ANSWERING “FALLEN ANGELS”
(“End-Time Antichrists”)
Point-by-point discussion answering those
opposing
the Church Administration
part 76
MAGKAKUTSABA
ANG ABS CBN
AT ANG MGA TIWALAG PARA
MAKAGAWA NG MGA “MALISYOSONG
ULAT” LABAN SA
INC
DALAWANG “insidente” na ang
nangyari na dumating ang mga tiwalag sa No. 36 Tandang Sora na kasama ang news
team ng ABS CBN na ang mga tiwalag ay gumawa ng komosyon, at ang “komosyong”
ito na kagagawan ng mga tiwalag ay ginawan naman ng malisyosong ulat ng news
team ng ABS CBN para ang lumabas na masama ay ang INC.
Noong Enero 15, 2016 ay
dumating sina Lottie Hemedez na may kasamang mga ex-marines at kasama rin ang
isang news team ng ABS CBN at ang reporter na si Ces Drilon. Nagpumilit na pumasok
ang mga ex-marines kaya pinigilan sila ng mga guwardiya. Nagkaroon ng komosyon.
At ang sumunod ay ang “news report” ng ABS CBN na ang binigyang-diin ay ang
“panunutok ng baril ng guwardiya ng INC guard.”
Noon namang Enero 23, 2016 ay
dumating si Anthony Menorca sa No. 36 Tandang Sora at may kasama ring news team
ng ABS CBN. Tinapos munang maiayos ng news team ng ABS CBN ang kanilang mga
equipment at nang handa na sila ay saka ngayon ginawa ni Anthony Menorca
(nakababatang kapatid ni Lowell Menorca II) na isa ring tiwalag ang “obvious”
na “planado” nilang gawin. Nagpumilit si Anthony na pumasok sa loob ng No. 36
Tandang Sora, at sapagkat hindi siya awtorisadong pumasok ay pinagbawalan siya
ng mga guardia. Nagpumilit si Anthony at “obvious” na talagang ang komosyong
nangyari ay ang balak nilang mangyari. Pagkatapos nito, gaya ng inaasahan, ang
news report ng ABS CBN ay “itinulak daw ng INC guard si Anthony Menorca na
nagdala lamang ng pagkain sa No. 36 Tandang Sora.”
Mabuti na lamang at may CCTV
sa gate ng No. 36 Tandang Sora na nakunan ang lahat ng pangyayari. Kaya,
malakas ang ating katibayan na ang mga tiwalag ang nagpapasimula at may gawa ng
“mga komosyon”. At ang pagsasama nila ng news team ng ABS CBN ay obvious na ang
layunin nila ay mula rito ay makagawa ng “malisyosong news report” na ang
layunin ay ang INC ang palabasing “masama.”
PANUORIN ANG NEWS REPORT NA ITO NG EAGLE
NEWS
Ganito kasama ang kanilang
intensiyon – ang sila mismo ang gagawa ng “komosyon” para sa pagbabalita nila
ay ang INC ang palalabasin nilang masama.
KAYA HINDI KATAKA-TAKA NA MASUSUNDAN
PA ANG DALAWANG INSIDENTENG ITO NA MAY DARATING PA NA MGA TIWALAG AT KAALYADO NILA NA MAY KASAMANG NEWS TEAM
NG ABS CBN, GAGAWA SILA NG KOMOSYON, AT PAGKATAPOS ANG GAGAWING NEWS REPORT NG
ABS CBN AY ISANG “MALISYOSONG REPORT”
MULA RITO NA ANG PINALALABAS NA “MASAMA” AY ANG INC.
ITO BA AY PAMAMARAAN NG MAY
TAKOT SA DIYOS O ISANG PANDARAYA (NA PAMAMARAAN NG KALABAN NG DIYOS)?
Kaming mga INC noon tahimik lang kami, pagdating dito sa social media, subalit ngayon na ang aming pagka IGLESIA NI CRISTO ay gusto nyong sirain sa pamamagitan ng walang patas na pagbabalita ,na ang gusto ninyong palabasin lagi sa balita kami ang lalabas na masama ,hindi lang kami tatahimik sa social media,kundi ipagsusumamo pa namin sa DIOS, na ang lahat ng gustong sumira at makipag sabwatan laban sa aming tahimik at walang ibang buong hangarin kundi ang manglingkod at gampanan ang aming tungkulin sa DIOS , at ngayon gustong wasakin ng media sa walang patas at pakikisabwatan ,ang DIOS na ang bahala sa inyo.
ReplyDeleteI'm sure na kahit anong gawjn nila ay hindi nila masisira ang INC. Siguro ang last na sisirain ng mga lumalaban sa INC o mga fallen angels ay ang SALITA NG DIOS.
DeleteDios n ang bahala s knila... Mga alagad ni Lucifer...
ReplyDeleteNO way
ReplyDeleteDapat lang na i-disconnect o kanselahin ang suskrisyon sa TFC at iba pang produkto ng bias na ABS CBN. Bakit tayo magbabayad ng cable tv kung ang panonoorin natin ay hindi parehas na broadcast ng balita na pawang paninira sa INC?
ReplyDelete