21 January 2016

Bakit pararatangan ang INC na may pakana raw sa pag-aresto kay Lowell Menorca II?



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those opposing
the Church Administration
part 74


BAKIT PAGBIBINTANGAN ANG INC NA NASA LIKOD NG PAG-ARESTO KAY LOWELL MENORCA II?


SA mga interbyu ng ABS-CBN at ng iba pang news agency kina Lowell Menorca II at sa kaniyang asawa ukol sa naging pag-aresto kay Lowell noong January 20, 2016 ay ipinagdidiinan nilang ang INC ang “may pakana nito”. SUBALIT SA MGA NAG-IISIP AY TIYAK NA MADALI NILANG MAKIKITA NA MABILIS LANG SA PAGBIBINTANG AT TALAGANG LAGING MAY LAYUNIN PASAMAIN LAGI ANG INC NG MAG-ASAWANG MENORCA AT NG KANILANG MGA KASAMA.

BAKIT MALING PARATANGAN ANG INC NA NASA LIKOD O SIYANG MAY PAKANA SA PAG-ARESTO KAY LOWELL MENORCA II?


(1) Hindi ang INC ang nagsampa ng kaso laban kay Lowell Menorca ng libelo na naging dahilan ng pag-aresto sa kaniya.

Maliwanag naman na hindi ang INC ang nagsampa ng kasong libelo laban kay Lowel Menorca na siyang naging dahilan ng pagka-aresto sa kaniya kundi ang mga indibiduwal na mga kapatid na kaanib sa SCAN na sa kanila’y nagsalita ng laban si Menorca sa National Television na pinararatangan sila na mga diumano’y “death squad”.


Panuorin ang video news clip na ito:

SCAN NAGSAMBA NG LIBEL LABAN KAY MENORCA
The communicators' group SCAN International filed a libel complaint against former Iglesia Ni Cristo member Lowell Menorca II due to allegations made by Menorca saying that the said group is a private army and a death squad. Menorca made said allegations in a news program.


 
   

MENORCA NAHAHARAP SA PATONG-PARONG NA LIBEL CASE
Nahaharap sa patung-patong na kaso ng libel si Lowell Menorca II kaugnay ng kaniyang mapanirang pahayag laban sa grupong Society and Communicators and Networkers o SCAN International.
 
 
(2) Hindi ang INC ang nag-issue ng warrant of arrest na naging dahilan ng pag-aresto kay Lowell Menorca II.

Maliwanag naman at isang katotohanan (“fact”) na hindi ang INC ang nag-issue ng warrant of arrest laban kay Lowell Menorca II kundi ang iba’t ibang RTC branches kung saan nagsampa ang mga indibiduwal na mga kapatid ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II.



Panuorin ang video news clip na ito:

WARRANT OF ARREST ISSUED AGAINST LOWELL MENORCA II
Published on Dec 23, 2015
Another warrant of arrest was released against expelled Iglesia Ni Cristo member Lowell Menorca as the Branch 12 of the Regional Trial Court of Lanao Del Norte issued said warrant in response to the libel case filed by the Society of Communicators and Networkers or SCAN International due to Menorca's negative portrayal of said group.

   (3) Hindi ang INC ang nagpapatupad ng “warrant of arrest o ang pag-aresto sa isang may warrant of arrest na ini-issue ng korte kundi ang Philippine National Police  (PNP)!


Ang pagpapatupad ng warrant of arrest na ini-issue ng korte o ang pag-aresto ay nasa diskresyon ng PNP:

"SECTION 4. Time of Arrest
As a general rule, arrests should be made on any day of the week and at any time of the day or night. (Philippine National Police Manual PNP-DO-DS-3-1 March 2010)



Panuorin ang official press statement ng Iglesia Ni Cristo
ukol sa nasabing isyu


SAMAKATUWID, masasabi natin na ang pag-aresto kay Lowell Menorca II ay isang pagpapatupad ng “Judicial system” na ipina-iiral sa bansa: sinampahan siya ng kasong libel sa iba’t ibang RTC branches ng mga na-“offend” niyang members ng SCAN dahil sa kaniyang naging “malicious statement” na ginawa sa national television; naglabas ng warrant of arrest ang RTC branches kung saan sinampahan siya ng kasong libelo; ipinatupad ng PNP ang warrant of arrest na ini-issue ng korte; at inaresto ng PNP si Lowell Menorca II dahil sa warrant of arrest na ini-issue ng korte laban sa kaniya.

KAYA, ANG PAG-ARESTO KAY LOWELL MENORCA II AY HINDI “INJUSTICE” AT MALING IPARATANG NA KAYA SIYA INARESTO AY “PAKANA” LAMANG ITO NG INC, KUNDI ITO AY PAGPAPATUPAD LAMANG NG JUSTICE SYSTEM NG BANSA.

Hindi ba’t inaangkin mo Lowell Menorca II na nagsasabi ka lang ng katotohanan? Kung nagsasabi ka nga ng katotohanan, ano ang ikatatakot mo na humarap sa korte para patunayan mo na nagsasabi ka nga ng “totoo” yamang ang korte ang PROPER FORUM para diyan?

Hindi AWA ang dapat na pag-usapan KUNDI kung sino ang nagsasabi ng KATOTOHANAN at ang korte ang PROPER FORUM para dito!

O natatakot ka lang talaga kaya  kayo gumagawa ng “KOMOSYON” dahil ito nga ang naiisip ninyong paraan para IWASAN ang pagharap mo sa mga kasong ito sa korte dahil alam mo na sa simula’t simula pa lang ay NAGSISINUNGALING ka lang?

“LALABAS AT LALABAS ANG KATOTOHANAN”
Ito ba ang ikinatatakot ninyo mga Fallen Angels?

1 comment:

  1. nangalilito na ang mga taong ito, di na alam qng anung mga drama ang susunod na paggagawain.....

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)