ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 38
SINO SI
LOWELL
(BOYET) MENORCA?
Unang Bahagi
HINDI EX-MINISTER SI BOYET SAPAGKAT HINDI SIYA NAGING MINISTRO SA
IGLESIA NI CRISTO
DITO pa lamang sa kaniyang
pagpapakilala sa sarili ay kitang-kita na ang kaniyang pagsisinungaling
sapagkat si Lowell “Boyet” Menorca ay hindi isang “ex-minister” ng Iglesia Ni
Cristo. HINDI SIYA NAORDENAHAN.
Sa Iglesia Ni Cristo ang
tinatawag na “ministro” ay ang pinatungan ng kamay ng Tagapamahalang
Pangkalahatan o inordenahan bilang isang ministro ng Ebanghelyo. Ang hindi pa
nao-ordenahan o napapatungan ng kamay ay hindi tinatawag na “ministro” kundi
isang “regular na manggagawa” (ang ganito ay maituturing pa rin na isang “trainee”
hanggang hindi siya na-oordenahan).
Si Boyet Menorca ay isang “regular
na manggagawa” lamang (nasa kategoryang “trainee”) at HINDI ISANG MINISTRO. Sa
libo-libong inordenahan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang ministro ng
Ebanghelyo, at sa maraming beses na nagsagawa ng ordenasyon mula pa noong 2010
ay gayon din karaming beses “nalagpasan” si Boyet Menorca.
Naalala ko tuloy ang mga unang
nagsagawa ng paghihimagsik o paglaban sa Pamamahala ng Iglesia noong 1922. Ito
rin ang naging pangunahing dahilan ng kanilang paglaban – ang napag-iwanan sa
ordenasyon. Si Basilio Santiago ay kabilang sa unang batch ng mga nag-aral sa
pagkamanggagawa noong 1915. Pagkatapos ng ilang taong pagsasanay ay isinagawa
ang kauna-unahang ordenasyon noong 1919. Kabilang sa mga naordenahan noon ay
sina kapatid na Justino Casanova at Federico Inocencio. Ang kanilang kaklase na
si Basilio Santiago ay hindi nakasama.
Ang ikalawang ordenasyon na
pinangasiwaan ni Kapatid na Felix Y. Manalo ay isinagawa noong 1921 at kabilang
sa inordenahan ay sina Bernardo Turla at Maximo Valenzuela, na hindi kabilang
sa first batch ng mga mag-aaral sa pagkamanggagawa na nagsimulang magsanay
noong 1915. Kaya si Basilio Santiago ay napag-iwanan na naman sa ordenasyon at
naunahan pa ng dalawang manggagawa na higit siyang nauna sa paglusong sa
ministerio.
Noong 1922 ay isinagawa ang
ikatlong ordenasyon at kasama sa naordenahan sina Santiago Lopez, Januario
Ponce at Teofilo Ora. Si Basilio Santiago ay muling napag-iwanan. Masyado siyang
nagdamdam at nagtanim ng inggit at galit, kaya nang taon ding iyon ay kasama
siya sa mga naghimagsik laban sa Pamamahala ni Kapatid na Felix Y. Manalo.
Lumalabas na naulit lamang ang
nangyari noon kay Basilio Santiago kay Lowell “Boyet” Menorca – ang malabis na
pagdaramdam, pagtatanim ng inggit at galit dahil sa napag-iwanan sa ordenasyon.
Masasabi natin na ang hindi
pag-ordena kay Lowell “Boyet” Menorca ay udyok ng Espiritu Santo sa
Tagapamahalang Pangkalahatan, kay Kapatid na Eduardo V. Manalo sapagkat tulad
ng sinabi ni Apostol Pedro kay Simong manggagaway ay siya ring naging kalagayan
ni Boyet:
Gawa 8:21,23 NPV
21Wala kang
bahagi sa ganitong uri ng paglilingkod pagkat marumi ang puso mo at hindi ka
karapatdapat sa paningin ng Dios.
23Pagkat
nakikita kong inggit na inggit ka at bilanggo ng kasalanan."
Patuloy na napag-iwanan ng libo-libo nang naordenahan sa panahon ng
Pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, at patuloy na nalampasan sa
maraming beses nang pagsasagawa ng ordenasyon sa loob ng may anim na taon –
hindi pala kataka-taka na nagawa niya ang paglaban sa Pamamahala na gaya ng
nagawa ni Basilio Santiago na napuno ng inggit at galit ang puso.
ITUTULOY
Revelation 21:8
ReplyDeleteBut the cowardly, the unbelieving, the vile, the murderers, the sexually immoral, those who practice magic arts, the idolaters and all LIARS--they will be consigned to the fiery lake of burning sulfur. This is the second death."