ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 36
“NAGMARUNONG
SUBALIT
LUMITAW NA
HANGAL”
(ROMA 1:22
MB) ANG MGA NAPAPANIWALA NG MGA
“FALLEN ANGELS”
Unang Bahagi
Baluktot ang “pangangatuwiran” ng mga “blind followers” ng mga “Fallen
Angels” ukol sa “illegal” daw ang pagbebenta ng mga ari-arian ng Iglesia
Sa paghahangad na masabing
may “tugon” sila sa ating “Answering Fallen Angels” ang isa sa mga pangunahing “alipores”
(followers) ng mga “Fallen Angels na kasa-kasama na nila mula pa nang una, si “Bless
Grace H.” ay nangahas na mag-post sa kaniyang timeline “pagpapabulaan” sa
sinasabi natin sa part 1 ng ating serye na “may legal na karapatan o awtoridad”
ang Pamamahala ng Iglesia ukol sa “pagbebenta ng mga ari-arian” lalo na’t hindi
na kailangan o hindi na ginagamit at wala nang paggagamitan. Ganito ang
kaniyang sinabi sa kaniyang nasabing “post”:
“Paragraph 4 of
the AMENDED ARTICLES OF INCORPORATION OF THE IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF
CHRIST) dated April 23, 2008 signed by the EXECUTIVE MINISTER BRO. ERANO G.
MANALO says;
"THAT THE
PURPOSE OF THIS NON-PROFIT CORPORATION OF THE CHRISTIAN FAITH AND TEACHINGS AS
THEY WRITTEN IN THE HOLY SCRIPTURES, AND TO ORGANIZE AND ESTABLISH LOCAL
CHURCHES IN ANY PLACE IN THE WORLD THAT MAY BE REACHED BY THE DISSEMINATION AND
PROPAGATION OF THIS RELIGIOUS FAITH, SUBJECT TO EXISTING LAWS OF THE
PHILJPPINES"
Paragraph 6
says, " THAT THE EXECUTIVE MINISTER OR PRESIDING ELDER OF THE RELIGIOUS
CORPORATION SHALL BE THE CHIEF OVERSEER OF THE WHOLE RELIGIOUS FLOCK. HE SHALL
BE THE ADMINISTRATOR OF ALL PROPERTIES AND TEMPORALITIES OF THE CHURCH AS SUCH,
HE SHALL BE THE OFFICIAL REPRESENTATIVE OF THE CORPORATION, WHOSE RIGHT OF
OFFICIAL REPRESENTATION MAY, HOWEVER BE DELEGATED BY HIM TO ANY OFFICER OR
MEMBER OF THE CHURCH BY MEANS OF WRITTEN INSTRUMENT. DISPOSITION OF ANY OR ALL
ASSETS OF THE CHURCH MAY ONLY BE EFFECTED UNDER THE SOLE AND EXCLUSIVE
AUTHORITY OF THE EXECUTIVE MINISTER OR PRESIDING ELDER ACTING AS THE
CORPORATION SOLE"
“NOW, this
simply PROVE legally that all the SELLING of PROPERTIES are illegally done..as
well as RADEL G. CORTEZ has no authority to ASSIGNED HIMSELF as the SECRETARY
OF CORPORATION..this is a clear VIOLATION and USURPATION of AUTHORITY.. There
is no such thing as CORPORATE SECRETARY if its a CORPORATION SOLE..and ONLY THE
EXECUTIVE MINISTER can do it..”
Pagkatapos na sipiin ang paragraph
6 ng AMENDED ARTICLES OF INCORPORATION OF THE IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF
CHRIST) dated April 23, 2008, ang konklusyon niya ay “ilegal” daw ang lahat ng
pagbebenta ng mga “properties” ng Iglesia. Ang sabi niya, “this simply PROVE legally that all the SELLING of PROPERTIES are
illegally done..”
Kung bakit daw ay sapagkat si
Ka Radel Cortez daw ay walang awtoridad na lumagda mismo bilang “secretary of
corporation.” Ang sabi niya, “..as well
as RADEL G. CORTEZ has no authority to ASSIGNED HIMSELF as the SECRETARY OF
CORPORATION..”
Kaya raw walang karapatan o
awtoridad si Ka Radel na lumagda bilang “secretary of corporation” ay sapagkat
wala raw corporate secretary ang Iglesia sapagkat isa raw itong “corporation
sole” at tanging ang Tagapamahalang Pangkalahatan lamang daw ang makalalagda sa
pangangasiwa at pagdidisisyon sa lahat ng ari-arian ng Iglesia. Ang sabi niya, “..this is a clear VIOLATION and USURPATION
of AUTHORITY.. There is no such thing as CORPORATE SECRETARY if its a
CORPORATION SOLE..and ONLY THE EXECUTIVE MINISTER can do it..”
SAGOT:
(1) “..as well as RADEL G. CORTEZ has no authority to ASSIGNED HIMSELF as
the SECRETARY OF CORPORATION..”?
Dito ay pinalalabas ng “blind
follower” na ito na “itinalaga lamang daw ni Ka Radel ang sarili bilang “Secretary
of (the) Corporation.” Sa kaniyang pag-aangkin na ito ay malinaw na siya ay nagmamarunong
lamang subalit hayag na hayag ang kaniyang kamangmangan:
Una, hindi ba alam ng napapaniwalang
ito ng mga “Fallen Angels” na ang Iglesia ay talagang may “General Secretary” mula
pa sa panahon ni Kapatid na Felix Y. Manalo?
Ikalawa, hindi ba alam ng napapaniwalang
ito ng mga “Fallen Angels” na ang Iglesia ay isang “religious corporation”?
Kung ang Iglesia ay isang “religious corporation” at may lehitimong “General
Secretary” – samakatuwid ay may “General Secretary ang Iglesia Ni Cristo na
siyang “Secretary of the Corporation called Iglesia Ni Cristo.”
Ikatlo, hindi ba niya alam na
ang “General Secretary” ng Iglesia Ni Cristo ay “duly appointed” ng
Tagapamahalang Pangkalahatan?
Kung alam ni “Bless Grace” ang
mga ito, “nagbubulag-bulagan” siya.
Ika-apat, isang katotohanan na
alam na alam ng lahat ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo na si Ka Radel G.
Cortez ang GENERAL SECRETARY ng Iglesia Ni Cristo at hindi niya “itinalaga ang
kaniyang sarili” (gaya ng ipinaparatang ng “blind follower na ito na “assigned
himself” daw ni Ka Radel ang kaniyang sarili bilang “Secretary of the
Corporation”), kundi siya’y itinalaga ng kasalukuyang Tagapamahalang
Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, sa “posisyong ito.
Samakatuwid, ISANG MALAKING
KAMALIAN ang sinabing ito ng “blind follower” na ito ng mga “Fallen Angels” na “..as well as RADEL G. CORTEZ has no
authority to ASSIGNED HIMSELF as the SECRETARY OF CORPORATION..” Ito ay
isang malaking kasinungalingan.
(2) “..this is a clear VIOLATION and USURPATION of AUTHORITY.. There is no
such thing as CORPORATE SECRETARY if its a CORPORATION SOLE..and ONLY THE
EXECUTIVE MINISTER can do it..”?
Tanging mapaniwalain na hindi
nagsusuring mabuti, hindi nag-iisip na mabuti at nagbubulag-bulagan lamang ang
mapapaniwala niya sa kaniyang mga pahayag na ito. Bakit po? SAPAGKAT HAYAG NA
HAYAG NA SI “BLESS GARCE” MISMO AY HINDI
NIYA NAUNAWAAN ANG STATEMENT SA AMENDED ARTICLES OF INCORPORATION OF THE
IGLESIA NI CRISTO NA KANIYANG SINIPI. Ulitin nating sipiin ang paragraph 6 na
sinipi ng “Blind Follower” na ito at pansining mabuti ang sinasabi rito:
Paragraph 6
says, " THAT THE EXECUTIVE MINISTER OR PRESIDING ELDER OF THE RELIGIOUS
CORPORATION SHALL BE THE CHIEF OVERSEER OF THE WHOLE RELIGIOUS FLOCK. HE SHALL
BE THE ADMINISTRATOR OF ALL PROPERTIES AND TEMPORALITIES OF THE CHURCH AS SUCH,
HE SHALL BE THE OFFICIAL REPRESENTATIVE OF THE CORPORATION, WHOSE RIGHT OF OFFICIAL REPRESENTATION
MAY, HOWEVER BE DELEGATED BY HIM TO ANY OFFICER OR MEMBER OF THE CHURCH
BY MEANS OF WRITTEN INSTRUMENT. DISPOSITION OF ANY OR ALL ASSETS OF THE CHURCH
MAY ONLY BE EFFECTED UNDER THE SOLE AND EXCLUSIVE AUTHORITY OF THE EXECUTIVE
MINISTER OR PRESIDING ELDER ACTING AS THE CORPORATION SOLE"
Pansinin na totoong may
binabanggit sa paragraph 6 ng AMENDED ARTICLES OF INCORPORATION OF THE IGLESIA
NI CRISTO na “DISPOSITION OF ANY OR ALL
ASSETS OF THE CHURCH MAY ONLY BE EFFECTED UNDER THE SOLE AND EXCLUSIVE
AUTHORITY OF THE EXECUTIVE MINISTER OR PRESIDING ELDER ACTING AS THE
CORPORATION SOLE.”
SUBALIT MAY MALIWANAG DIN NA
SINASABI RITO NA “HE (THE EXECUTIVE MINISTER) SHALL BE THE OFFICIAL
REPRESENTATIVE OF THE CORPORATION, WHOSE
RIGHT OF OFFICIAL REPRESENTATION MAY, HOWEVER BE DELEGATED BY HIM TO ANY OFFICER OR MEMBER OF THE CHURCH…”
Baka hindi nakakaunawa ng
Ingles ang “blind follower” na ito ng mga Fallen Angels. Ang Tagalog nito ay “Siya (ang Tagapamahalang Pangalahatan) ang
magiging opisyal na kinatawan ng korporasyon, na ang karapatan bilang opisyal
na kinatawan ay maaaring IBAHAGI niya sa SINUMANG OPISYALES o kaanib ng Iglesia…”
Samakatuwid, maliwanag na may
provision sa Amended Articles of Incorporation ng Iglesia Ni Cristo na tanging
ang Tagapamahalang Pangkalahatan ang may karapatan o awtoridad sa pangangasiwa
at pagpapasiya sa lahat ng ari-arian ng Iglesia, subalit may provision din sa
Amended Articles of Incorporation ng Iglesia Ni Cristo na “ang karapatan bilang opisyal na kinatawan ay maaaring IBAHAGI niya sa
sinumang opisyales o kaanib ng Iglesia…”
KONKLUSYON
SAMAKATUWID, dito ay
makikitang “nagmamarunong lamang subalit nahayag na mangmang” ang “bulag na
tagasunod” na ito ng mga “Fallen Angels.” Ipinagmamalaki pa man din nila na
siya’y nag-aral ng “international law” subalit isang simpleng provision sa
Amended Articles of Incorporation ng Iglesia ay hindi niya naintindihan kaya
mali ang kaniyang naging konklusyon. Natupad sa kaniya ang sinasabi ng Banal Na
kasulatan na:
Roma 1:22 MB
“Sila'y
nagmamarunong ngunit lumitaw na hangal.”
ITUTULOY
Magandang araw po kapatid, maaari po bang magpost din po kayo ng open letter para sa Rappler? Isa rin po sila sa mga matinding nanguusig sa Iglesia at masasabi po nating mga nagmamarunong sa mga bagay na wala naman po silang matibay na patotoo. Kahit isang artikulo po na galing sa kanila na patungkol sa kahit sino o kahit anong aktibidad sa Iglesia ay wala pong magandang ipinahihiwatig. Lahat po ng artikulo nila ay puro nagpapahiwatig ng "negativity". Siguro po ay panahon na para po mapuna ng madla ang kanilang ginagawang paninira. Panahon na po para sila ay tumigil na sa kanilang mga paninira. Sa halip po ay gumawa sila ng tuwid at walang bahid na mga artikulo. Nawa'y madinig po ninyo ang aking kahilingan. Maraming salamat po kapatid! Mas lalo pa po sana kayong pagpalain ng Ama.
ReplyDeleteKa Pristine Truth, May Nakita Po along Talata ng Biblia at eto ang inaargumento nila Patungkol Sa At Sa Iglesia. I Corintho 1:18 Paki explain Po For the answer of their arguments Thank you
ReplyDelete^_^ Nakakainip po ang kasunod na Part 37 na lumabas! (Y)
ReplyDeleteKahit kailan hindi ako maniniwala na may "Utang" ang Iglesia Ni Cristo.Unang una ;wala sa aral ng Iglesia ang mangutang,Pangalawa; maingat na sinisinop ng pamamahala ang pananalapi ng Iglesia at pangatlo;mahigpit at maingat na sinasagawa ng lahat na may tungkulin sa pananalapi ang record ng bawat local sa buong mundo.Ang pagsisinop at pag-iingat ng pananalapi ay hindi lamang sa panahong pangkasalukuyan kung di maging sa panahon pa ni ka Felix.Kaya sana walang sino man na mga kapatid ang madaya ng mga kasinungalingan na kinakalat nila.
ReplyDelete