ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(End-Time Antichrists)
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
part 55
PAGTATAYO NG
600 BARANGAY
CHAPELS
AY KATIBAYAN
NG MATALINONG PANGANGASIWA SA IGLESIA
PARA sa mga kumakalaban sa
Pamamahala, sa mga End-Time Antichrists (“Fallen Angels”), minamasama nila ang
pagtatayo ngayon ng mga “barangay chapels.” Ganito ang kanilang pagpuna na
ginagawa ukol dito:
“Mula sa mga
malalaki at magagarang gusaling sambahan na may 400 na di bumababa mula 10
hanggang 80Milyon kada isa na ipinatatayo sa panahon ng KA ERDY ay nauwi ito sa
mga "Barangay Chapels" na may halaga lamang 1Milyong piso kada ngunit
pinatutubuan ng 2Milyon ng mga kontratista.”
Sa pagsagot natin sa kanilang
alegasyong ito ay hindi natin pinagkukumpara ang dalawang Namahala sa Iglesia
na gaya ng ginagawa nina Angel at Yuson sapagkat UNA sa lahat ay LABAG ITO SA
MINISTERIAL ETHICS NG MGA MINISTRO na pagkumparahin ang dalawang nangasiwa o
namahala. Hindi naman kataka-taka na labagin nila ito sapagkat hindi lang ito kundi
napakarami na nilang nilabag at nilalabag na isinasaad sa ministerial ethics ng
mga ministro. IKALAWA, tandaan natin na ANG
BAWAT NAMAMAHALA SA IGLESIA AY TINUTUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN NG PANAHON. Sagutin natin ngayon ang kanilang ipinupuna
sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia.
WALA BANG
IPINATAYONG MALALAKING KAPILYA SA
PANAHON NI
KAPATID NA EDUARDO V. MANALO?
Sa kanilang pagpuna ng mga
kumakalaban ngayon sa Pamamahala ng Iglesia ay pinalalabas nila na para bang sa
panahon ng Pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo ay walang ipinatatayong
malalaking kapilya na tulad ng sa panahon ni Kapatid na Erano G. Manalo kundi pawang
“barangay chapels” lamang o maliliit na kapilya lamang. Kung hindi magsisiyasat
na mabuti ay maaaring madaya ng mga pananalitang ito (pandarayang ito) ng mga
kumakalaban ngayon sa Pamamahala ng Iglesia.
ANG KATOTOHANAN: sa 843 na mga
kapilya na naipatayo mula 2011 hanggang kalagitnaan ng 2015 ay hindi pawang
“barangay chapels” kundi nasa mahigit 100 lamang. Kung may naririnig tayo na binabanggit
na 400 ‘barangay chapels” ay ito ang kasalukuyang itinatayo. Isa pang dapat tandaan
ay ang 843 na kapilya na natapos ay noon lamang 2011 hanggang kalagitnaan ng
2015. Hindi kabilang sa bilang na 843 ang naipatayo sa 2009 at 2010.
Sa mga natapos na ipatayo na
mga kapilya, sa Quezon City lamang ay kabilang na ang kapilya ng Araneta, Batasan
Hills, Pilot, Payatas at ang 3,000 seating capacity na Capitol. Ang banggit nga
ni Ka Bien G. Manalo sa isang interview sa kaniya ng programang “Pundasyon,”
ang Capitol ang pinakamalaking kapilya na naipatayo pagkatapos ng Templo
Central noong 1984. Sa iba pang distrito o panig ng Pilipinas ay marami pang
malalaking kapilya ang naipatayo.
BAKIT BA
NAGTUON TAYO NG PANSIN SA
PAGTATAYO NG
“BARANGAY CHAPELS”?
Gaya ng ating nabanggit sa
unahan, ang bawat Namamahala sa Iglesia ay tumutugon sa pangangailangan ng
bawat panahon. Natatandaan ba ninyo ang proyekto ng Pamamahala na “Barangay
Evangelical Mission” na naglalayon na maipa-abot sa mga tao ang mensahe ng
kaligtasan sa mga barangay kasama na ang mga liblib na dako, lalo na sa mga
wala pang nakatatag na lokal. Naging matagumpay ang ating “Barangay Evangelical
Mission” lalo na sa mga probinsiya, subalit ang naging suliranin ay bagamat marami
ang gustong magpadoktrina at umanib sa Iglesia, ngunit walang pagsamba o lokal
sa kanilang dako o barangay. Dito bumangon ang solusyon na magtayo ng “barangay
chapels.”
Ano ang kaibahan ng “barangay chapels” sa karaniwang pagtatayo ng bagong
kapilya?
Ang karaniwang kalakaran ay
nagpapatayo tayo ng bagong kapilya para sa lokal na nangangailangan na ng higit
na malaki at maayos na sambahan (may lokal na ngunit nangangailangan ng bagong
kapilya). Ganito ang karaniwang kalakaran sa panahon ni Kapatid na Erano G.
Manalo. Ipinagpatuloy din ni Kapatid na Eduardo V. Manalo ang kalakarang ito,
kaya mula 2009 hanggang sa kasalukuyan ay daan-daan ang mga bagong kapilya ang
naipatayo para sa mga lokal na nangangailangan at daan-daan pa rin ang
kasalukuyang ipinatatayo na bagong kapilya para sa mga nangangailangang lokal.
Subalit, sa kalakarang ito na
ang kasalukuyang Pamamahala ay ipinagpapatuloy ang pagtatayo ng mga bagong
kapilya sa mga lokal na nangangailangan, ay inilunsad ni Kapatid na Eduardo V.
Manalo ang pagtatayo ng “barangay chapels.” ANG “BARANGAY CHAPEL” AY
IPINATATAYO SA MGA DAKO O BARANGAY NA WALA PANG LOKAL O PAGSAMBA.
Kaya, sa pagtatayo ng “barangay
chapel” ay may bago ng kapilya at may bagong tatag din na lokal. Anupa’t sa
bawat “barangay chapel” na natatag ay bagong lokal din ang natatatag (kung
mayroon mang dati nang lokal na napatayuan ng “barangay chapel” ay maaaring
hinihingi lang ng pagkakataon, subalit ang karaniwang kalakaran ay ang
pagtatayo ng “barangay chapel” ay pagtatayo rin ng lokal sa dakong
pinagtayuan).
Samakatuwid, kung ang plano ng
Pamamahala ay makapagtayo ng mahigit sa 600 “barangay chapels,” pagkatapos nito
ay mayroon tayong mahigit 600 na bagong lokal sa buong Pilipinas. HINDI ISANG
MALIIT NA BAGAY ANG MAKAPAGTATAG TAYO NG MAHIGIT NA 600 BAGONG LOKAL SA BUONG
PILIPINAS SA LOOB LAMANG MAIKLING PANAHON.
Dapat din nating maunawan na kung
nagtuon ng pansin ang Pamamahala sa pagtatayo ng “barangay chapels” at dahil
dito ay may ilang lokal na “naghintay” na sila’y matayuan ng bagong kapilya ay
wala namang pinsalang naidulot sa lokal na naghihintay sapagkat sila’y lokal
na, may pagsamba nang may pansamantalang gusaling sambahan. Kaya, hindi isang
malaking bagay o isang malaking isyu na maghintay pa sila ng konting panahon.
Samantalang, ang pinatatayuan ng “barangay chapels” ay mga wala pang pagsamba
sa dakong iyon gayong maraming mga naghihintay na mabautismuhan at maging
kaanib sa Iglesia sa mga dakong iyon. KAYA, ANG PAGLULUNSAD NG PAMAMAHALA NG
PAGTATAYO NG BARANGAY CHAPELS AY PAGTUGON NG PAMAMAHALA SA AGAD NA HINIHINGI NG
PANAHON.
Sa pagtatayo ng mga “barangay
chapels” ay hayag na hayag ang matalinong pangangasiwa sa Iglesia. Kung ang
bawat “barangay chapel” ay nagkakahalaga ng humigit kumulang na I milyon bawat
isa, kaya ang 600 barangay chapels ay nagkakahalaga ng 600 milyon. Kung ang
isang kapilya ayon nga sa kumakalaban sa Pamamahala ay may halagang 80 milyon
ang karaniwan, kaya sa halagang 600 milyon ay mga walong kapilya lamang ang
maipatatayo. Dahil dito, walong lokal lamang (na dati na rin namang may
pansamantalang sambahan at nakapagsasagawa ng pagsamba) ang magkakaroon bagong
kapilya, samantalang sa “barangay chapels” ay 600 dako ang magkakaroon hindi
lamang ng bagong kapilya kundi ng bagong lokal. KAYA MATALINONG PANGANGASIWA SA
IGLESIA NA ITO’Y PINAGTUUNAN NG PAMAMAHALA NG PANSIN.
Tandaan na nagsimula ang
pagtatayo ng mga “barangay chapels” dahil sa puspusang pagpapalaganap na
isinagawa ng Iglesia sa kasalukuyan bunga ng pagtugon sa proyekto ng Pamamahala
na “Masaganang Pagbubunga.” Dahil dito, maraming tao sa mga liblib na dako at
sa iba’t ibang barangay ang naaakit na umanib sa Iglesia subalit walang
pagsamba sa dako nila o malayo sila sa nakatatag na lokal. Kaya, hinihingi ng
panahon na upang huwag masayang ang ginawa ng Iglesia na puspusang pagpapagal
na maipalaganap ang Ebanghelyo sa paraang makapagtatag agad ng pagsamba at
lokal sa mga iba’t ibang dako lalo na sa maraming naakit. KAYA MATALINONG
PANGANGASIWA NG PAGPAPALAGANAP ANG PAGTUON NG PANSIN SA PAGTATAYO NG MGA “BARANGAY
CHAPELS.”
ANG “BARANGAY
CHAPELS” AT
ANG “TYPHOON
AID CHAPELS”
Ikinukumpara ng mga
kumakalaban ngayon sa Pamamahala ang “barangay chapel” sa tinatawag na type F o
“typhoon aid” na ipinatayo sa panahon ni Kapatid na Erano G. Manalo. Nagkaroon
din ng pagkakataon sa panahon ng pamamahala ni Kapatid na Erano G. Manalo na
nagtuon ng pansin sa pagpapatayo ng mga “typhoon-aid chapels” (1995-1999).
Nagsimula ito dahil sa maraming napinsala ang sunod-sunod na malalakas na bagyo
tulad ng Bagyong Rosing at Bagyong Loleng. Ginawa ni Ka Erdy na magtuon din ng
pansin sa pagpapatayo ng mga “typhoo-aid chapels” (halos katulad din ng “barangay
chapels”) dahil sa iyon ang hinihingi ng panahon.
Subalit, ipinagkukumpara ng
mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala ang halaga ng dalawang ito at ang konklusyon
nila ay tinubuan daw ng malaki ang “barangay chapels.” Napansin ba ninyo ang kamangmangan ng mga kumakalaban sa Pamamahala?
Tandaan na ang pagtatayo ng “typhoon-aid chapels” ay noong 1995-1999.
Pagkatapos ay ikukumpara nila sa halaga ng “barangay chapels” na itinayo
ngayong panahong ito (2013-2015). Pareho ba ang halaga ng piso noon sa halaga
ngayon? Kaya hindi kataka-taka na higit na mas malaki ang halaga ng “barangay
chapels” sa “typhoon-aid chapels.” Kung mayroon mang natayo na barangay chapel
na ang nagtayo ay “kontratista,” subalit ang higit na nakararami sa natayo at itinatayong
barangay chapels ay ang INC Engineering and Construction ang gumagawa. Kung
totoo ang akusasyon ng mga End-Time Antichrists (Fallen Angels) na tinubuan daw
ng malaki ng mga kontratista, bakit halos pareho lang ang halagang nagugol ng
gawa ng kontratista sa gawa ng INC Engineering and Construction?
Marami raw sa “barangay
chapel” ay itinayo sa mga lupang lease o pahiram at donasyon lamang. Ang totoo
ay siyasatin ninyo ang “typhoon-aid chapels” na itinayo sa panahon ni Ka Erdy
ay pawang natayo rin sa mga lupang pinahiram o donasyon. Ito ay sapagkat
lubhang kinakailangan na noon ang maipagpatayo ng kapilya ang mga lokal na ang
kapilya ay nasalanta ng malalakas na bagyo. Kung dadaan pa siya sa karaniwang
proseso na bibili pa ng sariling lupa ang Iglesia at saka patatayuan ng
kapilya, alam nating may mga lokal na baka hindi lamang matagalang mapatayuan
kundi baka hindi na mapatayuan talaga ng kailangang-kailangan nilang “typhoon
aid chapels.” Ang totoo, pagkatapos na matayuan ng mga “typhoon aid chapels”
ang mga lokal ay doon nila inasikaso ang makabili ang lokal ng sariling lupa,
kaya marami na rin sa mga natayuan noon ng “typhoon aid chapels” ang ngayon ay
may bagong kapilya na na nakatayo sa nabili ng lokal na lupa. Sa pagpuna ng mga
kumakalaban sa Pamamahala ay nahahayag ang kanilang kamangmangan. Hindi nila iniisip
ang pagtugon sa kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan ng panahon.
Tulad sa “typhoon aid chapels”
noon ay ganyan din ang sitwasyon ng “barangay chapels.” Tandaan na ito ay
itinayo/itinatayo sa mga wala pang lokal o pagsamba. Maghihintay pa ba tayo na
makabili ng lupa para matayuan ng kapilya at makapagtatag ng lokal sa dakong iyon?
Tandaan na nagsimula ito dahil sa puspusang “Barangay Evangelical Mission.”
Lubhang hinihingi na ng panahon na magkaroon ng pagsamba at lokal sa mga dakong
iyon upang maani na ang bunga ng puspusang pagpapagal ng Iglesia sa gawaing
pagpapalaganap. Tandaan din na marami sa pinagtayuan ng “barangay chapels” ay
mga liblib na barangay na mayroong problema pa sa mga titulo ng lupa. Lubhang
hinihingi na ng panahon ang makapagpatayo na agad ng pagsamba at lokal, kaya
ang pagkakaroon ng sariling lupa at hanggang sa matayuan ng konkretong kapilya
ay maaari namang gawin pagkatapos na matatatagan ng lokal at “barangay chapel” ang
kinauukulang dakong.
KONKLUSYON
Hinihingi ng panahon na
makapagtatag ng pagsamba at lokal sa mga dako na wala pang pagsamba at lokal,
kaya dumating ang panahon pinagtuunan ng pansin ng Pamamahala ang pagtatayo ng
mga “barangay chapels” bilang tugon sa puspusang pagpapalaganap na isinagawa ng
Iglesia (ang “Barangay Evangelical Mission”) nang sa gayon ay huwag masayang
ang ginawang pagpapalaganap ng Iglesia sa iba’t ibang dako o barangay upang
lalo pang maipalaganap ang salita ng Diyos at makapagtatag pa ng mga lokal sa
iba’t ibang dako. Sa kasalukuyan ay patuloy nang natatapos ang maraming “barangay
chapels” at ngayon ay marami nang sinimulan na pagtatayo ng mga malalaking
kapilya sa iba’t ibang dako.
TUNAY NA NAHAYAG NA NAMAN ANG
MATALINONG PANGANGASIWA NG KASALUKUYANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, ANG
KAPATID NA EDUARDO V. MANALO, NA NATUTUGUNAN ANG KASALUKUYANG HINIHINGI NG
PANAHON.
Talagang hayag ang patnubay ng Espiritu santo sa Kapatid na Eduardo V. Manalo nakikita laging ang iniisipa ang kapakanan ng buong Iglesia.
ReplyDeleteNoong nagturo po ang kapatid na EGM sa mga amin napagkatiwalaan po ako na magturo noon sa mga nagmamanggagawa ang panukala po ng ka EGM ay kung maaari makapagpatayo ng kapilya sa bawat block o baranggay para maiwasan na din po ang mga nasa kalagayang MS o madalang sumamba. Para wala ng dahilan na kaya di nakakasamba ay dahil sa malayo ang tinitirhan sa dako ng pagsamba. Hindi lang sila talaga nakikinig sa pagtuturo ng kapatid na EGM noon o narinig nila pero di nila inunawa. Mga desperado na po yan sila, palibhasa ang mga gawain nilang tiwali ibinabato sa kasalukuyang Pamamahala at mga Pangunahing pinagkakatiwalaan.
ReplyDeletetrapong-trapo ang dating talaga ng mga fallen angels...mangmang na sila sa kasaysayan ng Iglesia ,mangmang pa sa ekonomiya ng ating bansa.
ReplyDeleteMas pinili po nila na ang sundin ang kadiliman kay sa utos at mga kalooban ng Dios.Kong paano sinisinop ng ka EVM ang mga kaanib upang mapalapit sa Dios at mapalapit sa bahay sambahan ganon naman ang pagtutol ng mga nasa kadiliman.Sana maramdaman nila ang kasiyahan na nararamdaman ng mga kapatid dahil sa nabiyayaan sila ng mga brgy.chapel dahil alam ng mga kapatid na bukod sa mapalapit sila sa Dios maging sa dako ng pagsamba hindi na sila mahihirapan pang maglakbay ng malayo.Nahahayag po talaga na ang layunin ng Ka EVM ay maiayos at mapatatag ang bawat kaanib sa pananampalataya upang maihanda ng karapatdapat sa harap ng Panginoong Jesus pagdating sa araw ng paghuhukom.Yong ninanais ng ka EGM noon na magpatayo ng mga brgy.chapel ay ipinagpatuloy na lang ni ka EVM dahil kailangan at karapatdapat na gawin lalo na sa panahon ngayon marami na ang mga kaanib saang sulok man sa mundo.Dios ang gumagabay sa Iglesia,Kay ka EVM at sa lahat na mga nangunguna.Kaya yong mga nasa kadiliman kahit kailan hindi magtatagumpay kahit ano pa ang gawin nilang pag uusig.Ipagpatuloy lang po natin mga kapatid ang ating pagpapanata.
ReplyDeleteHabang puna ng puna ang mga kumakalaban ay lalong lumalabas ang katalinuhan, kabutihan at kagalingan ng kasalukuyang pamamahala sa loob ng Iglesia at sa kabilang dako naman lalong lumalabas ang kamangmangan, kasamaan at kabobohan ng mga tiwalag sa Iglesia. Kung sila pala ang naluklok sa posisyon talagang kaawa awa ang sasapitin ng mga kapatid dahil walang Espiritu ng Dios ang mga taong ito. Ngunit hindi pababayaan ng Dios ang kanyang iglesia, lalong pagpapalain niya ang kasalukuyang pamamahala dahil sinusunod nito ang kanyang kalooban, kabaligtaran naman ang siguradong sasapitin ng mga kumakalaban. Kaparusahang walang hanggan. Kaya't sana habang may pagkakataon magsisi na sana kayo at manumbalik dahil lubog na lubog na kayo sa kahihiyan kayong mga tiwalag
ReplyDeleteAko po bilang kaanib sa INC ay hindi nagtataka sa mga makabagong mang-uusig sa INC na dati pa man ding mangangaral sa INC.una ang INUUSIG ay isa sa kahayagan ng pagiging tunay,Juan 15:18.
ReplyDeleteikalawa ay sila ang mga pangunahing NAGPAPATOTOO sa kahalalan ng INC kasama ng mga pangkati ng pananampalatayang galit sa INC sa pagbubunyag ng mga maling aral nila!
kaya hindi po ako nanghina man lang o natigatig sa pananampalataya ko, manapa ay lalo akong tumibay dahil masyado ng malapit ang araw ng pagdating ng ating panginoong Jesucristo na siyang tatapos sa lahat ng mga kaaway.
Sa Diyos ang kapurihan ng lahat ng ito!
ReplyDeleteang sinumang maiiwang matatag hanggang wakas ay siyang maliligtas
ReplyDeleteSa Distrito ng Misamis occidental ay may 6 na barangay chapel na natayo sa mga liblib na dako upang doon ay mailapit ang sambahan ng dumaraming bilang ng mga nagpapadoktrina. Salamat po sa Diyos na naglagay sa Pamamahala. Natutugunan ngayon à ng pangangailangan ng Iglesia sa kabuuan.
ReplyDelete