06 January 2016

Batay sa Katotohanan (Facts) na si Ka EVM ang Legal Successor at Lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan at hindi ito Paninira o Pag-aangkin lamang



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those opposing
the Church Administration
part 72

ANG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ANG
LEHITIMONG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
NG IGLESIA NI CRISTO
Ikalawang Bahagi



PANINIRA AT PAG-AANGKIN
NGA LAMANG BA ANG PAGSASABING
SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO
ANG “LEGAL NA KAHALILI” AT
LEHITIMONG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG
IGLESIA NI CRISTO?




NANG ilathala sa THE IGLESIA NI CRISTO page ang akda ni Kapatid na Eric M. Lopez, isang ministrong tagapagturo sa College of Evangelical Ministry at isa sa mga nagtuturo ng araling “Church History” sa paaralang ito [see his article click HERE], may isang nagkomento sa aming post na tinatawag ang sarili na “Steven Perry” (alam natin na ito ay pseudonym lamang at isang dummy account sapagkat alam natin ang kanilang karuwagan na ihayag ang kanilang sarili). Tinututulan niya ang pinatutunayan sa nasabing akda na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang “legal na kahalili” (“legal successor”) ni Kapatid na Eraño G. Manalo, anupat ang “lehitimo” (“legitimate”) na Tagapamahalang Pangkalahatan ngayon ng Iglesia Ni Cristo.

Nais naming samantalahin ang pagkakataon na sagutin ang mga ibinato niyang kasinungalingan sapagkat ito rin ang nakikita namin na sinasabi ng mga kapuwa niya nadaya ng mga Fallen Angels. Masasabi natin na ang kaniyang pananaw ukol sa bagay na ito na isinaad niya sa kaniyang komento ay siyang pananaw din ng kaniyang mga kasamahan o ang kampo ng mga Fallen Angels. Isa-isa nating sagutin ang kaniyang mga ipinunto sa kaniyang komento. Simulan natin dito:

Steven Perry Sa post pong ito bibigyan namin ng linaw ang mga binabato nilang paninira sa pamilya ng ka Erdy. Ang katotohanan sa likod ng mga nangyayaring kaguluhan ngayon sa Iglesia. Ginawa po namin ang post na ito na kalakip ang puso. At ang may pagluhang dalangin sa Ama na sana maraming mabuksan ang isipan at tanggapin ang katotohanan. Pinalalabas po nila na si ka Eduardo ang tunay na tagapamahala…”

Pinalalabas ni “Steven Perry” at maging ng kampo ng mga Fallen Angels na ang pagpapahayag na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang “legal na Kahalili” (“legal successor”) ni Kapatid na Eraño G. Manalo ay isang “paninira” lamang daw laban sa “pamilya ni Ka Erdy” na ang talagang tinututukoy nila ay sina Marc at Angel Manalo sapagkat tila ba IPINIKIT NA RIN NILA ANG KANILANG MGA MATA SA KATOTOHANAN NA SI KA EDUARDO AY KABILANG DIN SA PAMILYA NI KA ERDY (alam naman ng lahat na siya ang panganay na anak ni Kapatid na Eraño G. Manalo). Kung bakit nila sinasabing “paninira” kay Angel at Marc ang pasasabing si Ka Eduardo ang “legal successor” bilang Tagapamahalang Pangkalahatan dahil pinalalabas nila na isa sa dalawa (kay Marc o Angel, “nakakatawa” na sa panig ng mga Fallen Angels ay hindi sila nagkakaisa at nagtatalo pa sila kung sino nga sa dalawa) ang tunay daw na “legal successor.”

Sinasabi din nila na “pinalalabas” lamang natin na si Kapatid na Eduardo ang “lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan.” Kapag sinabing “pinalalabas” lamang ay “hindi tunay” kundi “inaangkin lamang.”

“Paninira” lamang ba ang pagsasabing si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang “legal na kahalili” (“legal successor”) ni Kapatid na Eraño G. Manalo? “Pinalalabas” lamang ba natin na siya ngayon ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo?

Tiyak na lahat ay sasang-ayon na ang salitang “paninira” ay nangangahulugang “pagpaparatang laban sa isang tao na wala namang katibayan .” At alam din natin na kapag sinabing “pinalalabas” lamang ay isang pag-aangkin lamang at hindi nakabatay sa katotohanan (facts).  Kaya, lalabas na “paninira” nga lamang ang pahayag na ang “legal na kahalili” ay si Kapatid na Eduardo V. Manalo KUNG wala itong batayan; lalabas na “pinalalabas” lamang o “pag-aangkin” lamang na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan  KUNG hindi nakasalig sa katotohanan. SUBALIT, kung maliwanag at matitibay ang mga katunayan at nakasalig sa katotohanan (facts) hindi ito isang “paninira” at “pag-aangkin” lamang, kundi ito’y pagpapahayag ng katotohanan (statelent of truth, statement of facts).


ISANG KATOTOHANAN NA NAGKAROON DIN NG ELEKSIYON NOONG 1994 AT SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ANG INIHALAL NOON NA HAHALILING TAGAPAMAHALANG PAGKALAHATAN

Pinatutunayan ng kasaysayan ng Iglesia na nagkaroon nga ng eleksiyon noong 1953 katunayang talagang itinatag o isinagawa sa panahon pa ng Kapatid na Felix Y. Manalo, ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw. Sa aklat na pinamagatang “Kasaysayan ng Iglesiang Itinatag ni Cristo” na higit na kilala ng mga mag-aaral sa pagka-ministro sa tawag na “KINC” at tandaan na ito ay nailathala noong taon 1981, sa panahong buhay pa at malakas pa ang Kapatid na Eraño G. Manalo, ganito ang isinasaad:

“1. Ang pagpili ng kahalili. Noong Enero 28, 1953, ipinahayag ni Felix Manalo sa kapulungan ng mga ministro’t manggagawa na nagkakatipon sa kapilya sa Riverside, San Juan, Rizal ang kaniyang balak na paghahanda ng lalaking itatalaga sa pamamahala ng iglesia sakaling sumapit ang panahong siya’y pumanaw.
“Matapos maipaliwanag ni Manalo ang kaniyang layunin at maihayag na ito’y nababatay sa ginawang paghahanda ng mga unang lider na sinugo ng Dios sa mga hahalili sa kanila, ito’y buong pagkakaisang pinagtibay ng kapulungan.
“Ang paghahalal ng kahalili sa Sugong-Lider ay pinasimulan nang araw na yaon sa ganap na ika-2 ng hapon sa pamamagitan ng maningas na panalangin na pinangunahan ni Joaquin Balmores. Pagkatapos nito ay ipinasok ang mga pangalang iminungkahi para sa tungkuling nabanggit: Eraño Manalo, Isaias Samson, Sr. at  Isaias Reyes. Ang kapulungan ay nagkaisa kay Eraño Manalo upang siyang kilalaning Tagapamahalang Pangkalahatan ng buong Iglesia pagkamatay ng Sugong-Lider.”

Tunay na itinatag ni Kapatid na Felix Y. Manalo ang pagsasagawa ng halalan para sa susunod na Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagpanaw ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia. Ipinagpatuloy ni Kapatid na Eraño G. Manalo ang itinatag na ito ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw kaya napatibay na ito ay maging isang institusyon (established practice, rules, procedures) sa Iglesia:

“Noong Mayo 6, 1994, sa pagtitipon ng mga tagapangasiwa ng distrito at ng mga pangunahing kinakatuwang sa pamamahala sa Iglesia, isinagawa ang dalawang eleksiyon.
“Unang isinagawa ang eleksiyon sa pagiging Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan dahil sa kailangang ang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan ang magtutungo at mananatili ng ilang panahon sa Roma upang pahintulutan ng gobyerno roon na marehistro ang Iglesia Ni Cristo. Si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan. Si Kapatid na Glicerio B. Santos, Jr. ang nagnomina kay Kapatid na Eduardo sa posisyong Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan.
“Subalit, hindi ba’t nabanggit ko sa iyo na dalawa ang eleksiyon? Alam mo kung bakit dalawa? Pagkatapos ng eleksiyon para sa magiging Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan, muli nagsagawa ang kapulungan ng mga tagapangasiwa at mga pangunahing ministro na kinakatuwang sa pamamahala ng Iglesia ng isa pang eleksiyon. Ito naman ang eleksiyon para sa hahalili bilang Tagapamahalang Pangkalahatan kapag pinapagpahinga na ng Diyos ang kasalukuyang Tagapamahalang pangkalahatan noon. Ang nahalal na hahalili bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ay si Ka Eduardo pa rin, at ang nagnomina sa kaniya ay si Kapatid na Arnel A. Tumanan.” [Panayam kay Kapatid na Pedro Briones Sr. noong Enero 21, 2001]

Buhay na buhay pa ang higit na nakararami na dumalo at nakasaksi ng araw na iyon nang ihalal si Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan ng kapulungan ng mga tagapangasiwa ng distrito at mga pangunahing kinakatulong sa pamamahala sa Iglesia. Ang isa sa mga buhay na saksi dito ay si Kapatid na Arnel A. Tumanan na siya pa mismo ang nag-nomina kay Kapatid na Eduardo V. Manalo upang maging ang hahaliling Tagapamahalang pangkalahatan. Kaya, hindi maiaalis kay Kapatid na Arnel ang MANINDIGAN na si Ka Eduardo ang lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan sapagkat SAKSI SIYANG LUBOS sa pagkakahalal kay Ka Eduardo bilang hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan. Iyan din ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga tagapangasiwa at mga pangunahing matatandang ministro ay NANININDIGAN sa panig ni Ka Eduardo sapagkat sila man ay SAKSI sa mahalaga at makasaysayang pangyayaring ito noong 1994.

Hindi lamang may mga saksing buhay sa pagkakahalal ni Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan noong 1994, kundi “saksi” rin (nagppatunay din) ang “katitikan” (“minutes”) ng isinagawang eleksiyon noong 1994 na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC) para sa “legalidad” ng nasabing pagtitipon.

Nalathala din sa mga lathalain ng Iglesia, natala sa kasaysayan ng Iglesia, at isinaysay sa buong Iglesia ang makasaysayang pangyayaring ito na pagkakahalal kay Kapatid na Eduardo V. Manalo noong 1994 bilang hahaling Tagapamahalang Pangkalalahatan. Kaya, ang katotohanang ito ay hayag na hayag hindi lamang sa buong Iglesia, kundi maging sa gobyerno at sa mga hindi INC.


PAGISIPANG MABUTI:

(1) Mapatutunayan ba ng mga Fallen Angels at ng kanilang mga napapaniwala na walang naging eleksiyon para sa hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan noong 1994? HINDI sapagkat overwhelming ang mga ebidensiya at napakaraming buhay na saksi ukol dito.

(2) Mapapabulaan ba ng mga Fallen Angels at ng kanilang mga napapaniwala na si Kapatid na Eduardo ang naihalal noong 1994 bilang hahalili na Tagapamahalang pangkalahatan? HINDI sapagkat ang overwhelming na mga ebidensiya at ang napakaraming mga saksing buhay na nagpapatunay na nagkaroon ng eleksiyon noong 1994 ukol sa hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan ay sila rin ang mga nagpapatunay na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal noon.

(3) Mapatutunayan ba ng mga Fallen Angels at ng kanilang mga napapaniwala na si Marc o Angel ang naihalal ng araw na iyon? Hinding-hindi sapagkat isang katotohanan na noong araw ng eleksiyon ay ni hindi pa nga sila ordenado noon dahil naordenahan lamang sila ay noong kinabukasan pagkatapos ng nasabing eleksiyon.


PAGKUKUMPARA

Pinatutunyan ng “legal documents” at maraming buhay na saksi ang katotohanang si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal noong 1994 bilang hahaliling Tagapamahalang pangkalahatan, SAMANTALANG ang pagsasabing si Marc o si Angel ang “binasbasang” kahalili ay hindi mapatunayan ng mga Fallen Angels at ng kanilang mga napapaniwala, wala silang maipakitang katibayan ukol dito. Ang totoo ay sila mismo ay nagtatalo kung sino ba talaga sa dalawa (si Marc ba o si Angel) ang sinasabi nilang “binasbasan” na maging kahalili. Ang “pagtatalo” nilang ito ay dahil sa ang kanilang “pag-aangkin” ay hindi naman sa katotohanan (facts) nakabatay kundi sa “kuwento” lamang.

Samakatuwid, ang pagsasabing hindi si Ka Eduardo ang “legal successor” at “lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan” kundi si Marc daw (pero ang sabi ng ibang kasamahan nila ay si Angel daw) ay ang TALAGANG PANINIRA AT PAG-AANGKIN lamang.

Nakakaawa ang mga napapaniwala ng mga Fallen Angels sapagkat BINITIWAN NILA ANG NAKASALIG SA KATOTOHANAN (ang pinatutunyan ng mga “legal documents,” ng maraming buhay na saksi, at ng kasaysayan ng Iglesia – na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal na hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan noong 1994) at NIYAKAP ANG PAG-AANGKIN LAMANG (walang maipakitang konkretong ebidensiya kundi batay sa “kuwento” lamang – na si Marc o si Angel daw ang “binasbasan” na hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan).


KONKLUSYON

SAMAKATUWID, hindi paninira at hindi pinalalabas lamang kundi siyang katotohanan na pinatutunayan ng mga “legal documents,” maraming buhay na saksi, at ng kasaysayan ng Iglesia na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang tunay na “legal successor” at lehitimong Tagapamahalang pangkalahatan” ng Iglesia Ni Cristo.

ANG KATOTOHANANG ITO AY HINDI “PANINIRA” KUNDI LUBOS NA NAKASISIRA
SA PAG-AANGKIN NG MGA FALLEN ANGELS AT MALINAW NA MALAKING SAGWIL UPANG MAIPUWESTO NILA ANG KANILANG MGA SARILI SA KAPANGYARIHAN.


1 comment:

  1. Ayan ..concrete evidence steven perry !! Batayan naku palibhasa naglalayag kau ee ..peace !!!!!!!

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)