ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
Part 63
ANO ANG NANGYARI
SA
#36 TANDANG
SORA NOONG
DISYEMBRE
15?
Ikatlong
Bahagi
Tagalog version of
“WHAT HAPPENED IN
#36 TANDANG SORA LAST
DECEMBER 15?”
“ANGEL, BAKIT KAILANGANG GUMAWA KAYO NG KAGULUHAN? MAYROON BA KAYONG
NAIS NA ITAGO?”
SINA Angel at Lottie ay
bigong-bigo sa pagpapatunay na sila ang tunay na may-ari ng #36 Tandang Sora. Wala
silang hawak na matibay na katunayan ukol rito, kundi ang hawak lamang nila ay
mga “pekeng dokumento” na ang gamit lamang ay bilang propaganda material para
sa social media, at kung gagamitin nila sa korte ay maaari silang masampahan ng
kasong kriminal tulad ng falsification of public documents. Sila ay nasa
sitwasyong tunay na desperadong-desperado. Pagkatapos ay dumating ang kautusan
ng korte na magsagawa ng “ocular inspection” sa #36 Tandang Sora na sila ay ddinatnan
ng kautusang ito na “hindi nakahanda”. Tandaan natin na ang mga desperado ay
nakagagawa ng mga bagay na wala sa katuwiran.
INIUTOS NG
KORTE NA MAGSAGAWA
NG OCULAR INSPECTION
Ang kautusan ng korte na magsagawa
ng “ocular inspection” ay bahagi ng patuloy na nililitis na kaso na isinampa ng
INC laban kay Angel Manalo at sa kaniyang mga kasamahan upang magkaroon ng
“legal injunction” ang Iglesia sa kaniyang property (ang #36 Tandang Sora na
tinutuluyan nila Angel at Lottie). Ang dahilan nito ay ang nai-record na
pangyayari sa pamamagitan ng CCTV na may nakitang mga nakamaskara na hindi
kilalang kalalakihan na naglalabas-masok sa nasabing property na walang
pahintulot mula sa mga opisyales ng INC.
[Note: “Legal
injuction” – a judicial order that restrains a person from beginning or
continuing an action threatening or invading the legal right of another, or
that compels a person to carry out a certain act, e.g., to make restitution to
an injured party.]
Ang tagapagsalita ng INC na si
Kapatid na Edwil Zabala ay nagpahayag na umaasa ang INC na sa pamamagitan ng
ocular inspection ay malalaman ang pagkakakilanlan sa mga nanunuluyan sa
property ng Iglesia sa Tandang Sora, sapagkat ang mga respondents sa kaso na sina
Angel at Lottie, sa pamamagitan ng kanilang mga abogado, ay hindi nakapagbigay
sa korte ng hinihinging bilang at kung sinu-sino ang nakatira sa pinag-uusapang
compound. At kabilang ang mga taong pumapasok sa compound.
Nagsumite din ang INC sa korte
ng mga larawan ng mga nakamaskara at armadong kalalakihan na nang nakaraan ay
nakapasok sa loob ng property ng Iglesia sa Tandang Sora. Ayon kay Ka Zabala,
ito ay nakatawag ng pansin ng Iglesia sapagkat hindi naman nagbigay ng
pahintulot ang pamunuan ng INC sa mga taong ito na pumasok sa nasabing
compound. Sinabi rin niya na umaasa ang INC na ang kaayusan at kapayapaan ay manunumbalik sa compound sa Tandang Sora
yamang ito ay katabi lamang ng compound ng Opisina ng Central.
Idinagdag pa niya na nais ng
INC na maiwasan ang anumang pangyayari tulad ng nangyari sa nakaraan lamang na
hindi maayos na ipinarating sa kinauukulan ang gayong mga pangyayari na naganap
sa loob ng compound. Binanggit ni Ka Edwil ang pangyayari noong Nobyembre na
ang isang driver ni Angel Manalo ay nagkasakit habang nasa loob ng compound,
ngunit sina Angel at lahat ng naninirahan sa compound ay hindi ipinaabot sa
kaalaman ng INC ang tunay na kalagayan at sitwasyon ng kaniyang kalusugan.
Sinabi niya na sa pamamagitan
ng ocular inspection ay malalaman ng INC kung ano ang nais itago nina Angel at
ng kaniyang mga kasamahan sa loob ng compound na pag-ari ng INC. (Source: Eagle
News Ph)
ANG KAMPO NI
ANGEL AY INABOT
NA “HINDI HANDA”
Ayon sa batas, ang respondents
na sina Angel Manalo at mga kasama at “dapat na magsumite ng kanilang sagot sa
loob ng labinlimang (15) araw mula ng tanggapin ang kautusan.” Subalit, gaya ng
ipinahayag ng korte, “inabot ang respondents ng apatnapu’t anim (46) na araw
bago sila nagsumite ng sagot. Kaya, ang respondents na si Angel Manalo ay
nawala ang kaniyang karapatan na makilahok sa paglilitis ng Petition for
injuction na isinampa ng INC, ayon sa kautusan ng korte ay natagpuang
“untenable” (hindi nakatutulong sa kaniyang kaso) ang “excuses” (dahilan) ng respondents. Ang
pagkukulang na ito ng mga respondents ay bunga ng kapabayaan ng kanilang
abogado, ang dahilan kaya ang kanilang
abogado na si Trixie Angeles ay nag-post sa kaniyang FB account ng paghingi ng
paumanhin noon ding araw ng Disyembre 15, 2015:
ANG SINASABI
NG KAUTUSAN NG KORTE
Ayon sa kautusan ng korte na
inilabas noong Disyembre 9, pinahintulutan ni Quezon City Regional Trial Court
(RTC) Judge Edgar Dalmacio Santos ang petisyon ng mga abogado ng INC para sa
pagsasagawa ng ocular inspection sa nasabing property kung saan ang dating
ministro na si Angel Manalo at ang kaniyang kapatid na si Lottie Hemedez ay
pinahintulutang manatili kahit pagkatapos na sila’y matiwalag sa Iglesia noong
Hulyo.
Iniutos ng korte ang nasabing
inspection upang “alamin ang bilang at ang pagkakakilanlan ng lahat ng
nanunuluyan, regular man o hindi, at maging ang mga taong bumibisita at
pinahihintulutan na makapasok sa pinag-uusapang property.”
Inutusan ni Judge Santos si Sheriff
Neri Loy na “note the number and location of ingress and egress points” sa
nasabing compound at maging ang procedures na ipinatutupad para rito. Ayon sa
kautusan ng korte, maliban sa Sheriff, ang kinatawan ng INC at ng grupo nina Angel
Manalo ay binilinan na naroroon sa panahon ng inspection, kasama ang mga pulis
at opisyal ng barangay.
ISANG MAIKSING
KAGULUHAN NA
GINAWA NG
KAMPO NINA ANGEL
Dapat mapansin na ayon sa
kautusan ng korte ay tanging ang Sheriff, kinatawan ng bawat partido, mga pulis
at mga opisyal ng barangay lamang ang pinapayagang nasa loob ng compound sa
panahon ng ocular inspection. Ang dapat sanang mangyari noong Disyembre 15,
2015 ay isa lamang simpleng ocular inspection na isasagawa ni Sheriff Neri Loy
upang alamin ang bilang at pagkakakilanlan ng mga nanunuluyan sa nasabing
property.
Subalit, noong hapon nang ang
Sheriff at ang kinatawan ng INC ay pansamantalang lumabas ay may naganap na
maikling kaguluhan nang ang kampo ni Angel Manalo ay nagpumilit na magpasok ng
mga miembro ng media sa loob ng compound, na paglabag sa kondisyon ng ocular
inspection o ng kautusan ng korte. Tingnan ang balita ukol sa pangyayaring ito,
panuorin ang video sa baba:
Video clip from
Eagle News report
Kaniya pa ngang ipinagtabuyan
at inaway ang mga security personnel nang siya’y lumabas sandali ng compound
kasama ang ilang mga kasambahay (katulong sa bahay). Ang video na ito ay
nagpapakita kung papaanong si Angel ay sandaling nagwala nang mabigong mapapasok
ang mga reporter sa loob ng compound:
Thanks
to Joy Yuson, a.k.a. “Kelly Ong” for uploading in his FB account this video
showing how Angel briefly gone wild because he failed to let the media enter
the compound
ANG OCULAR
INSPECTION AY IPINAGPALIBAN
AT
IPINAGPATULOY LAMANG NANG KINABUKASAN
(DISYEMBRE 16,
2015)
Ang nakatakda sanang ocular
inspection sa No. 36 Tandang Sora Avenue na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo ay hindi
natuloy noong araw ng Martes, Disyembre 15, nang ang dalawang partido ay
MAGKASUNDO na ito ay ipagpaliban. Muli itong isinagawa at natapos nang
kinabukasan, Disyembre 16. ALAM BA NINYO KUNG ANO ANG NALAMAN NG KORTE
PAGKATAPOS NG ISINAGAWANG OCULAR INSPECTION NOONG DISYEMBRE 16, 2015?
INC CLEARED
December 17, 2015
Written by Paul
M. Gutierrez
Journal.com
THE leadership
of the Iglesia Ni Cristo (INC) said the court-supervised ocular inspection at
the INC compound on December 16 has proven the falsity and absurdity of the
allegations by their expelled members that they were “barricaded” within the
compound against their will.
INC spokesperson
Edwil Zabala stressed that contrary to reports, the court-supervised inspection
of the compound currently being occupied by Angel Manalo and Lottie Hemedez,
their two expelled members, was requested by officials of the Church to
identify the actual occupants.
“We wish to
emphasize that it was the INC leadership that requested the court, through the
Quezon City Regional Trial Court Branch 222, to conduct an ocular inspection
inside the INC-owned compound at No. 36 Tandang Sora Avenue, Quezon City.
“We wanted the
court to see for itself that we are in no way restricting the movements of
Manalo and Hemedez in the compound, and that they are free to come and go as
they pleased,” explained Zabala.
“We are glad
that we were able to show the authorities that the claims of the expelled
members are absurd and false.”
In October, the
INC filed a petition for injunction barring unauthorized visitors from the
compound following reports that unknown masked and hooded persons were going in
and out of the property which is just beside the INC Central Office.
The INC also got
reports that “armed persons” were seen inside the property. The court
subsequently ordered the ocular inspection to ascertain the number and identity
of persons occupying and visiting the property.
Zabala stressed
that their camp also requested the court to compel Manalo and Hemedez to
provide a list of the persons inside the compound, but the two have yet to
comply with the court directive.
“The house being
occupied by Manalo and Hemedez is owned by the Church. Having been expelled
from the Church, Manalo and Hemedez no longer have the authority to stay in the
property,” Zabala clarified.
“As custodian of
the Church, the INC leadership has both the legal authority and the moral
responsibility to ensure that Church-owned properties are not being used for
illegal activities and for purposes contrary to the teachings of the Church,”
added the minister.
According to
Zabala, this was why the INC found it necessary to look into reports that armed
men were being allowed inside the compound by Manalo and Hemedez.
In October, several ex-Marines tried to go inside the INC Compound led by renegade soldier Capt. Nicanor Faeldon, and were stopped by INC security.
Zabala also called on Manalo and Hemedez to stop publicly disparaging the church, and air their grievances in the proper venue, such as the court.
“If they have genuine faith in the doctrines of the Church, I call on them to stop publicly shaming the INC and sowing intrigues inside the Church.
“I hope they let the court processes work, instead of resorting to trial by publicity,” Zabala added.
In October, several ex-Marines tried to go inside the INC Compound led by renegade soldier Capt. Nicanor Faeldon, and were stopped by INC security.
Zabala also called on Manalo and Hemedez to stop publicly disparaging the church, and air their grievances in the proper venue, such as the court.
“If they have genuine faith in the doctrines of the Church, I call on them to stop publicly shaming the INC and sowing intrigues inside the Church.
“I hope they let the court processes work, instead of resorting to trial by publicity,” Zabala added.
Source: http://www.journal.com.ph/news/top-stories/inc-cleared
KONKLUSYON
Isa lamang itong ocular
inspection na iniutos ng korte, ni QC RTC Judge Santos, kaya bakit kailangang
gumawa ng komosyon ang kampo nila Angel, at si Angel mismo ay nagwala? Sapagkat
mayroon silang nais na maitago mula sa korte. Kaya nang matapos ang ocular
inspection noong kinabukasan (Disyembre 16), napatunayan ng korte sa
isinagawang ocular inspection na NAGSISINUNGALING AT WALANG KATOTOHANAN ang mga
alegasyon ng mga tiwalag sa Iglesia na sina Angel Manalo at Lottie Hemedez lalo
na ang ukol sa kanilang pag-aangkin na may panganib daw sa kanilang buhay at sa
kanilang kalayaan na maglabas-masok sa compound.
Baka mamaya. Sila Angel pala ang nagtatago ng mga baril jan sa compound ng INC. Grabe. Mandadamay pa sila
ReplyDelete