29 October 2015

Nagsisinungaling sila sa pagsasabing tinawag daw na ministro ng NET25 si Boyet Menorca



 ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 39

SINO SI
LOWELL ("BOYET") MENORCA?
Ikalawang Bahagi

Ipinipilit ng mga Fallen Angels ang 
kanilang kasinungalingan



MAY inilabas ang mga Fallen Angels na “video” na ginawa nila para ipakitang ang NET25 o Eagle News daw ang tumawag kay Lowell “Boyet” Menorca II na “ministro.” Ang kanilang “pangangatuwiran” na ito ay nagpapakita lamang na ipinipilit nila na si Boyet Menorca ay “isang ministro.”  Subalit, mapapansin na ang “video” ay “chop-chop” o “putol-putol” para palabasin na ang binabanggit sa “headline” ng nasabing balita na “nawawalang ministro” ay si Boyet Menorca daw. KUNG PANUNUORIN LAMANG ANG BUONG “VIDEO” AY MAKIKITA NA MULING NAGSISINUNGALING ANG MGA FALLEN ANGELS AT ANG KANILANG MGA “BLIND FOLLOWERS.”
  




Kung panunuorin lamang ang buong video ay makikita ang sumusunod:

(1) Ang binabanggit sa headline at “MGA nawawalang ministro”:  

“Umanoy MGA nawawalang ministro ng INC, lumutang para linawing hindi SILA dinukot.”


Kaya ganito ang “headline” ng pinag-uusapang balita sapagkat hindi ito balita tungkol kay Boyet Menorca, kundi maliwanag na makikita sa video na ito’y balita ukol sa pakikipanayam sa mga “ibinalita” ng mga Fallen Angels din na diumanoy “MGA nawawalang ministro” na sina Ka Jojo Nemis, Ka Arnel Tumanan, Ka Nolan Olarte at Ka Joel San Pedro. Si Boyet pa ang “huli” sa mga kinapanayam  kung baga ay “dagdag” o “singit” lamang siya.
 
(2) Hindi kailanman binanggit sa “headline” na si Boyet Menorca ay isang ministro, ni hindi nga nabanggit ang kaniyang pangalan sa  “headline.” Sa lalong ikalilinaw ay muli nating sipiin ang “headline” ng nasabing balita:  

“Umanoy MGA nawawalang ministro ng INC, lumutang para linawing hindi SILA dinukot.”

Sa  isang nagmamasid at nag-iisip ay halata na agad ang PANDARAYA ng mga Fallen Angels sa pagsasabing ang tinutukoy o tinatawag na “ministro” sa headline ng balita ay si Boyet Menorca sapagkat maliwanag ang sinasabi ng “headline” ng nasabing balita na “MGA NAWAWALANG MINISTRO” at hindi “NAWAWALANG MINISTRO” lang ang banggit. Hindi ba’t isang kakatwa (“ridiculous”) na pinaulit-ulit pa nila ang sinasabi ng “headline” na “MGA nawawalang ministro” pagkatapos ang konklusyon ay “si Boyet iyan.”

(3)  Kailanman ay hindi tinawag na ministro si Boyet Menorca sa nasabing video. Maliwanag sa “report” ng Eagle News na tinawag si Ka Jojo, si Ka Arnel, at si Ka Joel na ministro, subalit HINDI KAILANAMAN TINAWAG SA NASABING REPORT SI BOYET NA “MINISTRO.”

Ang pandaraya na ginawa ng mga Fallen Angels ay “pinutol-putol” ang video. Ipinakita ang paglalahad ng News Anchor ng “headline,” tapos ay inulit-ulit ang pahayag ng “reporter,” pagkatapos ay putol na at ang ipinakita lang na kinapanayam ay si Boyet para nga naman  lumabas na siya ang tinutukoy ng “headline” na “nawawalang ministro” (bagamat kahit sa ginawang video ng mga Fallen Angels ay maliwanag na “MGA nawawalang ministro” ang banggit). KITANG-KITA ANG KANILANG PANDARAYA.

(4)  Hindi kasama si Boyet Menorca sa binanggit na “mga nawawalang ministro na lumutang” dahil pansinin na pagkatapos banggitin ni Ka Weng dela Fuente ang ukol sa “mga nawawalang ministro” ay bukod ang pagtalakay niya o pagbanggit kay Boyet Menorca. Ganito ang sinabi ni Ka Weng:

“Yes Angelo, sa nakalipas na mga araw ay lumabas ang mga balita ukol sa mga ministro ng Iglesia Ni Cristo na sinabing dinukot at nawawala at nakakuha nga tayo ng mga DVD copy na ang ginawa nilang pagharap at pagpapatunay na sila ay hindi nawawala at nanatiling miembro at ministro sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Narito ang naging panayam ng tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo, si kapatid na Edwil Zabala, sa sinasabing nakulong at dinukot na si Brother Lowell “Boyet” Menorca II. Panuorin natin ito.”

 
Malinaw na hindi kabilang si Boyet sa sinasabi ng headline na “mga nawawalang ministro” dahil pagkatapos na banggitin ni Ka Weng na “Yes Angelo, sa nakalipas na mga araw ay lumabas ang mga balita ukol sa mga ministro ng Iglesia Ni Cristo nasinabing dinukot at nawawala at nakakuha nga tayo ng mga DVD copy na ang ginawa nilang pagharap at pagpapatunay na sila ay hindi nawawala at nanatiling miembro at ministro sa loob ng Iglesia Ni Cristo.” AY BUKOD NIYANG SINABI O IDINAGDAG NIYA ANG “Narito ang naging panayam ng tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo, si kapatid na Edwil Zabala, sa sinasabing nakulong at dinukot na si Brother Lowell “Boyet” Menorca II. Panuorin natin ito.”

Pansinin na nang gumagawa ng “ introduction” si Ka Weng sa kaniyang report na “umanoy mga nawawalang ministro na lumutang” at bukod din na gumawa siya ng “introduction” ukol sa ginawang panayam kay Boyet Menorca.

(5)  Nang ang ipapalabas na ay ang ukol sa panayam kay Boyet Menorca (siya ang huli sa kinapanayam), sa “introduction” dito ni Ka Weng ay hindi niya binanggit na ministro si Boyet o ipinakilala man na gayon. Ang sabi niya:

“At iyan ang naging panayam kay Brother Joel San Pedro. Kong Angelo, ang latest nga na lumabas at lumantad para pasinungalingan ang alegasyon ng abduction at hostage taking ay ang napalathalang pangalan sa mga pahayagan at narinig din sa mga pagbabalita si Brother Lowell Menorca II. At sa kaniya ngang pagharap at pakikipanayam pa rin ni Kapatid na Edwil Zabala ay pinasinungalingan niya na siya ay pinahirapan. So narito ang bahagi ng panayam sa kaniya ng Ka Edwil.”

(6) Ang PAGPUTOL sa nasabing “report” para palabasin ng mga Fallen Angels na ang “report na ito’y parang tungkol lang kay Boyet Menorca, na inalis (deleted) ang panayam sa apat pa na sina Ka Jojo Nemis, Ka Arnel Tumanan, Ka Joel San Pedro, at Ka Nolan Olarte, AY ISANG MALAKING PANDARAYA.

Brother Jojo Nemis

 
Brother Arnel Tumanan

 Brother Nolan Olarte

 Brother Joel San Pedro
 
(7) PATULOY NA PAGSISINUNGALING ang ipagpilitan na si Boyet Menorca ay isang “ministro” sapagkat kayo mismo ay alam na alam ninyo na siya ay hindi isang ministro. Halos isang dekada na ang lumipas mula ng siya nag-graduate ng BEM ay hanggang ngayon ay hindi siya nao-ordenahan.

Gayon na lang ang pagsisikap ng mga Fallen Angels na itago ang katotohanan na si Boyet Menorca ay isang dekada nang regular o mula nang nag-graduate sa BEM pero hanggang ngayon ay hindi nao-ordenahan, kasi alam nilang ito ay isang malaking sampal sa “reputasyon” ng kanilang bagong “armas” laban sa Pamamahala. Isipin ninyo, si Boyet ay naunahan ng libo-libo sa ordenasyon, at nalampasan ng maraming beses. Kaya nakikini-kinita natin na sa bawat ordenasyong lumilipas ay nagpuputok ang kaniyang dibdib sa “sama ng loob.” Alam ng mga Fallen Angels na ang isang may matinding inggit, sama ng loob, paninibugho at galit ay hindi na pagtatakhan ng lahat na gagawa ng paglaban sa Pamamahala. Kaya, hindi maling sabihin na  “BINGOT” ang kanilang bagong “armas.”  


KONKLUSYON
 
Maliwanag na isang pagsisinungaling ang sinasabi ng mga Fallen Angels na tinawag sa report na ito ng Eagle News na "ministro" si Boyet Menorca. Walang sinasabing ganoon. Kaya, ang binabanggit sa “headline” na “umanoy mga nawawalang ministro na lumutang para pabulaanan” ang kaninungalingan na sila'y dinukot (na ang mga Fallen Angels din po ang nagpalaganap) ay tumutukoy sa mga ministro na kinapanayam. Katunayang hindi kabilang si Boyet sa tinutukoy na “mga ministro” sa “headline” ay may bukod na “pagpapakilala” sa panayam sa kaniya.

Dito ay kitang-kita natin na patong-patong ang PAGSISINUNGALING ng mga Fallen Angels: una, sila naman ang pinagmulan ng kasinungalingan na “may mga ministrong dinukot”; ngayon naman ay dinagdagan nila ang kanilang kasinungalingan sa pagpipilit na tinawag daw ng NET25 si Boyet Menorca na "ministro"; at ang pagpipilit nila na palabasin na si Boyet ay “ministro” ay isa pa ring malaking kasinungalingan. Hayag na hayag lang kung kanino silang anak:

Juan 8:44
44Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin.  Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya.  Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.


1 comment:

  1. Kakahiya kau Menorca..pa english english ka sa harap mh media,kala mo sinong ministro yun pala matandang manggagawa ka lang pala.buti pa sau Menorca..mangangalakal ka ng bote at diyaryo..dawag ka sa Iglesia

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)