ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 35
FABRICATED
DOCUMENTS LAMANG ANG IPINAKIKITA NG MGA “FALLEN ANGELS” BILANG EBIDENSIYA TULAD
NG SINASABI NILANG “NICA REPORT”
SA maraming beses ay
napatunayan natin na magaling “gumawa ng kuwento” ang mga “Fallen Angels” tulad
ng mayroon daw “sampung ministrong dinukot ang Sanggunian” at ang “pagiging
hostage” nina Angel at Lottie na kamukat-mukat natin ay “may isang batang
nagbibiro” lang pala. Napatunayan na ang sinasabi nilang pag-hostage sa kanila
at ang sampung ministrong dinukot ay PAWANG KASINUNGALINGAN, subalit ang mga
pumanig sa kanila ay nagbulag-bulagan para lang mapanindiganan na hindi sila
nagkamali ng sinamahan o pinanigan. Sa pagkakataon namang ito ay mapatutunayan
natin na hindi lamang pinapaniwala ng mga “Fallen Angels” ang mga
mapapaniwalain at mga nagbubulag-bulagan sa mga “kathang kuwento” lamang, kundi
pinapaniwala din sila sa mga “kathang dokumento” lamang (“fabricated
documents”).
Sa maraming ulit ay ipino-post
ng mga “Fallen Angels” sa social media (sa pamamagitan ng kanilang mga pages at
blog) ang isang “NICA Report” ukol sa involvement daw ng Sanggunian (lalo na ni
Ka Erdz Codera, kabilang sa Sanggunian) at ni Ka Ric Ventura (ang ama ni Ka
Babylyn, ang asawa ni Ka Eduardo) sa mga “corruptions” sa Bureau of Customs.
Ito ang “mga dokumento” na kanilang tinutukoy:
Image 01
Ito ang “dokumento” na
sinasabi nilang “NICA Report” n paulit-ulit nilang ipino-post sa social media
para palabsin na sangkot sa katiwalian ang Sangunian at ang ama ni Ka Babylyn.
Ang layunin nila kaya pilit na
pinalalabas na “involved” daw sa corruption sa Bureau of Customs ang Sanggunian
at ang ama ni Ka Babylyn ay upang pasamain ang mga miembro ng Sanggunian (ang
mga pangunahing katuwang ni Ka Eduardo) at pasamain si Ka Babylyn (ang asawa ni
Ka Eduardo), kaya ang lugto ng lahat ng ito ay upang “pasamain” si Ka Eduardo,
ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.
Para maipakita sa mga
mapaniwalain na ang “dokumentong” ito na sumasangkot kay Ka Erdz at Ka Ric sa
corruption sa Bureau of Customs ay “matibay na ebidensiya” ay pinalalabas nila
na ito raw ay aktuwal na galing sa NICA o isang lehitimong “NICA Report.” TOTOO
KAYA ITO?
Ano ang “NICA”?
“The National
Intelligence Coordinating Agency or NICA is the primary intelligence collection
and analysis arm of the Philippine government in charge in carrying out
overt, covert,
and clandestine
intelligence programs. The current head of the Agency is General Cesar Garcia.
Its motto is Ang Karunungan ay Kaligtasan (translated "Knowledge is
Security").
“Presently, NICA
is in close coordination with the CIA, Mossad and
intelligence services of ASEAN countries to counter the threat of terrorism.”[Source: Chan
and Robles Virtual Library, “NICA” http://www.chanrobles.com/legal3nica.html#.Vg6hJX1gjrO]
Ang kahulugan pala ng “NICA”
ay “National Intelligence Coordinating Agency” na ISANG LIHITIMONG AHENSIYA NG
GOBYERNO ng Pilipinas na ang pangunahing gampanin ay ukol sa “Intelligence”
(pangangalap ng impormasyon).
Kaya hindi kataka-taka na
ipagpilitan ng mga “Fallen Agels” na ang “mga dokumento” na kanilang inilalabas
ay galing daw sa NICA o lehitimong “NICA Report” para ipakita sa mga
mapaniwalain na ang “mga dokumentong” ito na kanilang ipinakikita ay “may
kredibilidad” kaya raw “matibay na ebidensiya.”
LEHITIMO BANG
“NICA REPORT”
O FABRICATED
LAMANG?
Kung hindi magiging mapanuri
ang isang tao ay madali nga siyang mapapaniwala na ang “mga dokumentong” ito ay “matitibay na ebidensiya”
– Kung hindi magiging mapanuri at mag-iisip na mabuti. Subalit, pag-isipan at
pag-aralan natin:
(1) Ang unang dapat
pag-isipang mabuti ay ang NICA ay isang “lehitimong ahensiya ng Pamahalaan” na
ang gampanin ay ukol sa “intelligence”; ang “mga dokumento” na inilabas ng mga
“Fallen Angels” ay “confidential documents” na may nakalagay pa nga sa “mga
dokumentong” ipinost nila sa social media na “Secret”; KAYA ANG TANONG AY
PAPAANONG ANG “INTELLIGENCE AGENCY” NG GOBYERNO AY NALUSUTAN NG ISANG “LEHITIMONG
CONFIDENTIAL DOCUMENT” AY NANAHIMIK LAMANG AT HINDI NAG-REACT? Hindi ba’t isang
malaking kahihiyan sa isang ahensiya ng gobyerno na nananagot sa “intelligence”
ang nalusutan ng “lehitimong dokumento”? Hindi ba’t kapag sa ganitong ahensiya
ay nagkaroon ng “breach of protocol” at “breach of confidentiality” ay tiyak na
katakot-takot na imbistigasyon at “reshuffle” kung hindi man “tanggalan” ang
magaganap?
(2) Saan naman kayo nakakita
na isang “lehitimong dokumento” ng isang lehitimong ahensiya ng gobyerno na ang
“official confidential report” ay walang “official seal” o “official letter
head” ng kanilang ahensiya? Dito palang ay lubos nang kaduda-duda ang “mga
dokumentong” ito na inilabas ng mga “Fallen Angels” di po ba?
Image 02
Tanging mapaniwalain, hindi nagsisiyasat at bulag-bulagan ang agad na maniniwala na ang ganitong "dokemento" ay "lehitimo" o isang "opisyal na dokumento" na mula sa isang opisyal at lehitimong ahensiya ng Pamahalaan. Ang totoo kahit sino, kahi "basic" lang ang alam sa computer ay makagagawa ng ganitong "dokumento."
(3) May matibay na ebidensiya
na hindi aktuwal na sa NICA galing ang “mga dokumento” na inilabas sa social
media. Gusto po ninyong malaman kung saan talaga nila nakuha ang ginagamit
nilang “mga dokumento”? Kinuha lamang nila ang mga ito sa INTERNET
din. Ito ang link ng kanilang pinagkunan:
Ang document na ito ay galing
sa https://ia800307.us.archive.org.
Ukol sa site na ito ay ganito ang ating mababasa sa kaniyang “about” [https://archive.org/about/]:
“About the
Internet Archive
“The Internet
Archive is a 501(c)(3) non-profit that was founded to build an Internet
library. Its purposes include offering permanent access for researchers,
historians, scholars, people with disabilities, and the general public to
historical collections that exist in digital format.
“Founded in 1996
and located in San Francisco,
the Archive has been receiving data donations from Alexa Internet and others. In late 1999, the
organization started to grow to include more well-rounded collections. Now the
Internet Archive includes: texts, audio, moving images, and software as well as archived web pages in our
collections, and provides specialized services for adaptive reading and
information access for the blind and other persons with disabilities.”
Pansinin ninyo ang sinabi ng
site na tumatanggap sila ng “data donations” from “Alexa internet” at “others.”
Ang binabanggit niyang “Alexa” ay isang “internet tool” na tumutulong sa
kaniyang “archiving” at ang tinutukoy niyang “others” ay ang mga iba’t ibang
nag-a-upload” ng mga “data donations” sa kaniya. Kahit sino ay maaaring
mag-upload sa site na ito at pagkatapos ay maaaring i-retrieve ng sinuman.
SAMAKATUWID, ang “NICA report”
na inilalabas ng mga “Fallen Angels” ay HINDI AKTUWAL NA GALING SA NICA, KUNDI MULA
LAMANG SA “ARCHIVE.ORG” NA INI-UPLOAD LAMANG NG “SINUMAN.” Hindi natin sinasabi
na sila ang “gumawa” o/at sila rin ang “nag-upload” ng dokumentong ito sa
archive.org. Subalit, ang natitiyak natin ay hindi galing sa NICA ang
dokumentong ito, kaduda-duda at walang kredibilidad ang “mga dokumentong” ito,
anupa’t FABRICATED lang pala ang mga dokumentong ito.
Ang totoo, ang mga “Fallen Angels”
lamang at mga walang kredibilidad na “media outfit” ang kumagat sa “mga
dokumentong” ito subalit hindi ng mga “responsableng media practitioners”
SAPAGKAT MALIWANAG NAMAN SA MISMONG PAHAYAG NG NAG-RESIGN NA SI SEVILLA, ANG
DATING CHIEF NG BUREAU OF CUSTOMS, NA WALANG EBIDENSIYA AT SIYA MISMO AY HINDI
NANINIWALA SA ANUMANG “INVOLVEMENT” NG IGLESIA NI CRISTO SA “KATIWALIAN” NA
NAGAGANAP SA AHENSIYANG ITO. Ganito ang kaniyang mismong pahayag sa kaniyang
presscon nang siya ay magbitiw sa puwesto:
Please watch this
video
Sevillas’s Offcial
Statement regarding INC invovement in BOC scandal
KONKLUSYON
Samakatuwid, kung papaanong
pinapaniwala ng mga “Fallen Angels” ang mga pumapanig sa kanila sa mga “kathang
kuwento” lamang, pinapaniwala din nila ang mga mapaniwalain sa mga “kathang
ebidensiya” (“fabricated documents”) lamang. Talagang lahat ng maruming taktika
ay gagamitin nila para pasamain ang Pamamahala sa Iglesia.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.