag po sa mga
matatandang EVCO grads na naghirap at ginamit ang kanilang buong buhay sa
pangangalaga sa mga kapatid na knilang nasakupan.Naway kaawaan pa po kayo ka
EVM ng ating Diyos sa ginawa po nyong paglapastangan sa bayan ng Diyos at sa
inyong sariling ina at mga kapatid.Mahal na mahal po namin kayo Ka EVM.”
Kahangalan ang magsalita sa mga bagay na hindi nalalaman o hindi naman nagsiyasat. Ngunit, malaking kahangalan din ang madaling maniwala. Madali silang napapaniwala sapagkat hidi naman talaga sila naghahanap ng katotohanan, kundi ang katotohanan sa kanila ay ang nais lamang nilang paniwalaan. Tupad na tupad sa kanila ang dinasabing ito ng Biblia:
Roma 1:21
“Sapagka't kahit
kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni
pinasalamatan; kundi bagkus NIWALANG KABULUHAN SA KANILANG MGA PAGMAMATUWID AT
ANG MANGMANG NILANG PUSO AY PINAPAGDILIM.”
FYI pa po: TUWANG-TUWA PO ANG MAHIGIT 1000 MGA MINISTRO AT ANG KANILANG MGA PAMILYA SA MALAKING KARANGALANG ITO NA SILA AY PATAWAN NG DIPLOMANG “BACHELOR OF EVANGELICAL MINISTRY.” Kung paano pong galak na galak ang mga bagong graduates sa malaking karangalan na natatamo nila sa kanilang graduation, ay GAYON DIN PO ANG MATINDING KAGALAKANG NADARAMA ng mga ministrong ito at ng kanilang pamilya, at LUBOS ANG PAGPAPASALAMAT NILA UNA SA DIYOS, AT IKALAWA AY SA PAMAMAHALA dahil sa paggagawad sa kanila ng KARANGALANG ito.
WE ARE NOT
FOOLS THAT’S WHY WE ARE ONE WITH EVM
Thanks for these posts po for i believe this will help those who are doubting thomases be it those who are not taking sides, and/or those who are FA symphatizers.
ReplyDeleteWelcome po,,,,lahat NG ginagawa nilang kasiraan para sa INC AY darating din Ang araw/oras para na silay mga papahiya...
ReplyDelete