29 December 2015

Tiwalag sila hindi dahil sa "pagsisiwat ng katiwalian" kundi dahil sa paglabag sa aral ng Diyos



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those opposing
the Church Administration
part 70


IBA NA RAW ANG
IGLESIA NGAYON DAHIL ANG
ITINITIWALAG AY NAGSISIWALAT
NG KATIWALIAN?
SUBALIT HINDI ITO ANG
PINATUTUNAYAN NG TUNAY
NA PANGYAYARI SA MGA
TIWALAG NGAYON NA
KUMAKALABAN SA
PAMAMAHALA


 ANG karaniwang mababasa natin na komento ng mga napapaniwala ng mga End-Time Antichrists (Fallen Angels) ay ang katibayan daw na “iba na ang Iglesia ngayon” ay “ang matuwid at nagsisiwalat ng katiwalian ang itinitiwalag sa Iglesia.” Sa komentong ito ay pinalalabas nila na “matuwid”, “walang sala” at nagsisiwalat lang daw ng katiwalian ang mga Fallen Angels subalit sila’y itiniwalag dahil dito. Bigyan natin ngayon ng pansin kung may katotohanan ang mga bagay na ito. Dahil dito, bagamat hindi natin ibig na talakayin ang “pagkatao” at ang dahilan ng pagkatiwalag ng mga Fallen Angels, subalit hindi natin maiiwasan ito dahil sila rin ang nagsasabing “sila raw ay walang sala kundi nagsisiwalat lamang ng katiwalian subalit itiniwalag” na ang pagpapabulaan rito ay ang ipakita ang tunay na dahilan ng kanilang pagkatiwalag, ang kanilang pagkatao at ang tunay na dahilan ng paglaban nila sa Pamamahala.


Rovic Canono, a.k.a. “Sher Lock”
 

Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lang ng katiwalian? Si Rovic Canono ay matagal nang tiwalag sa panahong buhay pa si Kapatid na Erano G. Manalo. Samakatuwid, dito pa lang ay masasabing mali na kung ang pag-uusapan ay si “Sher Lock” na ang itinitiwalag ay ang nagsisiwalat lamang daw ng katiwalian sa Iglesia ngayon. Bago pa lumitaw ang pagkilos ng mga Fallen Angels ay matagal nang panahong tiwalag si Rovic Canono.

[Nota: Sa mga hindi INC, dapat munang maunawaan na ang “pagtitiwalag” ay hindi kagustuhan o gawa lamang ng mga nangangasiwa sa Iglesia, kundi aral o utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia, “Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. "Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan.” (I Corinto 5:13 NPV)]

“Matuwid at walang sala” pero itiniwalag? Si Rovic Canono ay hindi maaaring ibalik sa Iglesia Ni Cristo, kahit pa sa panahon ni Kapatid na Erano G. Manalo ay hindi maaaring mabalik sa talaan si Rovic Canono sapagkat siya ay hiwalay sa kaniyang asawa at ngayon ay may kinakasamang ibang babae.

Bakit siya sumama kanila Angel at Marc Manalo? Ang isa sa dahilan ng pagsama niya kanila Angel at Marc sa kilusang paglaban sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ay sapagkat gusto ni Rovic Canono na mabalik sa Iglesia na hindi niya iniiwan ang kaniyang paglabag. Kahit daw siya hiwalay sa asawa at may kinakasamag ibang babae ay pinangakuan siya ng magkapatid na kapag sila’y nagtagumpay ay maibabalik siya sa talaan sa kabila ng pananatili niya sa paglabag o sa pakikiapid (pakikisama sa ibang babae).
 
 
Bless Grace Hernandez, a.k.a. “Benito Affleck”

 
Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lang ng katiwalian? Si Bless Grace Hernandez ay matagal na ring tiwalag sa panahon pa noon ni Kapatid na Erano G. Manalo. Bago pa man nagsimula ang kilusan ng mga Fallen Angels na paglaban sa kasalukuyang Pamamahala ay matagal nang panahong tiwalag si “Benito Affleck.” Natiwalag siya dahil sa mga ilegal na gawain. Siya ay wanted ng batas dahil sa kasong estafa at illegal recruitment.

“Matuwid at walang sala” pero itiniwalag? Gaya ng nabanggit, itiniwalag si Bless Grace dahil sa mga ilegal na gawain kabilang na rito ang pagtakbo ng pera at panloloko sa mga alumni ng New Era University. Sa kasalukuyan ay patuloy siyang nagtatago at ayaw harapin ang kaniyang mga kasong kinakaharap kaya wanted siya ng batas sa kasong estafa at illegal recruitment. Hiwalay din siya sa asawa subalit may karelasyong iba. Ngayon at kahit pa sa panahon ng Ka Erdy, hinding-hindi maaaring ibalik sa talaan si Bless Grace Hernandez, a.k.a. “Benito Affleck.”

[Nota: Dapat maunawaan ng mga hindi kaanib sa INC, na ang Iglesia ay nagbibigay ng pagkakataon na magbalik-loob ang natiwalag sa Iglesia, subalit kailangan munang lunasan niya ang naging dahilan ng kaniyang pagkatiwalag, o ang iwan niya ang paglabag at ipakita na siya’y ganap na nagbago upang mabalik sa talaan ng Iglesia. Kung hindi pa nalulunasan ang ikinatiwalag, bagkus ay patuloy sa pamumuhay sa paglabag, ang gayon ay hinding-hindi mababalik sa Iglesia]

Bakit siya sumama kanila Angel at Marc sa paglaban sa Pamamahala ng Iglesia? Ang isa rin sa dahilan ng kaniyang pagsama ay ang pangako na mababalik siya sa talaan kapag sila’y nagtagumpay sa pag-agaw sa pamamahala sa Iglesia, at ang matulungan siya sa mga kinakaharap niyang kaso (estafa at illegal recruitment).
 
 
Lito Deluna Fruto

 
Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lang ng katiwalian? Natiwalag si Lito Deluna Fruto bago pa man lumantad sina Angel at Marc sa paglaban sa kasalukuyang Pamamahala. Ayon sa sirkular ng pagkatiwalag sa kaniya na sila din ang nag-post sa social media, itiniwalag si Fruto dahil sa paglaban sa Pamamahala at sa GAWAING LABAG SA PAGKA-CRISTIANO. Isang bagay na hindi naman niya noon itinanggi.

“Matuwid at walang sala” pero itiniwalag? Matagal na siyang tiwalag subalit patuloy pa rin niyang ginagawa ang pagkatiwalag sa kaniya, hindi lamang ang paglaban sa Pamamahala ng Iglesia, kundi maging ang PAMUMUHAY NG LABAG SA PAGKACRISTIANO. Noong Hulyo, 2015 ay dinampot ng mga pulis si Fruto dahil sa salang panghahalay sa isang estudiante sa Caloocan. Kahit ang kasamahan niyang si Lowell “Boyet” Menorca II ay nagpatunay sa kaniyang “pagkatao” na labag sa aral na nakasulat sa Banal Na Kasulatan.

 
Ano ang dahilan ng kaniyang pagsama sa paglaban sa Pamamahala? “Grudge” dahil sa pagkakatiwalag sa kaniya. Ang natural namang reaksiyon ng isang tao ay kumampi sa kaaway o umaaway sa kinasaamaan mo ng loob.


Joy Yuson, a.k.a. “Kelly Ong”

 
Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lang ng katiwalian? Bago pa man ang sinasabi nilang pagsisilwalat ng kamalian sa social media at ang paglantad nila Angel Manalo sa paglaban sa Pamamahala ay natiwalag na si Eliodoro “Joy” Yuson sa dahilang paglaban sa Pamamahala. Hindi siya natiwalag dahil sa sinasabi nilang “pasisiwalat sa social media.” Bago pa man lumitaw si “Kelly Ong” sa social media (na hanggang ngayon ay todo tanggi pa rin na siya ito) ay tiwalag na si Joy Yuson. Kaya maling sabihin na natiwalag ang taong ito sa “pagsisiwalat daw ng katiwalian” (ang totoo ang kanilang isinisiwalat ay kasinungalingan).

“Matuwid at walang sala”? Noon pa man ay may mga ulat na siya ng katiwalian sa GEMNET na lalong nahayag noong siya’y naalis na dito. Involve siya sa Ubando Radio Transmitter Tower Anomaly bilang siyang may hawak daw ng “financial matters” ng GEMNET gaya ng kaniya mismong pahayag:
 
“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa aming tanggapan.”

Kung gusto ninyong mabasa ang detalye ng Ubando Radio Transmitter Tower Anomaly ay i-click ang link na ito:

Kung bakit hindi sila “napatulan” sa katiwaliang ito ay dahil sa pagtatakipan at dahil na rin sa magkapatid na Angel at Marc Manalo.

Bakit siya sumama kanila Angel at Marc sa paglaban sa kasalukuyang Namamahala sa Iglesia? Si Yuson din ang nagpatotoo mismo sa kaniyang  sarili na siya ay “bata” na noon pang 1995 ng magkapatid na Angel at Marc Manalo:

“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET). Nagsimula po ako sa aking tungkulin noong 1989 sa ilalim ng Pangangasiwa ng Kapatid na Felix Nathaniel V. Manalo at Kapatid na Marco Erano V. Manalo, mga anak ng namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Erano G. Manalo.”

Ang katapatan niya ay sa tao at hindi sa Diyos. Isa pang dahilan ng kaniyang pagsama sa paglaban sa Pamamahala ay upang mabawi ang malaking kapangyarihan at pakinabang na nawala sa kaniya lalo na sa pagka-alis sa “puwesto” ng kaniyang mga “amo”:

“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa aming tanggapan.
“Saklaw po ng operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay saklaw ng aming Tanggapan ang ilang bahagi ng housing distribution para sa aming mga kawani, ang Security Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni Cristo.
“Ang GEMNET din po ang nasa likod ng mga malalaking program presentations and television shows ng iglesia sa mga malalaking okasyon nito.
Maging ang mga communication equipment na ginagamit ng iglesia ay nagmumula po sa mga research ng aming tanggapan.”

Hindi kataka-taka na siya’y lumaban dahil sa nawala sa kaniya na malaking kapangyarihan at pakinabang, at hindi kataka-taka na patuloy siyang lumaban sa Pamamahala sa pag-asa na kapag muling napuwesto ang kaniyang mga “amo” ay mababalik din siya sa “puwesto.” Kaya, hindi maling sabihin na “sa laman at hindi sa kabanalan ang kaniyang layunin.”


 Konklusyon

Ang mga tinilakay sa unahan ay kabilang sa mga kinikilalang lider ng kanilang samahan. Napatunayan natin na sa katotohanan ay hindi ang dahilan ng kanilang pagkatiwalag ay dahil sa "nagsiwalat sila ng katiwalian." Bago pa man ang kanilang paglaban sa Pamamahala sa pamamagitan ng social media, sila ay tiwalag na sa iba'it ibang kadahilanan. Ang totoo ay hanggang ngayon ay nabubuhay sila sa ikinatiwalag nila kaya hinding-hindi pa rin sila maaaring ibalik sa Iglesia. Hindi rin banal o malinis ang kanilang layunin nila sa pagsama sa paglaban sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia - pansarili o personal lamang ang kanilang layunin. Mayroon pa tayong mga ibubunyag sa susunod.

To be continued


4 comments:

  1. Kayo na mga tiwalag at mga lumalaban sa pamamahala kahit katiting ni hindi sumagi sa isip ko na maniwala ako sa inyo noong lumabas ang kasinungalingan ninyo sa social media.Manupa'y nagclick sa isip ko ay,"MALAKI ANG GINAWA NINYONG KASALAN KONG BAKIT KAYO NATIWALAG!"Dahil alam ko at alam din ninyo kong ano ang aral at tuntunin ng Iglesia ni Cristo bago itiwalag ang isang tao.
    Noong mga nakalipas na mga taon may katanungan ako sa sarili ko.Ang tanong ko "Anong nangyari sa GEMNET? Bakit bigla itong nawala?"ngayon alam ko na ang kasagutan sa tanong ko at ngayon din maliwanag din sa akin ang dahilan ng pagkatiwalag ninyo mga lapastangan kayo.Tama lang na sabihin na ang katapatan ninyo ay sa tao at hindi sa dios.Maraming salamat kapatid sa patuloy na pagbibigay sa amin ng liwanag at kasagutan ng aking katanungan na matagal ng nakatago sa isipan ko. More power po sa inyo.

    ReplyDelete
  2. Sa lahat ng "Fallen Angels" at sa kanilang mga kasapi, kung gagamitin lamang ang inyong kaisipan magugunita ninyo ito'y paghahayag ng Diyos sa inyo. Patunay na ang inyong layunin ay hindi sa Diyos. Gng Teny, Marc at Angel alalahanin ninyo na ang IGLESIA ay sa DIYOS "hindi" sa inyo (Manalo) o kanino mang tao. Ito marahil ang paraan ng paghahayag ng DIYOS sa inyong maling paniniwala. Sana maliwanagan na ang inyong kaisipan na buhay ang DIYOS ng IGLESIA NI CRISTO.

    ReplyDelete
  3. In my point of view, ito ay isang lihim na family disputes sa ka Erdy, naghintay lang sila ng tamang panahon para maisagawa nila ang kanilang plano na pabagsakin ang Tagapamahala, na naka layout na din kung sinu-sino ang kanilang kakatulungin. Ang nakikita ko, gagamitin lang nila ang salitang "corruption" ngunit sa likod nito ay pag agaw sa minimithi nilang kapangyarihan sa ka EVM. Maraming kulang sa mga plano nila, hindi nila pinag handaang mabuti...hindi nila akalaing ititiwalag silang tatlong magkakapatid kasama ng kanilang Ina. Hindi rin sila aware sa ruling ng Iglesia para sa mga tiwalag, para bagang nagugulat pa sila at ang mga supporter sa action ng Iglesia sa kabuuan sa pag aalis ng karapatang nila sa lahat ng kanilang tinatamasa. Hindi rin sila aware na ang Iglesia ay hindi pag aari ng mga Manalo, so kung anoman ang meron sila ngayon na pag aari ng Iglesia dapat lang na alisin. Kaya hindi totoong kaya sila natiwalag ay sa pagsisiwalat, bottomline kapangyarihan at kapakinabangan yan ang kanilang mithi. Salamat po...

    ReplyDelete
  4. Mga tiwalag na naghahabol ng pansariling pakinabang at ang naisip na parang blac propaganda na naging resulta ng Restore the Church kuno na alam naman nilang walang kaligtasan

    At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas. Gawa 4:12

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)