UKOL SA
PAGDIRIWANG NG MOTHER’S DAY/FATHER’S DAY
ANG MOTHER’S DAY (ipinagdiriwang
sa ikalawang Linggo ng Buwan ng Mayo) at ang FATHER’S DAY (ipinagdiriwang sa
ikatlong Linggo ng Buwan ng Hunyo) ay kapuwa SECULAR HOLIDAYS:
“In
the Philippines, Mother's Day is officially celebrated every second sunday of
May, but it is not a public holiday. Although not a traditional Filipino
holiday, the occasion owes its popularity to American influence, and is thus
more commonly celebrated every second Sunday of May like in the United States.
“According
to a 2008 article by the Philippine News Agency, in 1921 the Ilocos Norte
Federation of Women's Clubs asked to declare the first Monday of December as
Mother's Day ‘to honor these fabulous women who brought forth God’s children
into this world.’ In response, Governor-General Charles Yeater issued Circular
No. 33 declaring the celebration. In 1937 President Manuel L. Quezon issued
Presidential Proclamation No. 213, changing the name of the occasion from
"Mother's Day" to "Parent's Day" to address the complaints
that there wasn't a "Father's Day". In 1980 President Ferdinand
Marcos issued Presidential Proclamation No. 2037 proclaiming the date as both
Mother's Day and Father's Day. In 1988 President Corazon Aquino issued
Presidential Proclamation No. 266, changing Mother's Day to the second Sunday
of May, and Father's Day to the third Sunday of June, discontinuing the
traditional date.” [from Wikipedia]
Ang “Secular Holiday” ay mga
pagdiriwang o holiday na walang kinalaman sa relihiyon o hindi nakaugnay sa
relihiyon tulad ng “Independence Day” at “Labor Day”.
KAYA, hindi nangangailangan na
magkaroon ng anumang aktibidad na may kinalaman dito ang Iglesia (ang mga
lokal, distrito at mga kapisanang pansambayahan). SUBALIT, kung ang mga kaanib
sa glesia ay nais na ipagdiwang ang mga okasyong ito para sa kanilang ina/ama tulad
ng lunch/dinner o iba pang mga aktibidad ay maaari nilang gawin bilang
aktibidad na pampamilya, ngunit hindi bilang aktibidad na pang-Iglesia. Hindi
rin pinagbabawalan ang mga kapatid na bumati ng Happy Mother's Day/Happy Father's
Day.
Tulad lamang ito ng "Independence
Day" o ng "American Thanksgiving" na pawang mga “secular holiday”
din gaya ng Mother's Day at Father's Day. Hindi tayo nagsasagawa ng anumang
aktibidad na pang-Iglesia para sa mga “secular holidays” na ito. Subalit, walang
masama kung bumati man tayo nang “Happy Independence Day”. Wala ring masama na
sumama tayo sa pagdiriwang mga secular holidays na ito hanggat walang nalalabag
na aral ng Biblia.
SUBALIT, dapat din nating mabatid
na may isa pang “Mother’s Day” (na IBA sa secular na Mother’s Day) na ang
talagang tawag ay “Mothering Sunday” na ipinagdiriwang lalo na sa Europa (dahil
sa tinatawag din ng iba ito na “Mother’s Day” kaya naipagkakamali ng iba sa
secular na Mother’s Day). Ang hoiday na ito na ipinagdiriwang sa iba’t ibang
panig ng Europa ay hindi isang simpleng pagpaparangal lamang sa ina (hindi katulad
ng secular na Mother’s Day). Ang holiday na ito ay nagmula sa aral na
sumasalungat sa aral ng Biblia na itinataguyod ng tunay na Iglesia Ni Cristo. Ang
talagang tawag dito ay “Mothering Sunday” na ipinagdiriwang ng mga katoliko o
Protestante na magsasagawa ng isang araw upang bumisita sa kanilang "mother
church". Ang holiday na ito ay nakaugnay din sa pagdiriwang ng mga
Katoliko at Protestante ng kanilang “Semana Santa” (“Lenten Season”), maitutulad
sa ipinagdiriwang ng mga Katoliko sa Pilipinas na “bisita iglesia” tuwing
Semana Santa. Sa “Mother’s Day” (Mothering Sunday) na ito pinagbabawalan tayo
na sumama o makilahok.
SAMAKATUWID, ang mga kaanib sa
Iglesia Ni Cristo ay HINDI PINAGBABAWALAN na ipagdiwang ang SECULAR HOLIDAY na
Mother’s Day (ipinagdiriwang sa ikalawang Linggo ng Mayo) kung nais nila hanggat
walang nalalabag na aral ng Biblia, subalit hindi pinahihintulutan na lumahok
sa “Mothering Sunday” (ipinagdiriwang sa Europa bilang bahagi ng kanilang Lenten
Season, isang religious observance ng mga Katoliko at Protestante) na iba sa secular
na “Mother’s Day”.
Tagalog translation of:
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2017/05/on-mothers-day-and-fathers-day.html
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.