24 December 2015

Ang Ipinalalaganap ng mga Fallen Angels sa Social Media na Nangyari raw noong Disyembre 15 ay pawang kasinungalingan lamang


ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those opposing
the Church Administration
part 64

ANO ANG NANGYARI SA
#36 TANDANG SORA NOONG
DISYEMBRE 15?
Ika-apat na Bahagi

Tagalog version of
“WHAT HAPPENED IN
#36 TANDANG SORA LAST
DECEMBER 15?”

“ANG MGA DESPERADO AY GUMAGAWA NG KASINUNGALINGAN AT PANDARAYA”




ISA lamang siyang simpleng “ocular inspection” na iniutos ni QC RTC Judge Dalmacio Santos upang alamin ang bilang at ang pagkakakilanlan ng mga nanunuluyan sa #36 Tandang Sora kung saan sina Angel Manalo at Lottie Hemedez nakatira. Ayon sa kautusan ng korte, tanging ang mga abogado, kinatawan ng bawat partido, mga pulis at opisyal ng barangay ang pinahihintulutan na pumasok sa loob ng compound habang isinasagawa ang “ocular inspection”. Subalit, noong hapon nang ang sheriff ay sandaling umalis, ang kampo ni Angel ay gumawa ng isang maiksing komosyon (kaguluhan). Ipinilit nilang makapasok sa loob ng compound ang mga reporters. Nang sila’y mabigo na mapapasok ang mga reporters sa loob ng compound, si ANGEL AY NAGWALA.

Please watch this video
“What really happened in #36 Tandang Sora last 15 December 2015”
 
Nang bumalik ang sheriff, nagkasundo ang dalawang partido na ipagpaliban ng araw na iyon (Disyembre 15, 2015) ang ocular inspection. Muling isinagawa at natapos ang ocular inspection nang sumunod na araw (Diyembre 16, 2015).


ANG “DESPERATION” (DISPERADO) AY
NANGANGANAK NG KASINUNGALINGAN

“Appeal to pity” – ito ay isang PANDARAYA upang makuha ang simpatya o suporta ng mga tao. Ito ang ginagawa ng kampo nina Angel (ang makuha ang simpatya ng publiko) mula pa ng i-upload nila sa Youtube noong Hulyo 23 ng controversial video kung saan sina Angel at ang kaniyang ina, si Tenny, ay nagsinungaling na ang buhay daw nila ay nasa panganib. Nang kinabukasan, Hulyo 24, isang papel ang inilagay sa kanilang bintana na nagsasaad na “Tulong, hostage kami”. Subalit, noong umaga ng Hulyo 25, dahil sa pagtatanong ng mga reporters, inamin ni Angel na may “batang nagbibiro” lamang. At nang araw ding iyon, pinatunayan ng mga pulis na sila ay hindi nanganganib.

Please watch this video
“May Batang nagbibiro lang po”
 
Sa patuloy na pagsisikap na makuha ang simpatya ng mga tao, ipinalaganap nila sa social media na sila raw ay inaapi, ginigipit at nilabag ang kanilang karapatang pantao. Ginamit nilang muli ang social media para”humingi ng tulong”. At hindi nila binago ang kanilang “gasgas” nang “modus”, ang pagsisinungaling sa publiko na “nanganganib daw ang kanilang buhay”. Ito ang mga kasinungalingan na kanilang ipinost sa social media nang araw na iyon ng Disyembre 15, 2015:







ANO TALAGA ANG NANGYARI SA #36 TANDANG SORA
NOONG ARAW NG DISYEMBRE 15, 2015?

Alam na natin kung ano talaga ang nangyari sa #36 Tandang Sora noong Disyembre 15, 2015. Dahil sa utos ng korte, ang sheriff at kasama ang mga abogado at kinatawan ng dalawang partido, mga pulis at opisyal ng barangay ay dumating sa  #36 Tandang Sora noong araw na yaon upang magsagawa ng isang simpleng “ocular inspection”. 

PAG-ISIPAN NATING MABUTI: Ang buhay ba nila ay nalagay sa panganib gaya ng sinasabi nila sa social media gayong ang nangyari lamang ay dumating ang sheriff, ang mga abogado ng dalawang partido, ang mga pulis at ang mga opisyales ng barangay sa #36 Tandang Sora nang araw na iyon? Kung totoong ang buhay nila ay nasa panganib sa ibang kadahilanan, subalit ang sheriff, ang kanilang abogado, ang mga pulis at mga opisyales ng barangay ay pawang naroon ng araw na iyon?

Ang komosyon (kaguluhan) na nangyari nang araw na iyon ay gawa ng kampo nina Angel. Noong hapon nang ang sheriff ay sandaling lumabas at umalis, ang kampo ni Angel ay gumawa ng isang maiksing kaguluhan nang magpilit sila na makapasok ang mga reporter sa compound. Nang sila’y mabigo, si ANGEL AY NAGWALA.

PAG-ISIPAN NATING MABUTI: Ang kampo ni Angel ang gumawa ng maiksing komosyon (kaguluhan) nang magpilit sila na papasukin ang mga reporters sa loob ng compound na isang tahasang pagsuway sa kautusan ng korte. Kung ang sinasabi nila sa social media ay totoo na hinarangan sila kaya walang makalabas-masok sa kanila sa compound, paano ngayon nakalabas si Angel at ang kasambahay ni Lottie upang gumawa ng maiksing komosyon nang magpilit silang papasukin sa compound ang mga reporters? Panuorin ang video na “When Angel Gone Wild” at makikita ninyo na walang harang sa kanilang gate.

Bilang katibayan na sila ay malayang maglabas-masok sa compound, nagawa ni Angel na makipag-usap sa mga reporter sa labas ng compound at makapagbigay ng maikling statement. Narito ang larawan ng gate ng #36 tandang Sora at makikitang wala ang sinasabi nilang barikada:

 #36 Tandang Sora

 
TUNAY NA NAPAKASINUNGALING

Si Rovic Canono, a.k.a. “Sher Lock” ay nag-aangkin na “The Iglesia Ni Cristo, sensing that the property will be declared in the name of the Hemedezes with the solid undisputable basis on hand, ordered 100 goons to storm the compound and barricade the entire house of Bro. EGM sealing off the residence from its gates” (mayroon daw 100 sanggano na lumusob sa compound upang barikadahan ang buong compound):

“…Today December 15 an inspection was made by the court sheriff on orders of the court on No.36 Tandang Sora to further assist the judge on the current situation of the property. The Iglesia Ni Cristo, sensing that the property will be declared in the name of the Hemedezes with the solid undisputable basis on hand, ordered 100 goons to storm the compound and barricade the entire house of Bro. EGM sealing off the residence from its gates, thereby depriving residents of free access to gates to receive the regular donations of food and water, not to mention the donations of diesel to run the generators as electricity has been cut off by INC Leadership on the household of our beloved Brother Erano G. Manalo.”

ITO AY HINDI KAPANIPANIWALANG KUWENTO SAPAGKAT:

(1) Si Rovic ay wala naman roon sa #36 Tandang Sora, ngunit nagbigay siya ng napakadetalyeng kuweto na nangyari raw sa #36 Tandang Sora noong Disyembre 15. Nagawa pa niyang bilangin ang “sanggano” na lumusob daw noon sa compound. Ang sabi ni Rovic, “100 goons to storm the compound”.

(2) Ang Sheriff ay naroon noon ng araw na iyon sa lugar ding iyon, kasama ang kanilang abogado, mga pulis at mga opisyal ng barangay, ngunit wala silang nakitang “100 goons storming the compound” na gaya ng sinasabi ni Rovic. Nagkaroon pa ng interbyu ang mga reporter sa sheriff, ngunit walang binanggit ang sheriff ni ang mga reporter ukol sa sinasabing ito ni Rovic at ng mga “Fallen Angels.”

(3) Nagawa ni Angel na lumabas at makapagbigay ng statement sa mga reporters ng araw ding iyon. Na-interbyu pa siya ng GMA 7. Nagsalita si Angel ukol sa ginagawang “bakod” sa loob ng compound, ngunit nang araw na iyon ay wala siyang sinabi ukol sa mga reporters ukol sa “100 goons storming the compound.”

Rovic Canono, a.k.a. “Sher Lock”, ikaw talaga ay anak ng iyong ama
Juan 8:44



KONKLUSYON

Alam na natin kung ano ang talagang nangyari sa #36 Tandang Sora noong Disyembre 15, 2015. Kaya, alam natin na pawang kasinungalingan ang ipinapalaganap ng mga “fallen angels” sa social media na isang desperadong hakbang upang makakuha ng simpatya.


1 comment:

  1. Its about time.... Lumayas na kau sa INC PROPERTY.. Angel, Lottie & the rest of your Fallen Angels.. Don't wait for us to VIGIL in front of your house to tell you to GET OUT OF THAT INC PROPERTY...

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)