ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 79
KUNG BAKIT
WALA RING NANGYARI
SA GINAWANG
“SELECTIVE PRESSCON”
NI LOTTIE
HEMEDEZ NOONG
15 ENERO
2016
Wala ring nangyari at naging dating, anupa’t hindi rin pinaniwalaan ng
madla si Lottie Hemedez sa kaniyang mga sinasabi sa isinagawa nilang “selective
presscon” noong Enero 15, 2016
NOONG Enero 15, 2016 ay
nagsagawa ang kampo nina Lottie Hemedez ng “presscon” subalit hindi isang
“karaniwang “presscon” kundi isang “Selective presscon.” Humarap sa “piling”
miyembro ng media lamang ang kampo ni Lottie Hemedez.
Pasado ala- una ng hapon noon nang
lumabas sa no. 36 Tandang Sora Ave, Quezon City si Lottie Hemedez, guwardiyado
ng ilang mga “dating” sundalo na hinihinalang mga miembro ng Magdalo. Sinundan
ng mga media ang sinakyan nilang van hanggang makarating ng Microtel Hotel sa
Quezon City. Pagpasok ng hotel, hindi na pinalapit ang mga media sa pinuntahan
ni Hemedez.
Umakyat ang NET 25 news team
sa ikalawang palapag. Dito ay hinarang sila ng isang babae.
Tanging ang pinapasok lamang ay ang kabilang sa ACS CBN, Philippine Daily Inquirer at Rappler. Nanatili ang crews ng NET 25 sa isang lugar subalit may nagbabantay na isang lalaking kasamahan ng kampo ni Hemedez.
Tanging ang pinapasok lamang ay ang kabilang sa ACS CBN, Philippine Daily Inquirer at Rappler. Nanatili ang crews ng NET 25 sa isang lugar subalit may nagbabantay na isang lalaking kasamahan ng kampo ni Hemedez.
Dumating ang kanilang
abugadong si Atty. Trixie Angeles kasama si Jinky Menorca, asawa ni Lowell
Menorca II (na bagamat sinasabing “organizer” ng nasabing okasyon ay hindi
nakita roon na hindi masabi kung nagtatago ba dahil alam niyang may warrant of
arrest na laban sa kaniya). Sinikap ng net25 na makuhanan ng pahayag si Angeles
sa umanoy limitado at pili lamang ang mga pinapapasok na myembro ng media sa
pressconferrence. Hindi kumikibo si angeles subalit nang makalapit na ang NET
25 sa kuwartong pagdarausan ng presscon ay hinarang na ulit ng mga kalalakihan
kasabay ng pagpapasok nila kay Hemedez sa loob ng kuwarto.
Ang pintuan ay guwardyado ng apat na kalalakihan. Kalaunan ay
dumating ang isang lalake pero hindi na pinapasok sa kuwarto. May iniabot
lamang sa kaniyang pera na idinaan sa ilalim ng pintuan.
Panuorin ang news clip ng NET 25 ukol dito
Ang “selective presscon” ay
hindi karaniwang isinasagawa sapagkat ang ganitong “sistema” ay nagpapakita ng
pagiging unbalance at bias sa magiging resulta. Ukol dito ay ganito ang pahayag
ng isang beteranong reporter na galing pa mismo sa ABS CBN:
"SELECTIVE PRESSCON"
By Nelson Lubao
January 25, 2016
Eagle News
“They have to answer some tough questions,
not just the easy ones”
–
Thom Jensen, ABC10 Reporter.
While a private group or individual has the
right to refuse an interview with the members of the media, I strongly condemn
those who discriminate reporters or journalists based on the news organization
they represent, and specifically banning them from attending press conference
which is otherwise open to other reporters.
Such is what happens in a so-called
“selective press conference.”
First, what is a selective press conference?
From my
experience as a media practioner, “selective press conferences” are conducted
in order to control the flow of information, where only “friendly” media
organizations are welcome so that they can avoid answering questions that may
expose their real agenda.
Ika nga sa Tagalog, ang “Selective Presscon” ay
isang press conference na isinasagawa ng isang tao, grupo, o organisasyon kung
may nais silang ipahayag sa publiko sa pamamagitan ng mass media. Ginagawa ito
upang makarating sa mas maraming tao ang anomang mensaheng nais iparating ng
kung sinomang nagpatawag ng presscon. Dahil dito, natural lamang na mas gusto
ng nagpapa-presscon na maraming miyembro ng media ang makakapunta sa press
conference at kung maaari nga ay lahat ng mamamahayag sa lahat ng diyaryo,
himpilan ng radyo at telebisyon ay naroroon upang mas marami ang makarinig ng
mensahe.
Taliwas dito ang
nangyari noong Biyernes, Enero 15, 2016 nang humarap sa isang press conference
si Lottie Hemedez, ang isa sa mga dating miyembro ng INC na itiniwalag dahil sa
paglabag sa doktrina at mga tuntuning ipinatutupad sa lahat ng mga miyembro ng
Iglesia. Sa nasabing press conference ay hinarang at hindi pinapasok ang reporter
ng Net25.
Hindi ito ang
unang pagkakataon na hinarang at pinagbawalang dumalo ang Net25 sa presscon ng
grupo ni Hemedez. Noong unang humarap sa media si Isaias Samson Jr, nagpatawag
rin sila ng press conference subalit hinarang at pinagbawalan ring dumalo ang
reporter ng Net25. Sabihin na nating nasa kamay ng nagpatawag ng presscon kung
sino lamang ang gusto niyang padaluhin dito, subalit mahalaga rin na maunawaan
ng publiko kung bakit nila ito ginagawa.
Sa aking
karanasan bilang reporter sa nakalipas na mahigit 20 taon, ang pagpili ng
reporter na dadalo sa isang press conference ay ginagawa upang makontrol ang
lalabas na balita. Gusto nilang matiyak na walang makapagtatanong na
reporter na maglalagay sa kanila sa alanganing sitwasyon sakaling sagutin nila
ang tanong. Ginagawa nila ito dahil may itinatago silang impormasyon na
iniiwasan nilang sila mismo ang maglantad sa publiko.
Sa kaso nina
Samson at Hemedez, ayaw nilang matanong sila ng Net25 reporter ng mga
katanunang hindi kayang itanong ng mga reporter ng ABS-CBN, Rappler, o
Inquirer. Hindi dahil sa mas magagaling magtanong ang mga reporter ng Net25,
kundi dahil sa sila ay miyembro rin ng INC kung kayat mas malalim ang kanilang
kaalaman at kamalayan sa mga isyung nasa likod ng pagtalikod nina Samson at
Hemedez sa Iglesia.
Sa madaling
salita, hindi kayang paikutin nina Samson at Hemedez ang reporter ng Net25 kung
ang pag-uusapan ay ang doktrina at mga tuntuning kanilang nilabag na naging
dahilan ng kanilang pagkakatiwalag. Higit sa alinmang media entity, mas alam ng
mga reporter ng Net25 ang buong katotohanan sa likod ng nasabing isyu at ito
ang pilit na iniiwasan ng grupo ni Hemedez.
Naalala ko tuloy
ang sinabi ng isang sikat na reporter sa Amerika, si Thom Jensen.
“They have to
answer some tough questions, not just the easy ones.”
Dahil sa may “ibang
intensiyon” kaya wala ring naging malakas na “dating” at wala ring nangyari sa
ginawa nilang “selective presscon” dahil batid na ang lahat ng ginawa ni Lottie
Hemedez ay “drama” lamang at “kadudaduda” ang kaniyang mga pinagsasabi – o
batid din ng lahat na hindi rin naman siya nagsasabi ng totoo dahil kung gayon
nga ay bakit takot siyang “matanong” ng ibang miembro ng mmedia na alam nilang
hindi nila kaalyado o kontrolado.
Bakit pinapayagan ng Pangasiwaan ng ABS-CBN ang ganitong selective presscon? Hindi ba nila alam na marami ring kapatid sa INC na subscribers sa kanila sa abroad, na umaasang parehas at walang kinikilingan sa paraan ng kanilang pamamahayag? Ito ay malaking insulto sa kanilang propesyon. Insulto rin sa reputasyon ng Net25 na gumaganap ng mahalagang tungkuling iparating sa madla kung ano ang tunay na mga kaganapan sa ating bansa.
ReplyDeletekung sa baga sa pelikula nagflop kahit magagaling na artists sila kung puro kontrabida naman walang manonood, ganyan ang ginagawa nila dinadaan nila sa pag Arte para makanpandaya pero gising na gising ang iglesia ngayon patuloy ang pagmamasid at higit sa lahat taglay ang pananampalataya na iisa lang ang tagapamahalang pangkalahatan binigay ng Dios sa iglesia wala na pong iba ang kapatid na Eduardo V. Manalo,mananatili po kaming kaisa anuman po ang mangyari.
ReplyDeleteLet everyone see and hear the truth about the "selective presscon" by the ABS-CBN. Unprofessional to the highest degree.
ReplyDeleteThis the reason why I cancel my subscription to TFC (The Fil. Chanel). It's not worth buying service or product from supporter of the INC's detractors.
ReplyDelete