ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 66
WARRANT OF
ARREST NI
LOWELL
“BOYET” MENORCA II
LUMABAS NA
[ANG IBA’T
IBANG REGIONAL TRIAL COURT SA BUONG BANSA AY ISA-ISA NANG NAG-I-ISSUE NG
WARRANT OF ARREST LABAN KAY LOWELL “BOYET” MENORCA]
“Sa pagkakataong ito ay tiyak na
hindi mahihirapan at totoo ang magiging
iyak ni Lowell Menorca II”
SI Lowell “Boyet” Menorca II
ang nagsampa ng kaso sa korte laban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo, hindi
lamang sa mga miembro ng Sanggunian, kundi kasamang inireklamo nila sa korte
ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang mahal nating kasalukuyang Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia. Sa unang pagdinig ng Court of Appeals sa isinampang
kaso ni Menorca laban sa Pamamahala ng Iglesia ay nagmalaki siya na “absent” o
wala at hindi siya hinarap ng mga inakusahan niya. Pinalalabas niyang “hindi
siya maharap” ng mga miembro ng Sanggunian. Subalit, ang totoo ay alam naman
natin na sa paglilitis sa korte ay maaaring ang abogado lamang ang humarap. Ang
pagharap ng abogado lamang sa paglilitis ay pinapayagan ng korte, maliban na
kung talagang ipag-utos ng korte na humarap ang mga kinauukulan.
TANDAAN NATIN NA MINAMASAMA NI
LOWELL MENORCA II ANG PAGHARAP SA PAGLILITIS NG ABOGADO LAMANG, ANG GUSTO NIYA
AY HUMARAP DIN SA KORTE ANG ISINASAKDAL.
Ang Regional Trial Court of
Lanao Del Sur branch 10 kamakailan lang ay naglabas ng “warrant for the arrest”
para kay Lowell Menorca II kaugnay ng kasong libelo na isinampa laban sa kaniya.
Ang “arrest warrant” ay nilagdaan ni presiding Judge Wenida B.M. Papandayan na
may petsang December 8, 2015.
Subalit, hindi lang ito ang
suliranin na kinakaharap ngayon ni Menorca sapagkat isa-isa nang naglalabas ng
“warrant of arrest” laban sa kaniya ang iba’t ibang RTC sa buong Pilipinas
dahil sa kasong libelo na isinampa sa kaniya ng iba’t ibang chapters ng SCAN sa
buong kapuluan dahil sa kaniyang mapanirang statement na ang SCAN ay hitsquad
diumano ng Sanggunian. Narito ang kabilang sa mga lugar kung saan ang chapter
ng SCAN sa mga dakong ito ay nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca:
Albay,
Nueva Ecija,
Nueva Ecija,
Cagayan,
Camarines Sur,
Camarines Sur,
Makati,
Las Piñas,
Las Piñas,
Parañaque,
Muntinlupa,
Pasay,
Taguig,
Bulacan,
Quirino,
Laguna,
Capiz,
Mindoro,
Zambales,
Mt. Province,
Muntinlupa,
Pasay,
Taguig,
Bulacan,
Quirino,
Laguna,
Capiz,
Mindoro,
Zambales,
Mt. Province,
Ilocos Sur,
Isabela,
Cebu,
Bohol,
Catanduanes,
Misamis Oriental
Cebu,
Bohol,
Catanduanes,
Misamis Oriental
Mayroon pang hindi nabanggit
lalo na ang kamakailan lamang nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca.
Dalawa ang malaking suliranin
dito ni Menorca: UNA, ang pagharap niya sa mga kasong ito na nakasampa sa iba’t
ibang RTC branch na nakalaganap sa buong Pilipinas; at IKALAWA, ang hindi niya
personal na pagharap sa mga kasong ito sa iba’t ibang RTC na nakakalat sa buong
Pilipinas ay lumalabas na kinain niya ang kaniyang sariling salita na
ipinahayag niya laban sa Pamamahala ng Iglesia sa social media.
KUNG HINDI SIYA LILITAW SA
BAWAT PAGLILITIS SA BAWAT RTC NA MAY NAKASAMPANG KASONG LIBELO LABAN SA KANIYA,
KINAIN NIYA ANG SALITA NIYANG ITO:
Minasama niya at pinupuna ang
mga miembro ng Sanggunian na mga abogado lamang na kumakatawan sa kanila ang
dumalo sa paglilitis sa korte. Bagamat sa katotohanan ay hindi tinutulan kundi
sinasang-ayunan ng batas na maaaring ang abogado lamang ang humarap (lalo na’t
wala namang kautusan ang korte na sila’y humarap), IGINIIT PA RIN NI MENORCA NA
“the respondents should be present at
all” [“ang inirereklamo ay dapat laging presente sa lahat (ng pagdinig)].
SAMAKATUWID, sa lahat ng paglilitis
sa lahat ng RTC branch na binanggit natin sa unahan na pawang may isinampang
kaso laban kay Menorca ay dapat PRESENTE siya dahil siya rin ang nagsabi na “the respondents should be present at all”.
Hindi rin niya maaaring idahilan na kaya hindi siya makararating ay UNAWARE
siya na dapat siyang dumalo sapatkat pinupuna nga niya ito. Kaya, ABANGAN
NATIN, dadaluhan ba niya ang lahat ng paglilitis sa lahat ng RTC branch na may
nakasampang kaso laban sa kaniya o kakainin niya ang sarili niyang salita dahil
NADUWAG siya?
Bakit daw ayon kay Menorca ay
kailangang laging presente sa lahat ng paglilitis ang respondent o
inirereklamo? Sundan pa natin ang kaniya mismong pahayag.
KUNG HINDI SIYA LILITAW SA
BAWAT PAGLILITIS SA BAWAT RTC NA MAY NAKASAMPANG KASO LABAN SA KANIYA, BATAY SA
KANIYANG NAGING PAHAYAG, ANG HINDI NIYA PAGDALO AY PAG-AMIN NIYA NA TOTOO ANG
ISINASAMPANG KASO LABAN SA KANIYA:
Ayon kay Menorca, ang pagharap
daw sa paglilitis sa korte ay pagbibigay ng pagkakataon ng nagrereklamo sa
inirereklamo upang harapang sabihin doon sa korte na nagsisinungaling ang
nagrereklamo. Ang sabi niya, “I AM GIVING THE SANGGUNIAN (ang inirereklamo) THE
CHANCE TO FACE US (ang nagrereklamo) IN COURT AND SAY TO OUR FACE THAT WE ARE
LYING.”
Tandaan na hindi ito pahayag
namin, kundi pahayag mismo ni Lowell Menorca II. Kaya hindi ito maibabalik sa
amin o magagamit laban sa amin, sapagkat sinusundan lamang namin ang sinabi ni
Lowell Menorca II. Batay sa kaniya mismong sinabi, kung hindi haharap sa
paglilitis sa korte ang inirereklamo ay para na ring inaming totoo ang inirereklamo
sa kaniya. IBALIK NATIN ANG SINABI NIYANG ITO SA KANIYA.
Ngayong nagsampa ng kaso ang
iba’t ibang chapters ng SCAN at sinasabing nagsisinungaling si Menorca, at
mapanirang-puri ang pahayag niya laban sa kanila, kaya binibigyan nila (ang ga
SCAN members) ng pagkakataon si Menorca na harapin sila sa korte at harapang sabihing
nagsisinungaling sila.
Kaya, ang hindi mo pagsipot o
pagharap sa mga paglilitis sa iba’t ibang branch sa buong Pilipinas na may
nakasampang kaso laban sa iyo ay hindi lamang pagkain ng iyong salita na sinipi namin sa unahan,
kundi inaamin mo na ikaw ang
nagsisinungaling at sila ang nagsasabi ng totoo. ABANGAN, kung paninindiganan niya
ang kaniya mismong mga pahayag.
KUNG HINDI MO SISIPUTIN ANG
LAHAT NG PAGLILITIS SA LAHAT NG RTC SA BUONG PILIPINAS NA MAY NAKASAMPANG KASO
LABAN SA IYO AY NAGPAPATUNAY NA ISA KANG MALAKING DUWAG
Dito ay muling nagpakita ng
kayabangan si Lowell Menorca II. Naghihintay daw siya sa pagharap sa kaniya ng
mga miembro ng Sanggunian, at ang paghaharap daw nilang ito sa korte ay tulad daw
sa pagharap ni David (siya raw iyon) at ng mga Goliaths (ang mga miembro raw ng
Sanggunian). MATAPANG NGA BA SIYA O PURO PAGYAYABANG LANG SA SOCIAL MEDIA? ANG
TAPANG BA NIYA AY TOTOO O HANGGANG FB LANG?
Sundan natin ang kaniyang
sinasabi (for the sake of argument), handang-handa ka at para bang sabik na
humarap sa “mga Goliaths o mga “higante”, subalit ang mga SCAN members na
nagsampa sa iyo ng kaso ay hindi “mga goliaths” o hindi mga higante kundi mga
karaniwang mamamayan at mga karaniwang kaanib lamang sa INC. Kung tutuusin sa
pagkakataong ito, kumpara sa mga members ng SCAN ay ikaw pa nga ang lumalabas
na “higante” di ba? HAHARAPIN MO BA SILA?
Samakatuwid, sinusundan lamang
naman namin ang salita mo Menorca, ang hindi mo pagharap sa mga SCAN members sa
korte (sa lahat ng mga RTC branch kung saan ay nagsampa sila ng kaso laban sa
iyo) ay NAGPAPAKITANG ISA KANG MALAKING DUWAG.
SUBALIT, DECEMBER 8, 2015 PA LUMABAS
ANG WARRANT OF ARREST LABAN SA IYO LOWELL MENORCA II,
NASAAN KA NA? HINDI KA BA NAGTATAGO?
Dito mo ilabas ang iyong tapang boyet menorca... Tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal... Inilulugmok mo ang iyong sarili sa matinding kahihiyan.. tsk tsk tsk...
ReplyDeleteNakakahiya ang ginawa nya gusto nya lng magpsikat.. Hindi nya kc matanggap n tinakwil ng iglesia kaya kung ano anong kalokohan ang pinagsassbi.. Ngaun sa tingin nya may mukhang pa xang ihaharap pagkatapos ng lahat.??��
ReplyDelete