ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 75
ANG
KATOTOHANANG
LUMALABAS NGAYON
AY
HINDI ANG
SINASABI NG KAMPO
NINA LOTTIE
AT ANGEL, KUNDI
ANG SINASABI
NG INC
Patuloy na
lumalabas ang mga patotoo na nagpapasok sila ng mga di kilalang armadong
kalalakihan sa No. 36 Tandang Sora na nagsasapanganib sa seguridad ng INC
Central Office at ng Tahanan ng Tagapamahalang Pangkalahatan
NOON pa man ay sinasabi na ng
INC na nagpapasok ang kampo nina Lottie at Angel ng mga hindi kilalang armado
at “nakamaskarang” mga lalake sa loob ng compound ng No. 36 Tandang Sora kung
saan ay katabing-katabi lamang ng compound ng INC Central Office at ng
tinitirhan ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo,
ang Kapatid na Eduardo V. Manalo. Sapagkat ito ay MALAKING PANGANIB hindi
lamang sa seguridad ng INC Central Office, kundi maging ng ating minamahal na
Tagapamahalang Pangkalahatan at ng kanilang pamilya, kaya ang INC ay GUMAWA NG
LEGAL NA HAKBANG. Nagsampa ang INC ng Petition
for Injunction sa korte:
“The court’s
order for inspection is part of the ongoing case INC filed against Angel Manalo
and company seeking legal injunction of its property. This was prompted by
CCTV-recorded incidents in which unidentified men wearing masks were coming in
and out of the property without due permission from INC officials.” (Source:
Eagle News)
Dahil nga sa nagpapapasok at
nagpapatuloy ang kampo nina Lottie at Angel sa loob ng No. 36 Tandang Sora at
ang nasabing compound ay may “access” sa INC Central Office at sa compound ng
tahanan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo kaya naglagay ng “bakod” ang INC upang
magsilbing proteksiyon sa Iglesia at sa Tagapamahalang Pangkalahatan.
Subalit, ang sinasabi naman ng
kampo nina Lottie at Angel ay ang “kasong” isinampa ng INC ay isang uri raw ng
panggigipit at pang-aapi sa kanila. Ang paglalagay daw ng guardhouse at guwardiya
sa gate ng No. 36 Tandang Sora ay pagsikil daw sa kanilang kalayaan. Pinalalabas
din nilang ang “pagbabakod” ng INC ay “pagkulong” daw sa kanila at paglabag daw
sa kanilang “human rights.” Nagpalabas pa si Lottie ng larawan sa social media
kung saan ay “umaakyat siya ng hagdan” para palabasin na sila’y “nakakulong.”
Nagpalaganap pa ang kanilang mga “alipores” sa social media na “free lottie and
angel” campaign. Ang puno’t dulo pala ng mga ito ay para patigilin ang
pagtatayo ng “bakod” ng Iglesia upang mapigilan ang pagsasara ng “access” sa No. 36 Tandang Sora sa INC
compound at sa tahanan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo.
[Nota: Ang bakod na itinatayo
ay hindi kumukulong sa tinitirhan nina Lottie at Angel kundi doon lamang sa mga
bahagi na may “access” ang No. 36 Tandang Sora upang ito’y maisara para sa
seguridad ng INC Central Office at ng tahanan ng Tahapamahalang Pangkalahatan]
KUNG TOTOO NA
NAGPAPASOK SILA NG MGA DI KILALANG ARMADONG KALALAKIHAN SA NO. 36 TANDANG SORA
KUNG SAAN SILA TUMUTULOY, AT PINIPILIT NILANG IPAHINTO AT IPAALIS ANG
ITINATAYONG “BAKOD”, ANO SA PALAGAY NINYO ANG KAHULUGAN NITO? MASASABI BA NA
SILA’Y MAY MALINIS NA INTENSIYON?
Ang pagtutol nila sa
pagbabakod na ginagawa ng INC upang tiyakin ang seguridad ng INC Central Office
at ng Tagapamahalang Pangkalahatan ay hindi maitatanggi. Subalit, ang
itinatanggi nila at ipinagdidiinan na hindi raw totoo ay ang nagpapasok sila ng
mga di kilalang armadong kalalakihan sa loob ng compound ng No. 36 Tandang
Sora.
Kung totoo na nagpapasok sila
at pilit pa ring nagpapasok ng mga di kilalang armadong kalalakihan sa No. 36
Tandang Sora ay LALABAS na hindi totoo
na ang sinasabi nila na pang-aapi lang daw sa kanila kaya raw sila
sinampahan ng kaso sa korte para sa Petition
for Injunction, kundi ang totoo ay
ang sinasabi ng INC na ito ay upang masiguro ang seguridad ng INC Cenral
Office compound at ang compound ng tahanan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo; hindi totoo ang sinasabi nila na ang
dahilan daw ng paglalagay ng guardhouse at mga guwardiya sa harap ng gate ng
No. 36 Tandang Sora ay para i-harass sila, kundi ang totoo ay ang sinasabi ng INC na ito ay para mapigilan ang pagpapasok
ng mga di kilalang armadong lalake at maging ng anumang magsasapanganib sa
seguridad tulad ng mga bomba at armas; at hindi
rin totoo ang sinasabi nila na ang pagtatayo ng INC ng bakod ay pagkulong
at pang-aapi raw kanila Lottie at Angel, kundi ang totoo ay ang sinasabi ng INC na ito ay para lang isara ang
“access” at tiyaking walang “masamang elemento” na makapapasok sa INC Central
Office at sa compound ng tahanan ng Tagapamahalang Pangkalahatan.
HINDI NGA BA TOTOO
NA NAGPAPA-PASOK SILA NG MGA ARMADONG KALALAKIHAN SA LOOB NG COMPOUND NG NO. 36
TANDANG SORA?
Nailabas na namin ang mga
larawang ito na nagpapakitang totoong may mga di-kilala, armado at nakamaskara
pang mga kalalakihan na pinatuloy at pinapasok nina Angel at Lottie. Ito ang
ilan sa mga larawang ating binabanggit:
Pakibasa ang aming
artikulo ukol dito:
Sa video namang ito ay
makikitang ipinipilit nila Lottie na papasukin ang mga armadong kalalakihan sa
loob ng compound na pinigilan lamang ng mga security guard ng INC. Makikita rin
kung papaanong inagaw nila ang “metal detector” at tinutukan ng baril ang mga
guwardiya ng INC:
AT NGAYON AY MAY LUMABAS PANG
DOKUMENTO NA IBINALITA NG ISANG PAHAYAGAN NA NAGPAPATUNAY NA ANG “MGA SECURITY”
NI LOTTIE KAPAG DUMADALO NG HEARING AT LALO NA ANG ISINAGAWA NILANG PRESSCON
NOONG JANUARY 15, 2016 AY “MGA SUNDALO” NA AYON SA NASABING PAHAYAGAN AY
KATIBAYAN NA MAY PAGSASABWATAN SA
PAGITAN NG KAMPO NINA LOTTIE AT “MGA ARMADONG KALALAKIHAN” NA AYON DAW SA MGA
PROMINENTENG DOKUMENTO AY TINAWAG SILANG “MARINES”. Basahin natin ang nasabing
News Article:
MILITAR KASAWSAW SA GUSOT SA INC
(KONTSABAHAN NAKADOKUMENTO)
Hataw: Diaryo ng Bayan
NAGLITAWAN
ngayong linggo ang mga dokumentong maaaring magturo sa pagkakasangkot ng
militar sa awayan sa pagitan ng Iglesia Ni Cristo (INC) at ng kampo ng dalawang
kapatid ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo na sina Lottie
Manalo-Hemedez at Angel Manalo – hinggil sa #36 Tandang Sora, Quezon City na
pagmamay-ari ng Iglesia.
Ang mga
dokumento, nakadetalye ang iskedyul, oras, destinasyon at mga pagpipiliang
hakbang sakaling may mangyaring iba sa inaasahan sa mismong araw ng press
conference ni Hemedez na isinagawa noong nagdaang Biyernes, ika-15 ng Enero, ay
prominenteng nagsasaad ng salitang “marines” na tumutukoy sa kanyang security
escorts.
Isang aktibong
marines na nagngangalang Reuben Santiago ayon sa isang dokumento ang tumayong
leader ng security team para kay Lottie Hemedez, samantala isang nagngangalang
Lowell Menorca II ang nakasaad na ‘main organizer.’
Usap-usapan sa
hanay ng mediamen ang kapansin-pansing mga kasamahan nito na nagbibigay
seguridad kay Hemedez tuwing humaharap at nakikipagpanayam sa media.
Napabalita rin
ang mainit na pakikipagtalo sa mga itinalagang security guard ng INC sa harap
ng gate ng #36 Tandang Sora nang magpumilit pumasok sa nasabing address si
Hemedez kamakailan lamang.
Pagkahupa ng
nasabing gulo, nagpalitan ng akusasyon ang dalawang armadong kampo hinggil sa
pagbunot umano ng armas ng kaalitang panig habang nakikipagtalo.
Nang tanungin
tungkol sa nabanggit na dokumento, sinabi ni INC Spokesman Edwil Zabala na wala
silang impormasyon hinggil dito, ngunit inamin na ang INC “ay nakatatanggap ng
mga ulat sa paglabas-masok ng mga naka-bonnet na armadong kalalakihan” sa
pinagtatalunang ari-arian sa compound ng INC.
“Ang paglabas-masok
ng kahinahinalang mga taong nakatago ang mukha ay mismong dahilan kung bakit
pinaaalis namin sa nasabing compound si Ms. Hemedez at ang mga kasamahan niya
doong itiniwalag na miyembro ng Iglesia,” ayon kay Zabala.
Ayon sa
ministro, pinaiiral ang “maximum tolerance” at hinahon sampu ng kanilang
pagpayag sa patuloy na paninirahan sa nasabing compound ng Iglesia ni Hemedez
at ng kanyang pamilya matapos matiwalag bilang miyembro ng INC.
“Ngunit, ang
pagpasok at pananatili sa compound ng mga armadong lalaki ang siyang nagtulak
sa amin na magpasyang putulin ang arrangement na ito,” paliwanag ni Zabala,
“dahil sa implikasyon sa aming seguridad at bantang dulot ng mga kahinahinalang
tao malapit sa headquarters ng Iglesia.”
Ayon kay Zabala,
ang “pagkakasangkot ng marines” at ang “coordinated media events” ng pamilya
Hemedez “ay nagpapatunay lamang sa planado, sistematiko at organisadong
kampanya upang gibain ang reputasyon ng INC.
“Nakalulungkot
dahil usaping legal ito na nakalagak sa pagpapasya ng hukuman ngunit tila
determinado ang aming mga kritiko na gawin itong isang ‘media spectacle’ –
kapalit ang pagkakakilanlan at imahe ng Iglesia.
Maitatanggi ba na walang
masamang intensiyon kung nagpapapasok ng mga di-kilalang armadong kalalakihan
at naka-bonnet pa, at TUTOL pa at ginagawa ang lahat para mapatigil ang
pagtatayo ng bakod na nagsasara sa “access” nila sa INC Central Office at sa
compound ng tahanan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo?
SAMAKATUWID, ANG KATOTOHANANG
LUMALABAS NGAYON AY HINDI ANG SINASABI NG KAMPO NINA LOTTIE AT ANGEL, KUNDI ANG
SINASABI NG IGLESIA NI CRISTO.
SILA ANG TUNAY NA MAY MASAMANG INTENSIYON AT GINAGAWA AT HINDI ANG INC!
Ang IGLESIA NI CRISTO ay TUNAY NA BAYAN nang DIOS....NAGNININGNING at pinaguusapan sa buong mundo.......gustong tularan nang mga INGGITERO at INGGITERA....pero hindi nila kayang tularan nang sinoman dahil ito ay sa DIOS......natutupad lamang po ang nakasulat sa HOLY BIBLE na kapag nakarating na sa buong mundo ang mga salita nang DIOS ang kasunod noon ay WAKAS o araw nang PAGHUHUKOM........ ! Mula sa isang tao ngayon ay BAYAN mo.......kaya po tayong mga tunay na IGLESIA NI CRISTO ay hwag malungkot o manglupaypay dahil ang DIOS ang ating kasama. Sinong makapaghihiwalay sa atin? Kung si Jesus ang ating kaagapay ?Subok na subok na po ang IGLESIA NI CRISTO hanggang kamatayan ......! Wala na po sanang hihiwalay.....! Abot tanaw na po natin ang kaligtasan.
ReplyDeleteWalang makakapigil sa INC dahil kumikilos ang kamay ng Dios sa pamamagitan ng Pamamahala.Hintayin niyo mga fallen angels ang paghihiganti ng Dios sa pananakit niyo sa niyan Niya.
ReplyDelete