ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 40
SINO SI
LOWELL
(BOYET) MENORCA?
Ikatlong Bahagi
Katibayan na Nagsisinungaling si Boyet Menorca sa Pagsasabing siya’y “Illegally
Detained” sa loob ng Central Compound
MARAMI ang nagulat nang
naglabas si Lowell “Boyet” Menorca II sa Youtube na nagsasabing siya raw ay
illegally detained sa Central Compound ng Iglesia Ni Cristo. Sa video na
ini-upload sa Youtube ay sinabi niya ang mga sumusunod:
“Nais ko pong ipaalam sa inyo na mula po
noong July 25 hanggang October 21 kami po ay illegally detained sa Central
Compound ng Iglesia Ni Cristo. Hindi po namin kailanman hiniling sa Pamamahala
na bigyan kami ng pabahay doon, na kami ay ilagay sa protective custody ng Iglesia
Ni Cristo. Kaya po nila ginawa iyon sapagkat ginamit nila ang pagkakataon na
iyon na alisin ako sa kulungan, ilagay ako sa isang controlled environment na
kung saan maaari nila akong puntahan anytime, kausapin, i-interrogate, at
makuha nila ang mga impormasyong gusto nilang makuha mula sa akin patungkol sa
panulat ng Antonio Ebangelista. At sa mga pagkakataong iyon kung saan kami ay
illegally detained ay wala kaming kalayaan makaalis o malayang pumunta kung
saan namin gusto.”
Pansinin ang kaniyang mga pag-angkin
o paratang: (a) sila ay “illegally detained”; (b) nasa isang “controlled
envidronment”: (c) wala silang kalayaan na makaalis o malayang pumunta kung
saan nila gusto; at (d) hindi raw nila hiniling sa Pamamahala na bigyan sila ng
pabahay at mapasailalim ng protective custody ng Central.
(1) Maliwanag na
nagsisinungaling si Boyet Menorca sa kaniyang pahayag na inisa-isa sa itaas na
binanggit niya sa kaniyang video sa Youtube. Ito ang affidavit na ginawa at
nilagdaan mismo ni Boyet Menorca:
Ang affidavit na ginawa ni Boyet Menorca
bago siya dalhin sa Central Compound
Ang “affidavit” na ito’y sulat
kamay ni Boyet Menorca mismo, at may lagda niya. Dalawang bagay ang
pinatutunayan dito: (1) siya mismo ang nagpatotoo na hindi siya dinukot, at (2)
na siya ang humingi ng “suporta” mula sa Pamamahala ng Iglesia. Dahil sa
kaniyang affidavit na ito, nagbubulag-bulagan na lamang ang hindi makakita na
nagsisinungaling talaga si Boyet Menorca sa kaniyang ini-upload na video sa
Youtube noong October 23, 2015.
(2) Kung talagang “illegally
detained” siya at ang kaniyang pamilya, “held against their will” ika nga, at
may panganib sa kanilang buhay, bakit noong siya ay ininterbyu ng GMA News sa
labas ng Central Compound, sa isang restaurant ay hindi niya sinamantala iyon
para makatas at makahingi ng tulong sa mga reporter ng GMA News. Napakagandang
pagkakataon iyon para makatakas siya dahil nasa labas sila ng Central at may
kaharap na media. Kahit pa sabihing sa pagkakataong iyon ay kasama niya ang
kaniyang abogadong INC memner, subalit sa panahong kinukunan siya ng GMA News
ay may magagawa ba sila kung siya ay “bumaligtad” ng pagkakataong iyon? Subalit,
sa halip na tumakas o humingi man lang ng saklolo sa mga reporter ng GMA News
ay nagbigay pa siya ng statement na hindi sila dikukot at bagkus ay nasa maayos
na kalagayan. Nanawagan pa siya sa kaniyang kapatid na tumigil na sapagkat
maayos naman ang kaniyang kalagayan.
Panayam ng GMA News kay Boyet Menorca
Si Sandra Aguinaldo habang kinakapanayam si Boyet Menorca
Itinanggi ni Boyet sa harap ng GMA News na bihag siya ng INC
Sinabi niya sa GMA News na kagustuhan niya na sa Central muna mamalagi
If you want to see
the video click this link
(3) Sa video sa ibaba ay
makikitang “maganda” ang kaniyang kalagayan at nakapupunta sila ng kaniyang
pamilya sa kanilang naisin. Maiwanag na naman na nagsisinungaling si Boyet
Menorca. Panuorin ang videong ito:
Maliwanag na kinupkop siya ng
Pamamahala at maganda ang kaniyang naging kalagayan sa Central Compound,
taliwas sa kaniyang inaangkin na “tinortyur” daw siya. Maliwanag din na makikita
sa video na salu-salungat ang mga pahayag ni Boyet Menorca.
Hindi ito lamang ang “patunay”
na nagsisinungaling ka kundi “patikim” lamang iyan para makita na agad ng madla
na nagsisinungaling ka. Alam mo na ang Central Compound ay puno ng CCTV (for
security purposes). Hindi mo ata sinabi iyan sa abogada mo? May lalo pang
mabibigat na ebidensiya na makapagpapatunay na nagsisinungaling ka lamang Boyet.
Subalit, hayaan na lang natin sa proper forum lumabas ang iyan. Sa palagay
namin ay sapat ang naipakita sa “video” sa itaas para makita agad ng madla ang
iyong pagsisinungaling.
Bakit ba biglang bumaliktad si
Boyet Menorca at biglang “ipinagkanulo” ang Pamamahala ng Iglesia? Ano rin ang
sagot sa kaniyang mga ipinahayag sa ginawa niyang presscon? Tatalakayin natin
iyan at marami pa sa mga susunod nating artikulo. ABANGAN ANG IKA-APAT NA
BAHAGI.
ITUTULOY
Isang buhay lamang ang pinagkaloob sa atin, at tayo'y naging mapalad pa't sa awa ng Diyos ay nasa loob ng Iglesia. Sa bawat araw ng ating buhay ay marapat lamang na tayo'y gumawa ng mga bagay na kalugod lugod sa Panginoong Diyos, sa pagsunod sa utos, at sa katapatan sa Kaniya. Para sa mga kapatid ko, mga kabataang Iglesia Ni Cristo, sana ang mga pangyayaring katulad nito ay magsilbing paalala sa ating lagi na sa ating paggawa ay kailangang maging tapat at tunay na Cristiano tayo. Walang maitatago sa paningin ng Ama, kahit ang laman ng puso at isip ay Kaniyang nakikita. Ang mga hindi tapat ay inihahayag Niya kaya't tulad nitong taong sinungaling na ito ay nahuhulog na bitag sa kaniyang sariling patibong.
ReplyDeleteTama po yan kapatid na alam ng Dios ang laman ng ating puso.
Delete*nahulog na biktima sa kanyang sariling patibong
ReplyDelete^_^ Nakakainip po pero exciting! Gusto na po naming magkakapatid na mabasa ang karugtong! (Y)
ReplyDeleteSa mga ministro at manggagawa na lumalaban na sa pamamahala ng iglesia. Kung totoo na hindi kayo si antonio evanghelista bakit hindi kayo magbalik loob?
ReplyDeleteSa mga fallen angel naman ang iglesia ni cristo ay hindi family bussines ng mga manalo. Ang nagtayo ay ang panginoon jesus. Ang sinugo na mangaral sa ating bansa ay si kapatid na felix. At ang may ari ay ang panginoon Diyos at hindi ang mga manalo o si kapatid na eduardo manalo.
Sa mg ministro at manggagawa na natiwalag. Ang pabahay ba na ipinatayo ng pamamahala para sa mga ministro at manggagawa na nagtratrabaho saloob ng inc compound ay labag ba sa aral ng Diyos? Ang pastoral house at ang dorm ng ministerial student,ang pabahay sa mga constraction worker ng inc, mgapabahay para sa mga nasalan ta ng kalamidad,ang collage of evangelical building,ang inc hospital. Sabihin nyo ngayon gibain ang lahat ng ito dahil labag sa doctrina.
ReplyDeleteAng philippine arena, dito isinasagawa grand evangelical mission na pinangungunahan ng ministro sa pagpapalaganap .saan titira ang distinado kong walan pastoral house.ang hospital ng inc ay para sa mga ministro
Mahalaga ang kapilya mahalaga rin ang mga ito.
Hirap talaga kapag ang tao ay may inggit at paghihimagsik sa puso dahil wala ng magawang tama puro taliwas na sa katotohanan. Masyadong nabulagan na kayo mga fallen angel nasilo na kayo ng patibong ni diablo.
ReplyDeleteOpo. Pagdumating ang Panginoong Jesucristo ay mabibigla o magugulat sila dahil nabulag na sila sa sarili nilang masamang hangarin.
ReplyDeleteNahayag lang ang mga taong taksil,sa Diyos, at sa Panginoong Jesucristo at sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo! Isa nga sa mga ito, ay si Lowell (acting & mapagpakunwari pa more) Menorca II at si Antonio (HIBANGelista) Evangeslista, Kelly Wrong(Joy Yuson. aka Kelly Ong). Illegally detained daw itong si Lowell Menorca II, mula July 25, 2015 hanggang October 21, 2015? Ang tanong ay ito...Kung natorture at illegally detained di umano daw siya, sa pagitan ng mga petsang nabanggit sa itaas? ay bakit nakakagala pa siya,noong August 11, 2015 at August 28, 2015? Samakatuwid, nahahayag lang ang MALAKING KASINUNGALINGAN ng TAKSIL na taong ito(Lowell Menorca II)! at nahayag din ang kanyang pangsariling motibo at kapakanan, at layunin para sirain ang Liderato ng Iglesia Ni Cristo, at pinsalain ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan, sa pamamagitan ng pagkakanulo niya sa Pamamahala ng Iglesia! At pati ang SCAN International, ay sinisiraan na rin nya at pinaratangan pa ng masama! HINDI NA NATAKOT SA DIYOS ANG TAKSIL NA TAONG ITO(Lowell Menorca II)! Ginoong Menorca! MAG MENOR KA NGA! sa MGA PARATANG at mga KASINUNGALINGAN MO! HINDI MO BA NAPAPANSIN? na unti-unti ka nang hinihila ng ama mong diablo! patungo sa walang hanggang kapahamakan! KAPAMAHAKAN SA PARUSANG WALANG HANGGAN, SA DAGAT-DAGATANG APOY at ASUPRE!
ReplyDeleteLet us stand firm in the true faith and by the side of Church Administration. We won't go wrong in attaining salvation.
ReplyDeleteRevelation 21:8
ReplyDeleteBut the cowardly, the unbelieving, the vile, the murderers, the sexually immoral, those who practice magic arts, the idolaters and all LIARS--they will be consigned to the fiery lake of burning sulfur. This is the second death."
Who are LIARS?