Ang Dako ng Kapangakan ni Kapatid na Felix Y. Manalo
part 1
ANONG LALAWIGAN ANG NAKASASAKOP NOON SA BAYAN NG TAGUIG NANG IPANGANAK
ANG KAPATID NA FELIX Y. MANALO NOONG 1886?
Mapa ng Timog Katagalugan noong Ika-19 na
Siglo:
Kitang-kita sa mapang ito na noong Ika-19 na siglo ang Taguig ay
sakop ng Lalawigan ng Maynila at hindi ng Distrito ng Morong
ANG Kapatid na Felix Y.
Manalo ay ipinanganak noong Mayo 10, 1886 sa Sitio Calzada, sa Nayon ng Tipas,
sa Bayan ng Taguig. Noong 1886 ay anong lalawigan ang nakasasakop sa Bayan ng
Taguig? Rizal, Morong o Maynila?
Bago dumating ang mga Kastila,
ang Bayan ng Taguig ay bahagi ng kaharian ng Tondo. Ang bayang ito ay isa sa
mga naunang nakumberte sa Katolisismo nang magtagumpay ang mga Kastila sa
pananakop sa buong Luzon noon 1570s. Sa mga Ulat ng Encomiendas noong mga taong
1582-1583, isinasaad na ang “Tagui” (Taguig) ay nasa ilalim ng isang
encomiendero na may 660 populasyon at sakop ng makasaysayang Lalawigan ng
Tondo. Noong 1587 nang itatag ang Taguig bilang bukod na “pueblo” (bayan).
Noong 1860, sa pamamagitan ng
bisa ng Circular blg. 83 na may petsang Setyembre 2, 1859, ang Lalawigan ng
Tondo ay naging Lalawigan ng Maynila. ANG BAYAN NG TAGUIG AY KASAMA SA MGA
NAGING SAKOP NG LALAWIGAN NG MAYNILA. Naging sakop ng Lalawigan ng Maynila ang
Bayan ng Taguig mula 1860 hanggang 1901.
Noong 1853 ay itinatag ng
Pamahalaang Kastila ang isang distrito na tinawag nilang Distritos
Politico-Militar de los Montes de San Mateo. Sapagkat ang bayan ng Morong ang
kabisera ng distrito, noong 1857 ang pangalan ng distrito ay ginawang “Distrito
Politico-Militar de Morong.” Binubuo ito ng mga bayan ng Antipolo, Bosoboso,
Cainta, Taytay, Morong, Baras, Tanay, Pililla, Angono, Binangonan at Jalajala. PANSININ
NA HINDI NAGING SAKOP NG DISTRITO NG MORONG ANG BAYAN NG TAGUIG.
Ang Lalawigan ng Rizal ay
natatag noon lamang 1901, sa panahon ng mga Amerikano. Ang Lunsod ng Maynila sa
panahon ng mga Kastila ay ang Intramuros lamang. Nang dumating ang mga Amerikano ay pinalawak
nila ang Lunsod ng Maynila na idinagdag ang 15 pueblo na mula sa Lalawigan ng
Maynila. Ang mga nalabing bayan sa Lalawigan ng Maynila at ang mga bayan ng
Distrito ng Morong ay pinagsama noong 1901 upang bumuo sa Lalawigan ng Rizal. KAYA,
ANG LALAWIGAN NG RIZAL AY HINDI DATING MORONG.
Ang Lalawigan ng Rizal ay
isang bagong tatag na lalawigan noong 1901 na natatag bunga ng pagsasama ng mga
nalabi sa Lalawigan ng Maynila at ng mga bayan ng Distrito ng Morong. Nang matatag
ang Lalawigan ng Rizal noong 1901, ang Distrito ng Morong at ang Lalawigan ng
Maynila ay kapwa na-dissolved. Ang bayan ng Taguig ay kabilang sa mga naging
sakop noon ng Rizal. Kaya, sakop ng Rizal ang Taguig mula lamang 1901 hanggang 1975
nang itatag ang National Capital Region (Metro Manila) na ang Taguig ay
kabilang sa mga bumubuo rito.
SAMAKATUWID, NANG IPANGANAK SI
KAPATID NA FELIX Y. MANALO NOONG 1886, ANG MAKASAYSAYANG “LALAWIGAN NG MAYNILA”
ANG NAKASASAKOP NOON SA BAYAN NG TAGUIG.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.