ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 60
ANG IPINAGMAMALAKI NILANG
“AUDIO RECORDING”
AKALA KO MALA-“HELLO GARCI” NA,
AY HINDI NAMAN PALA!
“Ang naniniwala sa sabi-sabi
ay walang bait sa sarili”
AKALA ko pa naman ang
sinasabi nilang “audio recording” ay isang “bug” na kung baga ay isang pagsasalita
ng isang main character involved o pag-uusap ng mga main characters involved na
na-record kung saan ay nai-spill ang ginawa nilang “anomalya” o katiwalian –
parang gaya ng “Hello Garci” ni Gloria. AY HINDI NAMAN PALA!
Ito ay pagkukuwento lamang ng
isang tao na ini-record lang. Isang ONE-SIDED na pagko-komento ng isang taong
hindi nagpakilala. Kaya, maitutumbas lang natin ito sa ginagawa ng mga End-Time
Antichrists (mga Fallen Angels) sa socal media (pareho ang recipe – dummy account
o ayaw magpakilala, nakatago ang identity, puro pagtuturo at kuwento lamang,
wala namang maipakitang konkretong ebidensiya). Kung sa mga Fallen Angels ay “paninira”
sa social media na gamit ang “pagsulat” (written), ito ay ktulad na katulad din
ng paninirang ginagawa nila “recorded” nga lamang. Kaya, hindi kami takot na
ito’y mapakinggan ng iba para makita nilang totoo ang sinasabi namin ukol dito:
https://soundcloud.com/antonio-ebangelista-613096727/audio-recording-general
MAPANGHAHAWAKAN BA ANG MGA
PAHAYAG SA “AUDIO RECORDING” NA ITO? Kahit si “Antonio Ebangelista” ay AMIDO na
ang mga pahayag sa “audio recording” na ito ay “WALANG KONKRETONG EBIDENSIYA”:
“Dear Mr.
Whoeveryoumaybe,
“Thank you for
your efforts in writing and sending me this voice record. Unfortunately I
cannot confirm nor deny any of these statements due to THE LACK OF DOCUMENTARY
EVIDENCES. Although a lot of what was discussed are really open secret amongst
the brethren, especially those in the “circle of trust” of the Ministers
and the Sanggunian. Hopefully more and more people will come out so that the
undeniable truth will be revealed for all to accept, especially the blinded
ones.” [https://incsilentnomore.wordpress.com/2015/12/08/audio-recording-the-open-secret/,
Ephasis mine]
Nakapagtataka ba na wala naman
palang matibay na ebidensiya subalit bakit inilathala (published) ang “audio
recordings” na ito sa social media? Hindi, sapagkat hindi naman ang layon nila
ay magsiwalat ng katotohanan, kundi ang pasamain ang Pamamahala ng Iglesia at
ang mga katuwang ng Pamamahala – ang magbigay ng malisya, magkalat langng
tsismis, at hindi ang mag-ulat ng tama. Iyan ang madalas nating makita sa mga
Fallen Angels. Kaya hindi katakataka na pagkatapos na aminin ni “AE” na ang mga
pahayag sa “audio recordings” na ito ay WALANG EBIDENSIYA naroon pa rin ang mga
komento niya na ang layunin ay magbigay “malisya.”
SA ISANG TUNAY NA NAG-IISIP AY
MAPAPANIWALA BA AGAD NG “AUDIO RECORDING” NA ITO? HINDING-HINDI sapagkat:
(1) madaling gumawa ng ganitong
“audio recording,” na ang totoo ay puwede ang kahit sino na gumawa ng “audio
recording” para naman kay Angel, Boyet Menorca, Yuson at iba pa;
(2) “one-sided” ang “audio
recording na ito na lumalabas nga ay kuwentuhan o yabangan lang ito, na malaki
ang posibilidad na “sinadya” ang “usapang” ito at ini-record para sa layuning
ilabas sa social media at magbigay ng “malisya” laban sa nais nilang siraan;
(3) puro kuwento (tsismis) lang
at maliwanag na walang konkretong ebidensiya, kaya nga kahit sa korte ay hindi ito
“admissable” o tiyak na hindi ito tatanggapin sapagkat nahuhulog lang sa “hearsay”
o “tsismis”;
(4) “anonymous” kaya walang
pinagka-iba sa istilo ng mga Fallen Angels na pagtatago sa “dummy account” at
magpost sa social media ng mga alegasyon at paninira, nakatagpo lang sila ng
bagong “medium” – “recorded audio.” Bakit takot lumantad ang nasa “audio
recording” na nagpaparatng ng kung anu-ano laban sa mga ministro at laban sa
mga kilalang pulitiko? Dahil tiyak niyang SANGKATUTAK NA “LIBEL CASES” ANG
AABUTIN NIYA HINDI LAMANG SA MGA SINISIRAN NIYANG MINISTRO NG IGLESIA, KUNDI SA
MGA ISINASANGKOT NIYANG PULITIKO.
Kaya, maniniwala ka ba agad
dito?
May kasabihan nga tayo na
“ang naniniwala sa sabi-sabi ay
walang bait sa sarili.”
mga ewan lang ang hanggang ngayon ay napapaniwala ng fallen angels.
ReplyDeleteanyway,kapatid,pwede po ba kayo magblog ng tungkol sa bagong tagumpay na naman ng INC sa US court at Court of appeals para maishare ko po ule.salamat po.Nasa inquirer.net po ang buong pahayag.