ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 73
Remember our report about unidentified
masked armed men seen inside No. 36 Tandang Sora that post threat against the
security of the Central Office complex and our beloved Executive Minister and
his family?
UNIDENTIFIED
MASKED ARMED MEN SEEN INSIDE
#36 TANDANG SORA
COMPOUND
INC IS INDEED TELLING THE
TRUTH!
Again, Angel and Lottie’s camp tried to slipped inside No. 36 Tandang
Sora compound ex-marines. Please read this news report:
KAMPO NI
LOTTIE AT ANGEL, NAGTANGKA MULING MAGPASOK NG MGA DATING SUNDALO SA T. SORA INC
COMPOUND
Eagle News)– Nagtangka muling
magpapasok ng mga lalaki, kabilang na ang mga hinihinalang dating miyembro ng
Marines, ang kampo ng mga natiwalag na miyembro ng Iglesia ni Cristo na sina
Ginang Lottie Hemedez at Ginoong Angel Manalo sa No. 36 Tandang Sora, Avenue na
pag-aari ng INC.
Ayon pa sa napag-alaman ng
Eagle News Service, nagkagitgitan pa sa pasukan ng Tandang Sora INC compound,
nang magpilit na ipapasok pati ang mga hindi awtorisadong mga tao sa loob ng
compound ng kampo ni Lottie at Angel nitong Biernes.
Nakunan pa ng CCTV camera ang
panunutok ng isang lalaking kabilang sa mga kasama ni Ginang Lottie sa isang
INC security guard.
Ang mga lalaking ito ay bahagi
diumano ng security detail ng natiwalag na magkapatid. Ang karamihan sa
kanila ay sasabay sana sa pagpasok pabalik sa INC compound ng grupo ni Lottie
Hemedez na naunang nagsagawa ng press conference Biernes ng hapon sa labas ng
INC compound.
Ayon pa sa sources, tinangka
ng kampo nina Angel at Lottie na magpasok ng anim na kalalakihan, kabilang ang
mga dating sundalo, sa loob ng INC compound, bagay na hindi pinahihintulot sa
tuntunin ng pabahay ng Iglesia Ni Cristo.
Hinihigpitan na ng INC ang
pagpapasok sa INC compound dahil na rin sa hindi pagsusumite ng listahan ng
kampo nina Lottie at Angel ukol sa mga pinapapasok nila sa INC compound nang
walang pahintulot mula sa Pamamahala ng INC.
Kasalukuyan ngayong
iniimbestigahan ng INC ang nasabing pagbunot at panunutok ng baril ng isang
lalaking kasamahan ni Ginang Lottie sa bandang likuran ng INC security guard,
pati na rin ang pagtatangka ng kampo ni Lottie na magpasok ng mga dating
sundalo sa loob ng INC compound.
Kitang kita sa kuha galing sa CCTV footage ang
isang lalaking nagbunot ng baril at nanutok sa likod ng INC Security guard na
naghihigpit sa pagpili ng maaaring papasukin sa INC compound sa no. 36 T. Sora
Avenue, Quezon City. (Eagle News Service)
(Kuha mula CCTV camera sa 36 T. Sora Avenue)
Kasama rin sa naroon nang nagkagitgitan ang
broadcaster na si Ces Drilon ng ABS CBN.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.