ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 62
ANO ANG
NANGYARI SA
#36 TANDANG
SORA NOONG
DISYEMBRE
15?
Ikalawang
Bahagi
Tagalog version of
“WHAT HAPPENED IN
#36 TANDANG SORA LAST
DECEMBER 15?”
“Bigong-bigo sina Angel at Lottie na patunayan na sila ang tunay na
may-ari ng #36 Tandang Sora, kaya sila’y tunay na desperado na talaga”
ANG dapat na mangyari noong
Disyembre 15, 2015 ay isa simpleng “ocular inspection” lamang na iniutos ng
korte upang alamin ang bilang at kung sinu-sino ang tumutuloy sa #36 Tandang
Sora. Subalit, sina Angel at ang kaniyang mga kasama ay gumawa ng maikling
kaguluhan nang araw na iyon sapagkat sila’y nahuling “hindi handa.” Ano ang
lalong nag-udyok sa kanila na gumawa ng “kaguluhan” ng araw na iyon?
Ang Malaking
Kabiguan nina Angel and Lottie
Nang araw na iyon, noong Disyembre
15, inilathala ni Rovic Canono, a.k.a. “Sher Lock” sa kaniyang FB account ang
sumusunod:
WHAT WENT ON
BEFORE: A few months back, INC filed a case asking the court to prevent people
from entering Bro. EGM house at 36 Tandang Sora, claiming that the property is
owned by INC. INC thereafter stationed security guards and 2 guardhouses plus
portalets to block off the 2 gates of the house. Recently, it was proven with
the discovery of evidences that the true and legal owners of the property are
spouses Bro. Ed and Sis. Lottie
Hemedez and that INC only forged the Deed of Sale transferring the
property from the Hemedez to INC. INC falsified the sale documents and made it
appear that Bro. Ed signed the document in 2015 when in fact he has been
deceased years ago. Back to the case, the judge ordered a Status Quo which
prevents both parties from committing unnecessary acts that maybe construed as
aggressive moves against each other. However INC has been violating this order
by encroaching the compound with movable fences and guarded by armed men.
Tomorrow Wednesday December 16 there will be a hearing wherein Sis. Lottie is
set to testify and present to court the falsified documents wherein the
ownership will be established once and for all, which are the Hemedez and NOT
INC.
Patuloy na inaangkin nina
Angel at Lottue na ang #36 Tandang Sora ay pag-aari ng mag-asawang Lottie at Ed
Hemesez at hindi raw ng INC. Para ito ay patunayan, kanilang patuloy na
inaangkin na “it was proven with the
discovery of evidences that the true and legal owners of the property are
spouses Bro. Ed and Sis. Lottie Hemedez and that INC only forged the Deed of Sale transferring the property
from the Hemedez to INC. INC falsified the sale documents and made it appear
that Bro. Ed signed the document in 2015 when in fact he has been deceased
years ago.” Mayroon daw “Deed of Sale” na may petsang 2015 na ginawa
(falsified) lamang daw ng INC, subalit
matibay daw na nagpapatunay na sina Lottie at Ed Hemedez ang may-ari ng #36
Tandang Sora.
Hawak ng kampo nila Angel ang
dokumentong ito, ipinagyabang nila na “Tomorrow
Wednesday December 16 there will be a hearing wherein Sis. Lottie is set to
testify and present to court the falsified documents wherein the ownership will
be established once and for all, which are the Hemedez and NOT INC.” Ipiprisenta
raw nina Lottie ang dokumentong ito sa korte at ito raw ang magpapatunay na
sila nga ang may-ari ng pinag-uusapang lote.
Ang dokumentong ito ay pinost
sa social media ng kampo nina Angel may ilang linggo na (maaaring mahigit ang
isang buwan). Kaya, mula pa noon ay pinipilit na nilang patunayan na sila ang
may-ari ng #36 Tandang Sora. Makikita ang dokumentong ito na naka-post sa timeline
ng mga FB accounts ng marami sa mga “Fallen Angels, kung hindi man lahat. Pinipilit
nilang kumbinsihin ang publiko sa pamamagitan ng dokumentong ito at sa
pamamagitan ng social media na sila ang may-ari nang nasabing lote. Subalit, sinagot
na ito ng THE IGLESIA NI CRISTO blog nsa pamamagitan ng kaniyang artikulo na
“Answering Fallen Angels part 57” na pinabulaanan ang pag-aangkin na ito nina
Angel at Lottie sa #36 Tandang Sora. Tingnan po ang artikulong: “Who owns #36
Tandang Sora? An in-depth analysis of the Issue: Answering Fallen Angels part
57”
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/12/who-owns-36-tandang-sora-in-depth.html
Hindi sinagot o inimikan man
ng kampo ni Angel (kahit si Kelly Ong, Sher Lock o Benito Affleck) ang
artikulong ito ng THE IGLESIA NI CRISTO blog. Sa kabila nito, ipinagyabang pa
rin ni Rovic Canono ang dokumentong ito (ang “Deed of Sale”) na ipiprisenta raw
sa korte ni Lottie Hemedez noong Disyembre 16. Mayroon nga ba talaga silang
lakas ng loob na iprisenta ito sa korte?
Pagsisiyasat
sa “Deed of Sale” ginagamit na katibayan ng kampo
ni Angel sa
pagpapatunay na ang mga Hemedez raw ang may-ari
ng #36 Tandang
Sora at hindi ang raw ang INC
Inaangkin ng kampo ni Angel na
“falsified documents wherein the
ownership will be established once and for all, which are the Hemedez and NOT
INC.” Talaga bang pinatutunayan ng dokumentong ito na ang mga Hemedez at
hindi ang INC ang may-ari ng #36 Tandang Sora? Bakit sa katotohanan, wala
silang lakas ng loob na iprisenta ang dokumentong ito sa korte? Pansinin ninyo
ang mga sumususnod:
(1)
Kung ang sinasabi nila ay totoo na ang dokumentong ito ay peneke ng INC at
ginagamit upang angkinin ang #36 Tandang Sora, BAKIT MUKHANG SA KATOTOHANAN AY
BALIKTAD ATA ANG NAKIKITA NATING NANGYAYARI?
Ang kampo nina Angel ang may
hawak at gumagamit ng dokumentong ito at sila pa nga ang naglabas at nagpakita
nito sa publiko sa pamamagitan ng social media at ng Rappler. Hindi ba kung ang
“Deed of Sale” na ito ay ang INC ang gumagamit para angkinin ang #36 Tandang
Sora ay dapat NASA KAMAY ng Central at hindi nila? Dapat ang Central ang may
hawak, naglabas, nagprisinta at gumagamit nito? Subalit, gaya ng ating nakikita
sa katotohanan, baliktad, sila ang may hawak, naglabas, nagprisenta at
gumagamit ng dokumentong ito para patotoo ng kanilang pag-aangkin sa pinag-uusapang
lote.
(2) Para sa ikatututo nina Angel, Lottie at ng
kanilang mga abogado, ang “deed of sale” ay may dalawang partido na nagkasundo
– kapuwa ang vendor (nagbenta) at ang vendee (bumili) ay NAKALAGDA sa kontrata
o deed of sale. Subalit sa dokumentong ito na kanilang ipinakita, ISANG PARTIDO
LAMANG ANG NAKALAGDA, ang partido ni Lottie Hemesez. Ang sinasabi nilang vendee
o bumili, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC bilang siyang “Corporation
Sole” o ang kaniyang opisyal na kinatawan AY WALANG LAGDA sa nasabing “Deed of
Sale.”
Nang iprisenta ng kampo nina
Angel ang dokumentong ito sa publiko sa pamamagitan ng social media at Rappler,
ay kanilang inilakip ang tanong na “Papaanong makalalagda ang isang patay noon
pang 2013?” (doon kasi sa nasabing “deed of sale” ay may lagda si Ed Hemedez na
namatay noong 2013 samantlang ang petsa ng dokumento ay 2015). HINDI BA SA
KANILA DAPAT ITO ITANONG? Sapagkat wala namang lagda ang sinumang kinatawan ng
INC sa nasabing “deed of sale” kundi si Lottie at Ed Hemedez, at sila rin naman
ang may hawak, naglabas at gumagamit ng dokumentong ito, kaya ang kakatwang
tanong ay dapat kanila Lottie mismo itanong at sila ang dapat na sumagot niyan.
Ang pagkakamali nilang ito ay parang bitag na hindi sila makakawala.
Hindi kailanman ginamit at
gagamitin ng INC ang “deed of sale” na ito na inilabas ng kampo nina Angel. Sa
kabilang dako, kung gagamitin naman nina Angel at Lottie ang “deed of sale” na
ito para patunayan na ang INC ay nang-agaw ng lupa, hindi ito tumutugon sa
kanilang nillayon, at LALO SILANG IPAPAHAMAK NG DOKUMENTONG ito dapagkat wala
namang lagda dito ang sinumang kinatawan ng Iglesia bilang vendee o bumili. Ang
dokumentong ito ay lalong magbibigay sa kanila ng problema kapag iprinisenta
nila sa korte.
(3) Totoong ang nasabing “deed
of sale” ay may notaryo. Subalit, kataka-taka na ang isang puno ng karanasan at
kilalang abogado "de-campanilla" sa Pilipinas ay agad na lalagda at
inonotaryo ang nasabing dokumento. Tandaan ang batas ukol dito:
“A notary public
should not notarize a document unless the persons who signed the same are the
very same persons who executed and personally appeared before the said notary
public to attest to the contents and truth of what are stated therein. The
presence of the parties to the deed making the acknowledgment will enable the
notary public to verify the genuineness of the signature of the affiant. A
notary public is enjoined from notarizing a fictitious or spurious document.
The function of a notary public, is among others, to guard against any illegal
deed.” [MARINA C. GONZALES vs. ATTY. CALIXTO B. RAMOS [A.C. No. 6649. June 21,
2005].
Walang lagda ng sinumang
opisyal na kinatawan ng INC sa nasabing dokumento, gayong ang sabi ng batas ay
“Ang isang notaryo publiko ay hindi dapat
inotaryo ang isang dokumento malibang ang mismong tao na nakalagda sa nasabing
dokumento ay ang mismong tao na personal na humarap sa notaryo publiko upang
manumpa nsa katotohanan ng nilalaman ng nasabing dokumento.”
Ang nasabing “deed of sale” ay
nanotaryo; ISANG PARTIDO LANG ANG LUMAGDA, sina Lolita at Ed Hemedez at ang INC
ay walang opisyal na kinatawan na nakalagda sa nasabing dokumento; “Ang isang notaryo publiko ay hindi dapat
inotaryo ang isang dokumento malibang ang mismong tao na nakalagda sa nasabing
dokumento ay ang mismong tao na personal na humarap sa notaryo publiko upang
manumpa nsa katotohanan ng nilalaman ng nasabing dokumento”; at ang
nagnotaryo nito ay isang abogadong “de campanilla”. Kaya, tiyak na sila Lottie
Hemedez ang may gawa ng “pekeng” dokumentong ito.
Samakatuwid, ang dahilan kaya
wala silang lakas ng loob na ipresenta ito sa korte (lumipas ang ipinagyayabang
nilang December 16 na ipriprisenta raw ito sa korte ay HINDI NILA NAGAWA),
kundi ginagamit lamang nila bilang isang propaganda material na inilathala nila
sa internet, sapagkat alam nilang ang dokumentong ito ay “peke” o gawa-gawa
lamang nila mismo.
Conclusion
Kaya, sina Angel at Lottie ay
bigong-bigo sa kanilang pagsisikap na mapatunayan na sila raw ang tunay na
may-ari ng #36 Tandang Sora. Wala silang konkretong ebidensiya para patunayan
ang kanilang pag-aangkin, kundi ang hawak nila ay “pekeng dokumento” na ang
layunin lamang ay gamitin bilang propaganda material sa social media, at kung
kanilang ipiprisenta ito sa korte ay tiyak na masasampal sila ng kasong “falsifying
public documents” at “fraud.” Tunay na sila’y nasa desperadong sitwasyon pata
gumamit ng mga “pekeng dokumento” at kaya rin nagpapalaganap sila ng
kasinungalingan para mapapaniwala ang publiko kung maaari pati na ang korte sa
kanilang “nilalayon.” Pagkatapos ay dumating ang kautusan ng korte na
pagsasagawa ng ocular inspectionng #36 Tandang Sora na sila’y nahuling “hindi
handa.” SAPAGKAT MAYROON SILANG “ITINATAGO” kaya noong araw na iyon ng
Disyembre 15, sa isang simpleng ocular inspection ay gumawa sila ng maikling
kaguluhan, nagwala at nag-histerya.
Please also read or see Part Three of the
article
WHAT HAPPENED IN #36 TANDANG SORA LAST
DECEMBER 15?
“Desperate people will do foolish things”
Tsk..kawawang mga nilalang.Kung ako sa kanila,magbalik loob na lang sa INC.Wala silang mapapala sa ginagawa nilang pagsisinungaling.Nadimlan na talaga ang kanilang isipan.
ReplyDeleteNang magtawag ng 'peoples power'si Angel nuong July 2015, yun ang hudyat na pinagdilim na ni Satanas ang kanyang isipan.Kawawang mga nilalang.
ReplyDelete