07 December 2015

Sino ang tunay na may-ari ng #36 Tandang Sora? Isang malalim na pagsisiyasat sa isyu



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
PART 57
Tagalog

PAGPAPABULAAN SA PARATANG NG MGA FALLEN ANGELS NA ANG KASALUKUYANG PAMAMAHALA RAW AY NANG-AGAW NG LUPA SA PAMAMAGITAN NG FRAUD AT FALSIFICATION

[REFUTING FALLEN ANGELS’ ALLEGATION OF LAND-GRABBING BY FRAUD AND FALSIFICATION AGAINST THE PRESENT CHURCH ADMINISTRATION]


MULA sa simpleng pagpaparatang ng maling paggamit ng pananalapi ng Iglesia, ang mga End-Time Antichrists (Fallen Angels) ngayon ay nagpaparatang laban sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ng pang-aagaw ng lupa (land-grabbing). Ang terminong “land-grabbing” ay may negatibong pakahulugan. Kaya, dito ay nakikita natin na ang mga Fallen Angels ay ginagamit ang terminong ito upang pasamain ang imahe ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia.

Ang pinaka-karaniwang pakahulugan sa salitang “land grabbing” ay ang agresibong pag-agaw ng lupain o ari-arian maaaring sa pamamagitan ng puwersa (force) o ng pandaraya (fraud). Tiyak na ang inyong pagpaparatang ng “land-grabbing” ay hindi tumutukoy sa pamamagitan ng puwersa sapagkat kung magkagayon, dapat sina Lottie Hemedez ay wala ngayon sa #36 Tandang Sora Avenue. Dapat ay sapilitan silang pina-alis sa pinagtatalunang lote. Samakatuwid, tulad ng inaasahan na ang tinutukoy nilang “land-grabbing” ay ang isa pang uri, ang sa pamamagitan ng “pagdaraya.” Nais nilang palabasin na ginawa ito ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia sa pagtatangka nilang pasamain ang kasalukuyang Pamamahala. Sa dahilang ito, sila’y naglabas at nagpakita ng mga dokumento na gaya ng mga sumusunod:

(1) Ang death certificate of Mr. Ed Hemedez
(2) Ang cancelled TCT na may taong 1995 na nag-angkin na ang pinagtatalunang lupain ay pag-aari raw ng mag-asawang Lottie at Ed Hemedez (conjugal ownership)
(3) Ang mapag-aalinlanganang (dubious) deed of sale na may petsang 2015
(4) Entry sa Registry of Deeds noong 2015
(5) Ang bagong TCT na nagpapakita na ang INC ang may-ari
(6) Ang Tax Declaration ng #36 T Sora – na binayaran daw ni Mrs. Hemedez

Gamit ang mga dokumentong ito ay ganito ang pangangatuwiran ng mga Fallen Angels upang humantong sa konklusyon na ang kasalukuyan daw Pamamahala ng Iglesia ay nang-agaw ng lupain (land-grabbing):

"Ang #36 Tandang Sora Avenue ay orihinal na pag-aari ng mag-asawang Hemedez (ipinakikita ang dokumentong blg. 2), at inagaw ng INC sa pamamagitan ng “falsification of sale” (ipinakikita ang dokumento blg. 3), at ngayon ito’y sa kanila na (mga dokmento blg. 4 at blg. 5). Sila’y nandaya dahil si Mr. Hemedez ay namatay na noon pang 2013 (dokumento blg. 1) na sa katotohanan ay kami ang nagbabayad ng buwis ukol dito (dokumento blg. 6)."


KANINO GALING ANG MGA DOKUMENTONG ITO?

Ang mga katibayan na “pinost” ng mga End-Time Antichrists (“Fallen Angels”) at ng kanilang mga tagasunod sa social media ay mula kay Bless Grace Hernandez, a.k.a. “Benito Affleck.” Ang taong ito ay “wanted” (pinaghahanap) ng Batas dahil sa kaniyang mga kaso ng estafa (swindling) at illegal recruitment. See “Who is Benito Affleck?” [http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/11/exposing-end-time-antichrists-benito.html]. 


GAANO KATOTOO ANG MGA DOKUMENTONG ITO?

Ang pinaka-una at pinakamahalagang gawin ng isang taong nag-iisip ay ang pagpilit na makapag-produce sila ng higit na magandang kopya (higit na madaling mababasa) ng mga dokumentong ito na kanilang ipinakikita. Kung hindi sila makapagpapakita ng kopya na higit na maayos at magandang kopya ng mga dokumentong ipinakikita nila ay nagbibigay lang ng senyales sa atin na dapat na pagdudahan ang mga dokumentong ito. [Hindi isang napakahirap na kahilingan ito sapagkat inaangkin nila na nasa kanila ang tunay na kopya ng mga dokumentong ito] Tandaan na ang authentecity (pagiging totoo) ay dadaig o papawi sa lahat ng pag-aalinlangan.

Ngayon, kung hindi sila makapagbibigay ng maayos at malinaw na kopya (ang ipinakikita nila na pino-post nila sa social media ay “xerox copy” lamang at napakalalabong mga kopya), kaya hayaan nating gawin ang ating pagsisiyasat sa kung ano ang inilalabas o ipinakikita nilang mga dokumento. Siyasatin natin ang inilabas nilang dokumento sa “criteria” na ibinigay ni Ms. Ruby Valdez, isa sa mga registration examiners mula sa Land Registration Authority of the Philippines na sinipi ng Gargoles Law Office at binuod na nagbibigay ng tips kung papaano makikita ang “peke” titulo na ito’y inilathala ng Philippine Star noong Marso 6, 2015:

"Ang papel na ginagamit para sa authentic land titles sa Pilipinas ay mula sa Banko Sentral ng Pilipinas. Ang mga papel na ito ay physically unique (may pisikal na pagkakaiba o ikinatatangi) mula sa lahat ng iba pang uri ng papel na iyong mabibili sa mga tindahan. Narito ang mga bagay na dapat ninyong hanapin:
a. Ang texture ay katulad ng sa isang bank check
b. Mayroon itong faint watermark na nagsasabing “LRA“
c. Kung ito’y matandang titulo (nauna kaysa sa higit na bagong e-Titles na ginagamit ngayon), ang kulay ng papel ay light yellow.
d. Kung ito’y e-Title, ang kulay ay dapat na pale straw
e. Maliit na fibers at dots ay dapat na agad na napapansin
f. At ang mga fibers na ito y dapat na fluoresce o shine slightly kung tatapatan ng UV light."

Pagsisiyasat sa Exhibit A
“Transfer Certificate of Title N-143501”

Tiyak na ang TCT na ipinakita ni Hernandez ay hindi pumasa sa alinmang criteria na nabanggit natin sa unahan. Ang kanilang ipinakita ay “xerox copy” lamang at matatagpuan lamang sa internet (cyberspace). Ngayon ay tingnan naman natin ang mga bagay na dapat nating bantayan:

(1)  Kung isang Transfer Certificate of Title (TCT), kailangan ay may nakalagay na “Judicial Form No. 109-D“.
(2) Ang serial number label (SN No.) ay dapat na nasa red color, habang ang mga digits ay dapat na kulay itim (black) para sa owner’s duplicate.
(3) Ang dalawang huling digits ng page number sa upper right hand side at dapat na corresponding sa last two digits ng TCT number.
(4) Ang red/blue border ay kailangang slightly embossed at hindi flatly printed.
(5) Para sa e-Titles, lahat ng entries ay dapat na computer encoded at printed, hindi gaya ng old versions na manually type-written
(6)  Ang seal sa lower left hand side ay dapat na dark red at hindi nagba-“blot” kapag nagsagawa ng isang maliit na “water check”.

Sa pamamagitan ng simpleng “guidelines” na ito ay ating suriin ang kanilang inilabas na “Transfer Certificate of Title N-143501”:




Pagsisiyasat sa Exhibit B
Ang “Deed of Sale”

Ang karaniwang scenario sa “land-grabbing” ay ang nang-aagaw ng lupain ay namemeke ng mga dokumento, ipinakikita sa madla ang mga dokumentong ito at ginagamit sa pag-aangkin sa lupain, at sapilitang palalayasin ang inaagawan sa pinagtatalunang lote. Subalit, kung totoo ang paratang ng mga Falen Angels na ang Pamamahala ng Iglesia ang nang-agaw ng lupa ay dapat na ganito rin ang scenario. Ngunit, BAKIT KABALIGTARAN ANG MAKIKITANG NANGYAYARI?

Ang mga “Fallen Angels” ANG MAY HAWAK NG MGA DOKUMENTO na ipinakikita sa madla at ginagamit para angkining kanila ang lupain. Ang “Deed of Sale” na ginagamit na suplemento para sa bagong TCT N004-2015005510 AY DI BA’T DAPAT NASA KAMAY O HAWAK NG CENTRAL at ginagamit para paalisin ang mga magkapatid na Manalo (Lottie at Angel)? Subalit, sa katotohanan at realidad ay iba ang makikita at mapatutunayan. Ang lupain ay sa Iglesia at  sina Lottie Hemedez at Angel Manalo ay naroon pa rin at hindi pinaaalis.

Hindi isang bagong bagay ang ginawa ng Fallen Angels na may hawak silang “Deed of Sale” para patibayin ang pag-angkin nila sa lupain at na sila raw ang inagawan ng ari-arian sa pamamagitan ng forgery at misrepresentation, sapagkat may gumawa na rin ng ganito [see: Villamar, Penuliar vs. People G.R. No. 178652]. Subalit, sa katotohanan, ANG KANILANG IBINIBIGAY NA EVIDENSIYA AY LABAN DIN SA KANILA.

Isa sa mga pangunahin nilang kasamahan, si Jesus Sasam Ponce ay nagtanong sa comment sa post ni Benito Affleck ukol dito, “BA (Benito Affleck), sino kaya ang pumirma bilang legal representative ng INC?” Ang tanong na ito na ipinukol ni Jesus Samsam Ponce ay parang siya’y “kumuha ng bato at ipinukol sa ulo” siempre ni “Benito Affleck” (Bless Grace Hernandez). Siyasating mabuti ang “dokumento” na kanilang ibinigay. Saan sa dokumento na may lagda ang Tagapamahalang Pangkalahatan bilang “Corporation Sole” o ang kinatawan ng Pamamahala? WALA.

FYI Fallen Angels, tandaan na ang “deed of sale” ay isang nasa bilateral manner – may nagbibili (vendor) at may bumibili (vendee) na dapat ay kapuwa nakalagda ang dalawa sa kontrata o dokumento. Sa dokumentong ito na ipinakikita at ginagamit ni Bless Grace Hernandez at ng kampo nina Lottie, ang may lagda sa “deed of absolute sale” ay tanging partido o kampo lamang ni Lolita Hemedez.

Pagkatapos na ilabas at ipakita ang “Deed of Sale” (na sila ang may hawak) ay ganito ang kanilang argumento (o pangangantiyaw), “Papaanong ang isang namatay noong 2013 ay makalalagda noong 2015?” Ang totoo ay sapagkat walang lagda sa nasabing dokumento ang Pamamahala ng Iglesia at hindi ito hawak ng Central, kundi sila ang nakalagda at may hawak at gumagamit ng dokumentong ito, kaya ang kakatwang tanong (“Papaanong ang isang namatay noong 2013 ay makalalagda noong 2015?”) ay DAPAT SA KANILA ITANONG (kay Lottie mismo). Sa simple nilang pagkakamaling ito ay tulad sila sa nahuli sa sariling bitag na hindi sila makakawala.

Ang “deed of sale” na ito na inilabas ni Bless Grace Hernandez (na wanted ng Batas dahil sa estafa), ay hindi magagamit at hindi kailanman gagamitin ng Iglesia bilang suporta sa eviction kanila Lottie. Sa kabilang dako, kung gagamitin ito ng mga Fallen Angels sa pagsuporta sa kanilang pag-aangkin na nang-agaw ng lupa ang kasalukuyang Pamamahala, ang dokumentong hindi makatutugon sa kanilang “nilalayon” (masamang nilalayon), anupa’t lalo pa ngang magbibigay sa kanila ng problema DAHIL SA WALA NAMAN ITONG LAGDA ng Tagapamahalang Pangakalahatan ng Iglesia o ng kaniyang kinatawan bilang “vendee” o bumili ng nasabing lupa. Ito ay lalong malaking problema o “kasiraan” sa mga Fallen Angels.  
 
This is indeed a falsified Deed of Sale


MARAMI PANG PROBLEMA NA KINAKAHARAP NINA LOTTIE

Sa pag-angkin na ang #36 Tandang Sora Avenue ay pag-aari nina Lottie at Ed Hemedez, at sa pagpapakita ng mga dokumento na gaya ng “Transfer Certificate of Title N-143501” ngunit may petsang 1995 lamang, at ang “Deed of Sale” na may petsang 2015, ay lalo itong nagbibigay ng malalaking problema o suliranin sa panig nina Lottie sa halip na mapatunayan ang kanilang pag-aangkin o paratang. PAG-ISIPAN NATIN ITONG MABUTI:

(1) Inaangkin nila na ang “land-grabbing by fraud” (pang-aagaw ng lupa sa pamamagitan ng pandaraya) ay nangyari diumano sa pamamagitan ng pagpapakita ng “falsified deed of sale”. Kung talagang mayroong pang-agaw ng lupa sa pamamagitan ng padaraya o pamemeke ng papeles (land-grabbing by fraud or falsification), HINDI BA’T ANG DAPAT NA UNANG-UNANG GINAWA NILA AY ANG MAGSAMPA NG KASO LABAN SA IGLESIA (yamang ito naman talaga ang kanilang ginawa ang magsampa ng magsampa ng mga kaso laban sa Pamamahala ng Iglesia). SUBALIT, HINDI NILA GINAWA. Ang diumano’y ebidensiya na inilabas ni Bless Grace Hernandez (a.k.a. “Benito Affleck,” na wanted dahil sa estafa) ay HINDI NILA SA KORTE DINALA KUNDI SA SOCIAL MEDIA na lakip ang mariing pagpaparatang na ang INC ay nang-agaw ng lupain, nameke ng papeles at gumawa ng misrepresentation.

(2) Kung pag-uusapan ay ang katotohanan sa “deed of sale” na inyong inilabas, bakit kaya ang  tanging bahagi na malinaw ninyong ipinakita ay kung saan nakalagda ang mag-asawang Lottie at Ed Hemedez bilang “vendors” (nagbenta) at may isang hindi pinangalanang saksi at notarized ni Atty. Cecilio Lumantao noong April 21, 2015? Bakit walag lagda ng “vendee” (bumili), ang Corporation Sole ng INC (ang Tagapamahalang Pangkalahatan) o ng kaniyang kinatawan?

(3) Kung ang #36 Tandang Sora ay tunay na pag-aari nina Lottie at Ed Hemedez, bakit hindi maipakita ni Hemedez o Hernandez kahit sa internet ang “Deed of Absolute Sale of Registered Land” na “open-source” at malinaw sa lahat?

(4) Ang mahal nating KA ERDY ba ay nag-iwan ng “private inheritance” (mana o naiwan) sa inyo? Ang tanong na ito ay tulad sa tabak na may dalawang talim. Dati, sa pagsisikap na makakuha ng awa at simpatiya at nagsasabing walang naiwang anumang mana o ari-arian ang Ka Erdy sa kaniyang pamilya, subalit ngayon ay heto kayo nag-angkin ng isang lote o lupain. Kaya ano ba talaga?

(5) Siguro ay muli ninyong gagamitin ang palusot na ang lupain ay binili sa pamamagitan ng salapi ni Mr. Hemedez. Sabihin na nating gayon, alang-alang sa argumento, ang tanong ay ito, “Mula kanino nabili ng mga Hemedez ang lupaing ito, ang #36 Tandang Sora?” Maaaring itanong ng mga Fallen Angels na kailangan ba iyan? Opo, kailangang masagot ang tanong na iyan sapagkat ang kanilang ginagawa ay nag-aangkin na sila ang may-ari mula sa taong 1995 (gaya ng binabanggit sa kanilang TCT), kaya ang mahalagang tanong ay sino ang may-ari na sa kanila nila nabili ang lupang ito bago ang taong 1995?

(6) Ang TCT na kanilang inilabas at ipinakita na nagsasabing ang #36 Tandang Sora ay naging pag-aari ng mag-asawang Hemedez ay noon lamang 1995. Subalit, mayroon tayong konkreto (matitibay na ebidensiya) na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo ang lupaing ito kahit bago pa ang 1995.
 
(a) Ang lupain ay nasa posesyon na ng INC mula pa noong 1970s. Ang Iglesia ay nagtayo rito ng mga “barracks” para sa mga buluntaryong naglilingkod sa Iglesia at ng kanilang pamilya noong 1975-1977. Binakuran na ito ng INC noon pa mang 1970s. Samantalang sina Lottie at Ed ay  ikinasal at naging mag-asawa noon lamang 1980s, kaya imposible na ang lupaing ito ay pag-aari at nasa pangalan na ng mag-asawa noon pang 1970s. Tandaan na ang TCT na kanilang ipinakikita na ang lupain daw ay nakapangalan sa mag-asawa ay may petsang 1995 lamang.

(b) Kung sasangguniin ang orihinal na Certificate of Title, ang #36 Tandang Sora ay kabilang sa OCT 614 DN 6667 RN 5975. Kung sasanggunin ang G.R. No. L-61969 July 25, 1984 Augustina Dela Cruz et al vs Lucia Dela Cruz, INC and honorable CA ay mapatutunayan na ang malawak na lupaing ito ay dating bahagi ng Piedad Estate. Ang Tandang Sora Avenue ngayon ay dating Sitio Banlat, Caloocan, Lalawigan ng Rizal. Tiyak na tiyak na imposible na tuwirang nabili ng mga Hemedez ang lupaing ito (#36 Tangdang Sora) mula sa pagiging bahagi ng Piedad Estate (isang lupain na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng Friar Lands Act, Public Act No. 1120 na ipinatupad noong April 26, 1904).

(c ) Ayon sa G.R. No. L-61969 July 25, 1984 Augustina Dela Cruz et al vs Lucia Dela Cruz, INC and honorable CA, mayroong naging pagtatalo sa lupain na kabilang ang #36 Tandang Sora Avenue, subalit, ang Philippine Supreme Court ay naglabas ng pasiya noong 1984 na pinagtibay na ang lupain ay pag-aari ng Iglesia Ni Cristo.

Kaya, tunay na ang Iglesia Ni Cristo ang may-ari ng #36 Tandang Sora bago pa man ang taong 1995 (mula pa noong 1970s). Kung ang lupain ay pag-aari ng Iglesia Ni Cristo kahit bago pa ang 1995, bakit hindi sila ngayon magpakita ng “deed of sale” na nakalagda ang KA ERDY bilang corporation sole o ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo bilang “vendor” o nagbenta sa kanila ng lupaing iyon? Kung sa ibang tao naman nila binili, magpakita pa rin sila deed of sale.”


KONKLUSYON

Bakit natin pinipilit sila na magpakita ng “Deed Sale” para magpatibay na ang mag-asawang Hemedez nga ang may-ari ng lupaing ito mula pa noong 1995? Tandaan natin na sa maraming kasong sibil at pagtatalo ukol sa isang lupain, sa bentahan ng lupa nagkakaroon ng problema o suliranin. Ang isang magandang halimbawa ay ang G.R. Nos. 74226-27 July 27, 1989 PEOPLE OF THE PHILIPPINES, vs. MIZPAH R. REYES, or in G.R. No. 122973 (July 18, 2000) DIONISIO C. LADIGNON, petitioner, vs. COURT OF APPEALS and LUZVIMINDA C. DIMAUN. Sa nasabing kaso, na nakarating pa ng Supereme Court, ag isa sa pangunahing hinihingi ay ang katibayan na ang punagtatalunang lupain ay talaga bang pag-ari ng nag-aangkin.

KUNG ANG KAMPO NINA Lottie ay hindi makapagpapakita ng “Absolute Deed of Sale,” hindi nila maaalis ang pananaw na sila ang patuloy na gumagawa ng kamalian at karumihan, at nagbibintang pa sa iba (framing up). Kung talagang wala silang maipakikita, hindi nila maalis na sila ang paghinalaan ng madla na gumawa ng pandaraya, nameke ng papeles, upang mapalit lang sa pangalan nila ang titulo ng #36 Tandang Sora na pag-aari na ng Iglesia mula pa noong 1970s. Sila pala ang tunay na nang-agaw ng lupain, sila pala ang tunay na nameke lamang ng papeles upang mang-angkin ng lupain ng iba.



1 comment:

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)