ANG
KATOTOHANAN UKOL SA BINABANGGIT NG BIBLIA NA “ANAK NA BABAE NG SION”
SA Biblia ay may mababasa tayong
ekspresyong “Anak na Babae ng Sion” na binigyang kahulugan o interpretasyon ng
iba. Pag-aaralan natin hindi sa pamamagitan ng haka-haka o kuro-kuro kundi kung
ano ang itinuturo ng Biblia ukol sa banggit na “Anak na babae ngSion.”
Ang salitang “Sion” (sa Ingles
ay “Zion”) sa Bagong Tipan ay maaaring tumukoy sa “Iglesia” gaya ng binabanggit
sa Hebreo 12:22:
“But you have
come right up into Mount Zion, to the city of the living God, the heavenly
Jerusalem, and to the gathering of countless happy angels; and to the church,
composed of all those registered in heaven; and to God who is Judge of all; and
to the spirits of the redeemed in heaven, already made perfect.” (Heb. 12:22-23
LB)
Ngunit sapagkat ang binibigyan
ng iba ng maling pakahulugan ay ang banggit na “Anak na babae ng Sion” sa
Matandang Tipan, kaya dito natin ituon ang ating pagsisiyasat kung ano ang
tinutukoy ng Matandang Tipan sa banggit na “Anak na Babae ng Sion.”
ANG BINABANGGIT NA “SION”
Sa Matandang Tipan, ang “Sion”
ay karaniwang tumutukoy sa pangalan ng isang “bundok”:
“Gayon ma'y
inilagay ko ang aking hari Sa aking banal na bundok ng Sion.” (Awit 2:6)
Pinatutunayan ito ng mga
nagsipagsiyasat na ang pangunahing gamit ng Matandang Tipan sa “Sion” ay
pangalan ng isang bundok (a “topographical designation”):
“Whatever its
etymology, "Zion" was primarily a topographical designation.” (International
Standard Bible Encyclopedia, s.v. “Zion”)
Ang “Sion” ay pangalan ng
pangunahing bundok na kinatatayuan ng Lunsod ng Jerusalem:
“ZION…a
prominent hill of Jerusalem, being generally regarded as the south-westernmost
and the highest of those on which the city was built. It included the most
ancient part of the city with the citadel, and, as first occupied for a palace,
was called the city of David (2 Chron 5:2). Being the original site of the
tabernacle pitched by David for the reception of the ark, it was also called
the holy hill, or hill of the sanctuary (Ps 2:6).” (McClintock and Strong
Encyclopedia, s.v. “Zion”)
Ang Lunsod ng Jerusalem ay
nakatayo sa ibabaw ng apat na bundok, na ang pangunahin at pinakamataas ay ang
Bundok ng Sion (“Mount Zion”). Ang bundok na kinatatayuan ng Templo ay
tinatawag na “Moria.” Sapagkat nang makuha ito ni Haring David mula sa mga
Jebuseo ay dito niya itinayo ang kaniyang muog at palasyo kaya tinatawag itong
“lunsod ni David” (“city of David”) gaya ng mababasa sa I Kronika 5:2. Sapagkat
ito ang orihinal na dako ng pinagtayuan ng tolda na pansamantalang pinaglagakan
ng “kaban ng tipan” kaya tinawag din ito na “banal na bundok ng Sion” (Awit
2:6).
ANG JERUSALEM
AY TINAWAG DIN NA “SION”
Dahil sa ang Jerusalem ay
nakatayo sa Bundok ng Sion kaya may mga banggit din sa Matandang Tipan ng
“Sion” na ang tinutukoy ay ang Lunsod ng Jerusalem tulad ng nakasulat sa Awit
48:2:
“Maganda sa
kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng
hilagaan, Na bayan ng dakilang Hari.” (Awit 48:2)
Pinatutunayan din ng mga
nagsipagsiyasat na lalo na sa mga huling aklat ng Matandang Tipan ay ginamit
din ang salitang “Sion” upang tumukoy sa Jerusalem sa kabuuan:
“In the later
books of the Old Testament this name was sometimes used (Ps 87:2; 149:2; Isa
33:14; Joel 2:1) to denote Jerusalem in general, and sometimes God's chosen
Israel (Ps 51:18; 87:5).” (Easton's Bible Dictionary, s.v. “Zion”)
Ang halimbawa nito ay ang
banggit sa Aklat ni Propeta Isaias:
“Narito, ako at
ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka
kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa
bundok ng Sion.” (Isaias 8:18)
“Kaya't ganito
ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa
Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng
pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto.” (Isaias
10:24)
Hindi ba’t malinaw sa mga
talatang ito na ang binabanggit ni Propeta Isaias na “Sion” ay tumutukoy sa
jerusalem sa kabuuan (sa literal na “Jerusalem”)? Samakatuwid, kung may gamit
man ang Bgong Tipan sa salitang “Sion” na tumutukoy sa “Iglesia” (Heb.
12:22-23), maling-mali na i-konklusyon sa bawat pagbanggit ng “Sion” ay
tumutukoy agad sa “Iglesia.” Sa Matandang Tipan, ay may gamit ng salitang
“Sion” na tumutukoy sa bundok na kinatatayuan ng Jerusalem, at maging sa
Jerusalem sa kabuuan.
ANG TINUTUKOY
NA “ANAK NA BABAE NG SION”
Ang banggit na “Anak na Babae
ng Sion” ay ginamit tulad lamang ng banggit na “Anak na Babae ng Juda” na gaya
ng binabanggit sa Awit 97:8:
“Narinig ng
Sion, at natuwa, At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak; Dahil sa iyong
mga kahatulan, Oh Panginoon.” (Awit 97:8)
Dito ay malinaw na ang
tinutukoy ng banggit na “Anak na Babae ng Juda” ay ang populasyon ng kaharian
ng Juda, o sa mga tao ng Juda:
“Zion hears
about this and rejoices. THE PEOPLE OF JUDAH are delighted with your judgments,
O Lord.” (Awit 97:8 God’s Word, amin ang
pagbibigay-diin)
Pansinin din ang nakasulat sa Ezekiel 16:27:
“Narito nga,
iniunat ko ang aking kamay sa iyo, at binawasan ko ang iyong karaniwang
pagkain, at ibinigay kita sa balang maibigan ng nangagtatanim sa iyo, na mga
anak na babae ng mga Filisteo…” (Ezekiel 16:27)
Ang salitang “Anak na Babae ng
mga Filisteo” ay tumutukoy sa mga Filisteo mismo:
“Dahil dito,
parurusahan kita. Babawasan ko ang iyong
mana. Ipasasakop kita sa mga Filisteo, ang mga taong namumuhi sa iyo. Sila ma'y muhi sa mahalay mong gawain.” (Ezekiel
16:27 MB)
Maliwanag sa mga talatang
ating sinipi sa itaas na ang ekspresyong “Anak na babae” (“daughters”) ay
maaaring gamitin para tumukoy sa mga tao o sa papulasyon ng isang dako (i.e.
“daughters of Judah”; “daughters of Philistines”). Kaya, alin ang karaniwang tinutukoy sa Matandang Tipan ng banggit na “Anak na
babae ng Sion”? [Subalit, huwag
magkakamali na ito lamang ang tinutukoy ng ekspresyong ito na tatalakayin natin
mamaya]
“This is the
word which the LORD has spoken concerning him: 'The virgin, the daughter of
Zion, Has despised you, laughed you to scorn; The daughter of Jerusalem Has
shaken her head behind your back!” (II Hari 19:21 NKJV)
“Ito ang salita
na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya. Niwalang kabuluhan ka ng anak na
dalaga ng Sion at tinatawanan ka, ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw
ang kaniyang ulo sa iyo.” (II Hari 19:21)
Maliwanag dito na ang “Anak na
Babae ng Sion” (“daughter of Zion”) ay katumbas ng “Anak na Babae ng Jerusalem”
(“daughter of Jerusalem”). Ang tinutukoy ay maliwanag na makikita sa KONTEKSTO:
“Nang
magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amos kay Ezechias, na nagsasabi,
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa
akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria, dininig kita. Ito ang salita na
sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya. Niwalang kabuluhan ka ng anak na
dalaga ng Sion at tinatawanan ka, ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw
ang kaniyang ulo sa iyo.” (II Hari 19:20-21)
Samakatuwid, malinaw na ang
karaniwang tinutukoy ng banggit ng Matandang Tipan na “Anak na Babae ng Sion”
ay tumutukoy sa “mga tao ng Jerusalem.” Pinatutunayan din ito ng mga
nagsipagsiyasat:
“DAUGHTER OF
ZION…A phrase that occurs frequently in the OT as a synonym for Jerusalem and
its people, since Jerusalem was built on Mt. Zion. The phrase was sometimes
used only of the women, but it could also refer to the whole population of the
city.” (International Standard Bible Encyclopedia, revised edition, s.v.
“Daughters of Zion”)
ANG “ANAK NA BABAE NG SION” SA
ISAIAS 62:11-12
Tulad ng ating nakita, ang
karaniwang tinutukoy ng ekspresyong “Anak na Babae ng Sion” ay ang “mga tao ng
Jerusalem.” Subalit, gaya ng ating nabanggit, may banggit din na “Anak na Babae
ng Sion” na hindi literal o hindi tumutukoy sa mga tao ng Jerusalem. Ito ang
nakasulat sa Isaias 62:11-12:
“The LORD has
made proclamation to the ends of the earth: ‘Say to the Daughter of Zion, 'See,
your Savior comes! See, his reward is with him, and his recompense accompanies
him.' They will be called the Holy People, the Redeemed of the LORD; and you
will be called Sought After, the City No Longer Deserted.” *Isaiah 62:11-12 NIV)
Sa talatang ito ay may
binabanggit din na “Anak na Babae ng Sion” (“Daughter of Zion”), ngunit
napansin ba ninyo ang pagkakaiba kaysa sa mga nasipi na nating bumabanggit din
sa “Anak na Babae ng Sion” at maging sa ibang mga talatang bumabanggit dito?
BINABANGGIT ANG PANAHON NG KANIYANG PAGLITAW – “The LORD has made proclamation to the ENDS OF THE EARTH: ‘Say to the
Daughter of Zion.” Dahil dito, natitiyak natin na ang binabangit dito sa
Isaias 62:11-12 na “Anak na Babae ng Sion” ay tumutukoy hindi sa “mga tao ng
Jerusalem” kundi sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw o sa mga wakas ng
lupa.
Ang banggit na “mga wakas ng
lupa” ay tumutukoy sa panahong malapit na ang “wakas” (Mateo 24:3 at 33), na
ang pasimula ng panahong ito ay hinuhudyatan ng pagsiklab ng “digmaang
aalingawngaw” na susundan ng isa pang digmaang kauri din niya, “bansa laban sa
bansa at kaharian laban sa kaharian”:
“At
mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan
ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari
datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa,
at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang
dako.” (Mateo 24:6-7)
Ang tinutukoy ditong “digmaan”
na hudyat ng pagsisimula ng panahong “mga wakas ng lupa” ay ang Unang Digmaang
Pandaigdig na sumiklab noong Hulyo 27, 1914. Pinatutunayan ito maging ng mga
kaibayo sa pananampalataya:
“Sinabi ngayon
ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod kung paano nila mahihinuha kapag ang daigdig
ay talagang pumapasok na sa pagsisimula ng panahon ng paghihirap...Ang paglapit
ng katapusan ng panahon ay kakikitaan ng ilang pangyayari sa daigdig na
nagyayari nang sabay-sabay. Ang mga pangyayaring iyon ay: 1. Maraming bansa na
tumitindig [o nag-aalsa] laban sa maraming ibang bansa 2. Mga kaharian na
tumitindig [o nag-aalsa] laban sa mga kaharian 3. Mga pagkakagutom 4. Mga
epidemya ng mga sakit 5. Mga lindol sa iba’t ibang dako. Sa Marcos kapitulo 13
ang salitang mga kaguluhan ay ginamit ng ating Panginoon sa halip na mga epidemya ng mga sakit...Mga
digmaan sa pagitan ng mga bansa, o kahit sa pagitan ng mga kaharian, ay
karaniwan at naging karaniwang pangyayari Itinala ng kasaysayan ang mga
pagkakagutom sa iba’t ibang panahon. Nagkaroon ng mga panahon ng matitinding
epidemya ng mga sakit, Nagkaroon ng mga paglindol sa nakaraan, subalit lalong
dumarami sa kasalukuyang panahon. Gayunman, sinasabi ni Jesus sa Kaniyang mga
alagad na naghihintay sa isang tiyak na panahon kung kailan ang lahat ng mga
pangyayari ito ay magiging kapansin-pansin nang sabay-sabay. Ang kauna-unahan
sa gayong panahon sa kasaysayan ng daigdig ay naganap sa mga taon ng Unang
Digmaang Pandaigdig (1914).” (Footnote Mathew 24:6-8 Last Days Bible, salin sa
Pilipino)
Ang binabanggit sa Isaias
62:11-12 ay ang “Anak na babae ng Sion na mula sa mga wakas ng lupa” o lilitaw
kaanlisabay ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Iglesia Ni Cristo na
lumitaw sa Pilipinas ay opisyal na natatag noong Hulyo 27, 1914, kaanlisabay ng
pagsiklab ng Unang Digmaang Pansanlibutan. Kaya, natitiyak natin na ang
tinutukoy sa hula ay ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw.
Tulad din ng paggamit sa
terminong “Jacob” at “Israel” na kaya natin natitiyak na ang binabanggit sa
Isaias 41:8-16 ay hindi tumutukoy sa literal na “Jacob” at “Israel” ay dahil
binanggit din ang panahon ng paglitaw – “Ikaw
na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa”:
“Huwag kang
matakot, ikaw na UOD NA JACOB, at kayong MGA TAO NG ISRAEL; aking tutulungan
ka; sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel…
“Ikaw na aking hinawakan mula sa MGA WAKAS NG
LUPA, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay
aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; Huwag kang matakot,
sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios;
aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang
kamay ng aking katuwiran.” (Isaias 41:14 at 9-10, amin ang pagbibigay-diin)
Samakatuwid, kailanman ay
walang itinuro si Kapatid na Felix Y. Manalo at ang Iglesia Ni Cristo na “lahat
ng binabanggit na ‘Anak na Babae ng Sion’ ay tumutukoy sa Iglesia Ni Cristo.”
Kaya, nagkakamali ang sinuman na basta may mabasa lamang na “Anak na Babae ng
Sion” ay magkoklusyon nang tumutukoy na sa “Iglesia Ni Cristo sa mga huling
araw.” Ang karaniwang paggamit ng Matandang Tipan sa ekspresyong “Anak na Babae
ng Sion” ay tumutukoy sa “mga tao ng Jerusalem” maliban sa Isaias 62:11-12. Natitiyak
natin na ang banggit na “Anak na Babae ng Sion” sa Isaias 62:11-12 ay hindi
isang karaniwang paggamit sa ekspresyong ito dahil sa binanggit din sa talata
ang panahon ng paglitaw, “mga wakas ng lupa.”
Ganda ng paliwanag dito. Tunay na nasa INC ang pagkaunawa sa Biblia.
ReplyDeleteHindi po ma share sa fb wall or messenger ang blog nyo po... May nag report po yata sa fb ... baka po maaayos nyo po... Thanks
ReplyDelete