ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 71
ANG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ANG
LEHITIMONG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
NG IGLESIA NI CRISTO
Unang Bahagi
IPINIKIT NA NILA ANG
KANILANG MGA MATA SA MGA
KATOTOHANANG MATIBAY NA
NAGPAPATUNAY NA SI KAPATID NA
EDUARDO V. MANALO ANG
LEHITIMONG TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN NG
IGLESIA NI CRISTO
ANG mga Fallen Angels ay
tuwiran ngayong tumututol sa pagiging lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan
ng Iglesia Ni Cristo ni Kapatid na Eduardo V. Manalo. Ganito ang sinasabi ng
isa sa mga napapaniwala sa kasinungalingan ng mga Fallen Angels:
“Shyla Gomez. Tingnan
nyo kung gaano kahambog si Eduardong Baal, kung magsalita akala mo sya talaga
ang binasbasan ng ka Erdy bilang tagapamahala. Inagaw nya lang naman ang
pagiging tp (Tagapamahalang Pangkalahatan). Self proclaimed lang naman sya. Sya
ang nag appoint sa sarili nya bilang tp. Kaya gusto nya patayin ang mga kapatid
nya para wala ng umagaw sa posisyon nya…”
Ganito na kalapastangan ang
mga Fallen Angels at ang kanilang mga napapaniwala sa kasalukuyang
Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Tahasan na nilang itinanggi
at pinalalabas nila na hindi lehitimong Tagapamahalang pangkalahatan ang
Kapatid na Eduardo V. Manalo. Subalit, kung sisiyasatin nating mabuti ang mga
katibayan ng pagiging lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni
Cristo ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, makikita nating ipinipikit lamang ng
mga Fallen Angels at ng kanilang mga napapaniwala ang kanilang mga mata sa mga
katotohanang ito (ang mga nagpapatunay na lehitimong Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia si Kapatid na Eduardo V. Manalo) upang maipagpilitan
nila ang alam naman nila talagang kasinungalingan (na hindi raw si Kapatid na
Eduardo ang lehitimong Tagapamahalang pangkalahatan).
ANU-ANO ANG MGA
KATOTOHANANG ITO NA PILIT NA NAGBUBULAGBULAGAN DITO ANG MGA FALLEN ANGELS AT
ANG KANILANG MGA NAPAPANIWALA?
ISA-ISAHIN NATIN
ANG MGA ITO:
(1) Si Kapatid na
Eduardo V. Manalo ang “legal sucessor” (“legal na kahalili”) ni Kapatid na
Erano G. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan.
Batid natin na hindi matututulan
ninuman na ang “lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan” (“legitimate Executive
Minister”) ay ang “legal na kahalili (“legal successor”). Kapag sinabi nating
“legal successor” ay ganito ang pakahulugan na ibinibigay ng talatinigan
(diksiyunaryo):
legal successor
(ˈliːɡəl səkˈsɛsə)
Definitions
noun
1. a person or thing that legally follows, esp a person who succeeds another in an office ⇒ ■ The legal successor in the royal line of Wessex, when Edward the Confessor died childless, was Edmund Ironside's grandson Edgar Atheling., ⇒ ■ The US argues that under the terms of the non-proliferation treaty, only Russia, as the legal successor to the Soviet Union, has the right to be a nuclear weapons state.
noun
1. a person or thing that legally follows, esp a person who succeeds another in an office ⇒ ■ The legal successor in the royal line of Wessex, when Edward the Confessor died childless, was Edmund Ironside's grandson Edgar Atheling., ⇒ ■ The US argues that under the terms of the non-proliferation treaty, only Russia, as the legal successor to the Soviet Union, has the right to be a nuclear weapons state.
Nang pumanaw si Kapatid na
Felix Y. Manalo noong Abril 12, 1963, na ipinagluksa ng buong Iglesia, sino ang
“legal successor” (legal na humaliling Tagapamahalang Pangkahalatan) noong
Abril 23, 1963 nang mailibing ang labi ng Sugo o ng unang Tagapamahalang
Pangkahalatan ng Iglesia Ni Cristo? Ang Kapatid na Eraño G. Manalo na tinanggap
ng buong Iglesia at walang tumutol noon na sinuman. At mula noon ay kinikilala
at ipinagdiriwang na ng buong Iglesia ang anibersaryo ng pagiging
Tagapamahalang Pangkahalatan ni Kapatid na Eraño G. Manalo tuwing sasapit ang
Abril 23.
Nang pumanaw ang Kapatid na
Erano G. Manalo noong Agosto 31, 2009 na ipinagluksa rin ng buong Iglesia, sino
ang “legal successor” (legal na humaliling Tagapamahalang Pangkalahatan) noong
Setyembre 7, 2009 nang mailibing ang labi ng naging ikalawang Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia? Ang Kapatid na Eduardo V. Manalo. Ang paghalili ni
Kapatid na Eduardo noong 2009 ay tinanggap din ng buong Iglesia.
Ang katotohanang si Kapatid na
Eduardo V. Manalo ang humaliling Tagapamahalang Pangkalahatan noong Setyembre
7, 2009 o siya ang “legal successor” (“legal na kahalili”) ni Kapatid na Eraño
G. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ay tinatanggap ng buong Iglesia,
kahit ng gobyerno at hindi mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
Kung ang mga napapaniwala
ngayon ng mga Fallen Angels ay magiging totoo lamang sa kanilang sarili,
aminado sila na noong 2009 ay wala rin silang tutol at naniniwala rin sila na
si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang “legal successor” ni Kapatid na Eraño G.
Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Ilang taon na hindi nila ito
pinapag-alinlanganan, nito lamang ng mapapaniwala sila ng mga Fallen Angels sa
kanilang mga kasinungalingan.
Ang totoo, hanggang ngayon
naman ay hindi nila matutulan na ang katotohanan na “legal successor” ni
Kapatid na Eraño G. Manalo ay si Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang
Tagapamahalang Pangkalahatan, IPINIPIKIT NA LAMANG NILA ANG KANILANG MGA MATA
SA KATOTOHANANG ITO.
NOTA: Nakapagtataka na sabihing “inagaw” lamang ni Kapatid na
Eduardo V. Manalo ang pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan kung siya mismo ang
humaliling Tagapamahalang pangkalahatan noong pumanaw si Kapatid na Eraño G.
Manalo 2009. Pagsinabing “inagaw lamang” ay may NAUNA na inagaw lamang sa
kaniya. Kung si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang “legal successor” at
humaliling Tagapamahalang Pagkalahatan noong 2009, at ngayong 2015 ay may
bumangong nagsasabing sila raw ang tunay na Tagapamahalang Pangkalahatan, ang
bumangong ito ngayon lamang 2015 na nag-aangkin ang higit na tamang sabihin na
“NANG-AAGAW” sa tungkuling Tagapamahalang Pangkalahatan.
(2) Si Kapatid na
Eduardo V. Manalo ang “legitimate sucessor” (“lehitimong kahalili”) ni Kapatid
na Erano G. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan.
Sa pahayag natin na
“lehitimong kahalili”, ang pakahulugan natin sa salitang “lehitimo”
(“legitimate”) ay naaayon sa batas, tama at makatuwiran.
Bakit si Kapatid na Eraño G.
Manalo ang “lehitimong kahalili” ni Kapatid na Felix Y. Manalo bilang
Tagapamahalang Pangkalahatan? Sapagkat siya ang inihalal noong 1953 ng
kapulungan ng mga tagapangasiwa at mga pangunahing katuwang sa pamamahala sa
Iglesia, siya ang inihanda at sinanay ni Kapatid na Felix Y. Manalo, siya ang
mula pa noon ay nakilala na ng buong Iglesia na hahalili sa Sugo kapag
pinapagpahinga na ng Diyos. Ang pangalan ni Kapatid na Eraño G. Manalo ang
isinumite sa SEC bilang siyang inihalal na hahaliling Tagapamahalang
pangkalahatan, at isinumite rin sa SEC maging ang katitikan ng isinagawang
eleksiyon upang maisagawa ang kaukulang “legalidad” ng paghalili ni Ka Erdy kay
Ka Felix bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia.
Ang proseso at legalidad na ito na pinagdaanan ni Kapatid na Erano G.
Manalo noon kaya siya ang “lehitimong kahalili” ay siya ring proseso at
legalidad na pinagdaanan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Kaya si Kapatid na Eduardo V.
Manalo ang “lehitimong kahalili” ni Kapatid na Erano G. Manalo ay sapagkat siya
ang inihalal noong 1994 ng kapulungan ng mga tagapangasiwa at mga pangunahing
katuwang sa pamamahala sa Iglesia; siya rin ang inihanda at sinanay ni Kapatid
na Eraño G. Manalo bilang hahalili sa kaniya, at siyang nakilala ng buong
Iglesia na lehitimong hahalili kay Ka Erdy bilang Tagapamahalang Pangkalahatan;
Isinagawa din ang kaukulang legalidad, na ang pangalan ni Ka Eduardo ang
isinumite sa SEC na nahalal na susunod na Tagapamahalang Pangkalahatan, kaya
maging ang batas at ang gobyerno ay kinikilala na si Ka Eduardo ang “lehitimong
hahalili” kay Kapatid na Eraño G. Manalo.
Alam nating batid ng mga
Fallen Angels na nagsagawa ng eleksiyon noong 1994 at batid din nilang si Kapatid
na Eduardo V. Manalo ang nahalal noon na hahaliling Tagapamahalang
Pangkalahatan, may ilan nga sa kanila na saksi pa sa halalang ito. NGUNIT PILIT
DING TINAKPAN NG MGA FALLEN ANGELS AT NG KANILANG MGA NAPAPANIWALA ANG
KANILANG MGA MATA SA KATOTOHANANG ITO.
NOTA: Sa liwanag ng katotohanan na nagkaroon ng eleksiyon noong
1994 at ang nahalal na hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan ay si Kapatid na
Eduardo V. Manalo, kaya nakapagtataka na sabihing “self proclaimed” at “self
appointed” lamang daw na Tagapamahalang Pangkalahatan si Kapatid na Eduardo V.
Manalo. Sabagay, kaya nila nasabing ganito ay IPINIKIT na nga nila ang kanilang
mga mata sa katotohanan upang maigiit ang kanilang kasinungalingan.
(3) Nagtatag si
Kapatid na Felix Y. Manalo ng patakaran at pamamaraan sa paghahanda ng hahalili
bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na lalong pinatibay ni
Kapatid na Eraño G. Manalo na ito ay maging institusyon sa Iglesia nang kaniya
ring isagawa ito.
Ang katotohanang nagtatag si
Kapatid na Felix Y. Manalo ng patakaran at pamamaraan sa paghahanda ng hahalili
bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ay HINDI MATUTUTULAN O
MAITATANGGI ng sinuman sapagkat ito’y malinaw na nakatala sa kasaysayan ng
Iglesia at batid ng lahat ng mga kapatid. Ang itinatag na ito ni Kapatid na
Felix Y. Manalo ay pinatibay na maging isang institusyon na sa Iglesia Ni
Cristo (established practice, rules, procedures) nang ito rin ang isinagawa ni
Kapatid na Eraño G. Manalo sa paghahanda ng hahalili sa kaniya bilang
Tagapamahalang Pangkalahatan.
Kung papaanong dumaan sa institusyong
ito si Kapatid na Eraño G. Manalo kaya siya ang kinilala na “lehitimong Tagapamahalang
Pangkalahatan” at “legal na kahalili” ni Kapatid na Felix Y. Manalo, ay sa
institusyon ding ito dumaan si Kapatid na Eduardo V. Manalo kaya siya ang
“lehitimong Tagapamahalang Pangkalahatan” at “legal na kahalili” ni Kapatid na
Eraño G. Manalo.
Kung papaanong ang
“institusyong” ito ay malinaw na nasa kasaysayan ng Iglesia at batid ng buong
Iglesia, gayon naman IPINIKIT NG MGA FALLEN ANGELS AT NG KANILANG MGA
NAPAPANIWALA ANG KANILANG MGA MATA SA KATOTOHANANG ITO na may institusyong
itinatag si Kapatid na Felix Y. Manalo sa paghahanda ng hahaliling
Tagapamahalang Pangkalahatan.
NOTA: Sapagkat ipinikit na ng mga Fallen Angels at ng kanilang mga
napapaniwala ang kanilang mga mata sa katotohanang ito, kaya hindi kataka-taka
na ipagpilitan nila na “hindi raw si Ka Eduardo ang tunay na Tagapamahalang
Pangkalahatan sapagkat hindi raw siyang pinili at binasbasan ni Ka Erdy.” Si Ka
Erdy ang humaliling Tagapamahalang Pangkalahatan hindi sapagkat siya ang pinili
at binasbasan ni Ka Felix, kundi sapagkat siya ang nahalal sa eleksiyon noong
1953 at siya ang dumaan sa institusyon ng paghahanda sa susunod na
Tagapamahalang Pangkalahatan na itinatag ni Kapatid na Felix Y. Manalo mismo.
Gayon din, nang ipagpatuloy na isagawa ni Ka Erdy ang institusyong ito ng
paghahanda sa susunod na Tagapamahalang Pangkalahatan, samakatuwid, hindi ang
gaya ng sinasabi ng mga Fallen Angels na “pinili at binasbasan” ni Ka Erdy ang
lehitimong hahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, kundi ang nahalal sa
eleksiyon noong 1994 at dumaan sa institusyon na itinatag ni Kapatid na Felix
Y. Manalo sa udyok ng Espiritu Santo.
KONKLUSYON
SAMAKATUWID, ANG MGA FALLEN ANGELS
AY MALALA PA SA MGA PANATIKO NA TINATAWAG NATING MGA “BULAG NA TAGASUNOD,”
SAPAGKAT TAHASAN NILANG BINULAG ANG KANILANG MGA SARILI, NA IPINIKIT ANG
KANILANG MGA MATA SA KATOTOHANAN UPANG MAIGIIT LAMANG ANG KANILANG MALAKING
KASINUNGALINGAN.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.