27 July 2016

AE, REMEMBER THIS: Nasaan na po ba si Gng. Tenny?





Mula noong Abril 1, 2016 ay inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at “Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa kaniyang mga paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING KAHIHIYAN.

AE, REMEMBER THIS

Ito ang isa pang artikulo na kailanman ay hindi kinibo ni Antonio Ebangelista sapagkat dito ay hayag na hayag na siya'y nagsisinungaling at nanlilinlang lamang. Ang artikulong ito y nalathala noong Hulyo 7, 2015, bago nila pinalabas sa Yotube ang kanilang bideo ni Angel noong Hulyo 22, 2015. Noon kasi ang ginagamit nila para magpa-awa o kunin ang simpatya ng mga kapatid upang pumanig sa kanila laban sa Pamamahala ng Iglesia ay si Gng. Tenny. Pinalalabas nila na pinagbabantaan, ginigipit, inaapi at ginagawang parang preso. Subalit, napatunayang si Gng. Tenny ay wala pala sa Pilipinas kundi nasa Amerika, kaya napatunayang sila'y nanlilinlang lamang. Hindi na nila magamit pa si Gng. Tenny sa kanilang pagpapa-awa kaya ang ginagamit nila ngayon ay sina Angel at Lottie, subalit parehongpareho ang "script" at sa parehong buktot na layunin, ang magpa-awa at kilusin ang mga kapatid na pumanig sa kanila. Subalit, matatalino na ang mga kapatid, hindi sila magpapanlilang sa mga tiwalag ngayon.




NASAAN PO BA SI 
GNG. TENNY?

Ang sinasabi nilang pagbabanta,
panggipit at pang-aapi kay Gng. Tenny ay
isang malaking panlilinlang

First posted 7 July 2016
 

 ANG mahal natin sa buhay, lalo na ang ating mga magulang, ay hindi natin gagamitin sa anumang maling gawain o buktot na layunin. Hindi natin kakaladkarin sila ni ang kanilang pangalan sa anumang buktot na layunin, masamang gawain, kahihiyan o “eskandalo.”

Sa mga tunay na kapatid sa Iglesia, mahal na mahal po natin ang Ka Erdy, at dahil dito ay minahal din natin ang kaniyang pamilya. Subalit, ang pagmamahal at paggalang na ito ay sinamantala ng mga may buktot na layunin na sirain at pabagsakin ang kasalukuyang PAMAMAHALA NG IGLESIA.  Ang ginagawa nilang PANLILINLANG na tinatawag sa Ingles na "appeal to pity" (kinukuha lamang nila ang simpatya ng mga kapatid upang pumanig sa kanila sa kanilang paglaban sa PAMAMAHALA SA IGLESIA), ay hayag na hayag sa kanilang ipinangangalandakan na pinagbabatandaan, inaapi at ginigipit daw ng kasalukuyang Pamamahala si Gng. Tenny, ang may bahay niKA ERDY (subalit, nalimutan ata nila Antonio Ebangelista na ina naman ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia).

ANG PASIMULA?

Ang sinabi nila na “pasimula” ng kanilang diumano’y “pagsisiwalat ng katiwalian” ay ang diumano’y “panganib” o “threat”sa buhay o kaligtasan ng mahal nating si Gng. Tenny. Dito raw nagpasimula si Antonio Ebangelista sa kaniyang “kilusan.”

NGUNIT NASAAN PO SI GNG. TENNY?


PANGGIGIPIT AT PANG-AAPI KAY GNG. YENNY?

Lalo nagsumige sina Antonio Ebangelista sa sinasabi niyang “pagsisiwalat ng katiwalian” dahil daw sa ginagawang pang-aapi kay Gng. Tenny at sa kaniyang pamilya. Inalisan nga ba ng tulong si Gng. Tenny? Hindi nga ba siya makapasok sa Central? Para nga ba siyang bilanggo sa kaniyang tahanan sa Central? Inalisan nga ba siya ng security at hindi na kinakalinga?

SUBALIT, NASAAN NGA PO BA SI GNG. TENNY?


GINAWANG PARANG PRESO RAW SI GNG. TENNY?

Ang pinaka-“latest” na sinasabi nilang pang-aapi kay Gng. Tenny ay ang pagtatayo daw ng mataas na bakod sa paligid ng kaniyang bahay, may nagsasabi pa na nilagyan  pa ng rehas, na para bang isa nang preso sa kaniyang tahanan sa Central?

NASAAN NGA PO BA SI GNG. TENNY?


NARITO PO BA SA BANSA O SA 
KANIYANG TAHANAN SA 
CENTRAL SI GNG. TENNY?

Kung si Gng. Tenny ay wala sa bansa at dahil dito’y wala sa kaniyang tahanan sa Central, hindi ba’t ang ibig sabihin nito ay isang PANLILINLANG ang lahat ng sinasabi at inaaangkin nina Antonio Ebangelista at ng kaniyang mga kasama tungkol sa pang-aapi, panggigipit at panganib sa buhay ni Gng. Tenny?

Natatandaan po ba ninyo noong nakaraan lamang ay namatay ang kapatid ni Gng. Tenny na si Ka Ed? Wala po sa burol o lamay si Gng. Tenny at ang isa pa nilang kapatid! Kahit po sa libing ay wala po si Gng. Tenny at ang isa pa nilang kapatid! Bakit po?

WALA PO SI GNG. TENNY SA BANSA, WALA PO SIYA SA PILIPINAS, AT WALA PO SIYA SA KANILANG TAHANAN SA CENTRAL. SIYA PO AY NASA IBANG BANSA KASAMA NI MARC.

Matatalino po ang mga tunay na kapatid. Alam namin na ang "PAGPAPA-AWA" AY ISANG URI NG PANLILINLANG.

KAMING MGA TUNAY NA KAPATID
AY LABAN SA INYONG PANLILINLANG
AT AMING LUBOS BA IPAGSASANGGALANG
ANG KATOTOHANAN



No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)