ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 58
PURO
“VOICE OF THE BRETHREN”
NA NAMAN SILA?
MATAGAL NA NAMING
BISTADONGGAWA-GAWA
LANG NINYO ANG
MGA IYAN
NOON PA AY SI “ANTONIO
EBANGELISTA” (BOYET MENORCA) PA LANG ANG GUMAGAMIT NIYAN AY "BUKING NA
BUKING" NA NAMIN NA GAWA-GAWA O FABRICATED LAMANG NILA ANG MGA IYAN.
Sa isang artikulong
inilathala ni "Antonio Ebangelista" na may pamagat na “Voice of the
Brethren: ‘I AM A.E.’” na inilathala niya sa kaniyang blog noong June 10,2015
ay may inilathala siyang “Sulat” daw sa kaniya ng isang diumano’y ministro na
sumasang-ayon sa kaniyang “ginagawa.” Narito ang screenshot ng pasimula ng
nasabing artikulo:
Image 01
Dito po ay ipinakikita ng
“sumulat” kay Antonio Ebanghelista na siya ay dumalo sa nakaraang
Pangkalahatang Pulong ng mga ministro at manggagawa na pinangasiwaan ni Kapatid
na Eduardo V. Manalo (June 9, 2010). Anupa’t ipinakikita lamang dito na ang
sumulat ay isang “ministro.” Ganito naman nagpakilala sa sarili ang
“ministrong” ito na na diumano’y sumulat kay Antonio Ebanghelista:
Image 02
Dito po ay tuwiran nang
nagpakilala ang sumulat kay Antonio Ebangelista na siya'y isang ministro at
nagsabi pa na kaisa raw ang kaniyang buong sambahayan at ang lahat ng ministro
at manggagawa sa kanilang DISTRITO SA SOUTH sa pagpapanata sa gabi-gabi para
raw sa “gawaing" ito ni Antonio Ebanghelista. Sinabi rin niya na “maka-AE”
na ang lahat sa kanilang Distrito sa South maliban lamang sa Kalihim ng
Distrito. Ganito nagtapos ang nasabing sulat ng di umano’y “ministro” na
sumulat kay Antonio Ebanghelista:
Image 03
Bilang pagtatapos ay binanggit
na ng nasabing “ministro” ang kaniyang pangalan.
Ang kaniyang pagtatapos ay “Ka
Robert po (Distrito sa Norte)”
TEKA! TEKA! TEKA!
Ang sabi niya kanina ay: “Kaisa
nyo po kami at ang aming buong sambahayan sa pagpapanata gabi-gabi para sa
Gawaing ito. Sa totoo po Ka AE, lahat po ng Ministro at Manggagawa dito sa
aming Distrito sa SOUTH ay Maka-AE na…”
Nang ilagda niya ang kaniyang
pangalan sa pagtatapos ng kaniyang sulat ay: “– Ka Robert po (Distrito sa NORTE)”
Isang araw na ganito ang
pagkaka-post. Subalit, nang marami ang pumansin, agad niyang binago ang
KANIYANG PAGKAKAMALING ITO.
Image 04
Maliwanag na ITINULOT SILA NG
DIYOS SA PAGKAKAMALI UPANG MABUNYAG ANG KANILANG PANDARAYA. ANG INILALATHALA
NILANG “VOICE OF THE BRETHREN” AY PEKE, GAWA-GAWA, FABRICATED, PANDARAYA
LAMANG.
Ngayon ay ito na naman sila sa
kanilang “Voice of the Bethren”! Kapansin-pansin na puro sila ganito kapag wala
na silang masabing anuman. Pero tulad din ng iba pa nilang paglalahad, ito man
ay walang ebidensiya at hindi rin ito ebidensiya. Kahit sa korte ay lumalabas
din na walang kredibilidad ang ganito at hindi mapanghahawak sapagkat nahuhulog
lamang sa “hersay” o “tsismis” lamang. KAYA, AG PAGGAMIT NILA NG KANILANG “VOICE
OF THE BRETHREN” AY NAGPAPAKITA LAMANG NA WALA SILANG MAIPAKITANG KONKRETONG
EBIDENSIYA SA KANILANG MGA PARATANG KAYA NAGTATAGO LAMANG SA LIKOD NG GANITONG “PSEUDO”
RIN O WALA RING KREDIBILIDAD.
MATAGAL NA NAMIN KAYONG BISTADO NA PEKE AT GAWA-GAWA LAMANG NINYO ANG
MGA IYAN!
walang patutunguhan yang mga ganyang gawain !kahit na ano pa ang sabihin ng mga yan...we are one with E V M
ReplyDeleteWala ba cla magawang kapani paniwala sabagay ano pa ba aasahan sa mga buktot na ulupong ng dyablo kundi kasinungalingan.
ReplyDelete