02 January 2017

May Dapat Munang Malaman ang Lahat Ukol sa Iglesia Ni Cristo



ANG DAPAT MUNANG MALAMAN NG LAHAT UKOL SA IGLESIA NI CRISTO BAGO PAUNLAKAN ANG MGA PAANYAYA SA PAMAMAHAYAG AT PAGSAMBA




MAYROON ka bang mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, katrabaho, o kakilala na kaanib sa Iglesia Ni Cristo? May dapat ka munang malaman tungkol sa Iglesia Ni Cristo bago mo tanggapin ang kanilang paanyaya na dumalo sa kanilang mga pamamahayag , doktrina at pagsamba, o makinig sa kanilang mga pangangaral.

Ang Iglesia Ni Cristo ay lubos na nananalig na ang Biblia ay ang salita ng Diyos at ang tanging batayan ng pananampalataya at paglilingkod sa Diyos. Kaya, ang Iglesia Ni Cristo ay:


HINDI HUMIHIGIT SA NAKASULAT

Ang Iglesia Ni Cristo ay mahigpit na sumusunod sa tagubilin ng mga apostol na huwag hihigit sa nakasulat:

 I Corinto 4:6
“Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT...” (Amin ang pagbibigay-diin)

Kaya, ang Iglesia Ni Cristo ay hindi nagdaragdag, ni nagbabawas sa nakasulat sa Biblia. Anupa't kung ano ang nakasulat sa Biblia ay siyang aming itinuturo, siyang aming sinusunod, siyang aming pinaninindiganan. Lahat ng aral ng Iglesia Ni Cristo ay pawang nakabatay sa nakasulat sa Biblia.


HINDI NAGBIBIGAY NG SARILING PALIWANAG
(PRIVATE INTERPRETATION) SA BIBLIA

Mahigpit din na tinutupad ng Iglesia Ni Cristo ang sinasabi ng Biblia na “alinmang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag”:

 II Pedro 1:20
“Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay HINDI NAGBUHAT SA SARILING PAGPAPALIWANAG.” (Amin ang pagbibigay-diin)
 
II Peter 1:20 NKJV
“Knowing this first, that NO PROPHECY OF SCRIPTURE IS OF ANY PRIVATE INTERPRETATION.” [Emphasis mine]

TKaya, hindi kami nagbibigay ng anumang saRiling pagpapaliwanag o interpretasyon sa nakasulat sa Biblia. Hindi kami nagsasalig sa opinyon o haka-haka lamang, kundi hinahayaan namin na ang sinasabi ng Biblia ay ang Biblia rin ang magpaliwanag.


HINDI KAMI NAGTUTURO NG ARAL 
NA GAWA LAMANG NG TAO

Ang lahat ng aral o paniniwala na itinataguyod ng Iglesia Ni Cristo ay pawang nakabatay sa mga aral na nakasulat sa Biblia. Hindi kami kailanman susunod sa mga aral o turo na gawa lamang ng tao (hindi nakabatay sa Biblia, labas sa Biblia, o unscriptural, unbiblical) sapagkat hindi tinatanggap ng Diyos ang anumang pagsamba o paglilingkod, kahit pa ipinatutungkol sa Kaniya, na salig lamang sa aral o turo ng tao:

 Mateo 15:9
“Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.”
 
Kaya, hindi kataka-takana mahigpit ang bilin ng mga apostol na huwag hihigit sa nakasulat, sapagkat ang labas sa Biblia (unscriptural) ay utos o aral na gawa lamang ng tao, at ang pagsamba o paglilingkod na salig sa gayon ay walang kabuluhan sa Diyos.


HIDI KAMI NAGTUTURO O NAGSASALITA
NG AYON SA KARUNUNGAN NG TAO

Mahigpit na tinutupad ng Iglesia Ni Cristo ang sinabi ni Apostol Pablo na:

 I Corinto 2:13 MB
“Sa mga nagtataglay ng Espiritu, ang ipinaliliwanag nami'y mga katotohanang espirituwal; mga pananalitang turo ng Espiritu at HINDI AYON SA KARUNUNGAN NG TAO ANG GINAGAMIT NAMIN.” (Amin ang Pagbibigay-diin)

Kaya, hindi ang karunungan ng tao ang ginagamit at sinasalita ng Iglesia Ni Cristo sa pangangaral, kundi ang ipinangangaral ng Iglesia Ni Cristo ay ang KATOTOHANANG ESPIRITUWAL lamang o kung ano lamang ang nakasulat sa Biblia. DAHIL DITO...


INIWAWANGIS lamang NAMIN ANG MGA
 BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA 
PANANALITANG AYON SA ESPIRITU

Sapagkat ang Iglesia Ni Cristo ay hindi humihigit sa nakasulat, hindi nagbibigay ng sariling opinyon o interpretasyon, hindi nagsasalig sa haka-haka o opinyon, hindi gumagamit o nagsasalita ng karunungan ng tao, at lalong hindi nagsasalig sa aral na gawa lamang ng tao, papaano kung gayon ipinangangaral ng Iglesia Ni Cristo ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia? Tulad ng itinuro sa atin ng mga apostol:

 I Corinto 2:13

“Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.” (Amin ang pagbibigay-diin)


SAMAKATUWID, KUNG ANO ANG SINASALITA NG BIBLIA AY SIYANG SINASALITA NG IGLESIA NI CRISTO

Ito ang tiyak namasasaksihan ninyo sa mga pamamahayag, pagdudoktrina at pagsamba ng Iglesia Ni Cristo. Ang ministro ay nagtatanong lamang, at ang sagot ay tuwirang binabasa mula sa Biblia. Ang isang talata ng Biblia ay isang talata din ng Biblia ang magapaliwanag, hindi agbibigay ng sariling haka-haka o kuro-kuro ang ministro. Ang pamamaraan pala ng pagtuturo ng mga ministro ng Iglesia Ni Cristo ay ang pamamaraang itinuturo ni Apostol Pablo na "iniwawangis ang mga bagay ng Espiritu sa mga bagay ng Espiritu."

PANUORIN ANG video na ito na naglalaman ng testimonya o patotoo mula sa mga taong nakadalo sa mga pangangaral ng Iglesia Ni Cristo sa pamamahayag at pagsamba na mula sa iba't ibang panig ng mundo:

 

KAYA, DAPAT MUNANG MALAMAN NG LAHAT NA ANG ITNUTURO SA MGA AMAMAHAYAG, PAGDUDOKTRINA AT PAGSAMBA NG IGLESIA NI CRISTO AY ANG PAWANG ANG MGA ARAL NA NAKASULAT SA BIBLIA

*****

MALUGOD PO NAMIN KAYONG INIIMBITAHAN NA DUMALO SA MGA PAMAMAHAYAG, PAGDUDOKTRINA, AT PAGSAMBA NG IGLESIA NI CRISTO SA PINAKAMALAPIT NA KAPILYA SA INYONG LUGAR. 
LAHAT PO AY "WELCOME" NA DUMALO.

1 comment:

  1. IGLESIA NI CRISTO ( CHURCH OF CHRIST ) IS THE TRUE CHURCH .

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)